Dahil sa magkasunod na tanong sa Doctor agad itong nahimasmasan.
“Ahh ha? Ah..ito ang anak n’yo Sir.” Tarantang tinuro niya ang bata na bagong lagay niya sa baby bed.
Biglang napalis ang pagkayamot sa mukha ni Tyler ng makita ang anak niya. Matapos niyang magdis-infect ng kamay, agad niyang kinarga ang sanggol.
“Boss, akala ko dati ayaw mo ng anak?” Hindi nakatiis si Dennis na tanungin siya.
Salubong ang kilay na tinapunan niya ito ng tingin. "When did you become interested in my private life?"
Nakamot ni Dennis ang ulo at hindi nagawang makasagot sa kanyang Boss.
“Kunin mo ang mga pinamili ko sa kotse.” Lumabas siya habang karga pa rin ang bata. Sumunod naman sa likuran niya si Dennis upang kunin ang kanyang pinamili.
"Tyler Hanes! Idol!"
"Pwedeng magpapicture?"
As usual, nakuha na naman ni Tyler Hanes ang atensyon ng lahat sa loob ng ospital ng makita siya.
Pinalabas niya ang kanyang nakakaakit na mga ngiti na kinababaliwan ng lahat. Nagtilian ang mga kababaihan na nangangarap na mahawakan man lang niya. "I'm sorry, not now. Next time na lang, please."
Akmang susugurin siya ng mga ito upang magpapicture ng mabilis ang mga bodyguard niya sa pagharang at baka mapahamak ang anak niya, kapag dinumog siya ng kanyang mga fans.
Saka pa lang ang mga ito tumigil ng makapasok na siya sa loob ng silid kung saan nakahiga pa rin at natutulog si Jeckaye.
Isang oras ang makalipas, nagising si Jeckaye ngunit hindi siya dumilat ng mga mata. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi nito.
“Just go to sleep, okay? Don’t worry, pupuntahan kita.” Tumahimik muna ito at pinakinggan ang sinasabi ng kabilang linya. "Alright, sasabihin ko sa kanya."
Kahit hindi nito sabihin alam niya kung sino ang kausap nito. Naging malambing lamang ang boses ni Tyler kapag si Lezlie ang kausap. Kailan ba ito naging malambing sa kanya? Kailan ba nito pinaramdam sa kanya na mahalaga din siya? Kumirot bigla ang puso niya ngunit hindi niya iyon pinahalata. Masakit pala ibigin ang lalakin 'to. Naramdaman niyang may gumalaw sa tabi niya kasabay ng mahinang pag-iyak nito. "Baby?" Hindi niya matiis na hindi idilat ang mga mata upang tingnan ang nasa tabi niya.
Napaluha siya ng makita ang kanyang anak. Sinulyapan niya si Tyler, nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa glass window. Nasa bulsa ng pantalon ang kabilang kamay habang ang isa ay nakahawak sa cellphone nito na nakadikit sa tainga.
Bahagya siyang bumangon upang kandungin sana ang anak ngunit nagulat siya ng may mga kamay na umalalay sa likuran niya upang siya'y makabangon.
"Salamat," tipid niyang wika ngunit hindi niya makuhang lingunin ito. Nakatuon ang kanyang atensyon sa anak niya. "Baby, kargahin ka ni Mommy." Buong ingat niyang binuhat ang anak at dinala sa kanyang dibdib.
"Nagugutom ka na ba?" Akmang ilalabas na niya ang kanyang s**o ng matigilan siya dahil sa mga matang nakatingin sa kanya.
Tila napansin naman nito na nahihiya siya kaya agad itong tumayo at pumunta sa maliit na mesa. Kinuha nito ang mga prutas doon. "Ano ang gusto mong kainin?"
Habang nagpapadede, nagtaka siya kung bakit nag-iba na naman ang pakikitungo nito sa kanya. Concern ba ito? Ngunit ayaw na niyang isipin na iyon nga ang rason. Siya lang din ang nasasaktan. "Hindi pa ako nagugutom." Mahina niyang sagot habang nakatuon ang atensyon sa kanyang anak.
"Kailangan mong kumain. Paano kung mabinat ka dahil lagi kang nagpapalipas ng gutom?" Ramdam niya ang pagiging strict sa boses nito. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Hindi siya sumagot.
Nagbuga ng hangin si Tyler. Naninibago siya dahil malamig na pakikitungo ni Jeckaye sa kanya.
