Share

CHAPTER 2

NALIE ATHALIA...

Para s'yang nabingi ng marinig ang hatol ng naturang hukom sa kaso ng kan'yang pasyente na hawak-hawak ngayon.

Ini refer sa kan'ya ang isang dalagita na nasiraan ng bait at ipinasok ng mga magulang sa isang mental institution ngunit imbes na gumaling ito ay mas lalo lang na natrauma ang bata at mas lumala ang sakit dahil sa ginawang pang momolestya ng doctor na may hawak rito.

Lumapit sa kan'ya ang mga magulang ng dalagita at nagmamakaawa na kung pwede ay matulongan n'ya ang mga ito para masampahan ng kaso ang naturang doctor. Mahirap at walang pera para ipambayad sa abogado ang mga magulang ni Glaze Roxas ngunit hangad ng mga ito na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa nag-iisang anak.

Ginawa n'ya ang lahat para makahanap ng mga ebedensya na magdidiin kay doctor Ocampo ngunit nabalewa ang lahat dahil sa hatol ng hukom sa kaso ng dalagita.

Malinaw ang ginawang panggagahasa nito sa bata ngunit nahatulan pa rin ito ng not guilty ng judge na s'yang nakatalaga sa kaso nila. Walang silbi ang batas sa Pilipinas kapag mayaman ang iyong kalaban.

Pwedeng paikutin ang batas ng pera at anv naging mga kawawa ay ang mga taong mahihirap at walang pera na kayang-kaya lang na abusuhin ng mga demonyong mayayaman.

Kuyom ang mga kamao at matalim ang mga mata na nakatingin s'ya sa unahan kung nasaan ay kampante at walang emosyon ang mukha na nakaupo si judge Adrian Kyle Carson— ang naturang judge na humatol ng not guilty kay Dr. Ocampo.

Narinig n'ya ang nasasaktan na pag-iyak ng mga magulang ng biktima na mas lalo pang ikinakulo ng kan'yang dugo sa galit.

"Doktora anong gagawin namin? Bakit ganito ang batas para sa aming mga mahihirap? Naaawa ako sa anak namin dokotora, walang kamuwang-muwang ang anak namin na inabuso ng lalaking iyon," humagolhol na pag-iyak ng ina ng dalagita. Kinabig n'ya ito at niyakap ng mahigpit.

Ramdam n'ya ang sakit na nararamdaman nito ngayon dahil napagdaanan n'ya rin ang ganitong sitwasyon. Nagtagis ang kan'yang mga bagang ng maalala ang lahat ng nangyari.

Hindi n'ya inakala na mararanasan n'ya ulit ang ganitong pangyayari sa buhay n'ya. Galit at poot ang nararamdaman n'ya sa judge ngayong araw kaya hindi n'ya napigilan ang sarili na tumayo at sinundan ito ng makita n'ya itong papaalis ng court room.

Inihabilin n'ya ang dalawang matanda sa kasama ng mga ito at sinundan ang naturang judge sa loob. Hinanap n'ya ang pinasokan nitong opisina at mabuti na lang dahil mabilis s'yang sumunod dito kaya naabutan n'ya pa ang likod nito ng pumasok sa loob.

Hinintay n'ya na mawala ang dalawang bodyguard ng lalaki bago mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob na s'yang ikinagulat ng judge. Nakita n'ya ang pag-awang ng mga labi nito at ang panlalaki ng mga mata ng makita s'ya na walang paalam na pumasok sa opisina nito.

Wala s'yang pakialam kung kakasuhan man s'ya nito ng trespassing, ang gusto n'ya lang na mangyari ngayon ay ang masampal ito dahil sa ginawang pagmamanipula sa kaso ng dalagitang naabuso.

"Judge Carson!" galit na galit na sigaw n'ya rito. Nagulat man ngunit nakabawi din agad ang lalaki at nagtanong agad kung ano ang maipaglilingkod nito ngunit hindi n'ya ito sinagot bagkus ay malalaki ang mga hakbang na nilapitan n'ya ang lalaki at malakas na sinampal.

