Share

Kabanata 0005

last update Huling Na-update: 2023-07-12 01:47:31

Tila naman naramdaman ni Lezlie ang pagtataka sa mga mata ni Tyler kaya inayos niyang muli ang aura niya at baka mahalata nito na wala talaga siyang sakit. Bweset kasi ang babaeng yun, inuubos talaga ang pasensya niya.

"I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro epekto ito ng mga gamot na iniinom ko. Medyo sumikip ang dibdib ko. Balik muna ako sa silid natin." Nagmamadali siyang bumalik sa kanilang silid. Naiwan si Tyler na nahihiwagaan sa inaakto ni Lezlie.

Pagdating sa silid, Agad na kinuha ni Lezlie ang kanyang cellphone. Hindi na pwede ito. Namumula siya sa galit na tinawagan si Olivia.

"Bukas makalawa, ituloy natin ang plano. Kailangan ng mabura sa landas ko ang babaeng yan. Nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ni Tyler sa kanya. Habang tumatagal lalong lumalantad ang sikreto ko." Kahit pabulong ang pagkakasabi niya bakas pa rin sa boses niya ang sobrang galit.

"Areglado Boss. Sabihin mo lang kung anong oras."

"Hintayin mo ang text message ko." Agad na niyang pinatay ang tawag ng marinig ang mga yapak ng paa na papalapit sa kanilang silid.

"Ma'am, kukunin ko lang sana ang mga gamit ni Ma'am Jeckaye na hinatid ko kanina." Bungad ng driver.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sabihin mo sa kanya siya ang pumunta rito. Wala siyang karapatan na utusan ang kahit sino sa loob ng mansyon dahil hindi naman siya ang nagpapasahod!"

"Okay lang naman sa akin na utusan niya Ma'am. Naintindihan ko naman po ang sitwasyon ni Ma'am Jeckaye dahil may anak siya." Paliwanag ni Mang Kulas.

"Sumasagot ka pa! Balikan mo siya at sabihin na siya ang kukuha rito!"

Nakamot ni Mang Kulas ang ulo. Tumalima na lang siya at pinuntahan si Jeckaye.

Ilang minuto ang nakalipas kasunod na niya ito na bumalik.

Malapad ang ngisi ni Lezlie habang hinihintay ang paglapit ni Jeckaye.

"Mang Kulas, pasuyo na lang ako ng mga gamit namin." Pakiusap ni Jeckaye sa matanda.

"Hep..hep.." Agad na pigil ni Lezlie sa matanda. "Sinabi ko bang ikaw ang kukuha? Hayaan mo siyang damputin ang basura niya!"

Kunot-noong binalingan ni Jeckaye ang babae. Kanina pa siya nanggigigil rito. Okay lang sana kung gamit niya lang ang kinukuha niya dahil hahayaan niya lang ito. Ngunit mga gamit ng anak niya ang mahalaga na makuha niya kaya kahit ayaw niyang lumabas ng silid ay tiniis niya dahil kailangan rin niyang bihisan ang anak.

"Oh! sorry, akin na ang baby mo para hindi ka na mahirapan na damputin ang mga basura ninyong mag-ina." Pang -iinis nito sa kanya dahilan upang patulan niya.

"Huwag mong subukang idikit ang mga kamay mo sa anak ko, sigurado akong gagaling 'yang cancer mo!" Pagbabanta niya rito.

Ngunit sa halip na masindak ito, malakas na pagtawa pa ang kanyang narinig.

"Oh, I'm scared. Shhh.. Huwag maingay baka marinig ka ni Tyler. Hahaha! Akin na ang bata." Hindi niya alam kung bakit interesado ito sa anak niya. Pinipilit nitong kunin sa kanya ngunit ayaw niyang ibigay kaya ito umiyak. Galit niyang tinulak ito dahilan upang muntik na itong matumba. Nagtaka siya ng bigla na lang itong umiyak na para bang katapusan na ng buhay nito.

