NALIE ATHALIA..."Sumusobra na talaga ang lalaking iyon, bakit ka ba n'ya sinaktan?" tanong n'ya kay Adrian habang maingat na pinapahiran ng tissue ang dugo na nagkalat sa mukha nito mula sa noo."Hmmmm! Nagalit sila kasi pina-ban ko sila sa bar ko," nakausli ang nguso na sagot ng binata sa kan'ya. Natigil s'ya sa paglilinis ng dugo sa noo nito at salubong ang mga kilay na tumingin kay Adrian."Pina ban sa bar mo?" patanong na pag-uulit n'ya sa sinabi nito. "Uhuh!" sagot nito habang tumatango."You mean, you own that bar?" tanong n'ya ulit sa lalaki."Yeah! Ako ang may-ari ng bar na iyon," sagot ni Adrian na mahina n'yang ikinatawa."Kaya pala! Hindi ko man lang naisip yan. So— ang isang tinitingalang judge ng bansa ay bar ang negosyo?" nakataas ang kilay na tanong n'ya rito. Tumingala ang binata sa kan'ya at inayos ang kan'yang buhok na tumabing sa kan'yang pisngi.Biglang kumabog ng malakas ang kan'yang dibdib dahil sa gesture na iyon ni Adrian sa kan'ya. Nasa kandungan pa rin s'ya
NALIE ATHALIA...Pagkatapos magamot at malagyan ng benda ang sugat ni Adrian ay iniligpit n'ya na ang mga gamit at ibinalik sa kwarto.Lumabas din s'ya agad at naalala na kakain pala s'ya dapat ng haponan. Kaya naman ay nagpasya s'yang pumunta sa kusina para maghain at para nakakai na din sila pareho ni Adrian.Hindi s'ya sigurado kung kumain na ang binata pero hindi naman s'ya nag-aalala dahil medyo marami-rami ang kan'yang niluto at kasya naman para sa kanila.Dinaanan n'ya si Adrian sa sala at naabutan n'ya itong nakahiga ulit sa sofa at nakapikit. Sa tingin n'ya ay pagod na pagod ang binata at nakaramdam s'ya ng pagkahabag para dito."Kyle kumain ka na ba?" tanong n'ya sa binata. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kan'ya."Hindi pa baby," sagot ng lalaki. Sinaway n'ya na ito ng ilang beses sa pagtawag sa kan'ya na baby ngunit hindi naman ito nakikinig kaya hinayaan n'ya lang. At parang nasanay na din s'ya sa tawag nito sa kan'ya at hindi na nagrereklamo pa."Then get up and let'
NALIE ATHALIA...Magana silang kumakain at natutuwa s'ya habang nakatingin kay Adrian na maganang sumusubo ng mga niluto n'ya. Kinamay pa nito ang isda na pinirito n'ya pati na ang kanin.Bumalik sa kan'ya ang nakaraan. Noong mga panahon na kahit kutsara at tinidor ay wala silang pambili kaya madalas ay nagkakamay sila sa pagkain."Hey, are you ok?" pukaw sa kan'ya ni Adrian. Hindi n'ya namalayan na nakatulala na pala s'ya habang nakatingin dito. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at tipid na ngumiti sa binata."Yeah, I'm ok! May naalala lang ako," sagot n'ya rito at bumalik sa pagkain."Anong naalala mo? Care to share?" si Adrian sa kan'ya."Naalala ko lang ang buhay namin dati. Noong mga panahon na kasama ko pa sila nanay at tatay," sagot n'ya rito habang nakatingin sa kawalan. Wala namang sagot mula kay Adrian kaya nabaling dito ang kan'yang tingin at naabutan n'ya itong nakatulala at ang kamay na may laman na pagkain ay natigil sa ere."Ok ka lang? Ikaw naman ang nakatulala d'yan," p
NALIE ATHALIA...Nagising s'ya na parang ang gaan ng kan'yang pakiramdam. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot ang kan'yang tingin para lang mangunot ang noo ng mapagtanto na nasa loob na s'ya ng kan'yang silid.Ang huli n'yang naalala ay nasa living room s'ya at nakatulog sa ibabaw ni Adrian.Dahan-dahan s'yang bumangon at naupo muna sa kan'yang kama at pilit na inaalala kung nagising ba s'ya kagabi at lumipat sa kan'yang kwarto.Ngunit kahit anong kalkal n'ya sa kan'yang isip ay wala talaga s'yang maalala na lumipat s'ya rito sa loob."Did he carry me para ilipat dito?" mahinang tanong n'ya sa sarili at agad na nakaramdam ng pag-init ng mukha.Lihim n'yang nakagat ang kan'yang labi ng maisip na binuhat s'ya ni Adrian para ilipat sa kan'yang kwarto.Sinipat n'ya ang orasan at nakita n'ya na alas sais na ng umaga. Kaya naman ay nagpasya na s'yang bumaba ng kama at pumasok ng banyo para maligo.Mabilis lang s'yang naligo at agad ding lumabas. Dumiretso s'ya sa kan'yang
