CONNOR CAYDEN...Pagkatapos n'yang magbihis ay lumabas agad s'ya ng kwarto at deri-deritsong bumaba. Kailangan n'yang makaalis muna sa bahay n'ya ngayong gabi dahil baka hindi na s'ya abutan pa ng pagsikat ng araw bukas dahil sa sobrang kunsomisyon kay Inday este Indeeyyy pala.Aalis muna s'ya sa pamamahay n'ya para makaiwas sa krung-krung na babae na kasama n'ya ngayon na kahit anong gawin n'yang pagpapalayas ay hindi pa rin umaalis."Hoy! Ser! Saan ka pupunta? Gabi na!" narinig n'yang tanong nito ng makababa s'ya. Nilingon n'ya ito at matalim ang mga tingin na ipinukol dito."At ano naman ang pakialam mo? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na tanungin ako sa mga ginagawa ko sa buhay? Pinadala ka dito ni mommy para maglinis ng bahay at pagsilbihan ako, hindi yong pakikialaman mo ang buhay ko," galit na singhal n'ya rito at agad na tinalikuran ito at iniwan."Para nagtanong lang eh! Ang suplado mo talaga ser, akala mo ba gwapo ka? Eh tanders ka na naman ah! Kulubot na nga yong itlog
CONNOR CAYDEN...Nagmaneho s'ya patungo sa bar ng kan'yang hilaw na kapatid na si Cowell. Wala sana s'yang balak na lumabas ngunit ng dahil sa babae sa bahay n'ya ay napilitan s'yang umalis ng wala sa oras. Pagod na s'ya buong maghapon sa kan'yang trabaho at mas lalo pa s'yang napagod dahil sa galit n'ya kay Indeeyyy."Fvck! Sarili kong bahay pero ako pa ang napalayas ng wala sa oras," inis na sabi n'ya at mahinang hinampas ang manibela ng kan'yang sasakyan.Kung hindi lang s'ya pinalaki ng maayos ng kan'yang mga magulang ay baka nasakal n'ya na ang babaeng iyon. Ngunit kahit anong galit n'ya rito ay hindi n'ya pa rin magawang saktan ito katulad ng ibang lalaki na parang ang bilis lang kung manakit ng babae.Pagdating n'ya sa bar ni Cowell ay agad n'yang ipinarada ang kan'yang sasakyan. Cowell is his brother pero hindi sila biological siblings. Anak si Cowell ng dati nilang kasambahay na namatay ng ipinanganak si Cowell.Wala ng pamilya ang ina nito kaya walang mapupuntahan ang bata.
CONNOR CAYDEN..."Fvck! Jesus Christ!" igting ang panga na mura n'ya habang nakatingin sa hitsura ng kan'yang bahay sa harapan. Akala n'ya ay nagbibiro lang ang babae sa sinabi nito kanina pero hindi eh. At talagang ginawa nito ang sinabi sa kan'ya sa telepono kanina.Sino ang hindi magulat kung pag-uwi mo sa sarili mong bahay ay may nakapaskil na napakalaking karatola sa gate ng iyong bahay. At literal na malaki dahil halos masakop nito ang buong gate. Hindi n'ya alam kung saan kumuha si Indeeey ng papel na ginamit nito."House for sale! Reason for sale; Hindi na inuuwian ng gurang na may-ari na maitim at kulubot ang itlog," pagbasa n'ya sa nakasulat sa malaking karatola na nakapaskil sa gate ng kan'yang bahay.Agad n'yang kinuha ang remote ng kan'yang gate at pinindot iyon. Dahan-dahan na nagbukas ang gate at wala na s'yang inaksaya na oras. Mabilis n'yang minaniubra ang sasakyan papasok sa gate ng sariling tahanan ng mabuksan iyon at mabilis na bumaba ng sasakyan."Indayyyyy este
CONNOR CAYDEN...Hindi agad s'ya nakatulog, malalim na ang gabi ngunit nakatunganga pa rin s'ya sa kan'yang kwarto.Hindi tumalab ang ininom n'ya kanina sa bar ni Cowell. Pakiramdam n'ya, pagdating n'ya sa bahay at nakita ang pinagagawa ni Indeeyyy ay nawala ang lahat ng alcohol sa kan'yang katawan.Mas nadagdagan pa ito ng maghabulan pa silang dalawa ni Indeeyyy kanina. Mahina s'yang natawa dahil pakiramdam n'ya ay naging isip bata na rin s'ya dahil sa mga pinagagawa ni Indeeyyy.Kahit anong galit n'ya ay walang epekto dito at mas lalo lang s'yang ginagalit kaya napag isip-isip n'ya na hahayaan na lamang n'ya ito at hindi na papansinin pa.S'ya ang nagmukhang isip bata dahil pinapatulan n'ya din ito sa mga kalokohan na pinagagawa sa buhay.Dahil hindi makatulog ay nagpasya s'yang lumabas ng kwarto at bumaba. Hindi n'ya alam kung nasa pamamahay n'ya pa si Indeeyyy. Hindi n'ya na ulit nakita kanina ang babae pagkatapos nilang maghabulan.Kung nasa pamamahay n'ya pa ito ay wala na din s
