NALIE ATHALIA...Naging matagumpay ang kanilang kasal ni Adrian. Lahat ay masaya lalo na silang apat ng kanilang mga anak. Parang kailan lang ay nakikipaglaban pa s'ya sa buhay ngunit ngayon ay larawan na sila ng isang masayang pamilya.Sobrang mahal s'ya ng nasa itaas dahil hindi s'ya nito pinabayaan. Dumaan man s'ya sa mga mahihirap na pagsubok sa buhay ngunit nalampasan n'ya naman lahat at naging malakas at matapang para sa mga susunod pang pagsubok na ibibigay sa kan'ya.Binigyan din s'ya ng lalaki na tanggap s'ya at totoong nagmamahal sa kan'ya. Who would have thought na mamahalin s'ya ni Adrian sa kabila ng kan'yang nakaraan kasama na ang katotohanan na kasal na s'ya sa iba dati."What are you thinking wife?" pukaw sa kan'ya ng asawa. Nakayapos sa bewang n'ya ang braso nito habang karga-karga naman sa kabilang braso ang kanilang prinsesa na halos hindi na maalis sa pagkakayakap sa leeg ng ama nito."I'm happy," nakangiting sagot n'ya rito. "Ako ba ang dahilan ng kasiyahan na ya
KHAIRO ALONSO..."Fvck! Damn it!" malutong na mura n'ya sabay sipa sa isang upoan na nasa kan'yang harapan. Napatungo s'ya sa sahig habang ang isip ay nasa kay Dominique.Reese Dominique El Frio is her childhood love hanggang ngayon ngunit tanging isang matalik na kaibigan lamang ang turing nito sa kan'ya.Kailanman ay hindi s'ya nagtangka na ligawan o kahit magpalipad hangin man lang sa dalaga dahil natatakot s'ya na baka masira ang pagkakaibigan nila at lumayo ito sa kan'ya.Kaya nagtiis na lamang s'ya na lihim itong mamahalin. Minsan ay parang nadedemonyo na s'yang sabihin dito ang kan'yang nararamdaman at kung kailan na nagkaroon na s'ya ng lakas ng loob para magtapat sa babaeng matagal n'ya ng minamahal ay doon naman at dumating ang lalaking nagpapatibok ng puso nito.He was hurt and totally in a big messed ng malaman n'yang ikakasal na si Dominique kay attorney Montero. Ngunit kahit gaano pa s'yang nasaktan ay never n'yang ipinakita sa kahit na kanino ang totoong nararamdaman n'y
CONNOR CAYDEN..."I'm not dad! Ayokong may kasama sa bahay, ayokong may bodyguard na sunod ng sunod sa akin! Fvck! I'm not a kid anymore dad, I can handle myself!" mariing pagtanggi n'ya sa kagustohan ng kan'yang ama.Hindi n'ya alam kung bakit pinagdidiinan nito ang pagkakaroon n'ya ng bodyguard. He knows how to protect himself and for fvcking sake, he is no longer a kid. He knows how to fight kung may magtatangka man sa kan'ya."Connor Cayden! Sa ayaw at sa gusto mo ay magkakaroon ka ng bodyguard! Ang that's my order!" nangangalaiti sa galit na sagot ng kan'yang ama. Lihim n'yang naikuyom ang kan'yang mga kamao habang nagtatagis ang mga bagang.Ayaw na ayaw n'yang may ibang tao na nakamasid sa kan'yang mga galaw sa lahat ng oras dahil pakiramdam n'ya ay nasasakal s'ya. Simula ng magkaisip s'ya ay namulat na s'ya na may mga bodyguards kaya sakal na sakal na s'ya sa presensya ng mga ito.Nag-aral s'ya ng lahat ng mga self defense at paggamit ng lahat ng uri ng mga baril. Pati ang pagig
CONNOR CAYDEN..."Saan ka pupunta Henry?" hindi magkandauga na tanong n'ya kay Henry ng makita na tumayo ang pinsan."Aalis na! Bakit? Gusto mong dito na lang ako sa opisina mo? Well, hindi ko gusto na kasama ka Connor. Uuwi ako para makita ang bubuwit ko," sagot ng pinsan sa kan'ya at agad na tumalikod patungo sa pinto."Ikaw? Anong tinutunganga mo d'yan? Sundan mo ang lalaking iyon. S'ya ang nagdala sayo dito kaya s'ya ang sundan mo!" taboy n'ya sa babae. Akala nya ay susunod ito sa kan'ya ngunit nagulat s'ya ng umiling ito."Ayoko ser! Sabi ni senyora Caitlin ay mananatili ako sa tabi mo ngayon, bukas at magpakailanman!" sagot nito sa kan'ya na ikinaakyat ng dugo sa kan'yang ulo Sahil sa inis."I don't need you here kaya umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga security guards," galit na singhal n'ya rito."I'm sorry ser but I need you today and tomorrow is anader day. Katunog yon ng kasabihan ser na; " an apple a day is seven apple a week," nakangising sagot nito sa kan'ya. A
