CONNOR CAYDEN..."I need to work Indeeyyy," mahinahong sabi n'ya rito. Bwesit na bwesit na s'ya kanina sa mag-amang Acosta at ayaw n'ya ng dagdagan pa ang kan'yang pagkainis dahil kay Inday. Ayaw n'yang maubos ang energy n'ya ngayong araw sa puro galit at inis lahat dahil marami pa s'yang nakatambak na trabaho sa ibabaw ng kan'yang mesa."Oh ok! I'm so sorry ser! Ceo Indeeyyy Arureeeyyy is signing off, Ceo Connorinot Cayden Carson is in," malokong sabi nito at agad na tumayo mula sa kan'yang swivel chair at lumipat sa kabila."Mabuti naman at may hiya ka pa," pasaring n'ya rito. Tumayo ito sa harapan ng kan'yang mesa habang nasa bewang ang dalawang palad."Ser bagay kaya sa akin kung papalitan ko ang apelyedo ko ng Carson?" wala sa sariling tanong nito sa kan'ya at umasta na nag-iisip na mahina n'yang ikinatawa."Libre namang mangarap Indeeyyy, itudo mo na yan," sagot n'ya rito."Hmmm! Oo nga ser! Pwede kaya yon? Mrs. Connorinot Cayden Carson," parang timang na sagot nito. Imbes na ma
CONNOR CAYDEN..."Thank you officer Sandoval," pasasalamat n'ya sa pulis na kinausap n'ya para ma release si Indeeyyy. Inaresto ito dahil sa reklamo ng street vendor na nagtitinda ng kwek-kwek sa gilid ng daan.Kumain daw ito ng kumain ng mga paninda ng naturang street vendor at ng siningil na ito ay ang card na ibinigay n'ya rito ang pinangbayad nito.Sino ba ang nasa matinong pag-iisip ang gumamit ng card para ipambayad sa kinain na mga street foods. Anong akala nito sa kariton ng street vendor, high end at pang five star na mayroong machine para makapag swipe ng mga card for payment.Minsan naaawa s'ya sa ka inosentehan ni Indeeyyy ngunit madalas ay nakakabwesit ang mga pinagagawa nito lalo na kung pati pangalan n'ya ay damay sa mga pinagagawa nito sa buhay. Na perwisyo na s'ya, napahiya pa s'ya sa ibang tao. At ang malala ay sinabi pa nitong asawa s'ya nito at wala naman s'yang magawa kundi ang akuin na asawa ito dahil kung hindi ay baka mas tatagal pa sila sa presinto.Kung tutuus
CONNOR CAYDEN..."Connor Cayden Carson what is the meaning of this?" hysterical na tanong ng kan'yang abuela. Mabilis s'yang bumalikwas ng bangon at hinablot ang tuwalya at agad na itinakip sa kan'yang katawan."Nonna,Nonno," tawag n'ya sa dalawang matanda na nakatayo sa pinto ng kan'yang kwarto at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Inday."Connor, totoo na ba ito Nipote? May girlfriend ka na? Oh my gosh, marito, binata na ang apo natin," tuwang-tuwa na sabi ng kan'yang lola. Lihim s'yang napalunok ng laway ng marinig ang sinabi ng matanda at ng makita ang reaction ng mukha nito ng makita na may kasama s'yang babae at napagkamalan pang girlfriend n'ya."Nonna it's not what you think, she is no—,""Nipote calm down! It's ok apo at masaya ako na sa wakas ay tinupad mo na ang hiling namin ng Nonno mo. Oh my gosh, excited na akong makita ang apo ko sa tuhod my morito," dagdag pa na sabi ng kan'yang abuela at kita ang excitement sa mukha nito habang sinasambit ang salitang ap
CONNOR CAYDEN..."Nonna! You mistook her as m—,""No! No! No! No buts apo please, I like her to be your wife at masaya ako na si Indeeyyy ang pinili mo. We will plan your grand wedding as soon as possible dahil hindi na ako makakapaghintay pa na makita kayong dalawa sa harap ng altar," excited na sabi ng kan'yang lola.Nakakuyom ang kan'yang mga kamao sa ilalim ng mesa at igting ang mga panga dahil pakiramdam n'ya ay pinagkaisahan s'ya ng lahat. Pagbaba n'ya kanina ay nasa baba na din ang kan'yang mga magulang at nagulat na lang s'ya ng sabihan s'ya ng mga ito na pag-uusapan nila ang tungkol sa kasal nila ni Indeeyyy. Hindi n'ya alam kung kasama ang mga ito ng kan'yang lolo at lola kanina ng pumunta dito sa pamamahay n'ya o kakarating lang ng mga ito.Natagalan kasi s'ya sa pagbaba dahil ang dami pang iisipin na pumasok sa kan'yang utak kanina kaya imbes na bumaba ay nagmuni-muni pa muna s'ya sa kan'yang kwarto. Kung hindi pa nga s'ya kinatok ng assistant ng kan'yang abuela na kasa-k
