Thank you for reading babies ❤️
NALIE ATHALIA..."Hmmmm!" ungol n'ya at dahan-dahan na iminulat ang mga mata ngunit agad ding napapikit muli ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo. Napangiwi s'ya ng maramdaman na parang pumipintig-pintig ang kan'yang ulo dahil sa sobrang sakit."Ano ba kasi ang nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili habang nakangiwi. Pakiramdam n'ya ay umiikot ang kan'yang paligid kapag iminulat n'ya ang kan'yang mga mata.Wala s'yang naalala sa nangyari at kung bakit ganito kasakit ang kan'yang ulo ng magising s'ya."May sakit ba ako kahapon?" lutang na tanong n'ya sa kan'yang sarili dahil pakiramdam n'ya ay parang mabibiyak dahil sa sobrang sakit ang kan'yang ulo."Damn!" mahinang mura n'ya sabay hilot sa kan'yang sintido. Umiikot talaga ang kan'yang paningin kapag sinusubukan n'yang imulat ang kan'yang mga mata at napakasakit din ng kan'yang ulo. Unti-unting dumaloy sa kan'yang isip ang mga nangyari kahapon at ang dahilan kung bakit s'ya nagkaganito ngayon. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nak
NALIE ATHALIA...Matapos makapag toothbrush gamit ang sipilyo ni Adrian ay agad n'yang inayos ang sarili bago lumabas. Ngunit bago pa man s'ya tuloyang humarap sa binata ay hinablot n'ya ang isang tuwalya na nakasabit sa dingding at itinakip sa kan'yang dibdib dahil nakikita ang kan'yang dalawang korona sa manipis na tela ng t-shirt.Nakalimutan n'ya na ang lalaki ang nagpalit sa kan'ya ng damit kagabi at paniguradong nakita na nito ang kan'yang dibdib.Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at agad na naamoy n'ya ang mabangong amoy ng masarap na pagkain.Kumulo ang kan'yang t'yan at doon lang s'ya nakaramdam ng gutom. "Are you ok? Masakit ba ang ulo mo? I have medicine for hangover here," ang nag-aalalang boses ni Adrian ang nagpabalik sa kan'yang diwa. Nilingon n'ya ang lalaki at nakita n'ya itong papalapit sa kan'ya.Maaliwalas ang mukha nito at kahit sa simpling t-shirt at short na suot ay napakalinis at napaka gwapo nitong tingnan.Hindi s'ya nakahuma at nakatulala lamang na na
NALIE ATHALIA...Ilang segundo din s'yang hindi nakahuma at ng mahimasmasan ay ipinilig n'ya ang ulo at hinamig ang sarili.Pakiramdam n'ya ang bilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Adrian at hindi tama itong ginagawa n'ya kasama ang lalaki.Oo nga at wala naman silang ginagawang masama ngunit hindi pa rin magandang tingnan na nasa pamamahay s'ya nito at may asawa s'yang tao.At hindi na din maganda ang pakiramdam n'ya sa presensya ni Adrian at natatakot s'ya na baka tuloyan na s'yang maakit rito at pagsisihan n'ya ang lahat sa huli.Alam n'ya ang ginagawa ng binata at hindi s'ya dapat magpadala sa mga ganitong taktika ng lalaki dahil hindi s'ya sigurado kung seryoso ba ito sa mga pinagsasabi o baka sinusubukan lang s'ya ng lalaki kung bibigay s'ya sa mga pang-aakit nito.Ayaw n'yang maalipusta muli at masabihan na isa s'yang maduming babae dahil sa kan'yang nakaraan. Masakit pa rin sa kan'ya kapag naririnig n'ya ito sa bibig ni Lincoln ngunit kalaunan ay nasanay na rin s'ya pe