CONNOR CAYDEN..."Anong gagawin mo sa gunting na yan? Put it down and don't touch my things!" galit na singhal n'ya sa babae. Umusli ang labi nito na parang bata na pinagbawalan ng nanay na maglaro sa labas."Ang damot naman! Para hihiram lang ng gunting eh," pabulong-bulong na sabi nito sa gilid ngunit hindi n'ya na lang pinansin.Matutuyoan s'ya ng dugo kapag ito ang kaharap n'ya kaya para iwas stroke ay itinuon n'ya na lang ang kan'yang atensyon sa kan'yang trabaho."Doon ka sa labas! Huwag ka dito sa loob ng opisina ko dahil naririndi ako sa hitsura mo!" taboy n'ya sa babae ngunit hindi ito natinag, bagkus ay naupo ito sa sofa habang hawak ang papel na nakuha sa kan'yang mesa.Hindi s'ya nito pinansin at ang mga kamay nito ay busy sa kakalikot sa papel na hawak. Hindi n'ya alam kung ano ang ginagawa nito sa papel ngunit para matahimik na din s'ya ay pinabayaan n'ya na lang ito at nagsimula ng buklatin ang mga natitirang folder sa ibabaw ng kan'yang mesa.Ang iba ay nasa sahig nag
CONNOR CAYDEN..."Aray ko namam ser, magdahan-dahan naman kayo! Hindi n'yo naman ako kailangang pwersahin, sasama ako ng buong ganda at matiwasay ser," angal ng babae habang kinakaladkad n'ya ito.Mula sa elevator hanggang sa dumating sila sa lobby ng kan'yang kompanya sa baba ay hatak-hatak n'ya pa rin ito na may kasamang panggigil at inis.Nakababa na sila at pinagtitinginan sila ng mga empleyado n'ya sa lobby ngunit wala doon ang kan'yang atensyon. Ang gusto n'ya lang ay ang makaalis na sa lugar na iyon at hindi na makikita pa ang babae.Sirang-sira ang kan'yang araw dahil sa babae na bigla na lamang sumulpot sa kan'yang opisina.Pagdating sa labas ay binitiwan n'ya ito at galit na hinarap. Nakita n'yang napangiwi ito habang hinahaplos ang braso nito kung saan ay hawak na hawak n'ya kanina habang hinahatak ito pababa."You! Stay away from me and leave me alone!" matigas at malamig na sabi n'ya rito habang dinuduro at agad na tinalikuran ang babae at iniwan na nakatayo sa isang sulo
CONNOR CAYDEN..."Ser galit ka pa rin ba sa akin?" nagulat s'ya ng biglang may nagsalita sa kan'yang likuran. Dahil sa sobrang inis n'ya ay lumabas muna s'ya sa garden at nagmuni-muni."Leave me alone Indeeyyy," matigas na taboy n'ya rito."Ser naman kasi ang high blood. Pwede ba cease fire muna tayo ser. Pigilan mo muna ang galit mo sa akin, at tsaka wala naman akong ginagawa na masama sayo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko na iniutos ni senyora Caitlin," paliwanag nito sa kan'ya. Marahas s'yang humarap dito at matalim itong tinapunan ng tingin ngunit kinindatan lamang s'ya nito na ikinaigting ng kan'yang panga.Talagang hinahamon ng babaeng ito ang kan'yang pasensya at ramdam n'ya na malapit na s'yang sumabog dahil sa mga pinagagawa nito."Then tell mom that I don't need a maid here! Go back to her house at doon ka na magtrabaho. Ayokong may ibang tao na palaging nakasunod sa akin Inday—,""Indeeyyy po ser, nakalimutan n'yo na po ba? Indeeyyy po, Indeeyyy at hindi Inday," awat nito
CONNOR CAYDEN...Pagkatapos n'yang magbihis ay lumabas agad s'ya ng kwarto at deri-deritsong bumaba. Kailangan n'yang makaalis muna sa bahay n'ya ngayong gabi dahil baka hindi na s'ya abutan pa ng pagsikat ng araw bukas dahil sa sobrang kunsomisyon kay Inday este Indeeyyy pala.Aalis muna s'ya sa pamamahay n'ya para makaiwas sa krung-krung na babae na kasama n'ya ngayon na kahit anong gawin n'yang pagpapalayas ay hindi pa rin umaalis."Hoy! Ser! Saan ka pupunta? Gabi na!" narinig n'yang tanong nito ng makababa s'ya. Nilingon n'ya ito at matalim ang mga tingin na ipinukol dito."At ano naman ang pakialam mo? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na tanungin ako sa mga ginagawa ko sa buhay? Pinadala ka dito ni mommy para maglinis ng bahay at pagsilbihan ako, hindi yong pakikialaman mo ang buhay ko," galit na singhal n'ya rito at agad na tinalikuran ito at iniwan."Para nagtanong lang eh! Ang suplado mo talaga ser, akala mo ba gwapo ka? Eh tanders ka na naman ah! Kulubot na nga yong itlog