CONNOR CAYDEN...Nakarating s'ya sa kan'yang bahay na parang wala sa sarili. Ipinasok n'ya ang sasakyan ng bumukas ang gate at agad din na sinara iyon.Matapos masiguro na maayos na ang nasa labas ay naglakad na s'ya papasok sa loob ng bahay. Katahimikan ang bumungad sa kan'ya. Bagay na nakasanayan n'ya na at balewala na sa kan'ya.Ang kan'yang ibang mga pinsan, pagdating sa bahay ay maiingay na boses ng mga anak ng mga ito ang sumasalubong pagbukas pa lamang ng pinto ngunit s'ya ay isang nakakatakot na katahimikan ang bumubungad sa kan'ya sa tuwing uuwi s'ya.Marahas s'yang nagpakawala ng hangin at nagpasyang pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pakiramdam n'ya ay pagod na pagod ang kan'yang katawan ngayong araw dahil sa mga nangyari.Wala ng ilaw sa kusina kaya naman ay kinapa n'ya ang switch ng ilaw para buksan para lang mapamura ng bumungad sa kan'ya si Indeeyyy na nakaupo sa upoan sa dining table at sobrang puti ng mukha.Sa harapan nito ay may mga natatakpan at may hinala s'y
CONNOR CAYDEN...Ilang linggo na rin silang nagsasama ni Indeeyyy bilang mag-asawa ngunit ganon pa rin ang kanilang set up.Hindi din nagpumilit ang babae na umasta silang mag-asawa sa loob ng bahay. Boss pa rin ang turing nito sa kan'ya at s'ya naman ay katulong ang turing dito.Ngunit sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na s'yang nasasanay sa ugali nito lalo na ang pagiging amasona at ayaw patatalo nito sa usapan na madalas ay naging dahilan ng kanilang pag-aaway.Ang ugali ni Indeeyyy na ayaw patalo sa kan'ya ang s'yang nagpapakulo ng kan'yang dugo dahil hindi n'ya matanggap na may isang babae na hindi natatakot sa kan'ya at nilalabanan s'ya. Madalas pa rin silang nag-aaway na dalawa ngunit dahil nga unti-unti na s'yang nasasanay dito ay parang normal na lang sa kan'ya ang angilan nila bago s'ya pumasok ng trabaho.Nakalabas na ng hospital ang kan'yang Nonna at kasalukoyan na nagpapagaling sa hacienda ng mga ito dito sa Pilipinas. Araw-araw din itong nagtatanong tungkol kay Indee
CONNOR CAYDEN..."Lumayas na nga kayo dito! I have a meeting at two o'clock at uuwi ako ng maaga dahil naghihintay ang asawa ko sa akin!" inis na taboy n'ya sa mga pinsan. Huli na ng mapansin n'ya ang kan'yang sinabi. Nakita n'ya ang pag-awang ng mga bibig ng kan'yang mga pinsan na naroon at ang panlalaki ng mga mata ng mga ito."Whooohhhh! What the fvck! Binata ka na motherfvcker!" sigaw ni Chuck na s'yang unang nakabawi sa pagkagulat."Fvck!" malutong na mura n'ya lalo na ng magsimula ng magtawanan ang kan'yang mga pinsan. Ang kan'yang matiwasay na meeting sana kay Brook ay nauwi sa magulo at maingay na get together daw nila ayon kay Henry na s'yang pinakahuling dumating at may dalang isang note ng emperador light.At dahil nalaman ng kan'yang mga pinsan na ito ang nagdala kay Indeeyyy para magtrabaho sa kan'ya kaya ito ang tinanong ng tinanong ng kan'yang mga chismosong pinsan tungkol sa babaeng naging instant asawa n'ya.Kinakabahan naman s'ya sa mahimong sabihin ni Henry sa kan'y
CONNOR CAYDEN...Nakasunod lang ang kan'yang tingin kay Indeeyyy habang isa-isa nitong nilalapag sa mesa ang mga niluto nitong pagkain para sa kan'yang hapunan. Kumalam bigla ang kan'yang sikmura ng maamoy ang mabangong amoy ng mga pagkain na nakahain sa mesa.Sa panahon ngayon lalo na sa mga kabataan na katulad ng asawa n'ya ay bihira na lamang ang marunong magluto. Most of the young woman nowadays ay nagbababad sa pagmi-make up at kung ano-ano pang trend for millennials.Kaya lihim s'yang napahanga ng kan'yang asawa dahil sa batang edad nito at marunong itong magluto at bihasa sa mga gawaing bahay. Literal na wife material ika nga kaso may saltik lang kaya nasisira ang magandang imahe nito sa kan'ya."Ayan na! Kumain ka na d'yan, babalik na lang ako mamaya kapag tapos ka na," paalam sa kan'ya ng babae ng mailapag nito ang huling bowl na may laman na ulam. Nagsalubong ang kan'yang kilay na nag-angat ng tingin dito na nakatayo sa kan'yang harapan."Kumain ka na ba?" tanong n'ya rito.
