Enjoy reading babies ❤️❤️
ADRIAN KYLE...Akmang papasok s'ya sa banyo para kumuha ng bimpo na ipampunas kay Nalie para maginhawaan ito nang tumunog ang kan'yang cellphone.Agad n'yang kinuha ito mula sa bulsa ng suot na pantalon at sinipat iyon. Nakita n'ya ang pangalan ni Abdul sa screen kaya agad n'yang tinungo ang banyo para doon kausapin ang taohan.Pagpasok n'ya sa loob ay agad n'ya itong isinarado bago sinagot ang tawag ng inutosan n'ya."Abdul anong nakalap mo?" agad na bungad n'ya sa lalaki."Boss walang Khairo na konektado kay Dr. Jabar. Nahukay ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kan'ya ngunit wala akong nakita na pangalan na Khairo," pagbibigay alam ng taohan sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang dahil mukhang mahihirapan s'yang alamin kung sino si Khairo sa buhay ni Nalie."Dig more Abdul, I don't care kung paano mo gagawin yon basta bukas na bukas din ay kailangan may balita ka na sa akin," matigas na turan n'ya rito at agad na pinatay ang tawag. Napatingala s'ya sa kisame at marahas
NALIE ATHALIA..."Hmmmm!" ungol n'ya at dahan-dahan na iminulat ang mga mata ngunit agad ding napapikit muli ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo. Napangiwi s'ya ng maramdaman na parang pumipintig-pintig ang kan'yang ulo dahil sa sobrang sakit."Ano ba kasi ang nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili habang nakangiwi. Pakiramdam n'ya ay umiikot ang kan'yang paligid kapag iminulat n'ya ang kan'yang mga mata.Wala s'yang naalala sa nangyari at kung bakit ganito kasakit ang kan'yang ulo ng magising s'ya."May sakit ba ako kahapon?" lutang na tanong n'ya sa kan'yang sarili dahil pakiramdam n'ya ay parang mabibiyak dahil sa sobrang sakit ang kan'yang ulo."Damn!" mahinang mura n'ya sabay hilot sa kan'yang sintido. Umiikot talaga ang kan'yang paningin kapag sinusubukan n'yang imulat ang kan'yang mga mata at napakasakit din ng kan'yang ulo. Unti-unting dumaloy sa kan'yang isip ang mga nangyari kahapon at ang dahilan kung bakit s'ya nagkaganito ngayon. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nak
NALIE ATHALIA...Matapos makapag toothbrush gamit ang sipilyo ni Adrian ay agad n'yang inayos ang sarili bago lumabas. Ngunit bago pa man s'ya tuloyang humarap sa binata ay hinablot n'ya ang isang tuwalya na nakasabit sa dingding at itinakip sa kan'yang dibdib dahil nakikita ang kan'yang dalawang korona sa manipis na tela ng t-shirt.Nakalimutan n'ya na ang lalaki ang nagpalit sa kan'ya ng damit kagabi at paniguradong nakita na nito ang kan'yang dibdib.Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at agad na naamoy n'ya ang mabangong amoy ng masarap na pagkain.Kumulo ang kan'yang t'yan at doon lang s'ya nakaramdam ng gutom. "Are you ok? Masakit ba ang ulo mo? I have medicine for hangover here," ang nag-aalalang boses ni Adrian ang nagpabalik sa kan'yang diwa. Nilingon n'ya ang lalaki at nakita n'ya itong papalapit sa kan'ya.Maaliwalas ang mukha nito at kahit sa simpling t-shirt at short na suot ay napakalinis at napaka gwapo nitong tingnan.Hindi s'ya nakahuma at nakatulala lamang na na