NALIE ATHALIA..."Are you not going to answer the call?" malamig ang boses na tanong ni Kyle sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay at sa tono ng pananalita nito ay para itong boyfriend na nagseselos ngunit agad n'yang iwinaksi sa isip ang ideyang iyon dahil malabo na magseselos si Adrian kay Khairo.Wala namang sila at hindi sila mag jowa para umasta ang lalaki ng ganito. Siguro ay galit pa rin ito dahil sa nangyari kanina na ipinagkibit-balikat n'ya na lang."I will talk to him later, pagdating ko sa bahay," tugon n'ya sa lalaki. "Bakit ayaw mo bang marinig ko ang usapan n'yo?" malamig na tanong ng binata na agad n'yang ikinalingon sa lalaki. "What do you mean? Bakit ba iyan ang mga sinasabi mo Kyle? May problema ka ba kung may kausap akong ibang lalaki?" hindi napigilang sita n'ya rito. Naramdaman n'ya kasi na medyo sumobra na sa inaasta ang binata at hindi na s'ya komportable sa mga lumalabas sa bibig nito."I'm sorry," parang nahimasmasan na paghingi ng paumanhin nito sa
ADRIAN KYLE...Nang marinig n'ya ng paulit-ulit ang pangalan na Khairo na sinasambit ni Nalie ay sobrang nainis s'ya rito. Hindi n'ya ipagkaila pa sa sarili n'ya na nagseselos s'ya sa lalaki na hindi n'ya alam kung ano ang relasyon kay Nalie.Pero ganon pa man ay wala s'yang karapatan dahil hindi n'ya pag-aari ang babae ngunit hindi n'ya rin mapigilan ang kan'yang sarili na makaramdam ng ganong pakiramdam dahil sa puso n'ya ay alam n'ya na importanti ang babae sa kan'ya.Marahas s'yang bumuga ng hangin at kinuha ang mga damit ni Nalie na nilabhan n'ya kagabi. Iniwan n'ya ito sa kwarto n'ya para taposin ang almusal nito at s'ya naman ay pumunta sa laundry para kunin ang damit ng dalaga.Matapos makuha ang mga damit ay lumabas na s'ya ng laundry room at bumalik sa kan'yang silid para iabot kay Nalie ang mga damit nito.Kung s'ya lang ang masusunod ay hindi n'ya na hayaan pa na mawalay ito sa kan'ya at mawala sa kan'yang paningin. Ngayon ay naintindihan n'ya na ang mga pinsan na nagsipag
ADRIAN KYLE...Nauna s'yang lumabas ng kwarto at iniwan si Nalie para makapag bihis ito. Naupo s'ya sa sofa sa living room at nakita n'ya ang bag ni Nalie na nasa couch kaya naman ay kinuha n'ya ito at inilagay sa tabi n'ya para hindi n'ya makalimutan mamaya.Habang naghihintay sa dalaga ay nagbabasa-basa muna s'ya at hindi naman ito nagtagal sa loob at bumukas ang pinto ng kan'yang kwarto at lumabas ang babae.Agad s'yang tumigil sa pagbabasa at nag-angat ng ulo at ang magandang mukha ni Nalie ang bumungad sa kan'ya .Napaka ganda talaga nito at hinding-hindi s'ya magsasawa na tumingin sa mukha ng babae. Hindi n'ya maintindihan kung bakit nakuha pa ng asawa nito na maghanap ng iba na kung tutuusin ay napaka swerte na nito sa babae.Yong ganda na hindi nakakaumay at pangarapin mo at paulit-ulit na titingnan. Ang mga mapupungay na mga mata ni Nalie na kulay brown ang s'yang unang-una na mapapansin sa mukha nito.At dito din s'ya unang nahumaling ng makita n'ya ito sa hospital noong una
ADRIAN KYLE...Napahilamos s'ya ng palad sa mukha habang iniisip kung sino ang nasa likod ng pangalan na Cobra.Hindi pwede ang ganito, nakakapasok ito ng malaya sa kan'yang account at alam nito ang lahat ng access code sa mga assets n'ya.Kapag nagkataon ay mawawala sa kan'ya ang lahat sa isang kisap-mata lamang dahil alam nito kung paano limasin ang kayaman n'ya.Kahit pa magpalit s'ya siguro ng mga access code at tibayan pa ang seguridad ng kan'yang mga assets ay hindi pa rin ito uubra sa taong ito dahil napasok nga nito ang kan'yang account ng walang kahirap-hirap paano pa kaya ngayon na nagkaroon na ito ng access dito.Dahil sa isiping iyon ay kinuha n'ya ang kan'yang cellphone sa bulsa at binuksan ang kan'yang account at nagulat s'ya ng walang binago ang naturang hacker.Hindi din nito binago ang kan'yang mga access code at nabubuksan n'ya pa rin ito which is weird dahil kung hindi maganda ang intention ng taong ito ay malamang na hindi n'ya na mabubuksan pa ang account n'ya.Ka