CONNOR CAYDEN..."Indeeyyy are you sure you want to do this?" tanong ni Adrian kay Indeeyyy. Mababanaag ang pinipigilan na ngisi nito sa labi na ikinatanggap nito ng isang matalim na tingin mula sa kan'ya."Of course! Indeeyyy is ready, ayeehh! Ayeehh captain ," masiglang sagot ng babae kay Adrian na may kasamang kalokohan."Ganyan dapat Indeeyyy, dapat laging handa. Mamaya pagkatapos ng kasal, handa ka na din bang ngumawa? Malaki yang kay Connor," malokong tanong ni Adrian kay Indeeyyy na game na game basta kalokohan."Shut up Adrian! Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo! Ikasal mo na kami," inis na singhal n'ya sa pinsan."Oy! Si ser, nagmamadali! Excited ka ser na maging asawa ang kasingganda ko?" tukso sa kan'ya ni Indeeyyy na ikinahagalpak ng tawa ng kan'yang pinsan."Oo Indeeyyy! Humanda ka mamaya dahil ibabalibag kita sa pader hanggang sa magkalasog-lasog yang mga buto mo!" igting ang mga panga na sagot n'ya rito ngunit imbes na matakot ito ay malapad pa itong ngumisi ng marinig
CONNOR CAYDEN...Narating nila ang hospital na walang kahit na anong gasgas. Mabuti na lang at marunong magmaneho ang babae na ipinagtataka n'ya.Marunong din itong magsalita ng Italiano at maganda at malinis ang pirma. Hindi halata na walang pinag-aralan kung humawak ito ng ballpen.Ngayon ay napapaisip s'ya tungkol kay Indeeyyy ngunit kapag nakikita n'ya ang mukha nito na parang joke ay nawawala sa isip n'ya ang ibang bagay na unusual sa dalaga.Bumaba s'ya ng sasakyan at ganon din ang babae. Nauna s'yang naglakad at hindi na ito hinintay, alam n'ya na nakasunod ito sa kan'ya dahil nakikita n'ya sa repleksyon ng salamin ang pigura nito.Dumiretso s'ya sa elevator at ganon din ito. Dalawa lang sila sa loob at tahimik lamang s'ya sa isang sulok. Ayaw n'ya itong kausapin dahil baka kung ano-ano na naman ang maisipan nitong isagot sa kan'ya.At nagpapasalamat s'ya na hindi din ito nagsasalita at nakitaan n'ya ng ka seryosohan sa mukha. Hindi n'ya napigilan ang pag-alpas ng isang mahinan
CONNOR CAYDEN...Nakarating s'ya sa kan'yang bahay na parang wala sa sarili. Ipinasok n'ya ang sasakyan ng bumukas ang gate at agad din na sinara iyon.Matapos masiguro na maayos na ang nasa labas ay naglakad na s'ya papasok sa loob ng bahay. Katahimikan ang bumungad sa kan'ya. Bagay na nakasanayan n'ya na at balewala na sa kan'ya.Ang kan'yang ibang mga pinsan, pagdating sa bahay ay maiingay na boses ng mga anak ng mga ito ang sumasalubong pagbukas pa lamang ng pinto ngunit s'ya ay isang nakakatakot na katahimikan ang bumubungad sa kan'ya sa tuwing uuwi s'ya.Marahas s'yang nagpakawala ng hangin at nagpasyang pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pakiramdam n'ya ay pagod na pagod ang kan'yang katawan ngayong araw dahil sa mga nangyari.Wala ng ilaw sa kusina kaya naman ay kinapa n'ya ang switch ng ilaw para buksan para lang mapamura ng bumungad sa kan'ya si Indeeyyy na nakaupo sa upoan sa dining table at sobrang puti ng mukha.Sa harapan nito ay may mga natatakpan at may hinala s'y
CONNOR CAYDEN...Ilang linggo na rin silang nagsasama ni Indeeyyy bilang mag-asawa ngunit ganon pa rin ang kanilang set up.Hindi din nagpumilit ang babae na umasta silang mag-asawa sa loob ng bahay. Boss pa rin ang turing nito sa kan'ya at s'ya naman ay katulong ang turing dito.Ngunit sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na s'yang nasasanay sa ugali nito lalo na ang pagiging amasona at ayaw patatalo nito sa usapan na madalas ay naging dahilan ng kanilang pag-aaway.Ang ugali ni Indeeyyy na ayaw patalo sa kan'ya ang s'yang nagpapakulo ng kan'yang dugo dahil hindi n'ya matanggap na may isang babae na hindi natatakot sa kan'ya at nilalabanan s'ya. Madalas pa rin silang nag-aaway na dalawa ngunit dahil nga unti-unti na s'yang nasasanay dito ay parang normal na lang sa kan'ya ang angilan nila bago s'ya pumasok ng trabaho.Nakalabas na ng hospital ang kan'yang Nonna at kasalukoyan na nagpapagaling sa hacienda ng mga ito dito sa Pilipinas. Araw-araw din itong nagtatanong tungkol kay Indee