ADRIAN KYLE...Nang maihatid n'ya si Nalie sa hospital ay agad s'yang umuwi sa kan'yang bahay. Masaya s'ya dahil naging maayos na sila ni Nalie.He knows na may pag-alinlangan pa rin ito sa kan'ya na nasa paligid s'ya nito dahil ang nasa isip nito ay kasal pa rin ito sa asawa pero kagabi ay pinaramdam sa kan'ya ng dalaga ang pag-alala nito sa kan'ya.Hinayaan din s'ya nitong matulog sa condo nito at pinayagan pang ihatid ito sa trabaho. He feels alive at ang gaan ng kan'yang pakiramdam kaya naman pag-uwi n'ya sa bahay n'ya ay agad n'yang inasikaso ang tungkol sa kaso ni Glaze Roxas.Alam n'ya na magiging masaya si Nalie kapag nabuksan ulit ang kaso ng dalagita at maibigay dito ang nararapat na hustisya.Pina imbestigahan n'ya na ang mga abogado ng dalawang kampo at naipadala na lahat sa kan'ya ni Adbul ang mga report. Maaga pa lang kanina ay tumawag na sa kan'ya ang taohan at ito din ang dahilan kung bakit sinabi n'ya kay Nalie na hindi s'ya magtatrabaho ngayong araw dahil may import
NALIE ATHALIA...Dahil sa sobrang saya n'ya at tuwa sa ginawa ni Adrian para sa kaso ni Glaze ay walang pag-alinlangan na pinaunlakan n'ya ang date na sinasabi nito.Matapos n'ya itong puntahan sa condo nito ay umalis sila agad para sa kanilang date. She was expecting a fancy date in a fancy restaurant na madalas na puntahan ng mga nagdidate ngunit nagulat s'ya ng dumaan lang sila ni Adrian sa isang restaurant at bumili ng mga pagkain.Ang akala n'ya ay bababa sila ngunit nagulat na lang s'ya ng may kumatok sa bintana ng sasakyan at ng lingunin n'ya ito ay bumungad sa kan'ya ang isang gwapong lalaki.Ibinaba ni Adrian ang bintana sa side nito para kausapin ang lalaking kumatok na poker face ang mukha ngunit hindi maipagkakaila na gwapo pa rin."Putang'ina kayong mga gago kayo, bakit ba palagi ako ang nauutosan n'yo ha?" singhal ng lalaki kay Adrian."Ilagay mo sa picnic basket sa likod ng sasakyan ko ang mga pagkain Chuck at huwag ka puro reklamo, nagbabayad kami sa mga kinukuha namin
ADRIAN KYLE...Spell HAPPY? It's Nalie! Yes! Kumpirmado na si Nalie ang happiness n'ya ngayon. At masaya s'ya kapag alam n'ya na masaya din ito kaya naman ay ipinapangako n'ya sa sarili na gagawin n'ya ang lahat para pasayahin ang babae.Bumalik s'ya sa sasakyan para kunin ang mga pagkain na inorder n'ya sa restaurant ni Chuck. Kagabi n'ya pa ito pinag-iisipan kaso hindi n'ya alam kung paano yayain si Nalie ng isang date.Mabuti na lang at nakakuha s'ya ng pagkakataon ngayon. Gusto n'yang pasayahin si Nalie at unti-unti n'yang aalamin ang mga bagay na magpapasaya sa babae.Matapos makuha ang lahat ng mga kailangan na kunin sa sasakyan ay bumalik na s'ya sa loob ng bahay. Naabutan n'ya si Nalie na nakatayo pa rin sa pinag-iwanan n'ya kanina at nagmamasid sa paligid."Babe can you help me to open the sliding door in your left," pakiusap n'ya rito. It's a door connecting to the garden. Mataas ang kinaroonan ng garden n'ya kaya kitang-kita mula rito ang asul na karagatan. But tonight i
NALIE ATHALIA...Hindi n'ya alam kung paano patahanin ang kan'yang sarili dahil sa sobrang emosyon. Sino ba naman ang hindi, eh kakasabi lang sa kan'ya ni Adrian na mahal s'ya nito at kaya nitong maghintay. Gusto n'yang tumalon sa tuwa ngunit ng maalala ang kan'yang mga naging karanasan kay Lincoln ay agad s'yang nagising sa riyalidad.Baka sa umpisa lang din sila maging masaya ni Adrian. Baka kapag nalaman na nito ang kan'yang nakaraan ay mandidiri din ito sa kan'ya at kamuhian s'ya.Napagitnaan s'ya ng gusto n'yang maging masaya at ang pag-alinlangan na baka maging katulad lang sa relasyon nila ni Lincoln ang magiging relasyon nila ni Adrian kung bigyan n'ya ito ng pagkakataon na maging parti ng kan'yang buhay."Babe let's eat," ang boses ng binata ang pumukaw sa naglalakbay n'yang diwa. Matapos ang kanilang halikan kanina na hindi n'ya inaasahan ngunit hindi din s'ya nakatanggi dahil nadadala s'ya sa mga halik nito ay nag presenta na ito na ito na ang mag-ayos ng mga mga pagkain n