"Like what Ivan says, we're here to apologize," sabi agad ni Zephyrus, hindi man lang ako pinasalita. Tumahimik na ako para paniwalaan naman kami."For what reason?" tanong agad ni Layviel. Kahit kakasabi ko lang na hindi na ako nasalita. Nagsalita pa rin ako dahil sa kanyang tanong. Gusto ko kasing asarin si Zephyrus, alam kong kanina pa siya naiinis sa akin dahil sa pag-uusap namin ni Layviel."Hindi naman ikaw ang kausap," sabi ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya ngumisi ako lalo na noong na pansin ko na nakatingin siya sa kaibigan ko. Masasabi ko talaga sa tingin niya na pareho silang may gusto sa isa't isa pero may parang may pumigil kay Layviel. Gusto ko man tulungan ang kaibigan ko, may lovelife rin akong iisipin. Kailangan ko rin magpalakas sa babaeng iyun."For what I did," seryosong sabi ni Zephyrus. Nakita kong nagtataka si Layviel habang nakatingin pa rin sa kaibigan ko. Sa paraan ng tingin niya, alam kong hindi niya sinisisi si Zephyrus sa nangyari at ngayon nasis
Alam kong kanina pa siya seryoso, pinagaan ko lang ang atmosphere pero ngayon alam ko ng hindi ko na siya madadaan sa ganun."Gagawa ako ng paraan para hindi kakalat sa labas ang kumalat dito sa studio niyo, gaya ng sinabi mo," sabi ko. Ganun naman talaga ang gagawin ko, pero parang kailangan kong sabihin dahil parang masama na talaga ang loob niya sa akin para kay Vanessa."Mabuti naman Mr. Wilson, ayaw kong madagdagan ang iisipin ng manager ko," sabi niya at huminto siya para tingnan ang kaibigan ko at humarap sa salamin bago nagpatuloy. "Marami na siyang inisip ngayon dahil sa akin," mahinahong dagdag niya.May ganito siyang side siya na hindi alam ng lahat. Ngayon alam ko na kung bakit patay na patay itong kaibigan ko sa kanya. Siguro may nakita siyang kakaiba sa babaeng to na wala sa ibang babae, o sabihin na nating may nakita siya na hindi nakita ng lahat.Ang alam ng lahat masama ang ugali niya kahit ako pero ngayon nakita ko ang ganitong side niya. Kaya siguro gusto siyang mag
Hinintay ko pa rin ang sagot niya pero tinalikuran lang niya kami."Ate anong next na susuotin ko?" tanong niya. Umiwas, ibig sabihin may naramdaman din siya sa kaibigan ko pero gaya ng inisip ko kanina may pumigil sa kanya. Kung wala siyang naramdaman, pwede naman niyang sabihin na 'wala siyang naramdaman'."Ate bakit wala na akong shoot sa mga swimwear o two piece?" takang tanong niya sa manager niya.Napatingin ako sa kaibigan ko at nginisihan ka. May bawal na agad? girlfriend na? gusto ko siyang asarin pero hindi nalang ako nagsalita."Ito yung pinasuot ng management," mahinahong sabi ng manager niya at tumingin kay Zep, napatingin din si Layviel sa kaibigan ko na parang nakalimutan na nandito pa pala ang bagong boss niya.Tiningnan niya lang ang kaibigan ko at hindi na nasalita ay pumasok nalang sa kurtina kung saan siya magbihis."Sorry sa istorbo, aalis na kami," paalam ng kaibigan ko.Sorry sa istorbo? seryoso siya diyan? gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Kinama mo lang naman ang mga babae," deritsong sabi niya. Ngumisi ako sa kanya."Si Layviel hindi ba?" nakangising tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi ko."Hindi siya ganyang babae," seryosong sabi niya kaya nag kibit balikat ako kunwari hindi naniwala. Alam ko namang hanggang boyfriend lang talaga si Layviel pero gusto kong asarin ang kaibigan ko."Kung wala kang magandang sabihin