ADRIAN KYLE...Napahilamos s'ya ng palad sa mukha habang iniisip kung sino ang nasa likod ng pangalan na Cobra.Hindi pwede ang ganito, nakakapasok ito ng malaya sa kan'yang account at alam nito ang lahat ng access code sa mga assets n'ya.Kapag nagkataon ay mawawala sa kan'ya ang lahat sa isang kisap-mata lamang dahil alam nito kung paano limasin ang kayaman n'ya.Kahit pa magpalit s'ya siguro ng mga access code at tibayan pa ang seguridad ng kan'yang mga assets ay hindi pa rin ito uubra sa taong ito dahil napasok nga nito ang kan'yang account ng walang kahirap-hirap paano pa kaya ngayon na nagkaroon na ito ng access dito.Dahil sa isiping iyon ay kinuha n'ya ang kan'yang cellphone sa bulsa at binuksan ang kan'yang account at nagulat s'ya ng walang binago ang naturang hacker.Hindi din nito binago ang kan'yang mga access code at nabubuksan n'ya pa rin ito which is weird dahil kung hindi maganda ang intention ng taong ito ay malamang na hindi n'ya na mabubuksan pa ang account n'ya.Ka
ADRIAN KYLE...Hindi naman nagtagal si Howald sa bahay ni Henry at nagpaalam ito na uuwi na muna. Mukhang naintindihan nito na may kailangan silang pag-usapan ng kan'yang pinsan kaya naman ay binigyan sila nito ng privacy para makapag-usap ng maayos."Sa library tayo," aya sa kan'ya ng kan'yang pinsan. Nauna itong tumayo at sumunod s'ya rito sa library na s'yang nagsisilbing opisina na rin nito kapag nagtatrabaho sa bahay.Pagkapasok nila ay agad itong humarap sa computer at mabilis na pinatay ang lahat ng mga camera at nilagyan ng mas matibay na security code ang system ng buong bahay nito para hindi basta-bastang mapapasok ang naturang hacker.Naupo s'ya sa harapan ni Henry at ganon din ang pinsan habang mataman na nakatingin sa kan'ya at parang binabasa ang kan'yang iniisip."What is it this time Adrian?" bungad na tanong ng pinsan sa kan'ya. Nagpakawala muna s'ya ng hangin at kinalma ang sarili bago kinuha ang kan'yang cellphone at binuksan ang mensahi na ipinadala ng hacker sa k
NALIE ATHALIA...Pagkatapos nilang mag-usap ni Khairo ay nagpasya s'yang maglinis ng bahay para makalimutan n'ya ang kan'yang mga iniisip.Hindi n'ya namalayan ang oras at gabi na pala. Nagluto na din s'ya ng kan'yang makakain mamaya at naligo muna.Isang oras s'ya sa banyo dahil napagpasyahan n'ya na magbabad sa bath tub para makapag relax. Nagsindi s'ya ng scented candle at nilagyan ng shower gel at mga petals ng rosas ang tub na pinuno n'ya ng maligamgam na tubig.Nang maihanda na ang lahat ay hinubad n'ya ang lahat ng saplot sa kan'yang katawan at lumusong na sa bath tub.Napaungol s'ya matapos ilublob ang katawan sa maligamgam na tubig. Nakaramdam s'ya ng kaginhawaan ng maramdaman ang temperatura ng tubig sa tub.Isinandig n'ya ang kan'yang ulo at ipinikit ang mga mata. Sa kan'yang pagpikit ay ang mukha ni Adrian ang kan'yang nakita.Katunayan ay kanina n'ya pa iniisip ang lalaki at kahit kailan ay hindi ito nawala sa isip n'ya. Ito din ang dahilan kung bakit ibinaling n'ya sa pa
NALIE ATHALIA..."Sumusobra na talaga ang lalaking iyon, bakit ka ba n'ya sinaktan?" tanong n'ya kay Adrian habang maingat na pinapahiran ng tissue ang dugo na nagkalat sa mukha nito mula sa noo."Hmmmm! Nagalit sila kasi pina-ban ko sila sa bar ko," nakausli ang nguso na sagot ng binata sa kan'ya. Natigil s'ya sa paglilinis ng dugo sa noo nito at salubong ang mga kilay na tumingin kay Adrian."Pina ban sa bar mo?" patanong na pag-uulit n'ya sa sinabi nito. "Uhuh!" sagot nito habang tumatango."You mean, you own that bar?" tanong n'ya ulit sa lalaki."Yeah! Ako ang may-ari ng bar na iyon," sagot ni Adrian na mahina n'yang ikinatawa."Kaya pala! Hindi ko man lang naisip yan. So— ang isang tinitingalang judge ng bansa ay bar ang negosyo?" nakataas ang kilay na tanong n'ya rito. Tumingala ang binata sa kan'ya at inayos ang kan'yang buhok na tumabing sa kan'yang pisngi.Biglang kumabog ng malakas ang kan'yang dibdib dahil sa gesture na iyon ni Adrian sa kan'ya. Nasa kandungan pa rin s'ya