ADRIAN KYLE...Hindi naman nagtagal si Howald sa bahay ni Henry at nagpaalam ito na uuwi na muna. Mukhang naintindihan nito na may kailangan silang pag-usapan ng kan'yang pinsan kaya naman ay binigyan sila nito ng privacy para makapag-usap ng maayos."Sa library tayo," aya sa kan'ya ng kan'yang pinsan. Nauna itong tumayo at sumunod s'ya rito sa library na s'yang nagsisilbing opisina na rin nito kapag nagtatrabaho sa bahay.Pagkapasok nila ay agad itong humarap sa computer at mabilis na pinatay ang lahat ng mga camera at nilagyan ng mas matibay na security code ang system ng buong bahay nito para hindi basta-bastang mapapasok ang naturang hacker.Naupo s'ya sa harapan ni Henry at ganon din ang pinsan habang mataman na nakatingin sa kan'ya at parang binabasa ang kan'yang iniisip."What is it this time Adrian?" bungad na tanong ng pinsan sa kan'ya. Nagpakawala muna s'ya ng hangin at kinalma ang sarili bago kinuha ang kan'yang cellphone at binuksan ang mensahi na ipinadala ng hacker sa k
ABRIELLE DEE... At dahil tuso si Harab ay naging maingat s'ya sa kan'yang mga galaw at desisyon na gagawin para hindi madamay o mapahamak ang kapatid ni Bailey. Nakiramdam s'ya sa kan'yang paligid at ng makakuha ng magandang pagkakataon ay parang hangin sa bilis na tinalon n'ya ang kinaroroonan ni Harab. At hindi nito inaasahan na makikita s'ya nito sa harapan nito ng wala pang sampong segundo. Pinagbabaril s'ya ng lalaki ngunit dahil gamay n'ya na ang ganitong eksena at trabaho ay walang kahit na isang bala ang nakatama sa kan'yang katawan. Bagkus ay si Harab pa ang nasugatan dahil sa kan'yang ginawa. Dahil sa sobrang bilis ng kan'yang mga kilos ay hindi nito napansin na nakalapit na s'ya rito at gamit ang kan'yang kutsilyo ay pinadaanan n'ya ng blade ang isa nitong braso dahilan para mapahiyaw ito sa sobrang sakit at hapdi. Tanging ang buto na lamang sa braso nito ang naiwan at ang parti na may laman ay nakalaylay na. "You are an evil woman! What did you do?" nanlilisik ang mg
ABRIELLE DEE...Nilingon s'ya ni Harab at isang matagumpay na ngisi ang pinakawalan nito. Mas lalo s'yang nag-apoy sa galit habang sinasalubong ang tingin ng lalaki."Don't be jealous, I will do the same to you after this. I just want to show you how we do it for you to have an idea what kind of position you are going to do later to please me, right woman?" sabi nito sa kan'ya habang ang mga kamay ay nakasabunot sa buhok ng kaawa-awang kapatid ni Bailey."You will pay for this Harab. You will pay ten times worse, I promise you that," malamig at nanlilisik ang mga mata na sabi n'ya sa lalaki ngunit tinawanan lang s'ya nito.Wala s'yang nagawa ng hatakin nito ang buhok ng babae patayo at itinali ang dalawang kamay sa posas na nakakabit sa magkabilang side ng kahoy na sinadyang ilagay para makabitan ng pangtali.Awang-awa s'ya sa kapatid ni Bailey na wala ding nagawa laban sa lalaki. Idagdag mo ang kalagayan nito na wala sa matinong pag-iisip dahil na rin siguro sa ginagawang pambababoy