NALIE ATHALIA...Ilang segundo din s'yang hindi nakahuma at ng mahimasmasan ay ipinilig n'ya ang ulo at hinamig ang sarili.Pakiramdam n'ya ang bilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Adrian at hindi tama itong ginagawa n'ya kasama ang lalaki.Oo nga at wala naman silang ginagawang masama ngunit hindi pa rin magandang tingnan na nasa pamamahay s'ya nito at may asawa s'yang tao.At hindi na din maganda ang pakiramdam n'ya sa presensya ni Adrian at natatakot s'ya na baka tuloyan na s'yang maakit rito at pagsisihan n'ya ang lahat sa huli.Alam n'ya ang ginagawa ng binata at hindi s'ya dapat magpadala sa mga ganitong taktika ng lalaki dahil hindi s'ya sigurado kung seryoso ba ito sa mga pinagsasabi o baka sinusubukan lang s'ya ng lalaki kung bibigay s'ya sa mga pang-aakit nito.Ayaw n'yang maalipusta muli at masabihan na isa s'yang maduming babae dahil sa kan'yang nakaraan. Masakit pa rin sa kan'ya kapag naririnig n'ya ito sa bibig ni Lincoln ngunit kalaunan ay nasanay na rin s'ya pe
NALIE ATHALIA..."Are you not going to answer the call?" malamig ang boses na tanong ni Kyle sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay at sa tono ng pananalita nito ay para itong boyfriend na nagseselos ngunit agad n'yang iwinaksi sa isip ang ideyang iyon dahil malabo na magseselos si Adrian kay Khairo.Wala namang sila at hindi sila mag jowa para umasta ang lalaki ng ganito. Siguro ay galit pa rin ito dahil sa nangyari kanina na ipinagkibit-balikat n'ya na lang."I will talk to him later, pagdating ko sa bahay," tugon n'ya sa lalaki. "Bakit ayaw mo bang marinig ko ang usapan n'yo?" malamig na tanong ng binata na agad n'yang ikinalingon sa lalaki. "What do you mean? Bakit ba iyan ang mga sinasabi mo Kyle? May problema ka ba kung may kausap akong ibang lalaki?" hindi napigilang sita n'ya rito. Naramdaman n'ya kasi na medyo sumobra na sa inaasta ang binata at hindi na s'ya komportable sa mga lumalabas sa bibig nito."I'm sorry," parang nahimasmasan na paghingi ng paumanhin nito sa
ADRIAN KYLE...Nang marinig n'ya ng paulit-ulit ang pangalan na Khairo na sinasambit ni Nalie ay sobrang nainis s'ya rito. Hindi n'ya ipagkaila pa sa sarili n'ya na nagseselos s'ya sa lalaki na hindi n'ya alam kung ano ang relasyon kay Nalie.Pero ganon pa man ay wala s'yang karapatan dahil hindi n'ya pag-aari ang babae ngunit hindi n'ya rin mapigilan ang kan'yang sarili na makaramdam ng ganong pakiramdam dahil sa puso n'ya ay alam n'ya na importanti ang babae sa kan'ya.Marahas s'yang bumuga ng hangin at kinuha ang mga damit ni Nalie na nilabhan n'ya kagabi. Iniwan n'ya ito sa kwarto n'ya para taposin ang almusal nito at s'ya naman ay pumunta sa laundry para kunin ang damit ng dalaga.Matapos makuha ang mga damit ay lumabas na s'ya ng laundry room at bumalik sa kan'yang silid para iabot kay Nalie ang mga damit nito.Kung s'ya lang ang masusunod ay hindi n'ya na hayaan pa na mawalay ito sa kan'ya at mawala sa kan'yang paningin. Ngayon ay naintindihan n'ya na ang mga pinsan na nagsipag
ADRIAN KYLE...Nauna s'yang lumabas ng kwarto at iniwan si Nalie para makapag bihis ito. Naupo s'ya sa sofa sa living room at nakita n'ya ang bag ni Nalie na nasa couch kaya naman ay kinuha n'ya ito at inilagay sa tabi n'ya para hindi n'ya makalimutan mamaya.Habang naghihintay sa dalaga ay nagbabasa-basa muna s'ya at hindi naman ito nagtagal sa loob at bumukas ang pinto ng kan'yang kwarto at lumabas ang babae.Agad s'yang tumigil sa pagbabasa at nag-angat ng ulo at ang magandang mukha ni Nalie ang bumungad sa kan'ya .Napaka ganda talaga nito at hinding-hindi s'ya magsasawa na tumingin sa mukha ng babae. Hindi n'ya maintindihan kung bakit nakuha pa ng asawa nito na maghanap ng iba na kung tutuusin ay napaka swerte na nito sa babae.Yong ganda na hindi nakakaumay at pangarapin mo at paulit-ulit na titingnan. Ang mga mapupungay na mga mata ni Nalie na kulay brown ang s'yang unang-una na mapapansin sa mukha nito.At dito din s'ya unang nahumaling ng makita n'ya ito sa hospital noong una
