Thank you for reading ❤️ Pa rate po ng story guys! Thank you ❤️ On going na din pala ang story ni Red, pa check na din po !
ADRIAN KYLE...Matapos makausap si Abdul at mabilinan ang taohan sa kailangan nitong gawin ay maingat at walamh ingay s'yang lumapit kay Nalie na mahimbing pa rin na natutulog sa sofa.Wala man lang itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid nito.Pinakatitigan n'ya ang maamo at magandang mukha ng babae at hindi n'ya maiwasan ang makaramdam ng habag sa mga pinagdaanan nito. Hindi biro ang maloko ng asawa at sa dinami-dami ng babae sa mundo ay sa best friend pa nito."I'm sorry," mahinang sabi n'ya sabay haplos sa mukha ni Nalie. Ilang segundo pa s'yang nanatili na nakatingin sa babae bago nagpasyang iuwi ito sa kan'yang condo.Puno ng pag-iingat n'yang kinarga ang natutulog na dalaga at lumabas ng vip room ng bar na pag-aari n'ya. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagkalat ang kan'yang mga negosyo sa buong bansa at pati na sa ibang bansa.Hindi lamang ito ang negosyo n'ya, marami pa at hindi basta-bastang mga negosyo lamang. Ka sosyo n'ya din ang kan'yang mga pinsan at halos silang la
ADRIAN KYLE...Akmang papasok s'ya sa banyo para kumuha ng bimpo na ipampunas kay Nalie para maginhawaan ito nang tumunog ang kan'yang cellphone.Agad n'yang kinuha ito mula sa bulsa ng suot na pantalon at sinipat iyon. Nakita n'ya ang pangalan ni Abdul sa screen kaya agad n'yang tinungo ang banyo para doon kausapin ang taohan.Pagpasok n'ya sa loob ay agad n'ya itong isinarado bago sinagot ang tawag ng inutosan n'ya."Abdul anong nakalap mo?" agad na bungad n'ya sa lalaki."Boss walang Khairo na konektado kay Dr. Jabar. Nahukay ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kan'ya ngunit wala akong nakita na pangalan na Khairo," pagbibigay alam ng taohan sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang dahil mukhang mahihirapan s'yang alamin kung sino si Khairo sa buhay ni Nalie."Dig more Abdul, I don't care kung paano mo gagawin yon basta bukas na bukas din ay kailangan may balita ka na sa akin," matigas na turan n'ya rito at agad na pinatay ang tawag. Napatingala s'ya sa kisame at marahas
NALIE ATHALIA..."Hmmmm!" ungol n'ya at dahan-dahan na iminulat ang mga mata ngunit agad ding napapikit muli ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo. Napangiwi s'ya ng maramdaman na parang pumipintig-pintig ang kan'yang ulo dahil sa sobrang sakit."Ano ba kasi ang nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili habang nakangiwi. Pakiramdam n'ya ay umiikot ang kan'yang paligid kapag iminulat n'ya ang kan'yang mga mata.Wala s'yang naalala sa nangyari at kung bakit ganito kasakit ang kan'yang ulo ng magising s'ya."May sakit ba ako kahapon?" lutang na tanong n'ya sa kan'yang sarili dahil pakiramdam n'ya ay parang mabibiyak dahil sa sobrang sakit ang kan'yang ulo."Damn!" mahinang mura n'ya sabay hilot sa kan'yang sintido. Umiikot talaga ang kan'yang paningin kapag sinusubukan n'yang imulat ang kan'yang mga mata at napakasakit din ng kan'yang ulo. Unti-unting dumaloy sa kan'yang isip ang mga nangyari kahapon at ang dahilan kung bakit s'ya nagkaganito ngayon. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nak
NALIE ATHALIA...Matapos makapag toothbrush gamit ang sipilyo ni Adrian ay agad n'yang inayos ang sarili bago lumabas. Ngunit bago pa man s'ya tuloyang humarap sa binata ay hinablot n'ya ang isang tuwalya na nakasabit sa dingding at itinakip sa kan'yang dibdib dahil nakikita ang kan'yang dalawang korona sa manipis na tela ng t-shirt.Nakalimutan n'ya na ang lalaki ang nagpalit sa kan'ya ng damit kagabi at paniguradong nakita na nito ang kan'yang dibdib.Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at agad na naamoy n'ya ang mabangong amoy ng masarap na pagkain.Kumulo ang kan'yang t'yan at doon lang s'ya nakaramdam ng gutom. "Are you ok? Masakit ba ang ulo mo? I have medicine for hangover here," ang nag-aalalang boses ni Adrian ang nagpabalik sa kan'yang diwa. Nilingon n'ya ang lalaki at nakita n'ya itong papalapit sa kan'ya.Maaliwalas ang mukha nito at kahit sa simpling t-shirt at short na suot ay napakalinis at napaka gwapo nitong tingnan.Hindi s'ya nakahuma at nakatulala lamang na na
