Nang kinagabihan, tinawagan ko si Layviel. Alam kong nakauwi na siya dahil nakausap na kami ni ate. Kakatawag niya lang kay Layviel, kaya ngayon ako naman ang tatawag sa babaeng yun. Nakakainis, hindi pa siya umalis pero na miss ko na agad siya.Sinagot naman agad ni Layviel ang tawag ko. Dapat lang talaga, magtatampo ako kapag nag ring ng matagal ang cellphone ko."So hindi ka na papasok bukas?" agad kong bungad sa kanya. Ngayon lang talaga ulit kami hindi magkasama, para ko na siyang kapatid, hindi na ako mapakali na malayo siya sa akin."[Mag bakasyon ako, sumunod ka sa akin,]" sabi niya sa kabilang linya."Hindi mo sinabi sa akin," nagtatampo kong sabi. Kanina ko lang din nalaman kasi noong tumawag si ate. Medyo late na kaya nagtampo ako ngayon sa kanya, pero ang totoo talaga na miss ko ma agad siya."[Kasi biglaan ko rin itong desisyon,]" mahinahong sabi niya.Alam ko at mas gusto kong lumayo ka muna para hindi ka pulutan ng mga tao dito, lasing sa issue at gusto na ng pulutan ha
"[Sabi mo iyan ha, lagot ka sa akin kapag hindi ulit matutuloy itong plano natin,]" sabi niya habang naramdaman kong nakangiti siya habang sinabi iyun. Parang hindi lang ako ang nakakamiss sa bonding namin, parang pati siya habang binalikan namin lahat ang nangyari dati."Isama natin si Ate para hindi magagalit kapag mag bakasyon tayo," sabi ko. Pareho namang mahalaga sa amin si ate, hindi talaga namin siya makakalimutan hanggang sa mag retire na kami.Lahat ng tulong niya sa amin, laking pasalamat namin sa kanya."[Hindi iyun magagalit,]" simpleng sabi niya. Alam ko naman iyun pero gusto kong isama si ate dahil deserve niya rin ng bakasyon, lalo na't siya ang mas na stress sa mga nangyari sa amin ngayon."Baka sabihin niyang inuna natin ang gala kaysa trabaho," sabi ko kahit hindi iyun ang rason ko. Wala lang talaga akong masabi."[Hindi iyun pero isasama pa rin natin siya,]" sabi niya. Syempre alam kong inisip niya ring mas deserve ni ate ang bakasyon kaysa sa aming dalawa."Wala na
Mas mabuti na rin siguro kapag masama ka sa tingin ng ibang tao sayo para hindi ka ma take advantage parati. Hindi naman importante ang inisip nila, ang importante kung ano ang inisip mo sa sarili mo.Kung sabihin niyong kasalanan ko kasi hindi ako marunong mag 'hindi' sa mga gusto nila na minsan ayaw ko. Marunong ako pero hindi lang sila nakikinig dahil inisip nilang okay lang sa akin lahat kahit sinabi ko ng hindi. Bingi sila sa mga 'hindi' ko.Ang hirap maging mabait, kaya ngayon para akong nakalaya."[Pwede naman iyun kung gustuhin mo,]" mahinahong sagot niya sa tanong ko. "Pero ayaw ko," agad kong sagot. Ayaw ko na wala akong alam sa lahat. "Ayaw kong maging clueless nalang parati," dagdag niyang sabi. Gusto ko ito, hindi ito pinilit ni Layviel, hindi ito masama dahil ito ang kagustuhan ko para sa sarili ko.Gusto ko rin naman gumaya sa ibang babae, para kasing hindi na ako makakasabay dahil hindi ako updated sa mga trend ngayon. Masama man tingnan sa iba, lalo na sa mga matata
Natigil lang ako sa pag scroll sa kanyang Instagram ng makitang naluto na ang fried rice ko. Bago ako umalis doon sa profile niya finollow ko muna siya at nakangiting kumain na.Madaling araw pa naman pero parang yung energy ko mataas na dahil lang sa nakita ko. Napatitig ako sa pagkain ko habang kumain at inisip si Ivan.Kung mapatunayan niya ang kanyang sarili, hindi ko na siya iiwasan at pagbigyan ang sarili ko. Hindi ko iyan sabihin sa kanya pero sana ma isip niyang patunayan ang sarili niya na seryoso siya sa akin. Ayaw kong paglaruan lang dahil ayaw kong masaktan. Ayaw ko ng hindi seryoso dahil ayaw kong lulukohin lang. Kung mapatunayan ni Ivan na iba ako sa mga babae niya, hindi ako magdalawang isip na buksan ang puso ko para sa kanya.Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang ginamit kong plato at umakyat na sa kwarto. Umupo ako ng ilang minuto bago humiga sa kama. Tiningnan ko ang oras, 3:30 am kaya pumikit muna ako para makatulog muna. Medyo maaga pa naman para maghanda