ABRIELLE DEE...Nagising s'ya na parang may mga bagay na tumatama sa kan'yang mukha kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at bumulaga sa kan'ya ang kapatid ni Bailey na nasa kabilang sulok ngunit panay ang bato nito sa kan'ya ng mga nilamukos na papel sa kan'yang mukha.Napangiwi s'ya ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo dahil sa paghataw ng matigas na bagay ng kung sino kanina. At nang maalala ang nangyari at ang dahilan kung bakit s'ya nawalan ng malay ay agad s'yang nataranta at lihim na napamura ng matuklasan na katulad ng kapatid ni Bailey ay nasa loob na rin s'ya ng glass box na ginawang kulongan ng babae.Ang babae pala ang bumabato sa kan'ya kaya s'ya nagising. Siguro ay kanina pa nito ginagawa ang pambabato sa kan'ya dahil ang dami ng papel na nilamukos sa kan'yang tabi."Damn it!" mura n'ya at dahan-dahan na bumangon."No! Stay there! Don't come near me!" natigilan s'ya ng sumigaw ang babae. Ilang segundo n'ya itong pinakatitigan at sa tingin n'ya ay hindi
ABRIELLE DEE... Pinasok n'ya ang bahay na tinitirhan ni Harab na walang may nakakaalam sa mga taohan nito. Si Charles ay naka stand-by sa kabila at naghihintay ng senyales mula sa kan'ya. Ang balak nila ngayong gabi ay ang pasukin ang bahay ni Harab na isa para maghanap ng mga ebedensya na magpapatunay na nasa poder nito ang kapatid ni Bailey. Ayaw n'ya ng patagalin pa ang laro ng lalaki dahil gusto n'ya ng makauwi sa mga anak nila ni Charles. Miss na miss n'ya na ang mga bata at sigurado s'ya na ganon din ang mga ito sa kan'ya. Ilang araw pa lang s'ya na nawalay sa mga ito ngunit pakiramdam n'ya ay napakatagal na ng panahon na napalayo s'ya sa mga ito. Narating n'ya ang loob ng bahay at may limang lalaki na nakabantay sa isang pinto na kulay ginto at may nakaukit na mukha na parang demonyo. Sa mga painting at nga sculpture pa lang na pag-aari ni Harab ay nagpapakilala na ito kung gaano ito ka demonyo ng pag-uugali. "I saw a gold color door. What is this?" mahina ang boses na
ABRIELLE DEE... Tatlong na s'yang nakapasok sa loob ng balwarte ni Harab at sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala s'yang ginawa kundi ang siyasatin ng palihim ang lugar. Tinulongan n'ya din si Charles na hanapin ang kapatid na babae ni Bailey ngunit katulad ng sinabi ni Charles sa kan'ya ay mahirap nga itong hanapin at napapaisip s'ya kung nandito ba talaga ito o baka wala naman. Ngunit may bahagi ng kan'yang isip na nagsasabi na baka patay na rin ito dahil sa sobrang tagal na ng mawala ang kapatid ni Bailey dito sa Libya. Isang writer sa isang newspaper sa America ang kapatid ni Bailey at pumunta ito sa Libya para kumuha ng scoop tungkol sa mga nangyayari dito. Sa lahat ng bansa sa mundo tanging ang Libya lang ang hindi nagpapapasok ng mga foreigner kaya nagtataka ang lahat at gustong malaman kung ano ba ang dahilan. Kaya naman kahit bawal ang pumasok dito ay pinipilit pa rin ng iba at ito ang nangyari sa kapatid ni Bailey. Nakabuo sila ng plano ni Charles at nagkasundo na ma
ABRIELLE DEE..."Totoo ba na hindi nagalit si Bailey sayo? I mean— sa ginawa natin sa kan'ya," tanong n'ya kay Charles ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Ibinalik nila pareho ang takip sa mukha dahil ayon kay Charles ay kakatok maya-maya ang mga bantay para magbigay ng pagkain."No! Bailey knows and understands. Katulad ko ay napilitan lang din ito na magpakasal kami dahil sa pakiusap ng tiyanin nito which is ng magkita lang kami ulit ko naintindihan ang dahilan kung bakit iginigiit ng tiyahin nito na ipakasl s'ya sa akin," sagot ni Charles sa kan'ya."Why? Bailey is a nice person and she's very honest and trustworthy. Nasabi ko nga sa sarili ko na kung itatabi ako sa kan'ya ay walang-wala talaga ako sa kan'ya. She is well-mannered, very graceful, sweet and thoughtful. At dumagdag pa ang kan'yang sobrang ganda. She has everything that every man is looking for, bakit hindi ko s'ya nagustohan?" curious na tanong n'ya kay Charles. May kaunting takot s'ya na nararamdaman sa magiging sag