ADRIAN KYLE...Napahilamos s'ya ng palad sa mukha habang iniisip kung sino ang nasa likod ng pangalan na Cobra.Hindi pwede ang ganito, nakakapasok ito ng malaya sa kan'yang account at alam nito ang lahat ng access code sa mga assets n'ya.Kapag nagkataon ay mawawala sa kan'ya ang lahat sa isang kisap-mata lamang dahil alam nito kung paano limasin ang kayaman n'ya.Kahit pa magpalit s'ya siguro ng mga access code at tibayan pa ang seguridad ng kan'yang mga assets ay hindi pa rin ito uubra sa taong ito dahil napasok nga nito ang kan'yang account ng walang kahirap-hirap paano pa kaya ngayon na nagkaroon na ito ng access dito.Dahil sa isiping iyon ay kinuha n'ya ang kan'yang cellphone sa bulsa at binuksan ang kan'yang account at nagulat s'ya ng walang binago ang naturang hacker.Hindi din nito binago ang kan'yang mga access code at nabubuksan n'ya pa rin ito which is weird dahil kung hindi maganda ang intention ng taong ito ay malamang na hindi n'ya na mabubuksan pa ang account n'ya.Ka
CHARLES MALCOLM... Matinding selos ang kan'yang nararamdaman sa nalaman at naipangako n'ya sa kan'yang sarili na hindi s'ya papayag na magsama ang dalawa bilang mag-asawa. Gagawin n'ya ang lahat na hindi matuloy ang pagiging kasal ng mga ito. Kaya naman ay nakapag desisyon s'ya na magpakita na kay Dee. Baka magbago pa ang isip nito kapag nakita s'ya. Ngunit ang kan'yang plano ay naging kabaliktaran. Huli n'ya na ng malaman mula sa abogado na ang pagkikita ng dalawa ay hindi para ayusin ang kanilang pagiging mag-asawa kundi ang mag file ng divorce. At dahil nakita na s'ya ni Dee ay nagbago ang isip nito at ngayon ay gusto ng sumama sa bahay ni Javier. Mas lalong nag-apoy sa galit ang kan'yang bumbonan sa nalaman at hindi napigilan na sugurin si Montero. Akala n'ya ay mapakiusapan n'ya ito ngunit ang gago ay hindi pumayag sa gusto n'ya bagkus ay sinabihan pa s'ya nito na nagbago na ang isip nito at nakapag desisyon na itutuloy ang pagiging asawa ni Dee. Parang gusto n'ya itong
CHARLES MALCOLM... Matagumpay s'yang nakapasok sa loob ng mansyon ng mga magulang ni Dee sa tulong ni Peter. Ngayon n'ya lang nalaman na ganito pala ka close ang dalawa dahil kabisado ni Peter ang lahat ng pasikot-sikot sa loob ng lugar at pati ang mga gward'ya ay kilala ito. Nakaramdam s'ya ng kaunting selos sa puso n'ya ,knowing kung gaano kalapit sa isat-isa ang kan'yang babaeng mahal n'ya at pinsan. Ngunit nagpapasalamat din s'ya dahil sa closeness ng dalawa ay natulongan s'ya ni Peter para mahanap ang babae. Ayon sa napagtanungan n'ya na kasambahay na nakakaintindi ng English ay nasa taas pa daw si Dee at hindi pa bumababa kaya naman ay naisip n'ya na ipagluto ito ng pagkain na paborito. Nanghingi s'ya ng tulong sa mga kasama nito sa bahay at mabuti na lang at nand'yan ang pinsan n'ya na kumausap sa mga ito. Tinawagan n'ya agad si Peter para ipaalam ang kan'yang gustong gawin at ito ang kumausap sa mga kasambahay ni Dee na agad namang tumalima para tulongan s'ya. Kaya madal