"What is this?"

Sabay silang napatingin sa gawi ni Tyler ng marinig ang boses nito. Nakuyom ni Jeckaye ang kamao. Alam na niya kung bakit umiral na naman ang kadramahan ng babaeng ito. It turns out na nakita na nito si Tyler. Patakbo itong yumakap sa kanyang asawa.

"Babe, nahihirapan akong huminga. Sumasakit ang buong katawan ko. Pinuntahan ako ng babaeng 'yan upang saktan na naman. Good thing na nakita mo, kung hindi magsisinungaling na naman siya."

Binalingan siya ni Tyler. Hinihintay nito na magsalita siya ngunit hindi niya ginawa. Bakit pa? Kung madalas kapag nagpapaliwanag siya, in the end si Lezlie pa rin ang pinapakinggan nito, kaya useless lang ang laway niya.

"Kaye, may sasabihin ka ba?"

Bahagya siyang nagulat dahil sa tanong nito. Dati hindi man lang siya binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ngunit ngayon hindi niya alam kung ano ang nangyari bakit bigla na iyong naging interesado sa paliwanag niya.

"Narinig mo ang sinabi niya," sagot niya dahilan upang mapakunot ito ng noo.

"Hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo?"

Umangat siya ng mukha upang tingnan ang asawa. Ano ang nakain nito? Nakalunok ba ito ng konsensya at biglang nag-iba ang trato sa kanya?" Tanong niya sa sarili. "Ano ba ang gusto mong marinig? Nakita mismo ng dalawa mong mata na tinulak ko siya. Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit ko siya tinulak?"

Dahil sa narinig tarantang inagaw ni Lezlie ang eksena.

"Babe, ano pa bang paliwanag ang sasabihin niya. Nakita mo na mismo na tinulak niya ako di ba?"

"Naghihintay ako, Kaye." Nanatiling napako ang tingin ni Tyler kay Jeckaye ngunit wala siyang sagot na nakuha mula rito. Napaisip tuloy siya kung ano ang ginawa niya sa nakaraan, bakit natatakot ito ngayon na pagkatiwalaan siya. Kaya niya tinanong dahil alam niyang may malalim na dahilan kung bakit nito tinulak si Lezlie. Karga nito si Daric at hindi nito gugustuhin makipag-away na walang dahilan. At saka bakit ba nandito ito ngayon? Napansin niya ang Driver sa tabi ng asawa. Alam niyang saksi ito sa mga nangyari. “Mang Kulas, anong nangyari?”

“Ah…kwan Sir—”

“Ngayon lang siya dumating Babe. Huwag mong idamay si Mang Kulas dahil wala siyang alam sa mga nangyari.” Agaw ni Lezlie sa gusto pa sanang sabihin ng matandang driver. Nagbabanta ang kanyang mga tingin na nagpapahiwatig huwag itong magsalita.

“Lezlie, hayaan mong magsalita si Mang Kulas, bakit ka ba sagot ng sagot?” Malumanay ngunit halata ang iritasyon sa boses niya.

Lihim na nanggangalaiti ang kalooban ni Lezlie. Muntik na siya. “Huwag ka lang magkamali tanda, isusunod talaga kita sa papatayin ko.” sa loob-loob niya.

“Ah,Sir, gusto lang kasi ni Maam Jeckaye na kunin ang mga gamit nila ng anak n’yo kaya lang ayaw ibigay ni Maam Lezlie.” Pag-amin ng matanda dahilan upang pamulahan ng mukha si Lezlie.

Binalingan ito ni Tyler. Mabilis naman sa ito sa pagkapit sa braso niya.

“Babe, ang totoo niyan pinapunta ko lang kasi siya upang hindi ka na mahirapan na papirmahin siya sa Divorce paper. Ngunit sa halip na maintindihan niya ako, nagalit pa siya at heto pinagbuhatan pa niya ako ng kamay.

SLAP!

