CONNOR CAYDEN..."Anong gagawin mo sa gunting na yan? Put it down and don't touch my things!" galit na singhal n'ya sa babae. Umusli ang labi nito na parang bata na pinagbawalan ng nanay na maglaro sa labas."Ang damot naman! Para hihiram lang ng gunting eh," pabulong-bulong na sabi nito sa gilid ngunit hindi n'ya na lang pinansin.Matutuyoan s'ya ng dugo kapag ito ang kaharap n'ya kaya para iwas stroke ay itinuon n'ya na lang ang kan'yang atensyon sa kan'yang trabaho."Doon ka sa labas! Huwag ka dito sa loob ng opisina ko dahil naririndi ako sa hitsura mo!" taboy n'ya sa babae ngunit hindi ito natinag, bagkus ay naupo ito sa sofa habang hawak ang papel na nakuha sa kan'yang mesa.Hindi s'ya nito pinansin at ang mga kamay nito ay busy sa kakalikot sa papel na hawak. Hindi n'ya alam kung ano ang ginagawa nito sa papel ngunit para matahimik na din s'ya ay pinabayaan n'ya na lang ito at nagsimula ng buklatin ang mga natitirang folder sa ibabaw ng kan'yang mesa.Ang iba ay nasa sahig nag
CONNOR CAYDEN..."Aray ko namam ser, magdahan-dahan naman kayo! Hindi n'yo naman ako kailangang pwersahin, sasama ako ng buong ganda at matiwasay ser," angal ng babae habang kinakaladkad n'ya ito.Mula sa elevator hanggang sa dumating sila sa lobby ng kan'yang kompanya sa baba ay hatak-hatak n'ya pa rin ito na may kasamang panggigil at inis.Nakababa na sila at pinagtitinginan sila ng mga empleyado n'ya sa lobby ngunit wala doon ang kan'yang atensyon. Ang gusto n'ya lang ay ang makaalis na sa lugar na iyon at hindi na makikita pa ang babae.Sirang-sira ang kan'yang araw dahil sa babae na bigla na lamang sumulpot sa kan'yang opisina.Pagdating sa labas ay binitiwan n'ya ito at galit na hinarap. Nakita n'yang napangiwi ito habang hinahaplos ang braso nito kung saan ay hawak na hawak n'ya kanina habang hinahatak ito pababa."You! Stay away from me and leave me alone!" matigas at malamig na sabi n'ya rito habang dinuduro at agad na tinalikuran ang babae at iniwan na nakatayo sa isang sulo
CONNOR CAYDEN..."Ser galit ka pa rin ba sa akin?" nagulat s'ya ng biglang may nagsalita sa kan'yang likuran. Dahil sa sobrang inis n'ya ay lumabas muna s'ya sa garden at nagmuni-muni."Leave me alone Indeeyyy," matigas na taboy n'ya rito."Ser naman kasi ang high blood. Pwede ba cease fire muna tayo ser. Pigilan mo muna ang galit mo sa akin, at tsaka wala naman akong ginagawa na masama sayo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko na iniutos ni senyora Caitlin," paliwanag nito sa kan'ya. Marahas s'yang humarap dito at matalim itong tinapunan ng tingin ngunit kinindatan lamang s'ya nito na ikinaigting ng kan'yang panga.Talagang hinahamon ng babaeng ito ang kan'yang pasensya at ramdam n'ya na malapit na s'yang sumabog dahil sa mga pinagagawa nito."Then tell mom that I don't need a maid here! Go back to her house at doon ka na magtrabaho. Ayokong may ibang tao na palaging nakasunod sa akin Inday—,""Indeeyyy po ser, nakalimutan n'yo na po ba? Indeeyyy po, Indeeyyy at hindi Inday," awat nito
CONNOR CAYDEN...Pagkatapos n'yang magbihis ay lumabas agad s'ya ng kwarto at deri-deritsong bumaba. Kailangan n'yang makaalis muna sa bahay n'ya ngayong gabi dahil baka hindi na s'ya abutan pa ng pagsikat ng araw bukas dahil sa sobrang kunsomisyon kay Inday este Indeeyyy pala.Aalis muna s'ya sa pamamahay n'ya para makaiwas sa krung-krung na babae na kasama n'ya ngayon na kahit anong gawin n'yang pagpapalayas ay hindi pa rin umaalis."Hoy! Ser! Saan ka pupunta? Gabi na!" narinig n'yang tanong nito ng makababa s'ya. Nilingon n'ya ito at matalim ang mga tingin na ipinukol dito."At ano naman ang pakialam mo? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na tanungin ako sa mga ginagawa ko sa buhay? Pinadala ka dito ni mommy para maglinis ng bahay at pagsilbihan ako, hindi yong pakikialaman mo ang buhay ko," galit na singhal n'ya rito at agad na tinalikuran ito at iniwan."Para nagtanong lang eh! Ang suplado mo talaga ser, akala mo ba gwapo ka? Eh tanders ka na naman ah! Kulubot na nga yong itlog
CONNOR CAYDEN...Nagmaneho s'ya patungo sa bar ng kan'yang hilaw na kapatid na si Cowell. Wala sana s'yang balak na lumabas ngunit ng dahil sa babae sa bahay n'ya ay napilitan s'yang umalis ng wala sa oras. Pagod na s'ya buong maghapon sa kan'yang trabaho at mas lalo pa s'yang napagod dahil sa galit n'ya kay Indeeyyy."Fvck! Sarili kong bahay pero ako pa ang napalayas ng wala sa oras," inis na sabi n'ya at mahinang hinampas ang manibela ng kan'yang sasakyan.Kung hindi lang s'ya pinalaki ng maayos ng kan'yang mga magulang ay baka nasakal n'ya na ang babaeng iyon. Ngunit kahit anong galit n'ya rito ay hindi n'ya pa rin magawang saktan ito katulad ng ibang lalaki na parang ang bilis lang kung manakit ng babae.Pagdating n'ya sa bar ni Cowell ay agad n'yang ipinarada ang kan'yang sasakyan. Cowell is his brother pero hindi sila biological siblings. Anak si Cowell ng dati nilang kasambahay na namatay ng ipinanganak si Cowell.Wala ng pamilya ang ina nito kaya walang mapupuntahan ang bata.