CHARLES MALCOLM..."Fvck you! Bakit mo tinanggap? Nababaliw ka na ba Charles?" katulad ng reaction ni Henry kanina ay gulat at may kasamang galit ang boses ni Peter ng tanungin s'ya nito. Nagbuga s'ya ng hangin para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago nagsalita para ipaalam sa pinsan ang kan'yang dahilan kung bakit n'ya tinanggap ang trabaho."Fvck! You're in a big mess Charles!" tanging nasabi ng pinsan matapos marinig ang lahat. Alam n'ya naman iyon pero gagawin n'ya pa rin. Ngayon pa na nalaman n'ya na buntis si Dee. Kailangan n'ya ng tapusin lahat sa lalong madaling panahon para makabalik s'ya agad bago pa manganak ang asawa."I know! Kaya nakikiusap ako sayo Peter. Just tell me, where Dee is. Gusto ko lang s'yang makita at makausap bago ako umalis.""Damn! You are insane man! Ang sarap mong pitikin sa itlog. I will tell you kung nasaan si Dee ngayon but you need to promise us na babalik ka ng buhay Charles," matigas at puno ng ka seryosohan na sabi ni Peter sa kan'ya. Nabu
CHARLES MALCOLM... "Eh ano naman sayo kung buntis ang kaibigan ko? Baka nakalimutan mo na niloko mo s'ya kaya hindi mo deserve ang malaman na buntis s'ya sa anak n'yo!" matigas na sagot ng pinsan sa kan'ya na ikinainit ng kan'yang ulo kaya hindi n'ya napigilan ang mabilis na pagtayo at umuklo sa kinauupoan ni Peter sabay hawak sa kwelyo nito at sinakal ang pinsan."Hey! You two, stop that!" awat ni Henry sa kanila at agad na tumayo para lapitan silang dalawa ni Peter. Binaklas ng pinsan ang kan'yang kamay na nakahawak sa kwelyo ng damit ni Pedro. Matalim ang tingin na ipinukol n'ya rito ngunit isang ngisi lamang ang iginanti sa kan'ya ng lalaki na mas lalo n'yang ikinainis."Answer me Peter!" muling singhal n'ya sa pinsan ng hindi nito sinagot ang kan'yang tanong kanina."Masyado kang high blood, Charles. Bayaran mo muna ako ng limang milyon at sasabihin ko sayo ang totoo," pilyong sagot nito sa kan'ya na mas lalong nag-apoy ng kan'yang galit."Hayop ka!" mura n'ya sa pinsan at agad
CHARLES MALCOLM... "Charles!" nagulat s'ya ng marinig ang pasigaw na tawag sa kan'ya ni Henry. Mukhang kanina pa s'ya nito tinatawag ng pinsan dahil aburido na ang hitsura nito ng tapunan n'ya ng tingin. Nahulog pala s'ya sa malalim na pag-iisip at nakalimutan na magkasama silang dalawa ni Henry. "What?" pasita na tanong n'ya rito. Kausap n'ya ito dahil may bagong trabaho na ipinadala sa kanila at mukhang kasama si Henry sa sinasabi na trabaho. Hindi n'ya pa alam kung anong klaseng trabaho iyon dahil ang kan'yang isip ay nasa sarili n'yang problema na kinakaharap. May isang organisasyon kung saan ay kasama n'ya ang tatlong pinsan na si Henry, Briggs at Peter. At nito n'ya lang din nalaman na kasama din pala nila dito si Dee ngunit sekreto ang pagkatao ng babae dito. Kung hindi n'ya pa nakausap si Peter ay wala s'yang alam sa partisipasyon ni Dee sa naturang organisasyon. Kaya n'ya nasabi sa sarili na hindi basta-bastang babae lamang ang taong minahal n'ya. Kakaiba ito sa mga
CHARLES MALCOLM... Nang makaalis ang sasakyan na sumundo kay Bailey ay nagpasya s'yang sundan ito. Ngunit bago n'ya tinungo ang kan'yang sasakyan na nakaparada sa kabilang bahagi ng hospital ay may nakita s'yang sasakyan sa di kalayuan. At hindi n'ya alam pero pakiramdam n'ya ay may nakatingin sa kan'ya. Nakiramdam muna s'ya sa paligid at ng maramdaman na wala namang panganib ay itinuloy n'ya ang balak na pagtawid para tunguhin ang sasakyan. Sinundan n'ya ang sasakyan na sinakyan ni Bailey hanggang sa makarating sila pareho sa bahay ng kan'yang abuela. May sariling bahay ang kan'yang lola sa Pilipinas at hindi lamang iyon simpling bahay kundi isang mansyon. Nakita n'ya na bumaba si Bailey sa sasakyan kaya nagpasya na din s'yang bumaba ng kotse. Hinintay s'ya ng babae na makababa at lumapit dito. "Sabay na tayo na pumasok Charles," si Bailey sa kan'ya ng makalapit s'ya rito. "Let's go!" aya n'ya rito at nagpatiuna sa paglakad ngunit natigil s'ya ng hawakan ni Bailey ang kan'yang