pwedeng umalis ka na?" nairita na talagang sabi niya. Natatawa ako sa kanya pero hindi na talaga nakangitia at seryoso akong tiningnan."Inasar lang kita, alam kong hindi ganun si Layviel," bawi sa sinabi ko sa kanya."Wala akong paki sa opinion mo," sabi niya kaya tumawa ulit ako."Umamin ka nga sa akin, may nangyari ba sa inyo ni Layviel?" tanong ko. Nakita kong napatingin agad siya sa akin kaya tuwa ako ng malakas. Kahit hindi niya sagutin alam ko na ang sagot."Tsk."Sinamaan niya ulit ako ng tingin nang makitang tawang tawa ako sa kanila."Mag focus ka nalang sa kaibigan ni Layviel, wag
Umalis na ako sa studio ni Zep, halatang kanina niya pa ako pinaalis. Ayaw na atang makapag-usap kami ni Layviel.Tss, seloso.Dahil hindi nag reply si Vanessa, inisip kong pupuntahan ko nalang siya sa condo pero naisip ko rin naman na ayaw niya kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong iniwasan na niya ako kaya baka palayasin lang ako sa condo niya.Pupuntahan ko nalang siya bahala na kung palayasin niya ako o ano. Pero bago ang lahat pupunta muna ako sa mall para maghanap ng ibibigay sa kanya. Malapit lang dito ang mall kaya nakarating agad ako doon.Ano kaya ang ibibigay ko sa kanya? saan ako pupunta ngayon?Tumingin ako sa mga boutique, marami naman pwedeng bilhin pero hindi ko alam kung saan ang gusto niya.Dress? no.Masyadong common.Tumingin ako sa nga sapatos.Sandal?Pwede, pero hindi ko pa alam ang size niya. Maybe next time, alamin ko muna ang size ng paa niya.Tumingin ako sa mga bag.Pwede rin yun, nakita kong mahilig siyang magdala ng bag. Tumingin ako sa mga make
"Excuse me miss, sorry pero si sir po ang nakauna sa bag na iyan," mahinahong sabi ng saleslady kaya napatingin si Vanessa sa kanya. Hindi pa niya ako nakita."Wala na bang iba?" tanong niya."Sorry po miss, pero wala na," sagot ng saleslady. Tumingin si Vanessa sa akin. Nakita kong nagulat siya ng makita ako kaya kinindatan ko siya."Anong ginawa mo dito?" kunot noong tanong niya pero mahina lang amg boses. Napatingin ang saleslady sa akin at kay Vanessa. Sasagot na sana ako pero naunahan ako."Bibili si sir ng bag miss, iyan sana ang bibilhin niya para ibigay sa akin," sabi ng saleslady habang tinuro ang bag na hawak ni Vanessa. Napatingin ako sa kanya. Wala naman akong sinabing bibilhan ko siya ha."No, bibili ako para ibigay sa girlfriend ko," pagtatama ko sa kanya, kahit wala akong girlfriend. Nakita kong napahiya ang saleslady habang si Vanessa umirap sa aming dalawa.Oh baby, are you jealous? marunong ka ng umirap ha."Sa inyo na," malamig niyang sabi at umalis. Nakita kong
"Ma'am anong gusto niyo po?" nakangiting tanong niya sa akin. Bakit ba palagi silang nakangiti? hayst, oo nga pala haharap sila sa costumer. Ganito dapat hindi iyung nakikipag-agawan pa sa costumer."Titingin muna ako," mahinahong sabi ko. Tumango naman siya sa akin.Tumingin ako sa salamin, magaganda naman lahat kaya hindi ako makapili ng mabuti."Iyun bagay sayo," sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Bakit ba siya nandito ulit."Anong ginawa mo dito?" tanong ko sa kanya at hindi na siya nilingon. Yumuko siya at tumingin din sa tiningnan ko."Para samahan ka," simpleng sabi niya. Pairap akong tumayo at tiningnan siya. Nakita kong may hawak siyang paper bag, parang alam ko na ang laman doon pero hindi iyun pinansin.Talagang binili niya para sa kanyang girlfriend, kaya siguro hindi siya nakasunod agad sa akin."Hindi ko kailangan ng kasama," malamig kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at inabot sa akin ang paper bag na hawak niya."Ano yan?" kunot noong tanong ko sa kanya k
