Alam kong kanina pa siya seryoso, pinagaan ko lang ang atmosphere pero ngayon alam ko ng hindi ko na siya madadaan sa ganun."Gagawa ako ng paraan para hindi kakalat sa labas ang kumalat dito sa studio niyo, gaya ng sinabi mo," sabi ko. Ganun naman talaga ang gagawin ko, pero parang kailangan kong sabihin dahil parang masama na talaga ang loob niya sa akin para kay Vanessa."Mabuti naman Mr. Wilson, ayaw kong madagdagan ang iisipin ng manager ko," sabi niya at huminto siya para tingnan ang kaibigan ko at humarap sa salamin bago nagpatuloy. "Marami na siyang inisip ngayon dahil sa akin," mahinahong dagdag niya.May ganito siyang side siya na hindi alam ng lahat. Ngayon alam ko na kung bakit patay na patay itong kaibigan ko sa kanya. Siguro may nakita siyang kakaiba sa babaeng to na wala sa ibang babae, o sabihin na nating may nakita siya na hindi nakita ng lahat.Ang alam ng lahat masama ang ugali niya kahit ako pero ngayon nakita ko ang ganitong side niya. Kaya siguro gusto siyang mag
Hinintay ko pa rin ang sagot niya pero tinalikuran lang niya kami."Ate anong next na susuotin ko?" tanong niya. Umiwas, ibig sabihin may naramdaman din siya sa kaibigan ko pero gaya ng inisip ko kanina may pumigil sa kanya. Kung wala siyang naramdaman, pwede naman niyang sabihin na 'wala siyang naramdaman'."Ate bakit wala na akong shoot sa mga swimwear o two piece?" takang tanong niya sa manager niya.Napatingin ako sa kaibigan ko at nginisihan ka. May bawal na agad? girlfriend na? gusto ko siyang asarin pero hindi nalang ako nagsalita."Ito yung pinasuot ng management," mahinahong sabi ng manager niya at tumingin kay Zep, napatingin din si Layviel sa kaibigan ko na parang nakalimutan na nandito pa pala ang bagong boss niya.Tiningnan niya lang ang kaibigan ko at hindi na nasalita ay pumasok nalang sa kurtina kung saan siya magbihis."Sorry sa istorbo, aalis na kami," paalam ng kaibigan ko.Sorry sa istorbo? seryoso siya diyan? gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Kinama mo lang naman ang mga babae," deritsong sabi niya. Ngumisi ako sa kanya."Si Layviel hindi ba?" nakangising tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi ko."Hindi siya ganyang babae," seryosong sabi niya kaya nag kibit balikat ako kunwari hindi naniwala. Alam ko namang hanggang boyfriend lang talaga si Layviel pero gusto kong asarin ang kaibigan ko."Kung wala kang magandang sabihin pwedeng umalis ka na?" nairita na talagang sabi niya. Natatawa ako sa kanya pero hindi na talaga nakangitia at seryoso akong tiningnan."Inasar lang kita, alam kong hindi ganun si Layviel," bawi sa sinabi ko sa kanya."Wala akong paki sa opinion mo," sabi niya kaya tumawa ulit ako."Umamin ka nga sa akin, may nangyari ba sa inyo ni Layviel?" tanong ko. Nakita kong napatingin agad siya sa akin kaya tuwa ako ng malakas. Kahit hindi niya sagutin alam ko na ang sagot."Tsk."Sinamaan niya ulit ako ng tingin nang makitang tawang tawa ako sa kanila."Mag focus ka nalang sa kaibigan ni Layviel, wag
Umalis na ako sa studio ni Zep, halatang kanina niya pa ako pinaalis. Ayaw na atang makapag-usap kami ni Layviel.Tss, seloso.Dahil hindi nag reply si Vanessa, inisip kong pupuntahan ko nalang siya sa condo pero naisip ko rin naman na ayaw niya kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong iniwasan na niya ako kaya baka palayasin lang ako sa condo niya.Pupuntahan ko nalang siya bahala na kung palayasin niya ako o ano. Pero bago ang lahat pupunta muna ako sa mall para maghanap ng ibibigay sa kanya. Malapit lang dito ang mall kaya nakarating agad ako doon.Ano kaya ang ibibigay ko sa kanya? saan ako pupunta ngayon?Tumingin ako sa mga boutique, marami naman pwedeng bilhin pero hindi ko alam kung saan ang gusto niya.Dress? no.Masyadong common.Tumingin ako sa nga sapatos.Sandal?Pwede, pero hindi ko pa alam ang size niya. Maybe next time, alamin ko muna ang size ng paa niya.Tumingin ako sa mga bag.Pwede rin yun, nakita kong mahilig siyang magdala ng bag. Tumingin ako sa mga make