ABRIELLE DEE..."Are you planning of something?" tanong nito sa kan'ya habang nakatingin sa hukay sa harapan nila."Yeah! Since nagawa ko ang hukay na ito out of my anger sa mga pinagagawa ng mga bantay ni Harab, gagamitin ko ang hukay na ito para dito sila ililibing," malamig ang boses na sagot n'ya kay tatang na nakitaan n'ya ng pagkagulat sa mukha ng marinig ang kan'yang sinabi. She means it! Gagawin n'ya ang sinabi n'ya at ang kailangan n'ya lang ay ang kooperasyon ng iba pa na narito."Iha, hindi naman sa nangingialam ako sayo pero ang binabalak mo ay napaka delikado hindi lamang para sayo kundi para na rin sa mga nandito. Baka kung ano ang gawin sa kanila ni Harab though hindi na umaasa ang karamihan na makakalabas pa mula sa pagkakabilanggo sa lugar na ito but still they doesn't want to die very soon," pangaral ng matanda sa kan'ya."I know tatang and I understand pero ipinapangako ko sa inyo na wala ng masasaktan o mapagmalupitan pang muli sa inyo dito. I will protect everyone
ABRIELLE DEE... "Tatang, sumama ka sa akin sa kabila," natigil s'ya sa kan'yang iniisip ng may marinig na nagsalita at ang boses nito ay kilalang-kilala n'ya. Marahas s'yang humarap sa nagsasalita at nagtama ang kanilang mga tingin na dalawa. Parehong may gulat sa mga mata nilang dalawa ng makilala ang isa't-isa. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at nakatingin lamang sa mga mata ng lalaki na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan. Hindi s'ya pwedeng magkamali sa mga mata ng lalaki dahil ito lang ang nakilala n'ya na may ganitong kulay ng mga mata at ang kan'yang mga anak. "Charles," pabulong na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki na matagal na panahon n'yang hinihintay na bumalik sa kanila. Nang marinig nito ang kan'yang pagtawag sa pangalan nito at agad s'ya nitong hinawakan sa braso at hinila patungo sa tagong lugar. "Dee anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumunta sa lugar na ito?" agad na sita ng lalaki sa kan'ya. Mahina s'yang natawa at hindi makapaniwala na sinalubong ang m
ABRIELLE DEE... Natapos sa pag-uusap ang dalawang lalaki at agad sila nitong dinala sa likurang bahagi ng malaking bahay. Doon ay may mga nakahilerang maliliit na bahay na nagmukhang kulongan ng hayop. "Dito ka titira, kasama ang iba pang mga alipin ni Harab" pabulong na sabi ng lalaki sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang sa narinig. "So, are you telling me na ginawa mo akong isa sa mga alipin ni Harab?" matigas na tanong n'ya rito. "This is the only way para makapasok ka dito. I don't have a choice at maganda kapag ganito dahil mas mabilis mong malalaman kung nandito pa ang hinahanap mo," sagot ng lalaki sa kan'ya. Tama naman ito sa sinabi kaya hindi na s'ya umalma pa at nagpatianod na lang sa gusto nitong mangyari. "Where's my money?" tanong ng lalaking kasama sa kausap nito kanina. Nang marinig iyon ay naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao dahil nakuha n'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Ibenenta s'ya ng lalaking kausap sa lugar na ito para gawing alipin. Ngayon ay nap