NALIE ATHALIA...Pagkatapos magamot at malagyan ng benda ang sugat ni Adrian ay iniligpit n'ya na ang mga gamit at ibinalik sa kwarto.Lumabas din s'ya agad at naalala na kakain pala s'ya dapat ng haponan. Kaya naman ay nagpasya s'yang pumunta sa kusina para maghain at para nakakai na din sila pareho ni Adrian.Hindi s'ya sigurado kung kumain na ang binata pero hindi naman s'ya nag-aalala dahil medyo marami-rami ang kan'yang niluto at kasya naman para sa kanila.Dinaanan n'ya si Adrian sa sala at naabutan n'ya itong nakahiga ulit sa sofa at nakapikit. Sa tingin n'ya ay pagod na pagod ang binata at nakaramdam s'ya ng pagkahabag para dito."Kyle kumain ka na ba?" tanong n'ya sa binata. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kan'ya."Hindi pa baby," sagot ng lalaki. Sinaway n'ya na ito ng ilang beses sa pagtawag sa kan'ya na baby ngunit hindi naman ito nakikinig kaya hinayaan n'ya lang. At parang nasanay na din s'ya sa tawag nito sa kan'ya at hindi na nagrereklamo pa."Then get up and let'
NALIE ATHALIA...Magana silang kumakain at natutuwa s'ya habang nakatingin kay Adrian na maganang sumusubo ng mga niluto n'ya. Kinamay pa nito ang isda na pinirito n'ya pati na ang kanin.Bumalik sa kan'ya ang nakaraan. Noong mga panahon na kahit kutsara at tinidor ay wala silang pambili kaya madalas ay nagkakamay sila sa pagkain."Hey, are you ok?" pukaw sa kan'ya ni Adrian. Hindi n'ya namalayan na nakatulala na pala s'ya habang nakatingin dito. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at tipid na ngumiti sa binata."Yeah, I'm ok! May naalala lang ako," sagot n'ya rito at bumalik sa pagkain."Anong naalala mo? Care to share?" si Adrian sa kan'ya."Naalala ko lang ang buhay namin dati. Noong mga panahon na kasama ko pa sila nanay at tatay," sagot n'ya rito habang nakatingin sa kawalan. Wala namang sagot mula kay Adrian kaya nabaling dito ang kan'yang tingin at naabutan n'ya itong nakatulala at ang kamay na may laman na pagkain ay natigil sa ere."Ok ka lang? Ikaw naman ang nakatulala d'yan," p
NALIE ATHALIA...Nagising s'ya na parang ang gaan ng kan'yang pakiramdam. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot ang kan'yang tingin para lang mangunot ang noo ng mapagtanto na nasa loob na s'ya ng kan'yang silid.Ang huli n'yang naalala ay nasa living room s'ya at nakatulog sa ibabaw ni Adrian.Dahan-dahan s'yang bumangon at naupo muna sa kan'yang kama at pilit na inaalala kung nagising ba s'ya kagabi at lumipat sa kan'yang kwarto.Ngunit kahit anong kalkal n'ya sa kan'yang isip ay wala talaga s'yang maalala na lumipat s'ya rito sa loob."Did he carry me para ilipat dito?" mahinang tanong n'ya sa sarili at agad na nakaramdam ng pag-init ng mukha.Lihim n'yang nakagat ang kan'yang labi ng maisip na binuhat s'ya ni Adrian para ilipat sa kan'yang kwarto.Sinipat n'ya ang orasan at nakita n'ya na alas sais na ng umaga. Kaya naman ay nagpasya na s'yang bumaba ng kama at pumasok ng banyo para maligo.Mabilis lang s'yang naligo at agad ding lumabas. Dumiretso s'ya sa kan'yang
ADRIAN KYLE...Nang maihatid n'ya si Nalie sa hospital ay agad s'yang umuwi sa kan'yang bahay. Masaya s'ya dahil naging maayos na sila ni Nalie.He knows na may pag-alinlangan pa rin ito sa kan'ya na nasa paligid s'ya nito dahil ang nasa isip nito ay kasal pa rin ito sa asawa pero kagabi ay pinaramdam sa kan'ya ng dalaga ang pag-alala nito sa kan'ya.Hinayaan din s'ya nitong matulog sa condo nito at pinayagan pang ihatid ito sa trabaho. He feels alive at ang gaan ng kan'yang pakiramdam kaya naman pag-uwi n'ya sa bahay n'ya ay agad n'yang inasikaso ang tungkol sa kaso ni Glaze Roxas.Alam n'ya na magiging masaya si Nalie kapag nabuksan ulit ang kaso ng dalagita at maibigay dito ang nararapat na hustisya.Pina imbestigahan n'ya na ang mga abogado ng dalawang kampo at naipadala na lahat sa kan'ya ni Adbul ang mga report. Maaga pa lang kanina ay tumawag na sa kan'ya ang taohan at ito din ang dahilan kung bakit sinabi n'ya kay Nalie na hindi s'ya magtatrabaho ngayong araw dahil may import