Gulat silang lahat ng makita ang pagsampal ni Jeckaye kay Lezlie sa harap mismo ni Tyler. Napahawak si Lezlie sa kanyang pisngi na namanhid dahil sa malakas na sampal ni Jeckaye.

“Kaye!” sigaw ni Tyler at kunot noong hinawakan ang kamay ni Jeckaye. Binitawan niya rin agad ito ng makita ang nakakapaso na mga titig nito sa kanya.

"Nakita mo na ang ginawa ko, Tyler, kaya hayaan mo na kami ng anak mo bumalik sa apartment." Nakikiusap ito.

Nakuyom ni Tyler ang kamao. Halatang nahihirapan siyang magdesisyon.

"Saka na natin pag-usapan yan Kaye. Ang tanong ko ang dapat mong sagutin. Nagalit ka ba kay Lezlie dahil sa divorce paper?" Hindi niya maintindihan kung bakit pa niya ito itinatanong. Maliwanag naman na gusto nilang maghiwalay sa isa't-isa. Ngunit bakit mayroon siyang naramdaman na umaasa siyang makiusap ito sa kanya.

"I will sign the divorce paper, Where is it?" Walang ekspresyon nitong sagot dahilan upang mapaawang ang kanyang mga labi.
Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Judelyn Luceños
ang ganda next po ...
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Good job Kaye nakakainit na ng ulo si Lezlie sa mga kasinungalingan niya eh. kaya deserved na masampal.
goodnovel comment avatar
Cljz
na hb ako sayo tyler... buti nga sayo lezlie thank you miss.A...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0006

    Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siya

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0007

    "Kaye, gabi na. Baka mapano ang bata." Sigaw niya habang hinahabol ito."Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa kanya." Sagot din ni Jeckaye habang patuloy sa paglalakad."Dammit, Kaye!" Sigaw niya at mas lalo pang nilakihan ang paghakbang pababa ng hagdan. "Ako na ang magdadrive Mang Kulas." Pa

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0008

    Sumilip si Jeckaye sa bahagyang nakaawang na bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan matatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Tyler. “I’m sorry Tyler, ngunit kailangan kong gawin ito.” Nagbabadya ang kanyang mga mata na bumalik sa kama upang umupo. Ngayon na ang tamang panahon upang umuwi sila ng kan

    Huling Na-update : 2023-07-16
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0009

    “Minahal ko lang siya bilang kaibigan.” pag-amin niya rito. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi nito habang nakatingin sa kanya; Kaya naman naisip niyang magpaliwanag. “Siya ang nagligtas sa akin noon kaya nong hiningi ng mga magulang niya sa mga magulang ko na ikasal kaming dalawa, hindi ako tumu

    Huling Na-update : 2023-07-16
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0010

    Napabalikwas ng bangon si Jeckaye ng marinig ang pagkalabog ng pintuan sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba at sinilip mula sa doorbell camera kung sino ang tao sa labas ng pintuan. “Kaye,” mahinang boses ang narinig niya sa labas na tumatawag sa pangalan niya. Nagtaka siya ng napagtanto na si Tyle

    Huling Na-update : 2023-07-16
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0011

    “Baka nakalimutan mo na Divorce na tayo,, Tyler.” Wika niya habang pilit tinatanggal ang mga kamay nito na nakapulupot sa baywang niya. “No. Hindi pa ako pumirma.” Natigilan siya ng marinig ito. HIndi pa ba ito pumirma? “Pumirma na ako, so Divorce na tayo.” sagot niya. “Para sayo, ngunit para sa

    Huling Na-update : 2023-07-16
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0012

    “Mga Ogag, sandali!” Tumigil sa paghatak sa kanya ang limang lalaki mula sa loob ng taxi ng marinig ang pagsigaw ng isang babae. Lumingon ang mga ito. “Boss Olivia,” tawag ng isa. “Dahan-dahanin ninyo ang paghila sa kanya baka mapano ang bata. Kailangan yan ni Madam Lezlie. Bahala na kayo sa baba