Pumunta muna ako sa sala para doon nalang makipagchikahan sa kanya."[Oo naman,]" confident niyang sagot. Aba! hindi.man lang nahiya, parang may boyfriend ha? sila na ba ni Mr. Yanetta? alam kong hindi."Confident ka pa talaga, wala ka namang boyfriend," natatawang sabi ko sa kanya. Narinig iong suminghap siya sa sinabi ko kaya napangiti ako."[Kaya nga sasabihin ko na sayo na naghanap ako ng makakain ngayon pero hindi ko trip yung mga pagkain kasi gusto ko Jollibee,]" mabilis niyang sabi kaya tumawa ako ng malakas. "[Marunong ka na talagang gumanyan ha,]" sabi niya sa kabilang linya habang tumawa ako. Tumingil ako sa pagtawa at ngumiti nalang bago nagsalita."Hayaan mo ma'am may uutusan akong bumili ng Jollibee para sayo, total wala ka namang boyfriend na gagawa niyan sayo kaya mag volunteer nalang ako," pang-aasar ko sa kanya at hindi na pinansin ang huling sinabi niya. Narinig kong suminghap siya kaya at ngumisi lalo."[Mang-asar ka pa, tingnan natin kung makakatawa ka kapag ako a
Ginawa ko ang lahat wag lang ulit isipin ang salitang 'girlfriend' sa utak ko. Medyo nahihibang na ako, iniiwasan ko tapos inisip na maging girlfriend niya. Baliw lang.Natapos ako sa paghahanda ko, bumaba na ako at dumeritso sa sasakyan ko. May nakita pa akong nakatingin sa akin pero hindi ko na iyun pinansin, wala namang kumuha ng picture sa akin at walang lumapit kaya hindi ko na ginawang big deal iyun.'Ano kaya ang mangyayari ngayon?'Sumakay na ako sa sasakyan at pinatakbo agad iyun. Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag kaya binagalan ko ang takbo ko at sinagot iyun."[Vanessa,]" bungad ni ate sa akin."Good morning ate.""[Good morning,]" bati niya pabalik sa akin."Bakit ka napatawag?" tanong ko. Wala bang pasok sa trabaho ngayon? wag na nilang ipostponed nasa daan na ako papunta sa studio."[Gusto ko lang ipaalala na may pasok ka ngayon,]" mahinahong sabi niya sa akin. Napangisi ako sa narinig, inisip niya atang hindi ako papasok."Tinamad ako pumasok ate,
"Ngayon lang naman iyan inasar," sabi naman ni ate. "Ngayon lang din naman iyan na in love," dagdag niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. In love?"Pinagsasabi mo ate," agad kong sabi. Tumawa lang siya at inayos na ang mga damit ko. Kahit kailan tong si ate.Patapos na akong make up ng may narinig kaming kumatok sa pintuan kaya kaming tatlo ang napatingin doon habang ako sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Parang alam na niya kung sino ang kumatok ha.Binuksan ni ate iyun at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ng makita ang lalaking kanina pa nila inasar sa akin."Magandang umaga Mr. Wilson," bati agad ni ate at tumingin sa akin na nakangisi na. Umirap ako sa kanya at humarap sa salamin. Pinagpatuloy naman ng make up artist ang ginawa niya.Ano bang ginawa niya dito?Napatingin ako sa bag na binili niya kahapon. Umay, nakakahiya! bakit kasi iyan ang dinala ko. Argh! bahala na siya, binigay niya naman eh."Good morning," bati niya pabalik kay ate peto ramdam ko ang tingin
Ivan Frost WilsonWarning."Hi Ivan."May dalawang babae ang lumapit sa akin habang palabas kami ni Zep sa bar. Ngumiti agad ako sa kanila at tiningnan si Zep napailing na sa akin. Parang alam na niya ang mangyayari kaya nauna na itong lumabas."Sino yun?" tanong ng isang babae sa akin."hmm.. kaibigan ko, bakit mas gusto mo pa siya kaysa sa akin?" sabi ko habang tiningnan siyang nakakaakit. Buti nalang pala umalis si Zep. Hindi yun pwedeng makita ng mga tao. Okay lang ako, hindi naman nila alam.Kung may buhay ako kagaya kay Zep, mamatay ako sa boredom. Ito ang gusto ko yung may babaeng lumapit sa akin. Dalawa pa, sulit ang gabing pagpunta ko rito.Inakay ako sa dalawang babae sa table na walang tao at sila mismo ang nagpaupo sa akin. Nagkibit balikat ako at sinunod ang gusto nila. Will, hindi pa naman kami nagsimula. Nag order sila ng maiinom. Alam nilang hindi namin sisimulan hanggat hindi ako makainom. Kilalang kilala na ako ng mga babaeng to. Inabutan nila ako ng mainom kaya tin