NALIE ATHALIA...Ilang segundo din s'yang hindi nakahuma at ng mahimasmasan ay ipinilig n'ya ang ulo at hinamig ang sarili.Pakiramdam n'ya ang bilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Adrian at hindi tama itong ginagawa n'ya kasama ang lalaki.Oo nga at wala naman silang ginagawang masama ngunit hindi pa rin magandang tingnan na nasa pamamahay s'ya nito at may asawa s'yang tao.At hindi na din maganda ang pakiramdam n'ya sa presensya ni Adrian at natatakot s'ya na baka tuloyan na s'yang maakit rito at pagsisihan n'ya ang lahat sa huli.Alam n'ya ang ginagawa ng binata at hindi s'ya dapat magpadala sa mga ganitong taktika ng lalaki dahil hindi s'ya sigurado kung seryoso ba ito sa mga pinagsasabi o baka sinusubukan lang s'ya ng lalaki kung bibigay s'ya sa mga pang-aakit nito.Ayaw n'yang maalipusta muli at masabihan na isa s'yang maduming babae dahil sa kan'yang nakaraan. Masakit pa rin sa kan'ya kapag naririnig n'ya ito sa bibig ni Lincoln ngunit kalaunan ay nasanay na rin s'ya pe
NALIE ATHALIA..."Are you not going to answer the call?" malamig ang boses na tanong ni Kyle sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay at sa tono ng pananalita nito ay para itong boyfriend na nagseselos ngunit agad n'yang iwinaksi sa isip ang ideyang iyon dahil malabo na magseselos si Adrian kay Khairo.Wala namang sila at hindi sila mag jowa para umasta ang lalaki ng ganito. Siguro ay galit pa rin ito dahil sa nangyari kanina na ipinagkibit-balikat n'ya na lang."I will talk to him later, pagdating ko sa bahay," tugon n'ya sa lalaki. "Bakit ayaw mo bang marinig ko ang usapan n'yo?" malamig na tanong ng binata na agad n'yang ikinalingon sa lalaki. "What do you mean? Bakit ba iyan ang mga sinasabi mo Kyle? May problema ka ba kung may kausap akong ibang lalaki?" hindi napigilang sita n'ya rito. Naramdaman n'ya kasi na medyo sumobra na sa inaasta ang binata at hindi na s'ya komportable sa mga lumalabas sa bibig nito."I'm sorry," parang nahimasmasan na paghingi ng paumanhin nito sa
ADRIAN KYLE...Nang marinig n'ya ng paulit-ulit ang pangalan na Khairo na sinasambit ni Nalie ay sobrang nainis s'ya rito. Hindi n'ya ipagkaila pa sa sarili n'ya na nagseselos s'ya sa lalaki na hindi n'ya alam kung ano ang relasyon kay Nalie.Pero ganon pa man ay wala s'yang karapatan dahil hindi n'ya pag-aari ang babae ngunit hindi n'ya rin mapigilan ang kan'yang sarili na makaramdam ng ganong pakiramdam dahil sa puso n'ya ay alam n'ya na importanti ang babae sa kan'ya.Marahas s'yang bumuga ng hangin at kinuha ang mga damit ni Nalie na nilabhan n'ya kagabi. Iniwan n'ya ito sa kwarto n'ya para taposin ang almusal nito at s'ya naman ay pumunta sa laundry para kunin ang damit ng dalaga.Matapos makuha ang mga damit ay lumabas na s'ya ng laundry room at bumalik sa kan'yang silid para iabot kay Nalie ang mga damit nito.Kung s'ya lang ang masusunod ay hindi n'ya na hayaan pa na mawalay ito sa kan'ya at mawala sa kan'yang paningin. Ngayon ay naintindihan n'ya na ang mga pinsan na nagsipag
ADRIAN KYLE...Nauna s'yang lumabas ng kwarto at iniwan si Nalie para makapag bihis ito. Naupo s'ya sa sofa sa living room at nakita n'ya ang bag ni Nalie na nasa couch kaya naman ay kinuha n'ya ito at inilagay sa tabi n'ya para hindi n'ya makalimutan mamaya.Habang naghihintay sa dalaga ay nagbabasa-basa muna s'ya at hindi naman ito nagtagal sa loob at bumukas ang pinto ng kan'yang kwarto at lumabas ang babae.Agad s'yang tumigil sa pagbabasa at nag-angat ng ulo at ang magandang mukha ni Nalie ang bumungad sa kan'ya .Napaka ganda talaga nito at hinding-hindi s'ya magsasawa na tumingin sa mukha ng babae. Hindi n'ya maintindihan kung bakit nakuha pa ng asawa nito na maghanap ng iba na kung tutuusin ay napaka swerte na nito sa babae.Yong ganda na hindi nakakaumay at pangarapin mo at paulit-ulit na titingnan. Ang mga mapupungay na mga mata ni Nalie na kulay brown ang s'yang unang-una na mapapansin sa mukha nito.At dito din s'ya unang nahumaling ng makita n'ya ito sa hospital noong una