"About doon sa kontrata ng kasal natin—"
"Walang problema, pipirma ako."
Lalong kumunot ang noo niya dahil sa pag-agaw nito ng kanyang pagsasalita.
"Hindi pa ako tapos—" Tinapunan niya ng matalim na tingin si Dennis ng makita itong nakaupo pa rin sa couch at nakikinig sa kanila. Naiintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin kaya agad itong lumabas.
Matapos niyang ilagay ang lahat ng sariwang prutas sa fruit tray nilapag niya ito sa table na katabi lang din ng kama nito.
"Nakapag-usap na kami ni Lezlie kanina." pagsisimula niya. Nang makitang wala reaksyon sa asawa, saka niya idinagdag. May taning na ang buhay niya, kaya gusto kong ibigay ang lahat ng nakakapagpasaya sa kanya—" Nag pause muna siya sa pagsasalita at umupo sa plastic chair. "Kasama na doon ang kasal namin," muli niyang dagdag.
Umangat siya ng mukha ngunit hindi tumingin sa asawa. Sinubukan niyang maging matatag at palakasin ang boses niya.
“Okay.” Tipid niyang sagot na para bang okay lang talaga sa kanya ang sinabi nito. Ngunit ang totoo, pilit lang niyang pinipigilan ang sarili niya. Ayaw niyang umiyak. Siya lang naman ang may gustong magpakasal sila ni Tyler. Alam na nga niyang may girlfriend na ito ngunit nagpupumilit pa rin siya na panagutan ang pinagbubuntis niya.
“Yun lang?” Tanong nito. Tila may gusto pa itong marinig mula sa kanya.
“Bakit? Hindi ba iyon naman ang gusto mo?” Binalingan niya ang asawa sa blangko niyang ekspresyon. Nakita niya ang pagtango nito ng walang makuha na ibang sagot mula sa kanya.
“Alright, paglabas mo ng ospital ipapahanda ko ang divorce paper.”
Hindi pa talaga ito nakuntento sa sakit na nararamdaman niya. Mas lalo pa nitong dinurog ng pinong-pino ang puso niya ng wala man lang paghihinayang ang boses nito na hiwalayan siya.
Inaasahan na niya itong mangyari kaya hinanda na niya ang sarili upang maging manhid ang damdamin niya. Ayaw na niyang maramdaman ang sobrang sakit kapag dumating ang araw na tuluyan na silang iwan ng kanyang anak.
“Okay sige." Nginitian niya ito at muling binaling ang atensyon sa pagpapadede sa kanyang anak. Ito na lang ang meron siya ngayon. Kaya hindi siya papayag na maghihiwalay sila.
Nakuyom ni Tyler ang kamao. Bakit ba pakiramdam niya balewala lang sa asawa niya ang paghihiwalay nila? Lahat ng babae halos sambahin siya upang mahalin niya lang. Ngunit ang babaeng ito sa loob ng siyam na buwan na magkasama sila sa iisang bubong, hindi man lang nahulog ang loob sa kanya. Ganun ba ka walang epekto ang presensya niya? Akala niya noon pinilit siya nitong magpakasal sila dahil may lihim itong motibo kung bakit gusto itong pumasok sa buhay niya. Ginawa pang dahilan ang pinagbubuntis nito. Hindi rin niya alam kung bakit napapayag siya nito na magpakasal sila. Kung gugustuhin niya hindi siya magpapakasal sa babaeng ito. Ngunit masasabi niyang malaki rin ang tulong nito sa kanya para maantala ang kasal nila ni Lezlie. Nagsimula silang magkakilala ni Lezlie fifteen years ago. Iniligtas siya nito mula sa rumaragasang sasakyan. Ten years old pa lang siya noong mga panahon na iyon. Simula noon, pakiramdam niya responsibilidad na niya ito. Dahil naging close silang dalawa, nakapagpalagayan na rin ng loob ng kanilang mga magulang na ipakasal sila nang tumungtong sila sa tamang edad. Ngunit nagbago ang lahat ng aksidente niyang nabuntis si Jeckaye. Nakalimot siya sa sarili niya kaya hindi niya nagawang gumamit ng proteksyon.
Napadapo ang atensyon ng kanyang mga mata sa anak niya. Sa tuwing tinitingnan niya ito, masasabi niyang ang kanyang anak ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.
