"Ma'am anong gusto niyo po?" nakangiting tanong niya sa akin. Bakit ba palagi silang nakangiti? hayst, oo nga pala haharap sila sa costumer. Ganito dapat hindi iyung nakikipag-agawan pa sa costumer."Titingin muna ako," mahinahong sabi ko. Tumango naman siya sa akin.Tumingin ako sa salamin, magaganda naman lahat kaya hindi ako makapili ng mabuti."Iyun bagay sayo," sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Bakit ba siya nandito ulit."Anong ginawa mo dito?" tanong ko sa kanya at hindi na siya nilingon. Yumuko siya at tumingin din sa tiningnan ko."Para samahan ka," simpleng sabi niya. Pairap akong tumayo at tiningnan siya. Nakita kong may hawak siyang paper bag, parang alam ko na ang laman doon pero hindi iyun pinansin.Talagang binili niya para sa kanyang girlfriend, kaya siguro hindi siya nakasunod agad sa akin."Hindi ko kailangan ng kasama," malamig kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at inabot sa akin ang paper bag na hawak niya."Ano yan?" kunot noong tanong ko sa kanya k
Kagaya ng pamilya ko, kapag may bago sa akin si Layviel agad ang inisip nilang dahilan.Mga tao nga naman."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, dumeritso lang ako palabas sa mall kaya nagsalita ulit siya. "Uuwi ka na?" takang tanong niya.Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, handa ko na sana siyang barahin pero nakita kong maraming tao na nakatingin sa banda namin. Nakita ko rin yung uba nag bulong bulongan parang nakilala si Ivan kaya tumalikod ulit ako at mabilis na naglakad.Alam kong humabol siya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Anong issue na naman kaya ang mapupunta sa akin ngayon?Hindi naman siguro ako magaya sa kaibigan ko.Dumeritso na ako sa sasakyan ko at pinatunog agad ito at sumakay sa loob. Hindi ko masirado agad ang pintuan dahil pinigilan ito ni Ivan."Bakit uuwi ka na? wala ka man lang nabili," takang sabi niya at tiningnan ang kamay ko na walang dala. Inis ko siyang tiningnan."Gusto mo ba akong magaya sa kaibigan k
Naiinis lang ako habang nagbabasa ng negative comment tungkol sa kanya.Hindi rin nagtagal dinelete ko na ang account na iyun at nilayuan na ang laptop ko. Wala talaga akong magagawa sa isang araw kundi umupo lang at kumain, matulog din kung inaantok. Kapag ganito ako isang buwan, tataba talaga ako.Nag text ako kay ate kung kumusta sila sa studio pero walang reply kaya hindi ko na pinilit pa dahil baka busy siya ngayon. Si ate ang pinaka busy na tao ngayon sa amin dahil sa mga issue na lumalabas. Siya ang na stress para sa amin lalo na kay Layviel na siyang may issue sa aming dalawa.Kawawa naman si ate pero wala siyang magawa dahil alam kong mahal niya kaming dalawa kaya hindi niya magawang mag reklamo. Humiga lang ako sa sofa at pumikit ng ilang sandali. Hindi ko alam na tuluyan na pala akong nakatulog doon. Kusa lang din akong nagising pagkatapos ng isang oras kong tulog sa sofa.Tumayo ako at tiningnan ang cellphone ko na tumunog."[Vanessa!]" bungad ni ate sa akin. Ano na nama
"Bakit hindi magawa ni Mr. Yanetta iyan sa kaibigan ko?" hindi ko na mapigilan man tanong lalo na't nagawa naman ni Ivan para sa akin."[Oo nga't pareho silang mayaman dahil pareho silang billionaire pero magkaiba silang dalawa Vanessa,]" seryosong sabi ni ate."Anong magkaiba ba?" takdng tanong ko."[Kung gagawin iyan ni Mr. Yanetta, mas lalong lala lang ang issue ng kaibigan mo. Hindi basta basta na tao si Mr. Yanetta Vanessa iyan ang tandaan mo,]" seryosong sabi niya."Hindi ko pa rin maintindihan," naguguluhan kong sabi kay ate. Parehong billionaire pero magkaiba? ano yun?"[Kilala si Mr. Wilson bilang nakakalokong lalaki. Habang si Mr. Yanetta kilala bilang isa sa mga successful na business man sa buong mundo kaya nga 'billionaire'. Pareho silang billionaire pero hindi nila binigyan ng pansin si Mr. Wilson dahil nga mahilig siya magloko lalo na kapag tungkol sa babae, alam natin iyan. Si Mr. Yanetta naman dahil naka focus lang siya palagi sa kanyang companya, wala pang na issue s