CONNOR CAYDEN..."Saan ka pupunta?" tanong n'ya kay JM nang makita n'ya itong papalabas ng pinto. Kagigising n'ya lang at wala s'yang pasok ngayon dahil Sabado. Pagkagising n'ya ay naghilamos lang s'ya at nagsipilyo at agad na bumaba sa baba. Hindi n'ya din alam kung bakit s'ya nagmamadali, eh dati ay buong araw s'yang nakahilata sa kama kapag weekend.Nagkukusot pa s'ya ng kan'yang mga mata at tanging sweatpants lamang ang suot at walang damit na suot sa itaas. Lumingon sa kan'ya si Indeeyyy at bahagya itong nagulat ng makita s'ya.Hindi yata nito inaasahan na bababa s'ya ng ganito kaaga."JM, I'm asking you! Saan ka pupunta?" pag-uulit n'ya sa tanong n'ya rito ng hindi ito sumagot. Para naman itong nahimasmasan at nagising sa mahabang pagtulog."A-Ahmmm! Ahhhh! P-Pupunta ako ng palengke. Mamamalengke ako dahil wala na tayong stocks," nauutal na sagot ng dalaga sa kan'ya. Nakita n'ya ang isang bayong sa gilid ng pinto at may hinala s'ya na ito ang gagamitin ng babae para paglagyan n
CONNOR CAYDEN...Narating nila ang palengke at katulad ng inaasahan n'ya ay maraming tao sa buong lugar. At dahil magandang sasakyan ang dala n'ya kung saan ay naka bullet proof na dahil sa nangyari noong nakaraan ay nabaling sa kanila ang mga mata ng nasa paligid.Hindi na bago sa kan'ya ang ganitong senaryo. Katunayan ay bata pa lang s'ya ay sanay na s'ya na pumupunta sa mga wet market sa Italy dahil palagi s'yang sinasama ng kan'yang Nonna noon.Kahit mayaman ang kanilang angkan lalo na ang kan'yang lolo at lola ngunit hindi ang mga ito umaasa sa mga katulong. Kaya ito din ang nakasanayan n'ya dahil lumaki s'ya na nakikita ang kan'yang lolo at lola na gumagawa ng mga gawaing bahay at hindi umaasa sa mga katulong ng mga ito.Ang lola n'ya mismo ang namamalengke ng mga kakainin nila buong linggo at hindi ito bumibili sa mga supermarket. Deritso ito sa mga wet market para doon bumili ng kanilang mga stocks. At madalas ay sumasama s'ya para tulongan ito sa pagbitbit ng mga pinamili.Ka
CONNOR CAYDEN...Nakabalik sila ng bahay na nakabusangot ang kan'yang mukha. Tahimik lang din si JM sa kan'yang tabi na mas ikinainis n'ya pa lalo. Hindi man lang s'ya nito kinausap sa buong byahe nila pauwi.Ito pa ang may ganang manahimik pagkatapos nitong sabihin na gusto nitong mag resign bilang asawa n'ya para makapag jowa ng iba. Ewan n'ya ba pero naiinis talaga s'ya ng marinig ang sinabi nito kanina.Ibang inis at galit ang kan'yang nararamdaman. Masaya na s'ya ng malaman na hindi pa ito nagkaroon ng kahit na isang nobyo at s'ya ang una nito pero bigla namang napalitan ng inis ng marinig ang sunod na sinabi nito sa kan'ya.At pagkatapos nitong sabihin ang bagay na iyon at ginalit s'ya ay nanahimik ito sa kan'yang tabi at hindi na s'ya kinausap kaya mas lalong nanibugho ang kan'yang kalooban.Kung dati ay gusto n'yang manahimik ito ngunit ngayon ay mas gusto n'ya na kinakausap s'ya ng dalaga. Naiinis na s'ya kapag nakikita n'ya na balewala lang dito na hindi sila nag-uusap na da
CONNOR CAYDEN...Nadadaran na sila pareho ni JM sa kanilang paghahalikan. Ewan n'ya pero ngayon lang din naman s'ya nakahalik sa babae. Oo nga at may mga ka fubu s'ya ngunit walang isa sa mga ito ang nakakahalik sa kan'yang labi.His lips is still virgin at walang kahit na sino ang nakakatikim dito. Nakakatawa man pero kahit ang mga pinsan n'ya ay pinagtatawanan s'ya dahil dito.Pero wala s'yang pakialam na pagtawanan ng iba. Hindi n'ya lang talaga feel na may humahalik sa kan'yang labi pero ngayon kay Indeeyyy ay parang ayaw n'ya ng tumigil.Halata din na walang experience ang kahalikan n'ya dahil madalas ay nagkakabanggaan ang kanilang mga ngipin na dalawa. Bagay na hindi naman nangyayari kung ang kahalikan mo ay well experience.Lunod na lunod na sila pareho at ang kan'yang kamay ay unti-unti na ring gumagalaw papunta sa ibang parti ng katawan ni Indeeyyy.Mula sa bewang ng babae ay naglakbay ito patungo sa likurang bahagi ng katawan ng asawa at ang bawat madadaanan n'ya ay pinipis