Kagaya ng pamilya ko, kapag may bago sa akin si Layviel agad ang inisip nilang dahilan.Mga tao nga naman."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, dumeritso lang ako palabas sa mall kaya nagsalita ulit siya. "Uuwi ka na?" takang tanong niya.Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, handa ko na sana siyang barahin pero nakita kong maraming tao na nakatingin sa banda namin. Nakita ko rin yung uba nag bulong bulongan parang nakilala si Ivan kaya tumalikod ulit ako at mabilis na naglakad.Alam kong humabol siya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Anong issue na naman kaya ang mapupunta sa akin ngayon?Hindi naman siguro ako magaya sa kaibigan ko.Dumeritso na ako sa sasakyan ko at pinatunog agad ito at sumakay sa loob. Hindi ko masirado agad ang pintuan dahil pinigilan ito ni Ivan."Bakit uuwi ka na? wala ka man lang nabili," takang sabi niya at tiningnan ang kamay ko na walang dala. Inis ko siyang tiningnan."Gusto mo ba akong magaya sa kaibigan k
Ginawa nila iyun dahil sa akin dahil inisip nilang masyado akong pa importante, kami ni Layviel pero dahil ako ang nasa harap dati, sa akin napunta ang isulto nila at hindi rin nila magawang insultohin si Layviel kasi simula palang magaling na siya kahit noong baguhan palang siya.Nakatingin parin kami sa model na parang iiyak na kaya hindi na talaga maayos ang kanyang naging pose."Naranasan naman iyan ng mga model kapag nagsimula palang," sabi ni ate. Nakikinig lang ako sa kanila."Depende na sa kanila kung magpatuloy ba sila o hindi na," seryosong sabi ng kausap ni ate.Kung dati hindi pinalakas ni Layviel ang loob ko, kung sinusukuan niya ako o si ate, wala ako ngayon dito. Nasaktan ako sa mga insulto nila sa akin, nasaktan ako kaya inisip ko na hindi na ako babalik."Si Vanessa naranasan na rin iyan, mag malala nga yung sa kanya," sabi ni ate at sumulyap sa akin. Tumingin din sa akin ang kausap niya."Paanong malala?" takang tanong niya at bumaling kay ate."Pinagalitan na may ka
Ngayon kaming tatlo na ang nakatingin sa model na napagalitan ulit."Kanina pa iyan ha?" takang sabi ni ate at tumingin sa mga staff."Baguhan iyan, kanina ko pa siya hinintay matapos," sabi ng bading. Pareho kaming tumingin sa kanya."Bakit?" tanong ni ate."Kanina pa iyan napagalitan, kaya kakausapin ko. For sure iiyak iyan pag-alis niya iyan sa gitna at baka maisipan pang huminto," seryosong sabi niya.Napatingin naman ako sa bagong model at naalala noong panahon na nag sisimula rin ako.FLASHBACKOne week na akong pumasok kung saan nag momodel si Layviel pero hindi parin ako sanay sa harap ng camera pero wala silang sinabi sa akin kahit natagalan kami. Ngayon hindi nakapasok si Layviel dahil naka lagnat siya. Pumunta rin yun sa bar kagabi kaya siguro ang kahapon na masama ang pakiramdam naging lagnat na ngayon."NEXT!" sigaw ng isang staff pagkatapos ng isang model. Papalit na iyun ng damit, sobrang bilis niya lang natapos at ngayon ako na ang haharap doon.Wala si ate ngayon dahi