CONNOR CAYDEN..."Fvck! Jesus Christ!" igting ang panga na mura n'ya habang nakatingin sa hitsura ng kan'yang bahay sa harapan. Akala n'ya ay nagbibiro lang ang babae sa sinabi nito kanina pero hindi eh. At talagang ginawa nito ang sinabi sa kan'ya sa telepono kanina.Sino ang hindi magulat kung pag-uwi mo sa sarili mong bahay ay may nakapaskil na napakalaking karatola sa gate ng iyong bahay. At literal na malaki dahil halos masakop nito ang buong gate. Hindi n'ya alam kung saan kumuha si Indeeey ng papel na ginamit nito."House for sale! Reason for sale; Hindi na inuuwian ng gurang na may-ari na maitim at kulubot ang itlog," pagbasa n'ya sa nakasulat sa malaking karatola na nakapaskil sa gate ng kan'yang bahay.Agad n'yang kinuha ang remote ng kan'yang gate at pinindot iyon. Dahan-dahan na nagbukas ang gate at wala na s'yang inaksaya na oras. Mabilis n'yang minaniubra ang sasakyan papasok sa gate ng sariling tahanan ng mabuksan iyon at mabilis na bumaba ng sasakyan."Indayyyyy este
CONNOR CAYDEN...Hindi agad s'ya nakatulog, malalim na ang gabi ngunit nakatunganga pa rin s'ya sa kan'yang kwarto.Hindi tumalab ang ininom n'ya kanina sa bar ni Cowell. Pakiramdam n'ya, pagdating n'ya sa bahay at nakita ang pinagagawa ni Indeeyyy ay nawala ang lahat ng alcohol sa kan'yang katawan.Mas nadagdagan pa ito ng maghabulan pa silang dalawa ni Indeeyyy kanina. Mahina s'yang natawa dahil pakiramdam n'ya ay naging isip bata na rin s'ya dahil sa mga pinagagawa ni Indeeyyy.Kahit anong galit n'ya ay walang epekto dito at mas lalo lang s'yang ginagalit kaya napag isip-isip n'ya na hahayaan na lamang n'ya ito at hindi na papansinin pa.S'ya ang nagmukhang isip bata dahil pinapatulan n'ya din ito sa mga kalokohan na pinagagawa sa buhay.Dahil hindi makatulog ay nagpasya s'yang lumabas ng kwarto at bumaba. Hindi n'ya alam kung nasa pamamahay n'ya pa si Indeeyyy. Hindi n'ya na ulit nakita kanina ang babae pagkatapos nilang maghabulan.Kung nasa pamamahay n'ya pa ito ay wala na din s
CONNOR CAYDEN..."Fvck! Fvck! Damn it!" sunod-sunod na mura n'ya habang yakap-yakap ng isang braso ang baon na pinadala ni Indeeyyy sa kan'ya at ang isang kamay naman ay nakahawak ng mahigpit sa hawakan ng kan'yang kotse.Halos lumuwa na ang kan'yang puso dahil sa sobrang takot. Sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganitong takot."May truck! May truck Inday—,""Indeeyyy po ser! Mamamatay na tayo nakakalimutan mo pa rin ang pangalan ko. Isang Inday pa ser at ibabangga ko na tong sasakyan mo," sagot nito habang mabilis na minaniubra ang manibela ng kan'yang sasakyan na akala mo ay isang racer.Hindi n'ya inakala na marunong itong magmaneho ng sasakyan ngunit hindi papunta sa kan'yang opisina kundi papunta sa empyerno. May balak yata itong mag reunion kay satanas at isinama pa s'ya."Damn it! Slow down baby, please! Slow down!" pakiusap n'ya rito at hindi napansin ang naitawag n'ya sa dalaga. At muntik na s'yang masubsob sa unahan ng biglang apakan ni Indeeyyy ang pre