Nang kinagabihan, tinawagan ko si Layviel. Alam kong nakauwi na siya dahil nakausap na kami ni ate. Kakatawag niya lang kay Layviel, kaya ngayon ako naman ang tatawag sa babaeng yun. Nakakainis, hindi pa siya umalis pero na miss ko na agad siya.Sinagot naman agad ni Layviel ang tawag ko. Dapat lang talaga, magtatampo ako kapag nag ring ng matagal ang cellphone ko."So hindi ka na papasok bukas?" agad kong bungad sa kanya. Ngayon lang talaga ulit kami hindi magkasama, para ko na siyang kapatid, hindi na ako mapakali na malayo siya sa akin."[Mag bakasyon ako, sumunod ka sa akin,]" sabi niya sa kabilang linya."Hindi mo sinabi sa akin," nagtatampo kong sabi. Kanina ko lang din nalaman kasi noong tumawag si ate. Medyo late na kaya nagtampo ako ngayon sa kanya, pero ang totoo talaga na miss ko ma agad siya."[Kasi biglaan ko rin itong desisyon,]" mahinahong sabi niya.Alam ko at mas gusto kong lumayo ka muna para hindi ka pulutan ng mga tao dito, lasing sa issue at gusto na ng pulutan ha
"[Sabi mo iyan ha, lagot ka sa akin kapag hindi ulit matutuloy itong plano natin,]" sabi niya habang naramdaman kong nakangiti siya habang sinabi iyun. Parang hindi lang ako ang nakakamiss sa bonding namin, parang pati siya habang binalikan namin lahat ang nangyari dati."Isama natin si Ate para hindi magagalit kapag mag bakasyon tayo," sabi ko. Pareho namang mahalaga sa amin si ate, hindi talaga namin siya makakalimutan hanggang sa mag retire na kami.Lahat ng tulong niya sa amin, laking pasalamat namin sa kanya."[Hindi iyun magagalit,]" simpleng sabi niya. Alam ko naman iyun pero gusto kong isama si ate dahil deserve niya rin ng bakasyon, lalo na't siya ang mas na stress sa mga nangyari sa amin ngayon."Baka sabihin niyang inuna natin ang gala kaysa trabaho," sabi ko kahit hindi iyun ang rason ko. Wala lang talaga akong masabi."[Hindi iyun pero isasama pa rin natin siya,]" sabi niya. Syempre alam kong inisip niya ring mas deserve ni ate ang bakasyon kaysa sa aming dalawa."Wala na
Mas mabuti na rin siguro kapag masama ka sa tingin ng ibang tao sayo para hindi ka ma take advantage parati. Hindi naman importante ang inisip nila, ang importante kung ano ang inisip mo sa sarili mo.Kung sabihin niyong kasalanan ko kasi hindi ako marunong mag 'hindi' sa mga gusto nila na minsan ayaw ko. Marunong ako pero hindi lang sila nakikinig dahil inisip nilang okay lang sa akin lahat kahit sinabi ko ng hindi. Bingi sila sa mga 'hindi' ko.Ang hirap maging mabait, kaya ngayon para akong nakalaya."[Pwede naman iyun kung gustuhin mo,]" mahinahong sagot niya sa tanong ko. "Pero ayaw ko," agad kong sagot. Ayaw ko na wala akong alam sa lahat. "Ayaw kong maging clueless nalang parati," dagdag niyang sabi. Gusto ko ito, hindi ito pinilit ni Layviel, hindi ito masama dahil ito ang kagustuhan ko para sa sarili ko.Gusto ko rin naman gumaya sa ibang babae, para kasing hindi na ako makakasabay dahil hindi ako updated sa mga trend ngayon. Masama man tingnan sa iba, lalo na sa mga matata
Natigil lang ako sa pag scroll sa kanyang Instagram ng makitang naluto na ang fried rice ko. Bago ako umalis doon sa profile niya finollow ko muna siya at nakangiting kumain na.Madaling araw pa naman pero parang yung energy ko mataas na dahil lang sa nakita ko. Napatitig ako sa pagkain ko habang kumain at inisip si Ivan.Kung mapatunayan niya ang kanyang sarili, hindi ko na siya iiwasan at pagbigyan ang sarili ko. Hindi ko iyan sabihin sa kanya pero sana ma isip niyang patunayan ang sarili niya na seryoso siya sa akin. Ayaw kong paglaruan lang dahil ayaw kong masaktan. Ayaw ko ng hindi seryoso dahil ayaw kong lulukohin lang. Kung mapatunayan ni Ivan na iba ako sa mga babae niya, hindi ako magdalawang isip na buksan ang puso ko para sa kanya.Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang ginamit kong plato at umakyat na sa kwarto. Umupo ako ng ilang minuto bago humiga sa kama. Tiningnan ko ang oras, 3:30 am kaya pumikit muna ako para makatulog muna. Medyo maaga pa naman para maghanda