"Excuse me miss, sorry pero si sir po ang nakauna sa bag na iyan," mahinahong sabi ng saleslady kaya napatingin si Vanessa sa kanya. Hindi pa niya ako nakita."Wala na bang iba?" tanong niya."Sorry po miss, pero wala na," sagot ng saleslady. Tumingin si Vanessa sa akin. Nakita kong nagulat siya ng makita ako kaya kinindatan ko siya."Anong ginawa mo dito?" kunot noong tanong niya pero mahina lang amg boses. Napatingin ang saleslady sa akin at kay Vanessa. Sasagot na sana ako pero naunahan ako."Bibili si sir ng bag miss, iyan sana ang bibilhin niya para ibigay sa akin," sabi ng saleslady habang tinuro ang bag na hawak ni Vanessa. Napatingin ako sa kanya. Wala naman akong sinabing bibilhan ko siya ha."No, bibili ako para ibigay sa girlfriend ko," pagtatama ko sa kanya, kahit wala akong girlfriend. Nakita kong napahiya ang saleslady habang si Vanessa umirap sa aming dalawa.Oh baby, are you jealous? marunong ka ng umirap ha."Sa inyo na," malamig niyang sabi at umalis. Nakita kong
"Ma'am anong gusto niyo po?" nakangiting tanong niya sa akin. Bakit ba palagi silang nakangiti? hayst, oo nga pala haharap sila sa costumer. Ganito dapat hindi iyung nakikipag-agawan pa sa costumer."Titingin muna ako," mahinahong sabi ko. Tumango naman siya sa akin.Tumingin ako sa salamin, magaganda naman lahat kaya hindi ako makapili ng mabuti."Iyun bagay sayo," sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Bakit ba siya nandito ulit."Anong ginawa mo dito?" tanong ko sa kanya at hindi na siya nilingon. Yumuko siya at tumingin din sa tiningnan ko."Para samahan ka," simpleng sabi niya. Pairap akong tumayo at tiningnan siya. Nakita kong may hawak siyang paper bag, parang alam ko na ang laman doon pero hindi iyun pinansin.Talagang binili niya para sa kanyang girlfriend, kaya siguro hindi siya nakasunod agad sa akin."Hindi ko kailangan ng kasama," malamig kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at inabot sa akin ang paper bag na hawak niya."Ano yan?" kunot noong tanong ko sa kanya k
Kagaya ng pamilya ko, kapag may bago sa akin si Layviel agad ang inisip nilang dahilan.Mga tao nga naman."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, dumeritso lang ako palabas sa mall kaya nagsalita ulit siya. "Uuwi ka na?" takang tanong niya.Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, handa ko na sana siyang barahin pero nakita kong maraming tao na nakatingin sa banda namin. Nakita ko rin yung uba nag bulong bulongan parang nakilala si Ivan kaya tumalikod ulit ako at mabilis na naglakad.Alam kong humabol siya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Anong issue na naman kaya ang mapupunta sa akin ngayon?Hindi naman siguro ako magaya sa kaibigan ko.Dumeritso na ako sa sasakyan ko at pinatunog agad ito at sumakay sa loob. Hindi ko masirado agad ang pintuan dahil pinigilan ito ni Ivan."Bakit uuwi ka na? wala ka man lang nabili," takang sabi niya at tiningnan ang kamay ko na walang dala. Inis ko siyang tiningnan."Gusto mo ba akong magaya sa kaibigan k
Naiinis lang ako habang nagbabasa ng negative comment tungkol sa kanya.Hindi rin nagtagal dinelete ko na ang account na iyun at nilayuan na ang laptop ko. Wala talaga akong magagawa sa isang araw kundi umupo lang at kumain, matulog din kung inaantok. Kapag ganito ako isang buwan, tataba talaga ako.Nag text ako kay ate kung kumusta sila sa studio pero walang reply kaya hindi ko na pinilit pa dahil baka busy siya ngayon. Si ate ang pinaka busy na tao ngayon sa amin dahil sa mga issue na lumalabas. Siya ang na stress para sa amin lalo na kay Layviel na siyang may issue sa aming dalawa.Kawawa naman si ate pero wala siyang magawa dahil alam kong mahal niya kaming dalawa kaya hindi niya magawang mag reklamo. Humiga lang ako sa sofa at pumikit ng ilang sandali. Hindi ko alam na tuluyan na pala akong nakatulog doon. Kusa lang din akong nagising pagkatapos ng isang oras kong tulog sa sofa.Tumayo ako at tiningnan ang cellphone ko na tumunog."[Vanessa!]" bungad ni ate sa akin. Ano na nama