"Kaye,"
Naudlot ang pag tubig ng mga mata ni Jeckaye ng marinig ang tawag ni Tyler. Kaye ang tawag nito sa kanya kapag naglalambing ito.
"Hmmm?" Mahina niyang sagot at nagkunwari na naka focus ang atensyon sa pagpapadede sa kanyang anak. Nagpapasalamat siya at nasa likuran niya ito kaya hindi agad mahalata ang pag-iyak niya. Hindi nito makikita na nasasaktan siya.
"I'm sorry,"
Natigilan siya ng marinig ang sinabi nito. "Para saan?" Kunwari nagtataka niyang sagot.
"Hindi ako naging mabuting asawa."
Bumagsak ang luha niya ngunit pasimple niyang pinahid iyon. "Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Pareho nating alam na walang pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa." Buo pa rin ang boses niya sa pagsagot. Hindi man lang nakitaan na nasasaktan siya. "Thank you." Dagdag sa sinabi niya dahilan upang magkunot ang noo nito ng binalingan niya.
"For what?" Naintriga nitong tanong. Nahihiwagaan na yata ito sa kanya.
"Para sa siyam na buwan na suporta sa amin ng anak mo. Gusto kong paglabas ng hospital doon muna kami sa apartment ko titira."
"No!" Kontra nito sa sinabi niya. Tiningnan niya ito ng may pagtataka. "I mean, hindi ako papayag. Gusto kong laging nakikita ang anak ko." Katwiran nito.
"Pwede mo siyang bisitahin anytime you want," saad niya.
"Ayaw kong magduda si Lezlie sa akin. Baka kung ano ang iisipin niya kapag binibisita ko ang anak ko. Ayaw ko siyang masaktan."
Heto na naman. Ramdam niya kung paano madurog ang puso niya sa loob. Mabuti pa si Lezlie ayaw nitong masaktan. Ngunit siya? Hindi ba nito nararamdaman na nasasaktan din siya? "Ano ngayon ang plano mo? Na patirahin ulit kami sa isang bubong? Ikaw mismo ang nagsabi na may taning na ang buhay niya. Baka pag nagsama kami lalong mapadali ang buhay niya at iwan ka."
Nagulat siya ng biglang umigkas ang kamay nito ngunit napako lang ito sa hangin at hindi nagawang tamaan siya. Galit na galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Sasampalin mo ako? Bakit hindi mo tinuloy?" Nakita niya itong nagbaba ng kamay.
"Don't ever say that again. Kung hindi dahil sa nagpupumilit ka na makasal tayo hindi ko sana siya nasaktan ng ganito." Madiin nitong pagkakasabi.
Mapakla siyang ngumiti. "At sa tingin mo ang pagsama namin sa isang bubong hindi siya nasasaktan? Nakalimutan mo na ba kung paano ko siya tratuhin? Kung paano ko siya itulak sa pool? Pahiyain sa mga bisita niya? At kung paano oo siya nakawan?" Sinubukan niyang ipaalala rito ang mga away nila ni Lezlie noon ng magsama sila sa iisang bubong. Lahat ng sinabi niya kabaliktaran iyon. Wala siyang choice kundi piliin ang sasabihin dahil iyon ang matagal ng pinaniniwalaan ni Tyler. Lahat ng sinasabi niya walang kabuluhan dahil si Lezlie lang ang pinaniniwalaan nito.
Ng minsan naglilinis siya sa pool, lumapit din si Lezlie at hinawakan ang kamay niya, ngunit hindi niya inaasahan na tatalon ito sa pool at nagkunwaring tinulak niya. Nang minsan na nagdala ito ng bisita, inutusan siyang magtimpla ng juice. Pinagbintangan siyang nilagyan niya raw ng chili powder ang juice na yun kaya namamaga ang lalamunan ng kaibigan nito. Nagtaka din siya isang beses kung bakit napunta sa silid niya ang mamahaling relo nito at pinagbintangan siyang ninakaw niya iyon. Lahat ginawa nito upang maging masama ang tingin ni Tyler sa kanya. At dahil sa mahal na mahal ni Tyler si Lezlie kaya wala itong pinaniniwalaan kundi ang babaeng yun lang.
"Sa bahay kayo titira ng anak ko. Si Lezlie ililipat ko sa condo."
Narinig niyang sinabi ni Tyler dahilan upang mapaawang ang labi niya. Anong nangyari sa lalaking ito? Hindi ba dapat si Lezlie ang nasa mansyon dahil mas mahal niya ito?