CHARLES MALCOLM... He was in a big messed dahil sa pagdating ng kan'yang lola. Matagal na panahon ng sinabi ito ng abuela sa kan'ya ngunit dahil wala pa namang babae ang nagmamay-ari sa kan'yang puso kaya hindi n'ya pinansin ang bagay na ito at hindi seneryoso. At hindi n'ya inakala na magiging ganito kagulo ang lahat at hindi n'ya rin inaasahan na igigiit ng kan'yang lola ang tungkol sa kan'yang kasal sa babaeng hindi n'ya gusto. Si Dee lang ang gusto n'yang makasama sa buhay at wala ng iba at never n'yang nagustohan ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng abuela. Mabait naman si Bailey ngunit hindi n'ya talaga natutunan na mahalin ang babae. At sa ilang taon nilang kasal ay minsan n'ya lang nakita ang babae. Isa itong doctor at kung saan-saang lugar nagpupunta para manggamot kaya hindi sila nagkikita. At may usapan sila ng kan'yang lola na hahayaan muna s'ya nito ng ilang taon para e-enjoy ang kan'yang pagka binata at ganon din ang gusto ni Bailey kaya nagkaroon sila ng freedom na
ABRIELLE DEE... "Anong alam mo Pedro? May alam ka ba tungkol kay Charles? Nasaan na s'ya ngayon at bakit n'ya tinanggap ang misyon kung pwede lang naman s'yang tumanggi?" sunod-sunod na tanong n'ya sa lalaki. "Simply because..., he loves you!" seryoso ang boses na sagot ni Peter sa kan'ya na ikinaawang ng kan'yang labi. "See? Nganga ka d'yan! Hindi ka makapaniwala, ano? Alam mo Lopez magkaibigan tayo at matagal na panahon na ang pagkakaibigan natin at pinsan ko si Charles pero never akong nagsabi ng magandang bagay sayo tungkol sa pinsan ko dahil ayokong isipin mo na kaming mga Carson ay mga mababait. Pero truth is the ultimate time teller ika nga dahil sa pagkakataong ito ay ang tadhana na mismo ang magsasabi sayo na mabait at mabubuting tao ang mga Carson kasama na si Charles d'yan. He loves you Lopez at halos mabaliw na si Charles ng iwan mo at pagtaguan," mahabang sabi ni Peter sa kan'ya. Tama naman ang kaibigan n'ya. Sa tinagal-tagal nilang magkakaibigan ay ni minsan ay hindi
ABRIELLE DEE..."Ipapaliwanag ko sayo ang dahilan kapag nakabalik na ako, mi amor at ipinapangako ko sayo na babalik ako ng buhay para sa inyong dalawa ni baby. Pagbalik ko ay aayusin na natin ang pamilya natin at magsasama na tayong tatlo."Ramdam n'ya ang sinsiridad sa boses ni Charles habang sinasabi ang mga katagang iyon ngunit wala doon ang kan'yang atensyon kundi sa panganib na haharapin ng lalaki sa pagtanggap nito sa misyon sa Libya.May rules ang kanilang organisasyon na pwedeng mag refuse sa nakatalagang misyon kung may valid reason. At pwedeng gamitin ni Charles ang pagkakaroon nito ng asawa na buntis para tanggihan ang trabaho.Ngunit hindi iyon naisip ni Charles at ang tanging mahalaga dito ay ang trabaho. Kaya s'ya nasasaktan ngayon dahil ang akala n'ya ay ang asawa lang nito ang kahati n'ya pati pa pala sa trabaho. Kung hindi lang s'ya buntis ay balewala sa kan'ya ang misyon ng lalaki dahil pwede n'ya naman itong sundan at palihim na babantayan ngunit hindi n'ya magagaw