Share

DEAL WITH THE TYCOON BILLIONAIRE C8

CONNOR CAYDEN...

"Fvck! Jesus Christ!" igting ang panga na mura n'ya habang nakatingin sa hitsura ng kan'yang bahay sa harapan. Akala n'ya ay nagbibiro lang ang babae sa sinabi nito kanina pero hindi eh. At talagang ginawa nito ang sinabi sa kan'ya sa telepono kanina.

Sino ang hindi magulat kung pag-uwi mo sa sarili mong bahay ay may nakapaskil na napakalaking karatola sa gate ng iyong bahay. At literal na malaki dahil halos masakop nito ang buong gate. Hindi n'ya alam kung saan kumuha si Indeeey ng papel na ginamit nito.

"House for sale! Reason for sale; Hindi na inuuwian ng gurang na may-ari na maitim at kulubot ang itlog," pagbasa n'ya sa nakasulat sa malaking karatola na nakapaskil sa gate ng kan'yang bahay.

Agad n'yang kinuha ang remote ng kan'yang gate at pinindot iyon. Dahan-dahan na nagbukas ang gate at wala na s'yang inaksaya na oras.

Mabilis n'yang minaniubra ang sasakyan papasok sa gate ng sariling tahanan ng mabuksan iyon at mabilis na bumaba ng sasakyan.

"Indayyyyy este
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (31)
goodnovel comment avatar
Mamaganda Elizabeth
tawa aq ng tawa ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
kaloka habang nagbabasa ako ay d ko mapigilan ang sarili kong mapatawa
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
hahaha sino kayang sniper yang si Indeey?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status