Sobrang pula ang mukha ko ng lumabas ako sa dressing room dahil sa pang-aasar nilang dalawa sa akin, hindi ko na ata kailangan ng blush on."You look so beautiful and sexy Vanessa," sabi ng isang bading na make up artist ata sa ibang model pero kilala ako at syempre kilala ko rin siya dahil kay ate.Tiningnan niya pa ang kabuohan ko. Ngumiti ako sa kanya."Thank you, you're beautiful too," nakangiting sabi ko. Maganda naman talaga siya, hindi halatang bading, lara siyang babae."Parang blooming ka ngayon ha," nakangiting sabi niya halatang nang-asar. Argh, alam pala nila ang tungkol kay Ivan. Ito kasing Ivan walang bukang bibig kundi ako kapag pumunta rito."Sa make up lang," nahihiyang sabi ko. Tagal naman matapos yung naunang model. Feeling kong baguhan lang kaya nakita kong hindi pa siya comfortable sa harap ng camera at palaging pinapagalitan kaya natagalan. Ganitong oras dapat ako na yung nandoon sa harap."Asus, talagang maganda ka kahit walang make up, lalo na siguro ngayon pa
"Hindi," agad niyang sagot."Anong dahilan mo bakit ka nagtanong sa akin ngayon?" tanong ko sa kanya."Gusto kong ipalaam sayo kahit sabihin mong 'ayaw mo sa akin' hindi kita titigilan," seryosong sabi niya. Lumakas ulit ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita."Useless lahat ng pag ignore mo sa akin dahil pupuntahan kita, kaya kung ako sayo subukan mo nalang akong kilalanin at doon ka mag desisyon na iwasan ako," sabi niya. Tumaas ang kilay ko."Iyan ba ang pinunta mo dito?" kunot noong tanong ko."Oo, mamimiss kasi kita sa gabi kasi hindi kita maka usap kaya please mag reply ka na," parang batang sabi niya. Wow? kaya ba niya sinabi ito lahat dahil gusto niya akong mag reply sa kanya dahil namiss niya ako? ibang klaseng lalaki."Subukan ko," simpleng sabi ko lang, pero alam kong mag reply talaga ako sa kanya. Inisip ko lang, paano niya patunayan ang sarili niya kung palagi ko siyang iiwasan.Natahimik kaming dalawa.Halos mapatalon ako sa gulat ng may naramdaman ako sa aking ba
"Ngayon lang naman iyan inasar," sabi naman ni ate. "Ngayon lang din naman iyan na in love," dagdag niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. In love?"Pinagsasabi mo ate," agad kong sabi. Tumawa lang siya at inayos na ang mga damit ko. Kahit kailan tong si ate.Patapos na akong make up ng may narinig kaming kumatok sa pintuan kaya kaming tatlo ang napatingin doon habang ako sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Parang alam na niya kung sino ang kumatok ha.Binuksan ni ate iyun at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ng makita ang lalaking kanina pa nila inasar sa akin."Magandang umaga Mr. Wilson," bati agad ni ate at tumingin sa akin na nakangisi na. Umirap ako sa kanya at humarap sa salamin. Pinagpatuloy naman ng make up artist ang ginawa niya.Ano bang ginawa niya dito?Napatingin ako sa bag na binili niya kahapon. Umay, nakakahiya! bakit kasi iyan ang dinala ko. Argh! bahala na siya, binigay niya naman eh."Good morning," bati niya pabalik kay ate peto ramdam ko ang tingin
Ginawa ko ang lahat wag lang ulit isipin ang salitang 'girlfriend' sa utak ko. Medyo nahihibang na ako, iniiwasan ko tapos inisip na maging girlfriend niya. Baliw lang.Natapos ako sa paghahanda ko, bumaba na ako at dumeritso sa sasakyan ko. May nakita pa akong nakatingin sa akin pero hindi ko na iyun pinansin, wala namang kumuha ng picture sa akin at walang lumapit kaya hindi ko na ginawang big deal iyun.'Ano kaya ang mangyayari ngayon?'Sumakay na ako sa sasakyan at pinatakbo agad iyun. Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag kaya binagalan ko ang takbo ko at sinagot iyun."[Vanessa,]" bungad ni ate sa akin."Good morning ate.""[Good morning,]" bati niya pabalik sa akin."Bakit ka napatawag?" tanong ko. Wala bang pasok sa trabaho ngayon? wag na nilang ipostponed nasa daan na ako papunta sa studio."[Gusto ko lang ipaalala na may pasok ka ngayon,]" mahinahong sabi niya sa akin. Napangisi ako sa narinig, inisip niya atang hindi ako papasok."Tinamad ako pumasok ate,