    Huling Na-update : 2023-07-16
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0013

    — Samantalang twenty minutes na naghihintay si Alfie sa airport. Kalalapag lang ng kanilang eroplano. Ang sabi ng kapatid niya nandito na ang mga ito bago mag alas sais, ngunit 6:20 na wala pa rin ito. Bigla siyang kinabahan. “Search the Entire Airport!” Bakas ang galit sa boses niya. Kapag may na

    Huling Na-update : 2023-07-16

Pinakabagong kabanata

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0187

    “Madam, dala na namin ang mga ebidensya.” Inilatag ng lider ang 4x6 size na brown envelope sa ibabaw ng crystal table na kasalukuyang nasa harapan ng babaeng boss.Sumilay ang ngiti sa labi ni Dianne nang makita ito. Ibinaba niya ang glass of wine na hawak at dinampot ito. Akmang bubuksan na niya ng

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0186

    “Boss, positive. May relasyon nga sila ng lalaki.” Nakangiti ang lalaki habang nakikipag-usap sa boss mula sa kabilang linya. Hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa dalawang nilalang na magkaakbay pa habang naglalakad papasok sa loob ng katamtamang laki ng bahay.“Sigurado ka? May ebidensya ka?”

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0185

    “Someone send this letter.” Sabay bigay ni Chris bago paandarin ang makina ng sasakyan. Habang naglalagay ng seat belt, nakatuon bigla ang atensyon ni Amor sa puting papel na ibinigay ng Kuya Chris niya. The letter looks familiar. Out of Curiousity, binuklat pa rin niya iyon.Nanlaki ang kanyang mg

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0184

    Paglabas ng Lee Group of Companies, walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Amor. Sa wakas may trabaho na ulit siya. Hindi niya magawang makapagtrabaho sa states dahil alam niyang gagamitin ng kanyang ina ang impluwensya upang walang kumpanya na maaaring tumanggap sa kanya. Laking pasasalamat n

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0183

    Binalingan ni Amor si Dianne na kasalukuyang nkahawak pa rin sa pregnancy test result at parang hindi makapaniwala sa nabasa nito.Galit niyang hinablot ang result at tinaasan ito ng kilay. “Bakit ayaw mong maniwala na negative ang result? Duda ka ba sa kakayahan ng Doctor?”“Hindi sa nagdududa ako

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0182

    Nasa loob siya ng hidden room at nalaman niya ito dahil sinabi ng kanyang kaibigan na si Tommy. Binigyan siya ng security code kung paano ito buksan. Walang ibang nakakaalam maliban lamang sa mga magulang nito. Dahil siya na ang bagong may-ari kaya sinabi na lang ni Tommy ang tungkol dito sa kanya.

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0181

    “Are you okay?” Nag-alalang tanong ni Miss Yumi at hinawakan si Amor nang muntik itong matumba.Napahawak rin si Amor kay Miss Yumi hanggang sa makabawi siya at matanggal ang pagkahilo. “I’m fine, Ma’am. Hindi lang ako nakapag-almusal kaninang umaga kaya siguro umatake ang acid reflux ko.” Pagdadahi

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0180

    Nakakunot ang noo ni Amor nang buksan niya ang folder. Nagtaka siya dahil walang laman na questionnaire sa loob niyon, sa halip isang blankong papel. Ilang beses niyang binaliktad iyon ngunit wala talagang nakasulat kahit isang tanong man lang. Paano niya ito sasagutan kung wala namang tanong?Binal

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0179

    “Good Luck. Sana’y mahanap mo ang kasiyahan sa bago mong trabaho.” Mahinang bulong niya sa hangin habang sinusundan ng tingin ang papalayong dalaga.=======“Good Morning. I’m here for an interview.” hinihingal niyang bungad ni Amor sa gwardya pagdating niya sa entrance.Tiningnan lang siya ng guwar

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status