Share

KABANATA 61

Kagaya ng pamilya ko, kapag may bago sa akin si Layviel agad ang inisip nilang dahilan.

Mga tao nga naman.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, dumeritso lang ako palabas sa mall kaya nagsalita ulit siya. "Uuwi ka na?" takang tanong niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, handa ko na sana siyang barahin pero nakita kong maraming tao na nakatingin sa banda namin. Nakita ko rin yung uba nag bulong bulongan parang nakilala si Ivan kaya tumalikod ulit ako at mabilis na naglakad.

Alam kong humabol siya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Anong issue na naman kaya ang mapupunta sa akin ngayon?

Hindi naman siguro ako magaya sa kaibigan ko.

Dumeritso na ako sa sasakyan ko at pinatunog agad ito at sumakay sa loob. Hindi ko masirado agad ang pintuan dahil pinigilan ito ni Ivan.

"Bakit uuwi ka na? wala ka man lang nabili," takang sabi niya at tiningnan ang kamay ko na walang dala. Inis ko siyang tiningnan.

"Gusto mo ba akong magaya sa kaibigan k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status