Pumunta muna ako sa sala para doon nalang makipagchikahan sa kanya."[Oo naman,]" confident niyang sagot. Aba! hindi.man lang nahiya, parang may boyfriend ha? sila na ba ni Mr. Yanetta? alam kong hindi."Confident ka pa talaga, wala ka namang boyfriend," natatawang sabi ko sa kanya. Narinig iong suminghap siya sa sinabi ko kaya napangiti ako."[Kaya nga sasabihin ko na sayo na naghanap ako ng makakain ngayon pero hindi ko trip yung mga pagkain kasi gusto ko Jollibee,]" mabilis niyang sabi kaya tumawa ako ng malakas. "[Marunong ka na talagang gumanyan ha,]" sabi niya sa kabilang linya habang tumawa ako. Tumingil ako sa pagtawa at ngumiti nalang bago nagsalita."Hayaan mo ma'am may uutusan akong bumili ng Jollibee para sayo, total wala ka namang boyfriend na gagawa niyan sayo kaya mag volunteer nalang ako," pang-aasar ko sa kanya at hindi na pinansin ang huling sinabi niya. Narinig kong suminghap siya kaya at ngumisi lalo."[Mang-asar ka pa, tingnan natin kung makakatawa ka kapag ako a
Natigil lang ako sa pag scroll sa kanyang Instagram ng makitang naluto na ang fried rice ko. Bago ako umalis doon sa profile niya finollow ko muna siya at nakangiting kumain na.Madaling araw pa naman pero parang yung energy ko mataas na dahil lang sa nakita ko. Napatitig ako sa pagkain ko habang kumain at inisip si Ivan.Kung mapatunayan niya ang kanyang sarili, hindi ko na siya iiwasan at pagbigyan ang sarili ko. Hindi ko iyan sabihin sa kanya pero sana ma isip niyang patunayan ang sarili niya na seryoso siya sa akin. Ayaw kong paglaruan lang dahil ayaw kong masaktan. Ayaw ko ng hindi seryoso dahil ayaw kong lulukohin lang. Kung mapatunayan ni Ivan na iba ako sa mga babae niya, hindi ako magdalawang isip na buksan ang puso ko para sa kanya.Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang ginamit kong plato at umakyat na sa kwarto. Umupo ako ng ilang minuto bago humiga sa kama. Tiningnan ko ang oras, 3:30 am kaya pumikit muna ako para makatulog muna. Medyo maaga pa naman para maghanda
Mas mabuti na rin siguro kapag masama ka sa tingin ng ibang tao sayo para hindi ka ma take advantage parati. Hindi naman importante ang inisip nila, ang importante kung ano ang inisip mo sa sarili mo.Kung sabihin niyong kasalanan ko kasi hindi ako marunong mag 'hindi' sa mga gusto nila na minsan ayaw ko. Marunong ako pero hindi lang sila nakikinig dahil inisip nilang okay lang sa akin lahat kahit sinabi ko ng hindi. Bingi sila sa mga 'hindi' ko.Ang hirap maging mabait, kaya ngayon para akong nakalaya."[Pwede naman iyun kung gustuhin mo,]" mahinahong sagot niya sa tanong ko. "Pero ayaw ko," agad kong sagot. Ayaw ko na wala akong alam sa lahat. "Ayaw kong maging clueless nalang parati," dagdag niyang sabi. Gusto ko ito, hindi ito pinilit ni Layviel, hindi ito masama dahil ito ang kagustuhan ko para sa sarili ko.Gusto ko rin naman gumaya sa ibang babae, para kasing hindi na ako makakasabay dahil hindi ako updated sa mga trend ngayon. Masama man tingnan sa iba, lalo na sa mga matata