Share

KABANATA 56

Hinintay ko pa rin ang sagot niya pero tinalikuran lang niya kami.

"Ate anong next na susuotin ko?" tanong niya. Umiwas, ibig sabihin may naramdaman din siya sa kaibigan ko pero gaya ng inisip ko kanina may pumigil sa kanya. Kung wala siyang naramdaman, pwede naman niyang sabihin na 'wala siyang naramdaman'.

"Ate bakit wala na akong shoot sa mga swimwear o two piece?" takang tanong niya sa manager niya.

Napatingin ako sa kaibigan ko at nginisihan ka. May bawal na agad? girlfriend na? gusto ko siyang asarin pero hindi nalang ako nagsalita.

"Ito yung pinasuot ng management," mahinahong sabi ng manager niya at tumingin kay Zep, napatingin din si Layviel sa kaibigan ko na parang nakalimutan na nandito pa pala ang bagong boss niya.

Tiningnan niya lang ang kaibigan ko at hindi na nasalita ay pumasok nalang sa kurtina kung saan siya magbihis.

"Sorry sa istorbo, aalis na kami," paalam ng kaibigan ko.

Sorry sa istorbo? seryoso siya diyan? gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status