CONNOR CAYDEN..."Fvck! Fvck! Damn it!" sunod-sunod na mura n'ya habang yakap-yakap ng isang braso ang baon na pinadala ni Indeeyyy sa kan'ya at ang isang kamay naman ay nakahawak ng mahigpit sa hawakan ng kan'yang kotse.Halos lumuwa na ang kan'yang puso dahil sa sobrang takot. Sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganitong takot."May truck! May truck Inday—,""Indeeyyy po ser! Mamamatay na tayo nakakalimutan mo pa rin ang pangalan ko. Isang Inday pa ser at ibabangga ko na tong sasakyan mo," sagot nito habang mabilis na minaniubra ang manibela ng kan'yang sasakyan na akala mo ay isang racer.Hindi n'ya inakala na marunong itong magmaneho ng sasakyan ngunit hindi papunta sa kan'yang opisina kundi papunta sa empyerno. May balak yata itong mag reunion kay satanas at isinama pa s'ya."Damn it! Slow down baby, please! Slow down!" pakiusap n'ya rito at hindi napansin ang naitawag n'ya sa dalaga. At muntik na s'yang masubsob sa unahan ng biglang apakan ni Indeeyyy ang pre
CONNOR CAYDEN..."What? What's wrong with you honey!" gulat na bulalas ni Jemena ng marinig ang kan'yang sinabi."Fvck!" mahinang mura n'ya dahil sumasakit ang ulo n'ya sa dalawang babaeng kaharap n'ya ngayon."Connor answer me!" pangugulit ni Jemena sa kan'ya."Damn it! I have a lot of things that need to be done today kaya pwede ba, kayong dalawa, stop wasting my time and leave me alone!" inis na singhal n'ya sabay alis para iwan ang dalawang babae."Hoy kabayong bondat saan ka pupunta?" narinig n'yang tanong ni Indeeyyy kay Jemena."Anong pakialam mo? Susundan ko si Connor!" pasinghal na sagot ni Jemena kay Indeeyyy."Nakita mo na ngang nabwesit na yong isa tapos susundan mo pa. Aba, hindi ka lang pala pangit, manhid ka pa at walang pakiramdam. Sige subukan mong sundan si baby Connorinot ko at gagawin kitang tikbalang na pasmado," banta ni Indeeyyy kay Jemena na ikinailing n'ya.Akala mo talaga ay may matino itong ginagawa kapag magkasama sila kung makapagsalita ito kay Jemena. Mal
CONNOR CAYDEN..."I need to work Indeeyyy," mahinahong sabi n'ya rito. Bwesit na bwesit na s'ya kanina sa mag-amang Acosta at ayaw n'ya ng dagdagan pa ang kan'yang pagkainis dahil kay Inday. Ayaw n'yang maubos ang energy n'ya ngayong araw sa puro galit at inis lahat dahil marami pa s'yang nakatambak na trabaho sa ibabaw ng kan'yang mesa."Oh ok! I'm so sorry ser! Ceo Indeeyyy Arureeeyyy is signing off, Ceo Connorinot Cayden Carson is in," malokong sabi nito at agad na tumayo mula sa kan'yang swivel chair at lumipat sa kabila."Mabuti naman at may hiya ka pa," pasaring n'ya rito. Tumayo ito sa harapan ng kan'yang mesa habang nasa bewang ang dalawang palad."Ser bagay kaya sa akin kung papalitan ko ang apelyedo ko ng Carson?" wala sa sariling tanong nito sa kan'ya at umasta na nag-iisip na mahina n'yang ikinatawa."Libre namang mangarap Indeeyyy, itudo mo na yan," sagot n'ya rito."Hmmm! Oo nga ser! Pwede kaya yon? Mrs. Connorinot Cayden Carson," parang timang na sagot nito. Imbes na ma
CONNOR CAYDEN..."Thank you officer Sandoval," pasasalamat n'ya sa pulis na kinausap n'ya para ma release si Indeeyyy. Inaresto ito dahil sa reklamo ng street vendor na nagtitinda ng kwek-kwek sa gilid ng daan.Kumain daw ito ng kumain ng mga paninda ng naturang street vendor at ng siningil na ito ay ang card na ibinigay n'ya rito ang pinangbayad nito.Sino ba ang nasa matinong pag-iisip ang gumamit ng card para ipambayad sa kinain na mga street foods. Anong akala nito sa kariton ng street vendor, high end at pang five star na mayroong machine para makapag swipe ng mga card for payment.Minsan naaawa s'ya sa ka inosentehan ni Indeeyyy ngunit madalas ay nakakabwesit ang mga pinagagawa nito lalo na kung pati pangalan n'ya ay damay sa mga pinagagawa nito sa buhay. Na perwisyo na s'ya, napahiya pa s'ya sa ibang tao. At ang malala ay sinabi pa nitong asawa s'ya nito at wala naman s'yang magawa kundi ang akuin na asawa ito dahil kung hindi ay baka mas tatagal pa sila sa presinto.Kung tutuus