"What the fvck!" malakas na mura nito habang sapo ang pisngi na nasampal n'ya ngunit hindi man lang s'ya nakaramdam ng kahit na kaunting pagsisisi sa ginawa n'ya sa lalaki.

Mas gumaan ang kan'yang pakiramdam ng masampal n'ya ito. Nanlilisik ang kan'yang mga mata na dinuro ang lalaki at pinagsabihan sa naging hatol nito sa akusado.

Gusto mang magpaliwanag ng lalaki sa naging desisyon sa korte kanina ngunit hindi n'ya ito pinakinggan bagkus ay pinagbantaan n'ya ito na balang araw ay mararanasan din ng lalaki ang sakit na nararamdaman ng mga biktima.

Pagkatapos ng eksena na iyon sa opisina ng judge ay dali-dali s'yang lumabas at dumiretso sa kan'yang sasakyan.

Wala na ang mga magulang ng biktima at sigurado s'ya na umuwi na ang mga ito na luhaan at nasasaktan. Parang nilalamukos ang kan'yang dibdib sa tuwing naiisip ang nangyari sa pamilya ni Glaze Roxas ngayong araw. Hindi ganito ang inaasahan n'ya na mangyari sa araw na ito.

Kampante s'ya na kumpleto ang mga dokumento at mga ebedensya na ibinigay n'ya sa abogado na may hawak sa kaso ni Glaze pero hindi pa rin umobra sa baluktot na judge na iyon.

Ginawa n'ya ang lahat para matulongan ang mga ito at madiin ang doctor na gumahasa at nagmolestya kay Glaze ngunit nabalewala lang din ang kan'yang effort at oras dahil sa naging desisyon ng Carson na iyon.

"Mararanasan mo din sana na maganito Carson para malaman mo kung gaano kasakit ang malapastangan at mapagkaitan ng hustisya," may diin at galit na sabi n'ya habang naglalakad patungo sa kan'yang sasakyan.

Akmang papasok na s'ya sa kan'yang kotse ng bigla na lamang may pumalakpak mula sa kan'yang likuran at nang-uuyam na nagsalita.

"Bravo! Bravo Dr. Jabar. Napabilib mo ako sa effort mo para makulong ako Dr. Jabar but sad to say na mas marami akong connection kaysa sayo," natatawang sabi ni Dr. Ocampo habang papalapit sa kan'ya.

Mariin n'yang ipinikit ang mga mata at kinalma ang sarili bago ito nilingon. Nakita n'ya ang ngisi ng tagumpay sa mukha nito na may kasamang pang-uuyam habang nakatingin sa kan'ya.

Parang gusto n'ya itong bugbugin ng mga oras na iyon ngunit alam n'ya na wala s'yang mapapala kapag ginawa n'ya iyon kaya pinigilan n'ya ang sarili.

Mahina itong natawa at puno ng pang-iinsulto na tinapunan s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi s'ya natinag at hindi nagpaawat sa kagaspangan at ka epalan ng ugali ng doctor na manyak na ito. Mas malala pa ito sa mga baliw n'yang pasyente sa mental hospital pero hindi uubra sa kan'ya ang ganitong ugali ng lalaki.

"Masaya ka Dr. Ocampo? Go ahead! Magsaya ka lang ngayon dahil sa susunod na mga araw ay hihimas ka na ng rehas. Hindi porke't nahatulan ka ng not guilty ay wala na kaming habol. Ito ang tandaan mo, gagawin ko lang lahat para mapakulong kita at hindi ako titigil hangga't hindi ka nabubulok sa kulongan," matigas at matapang na sabi n'ya rito.

Malakas na tumawa ang lalaki at parang tuwang-tuwa sa kan'yang sinabi rito ngunit hindi n'ya na pinag-aksayan pa ng panahon ang lalaki at mabilis na pumasok sa kan'yang sasakyan para magmaneho pauwi.

"Buhay mo na zigzag ang pakialaman mo Dr. Jabar hindi ako dahil kahit ano pa ang gawin mo ay hinding-hindi ka mananalo sa akin! Ang asawa mo ang bantayan mo!" narinig n'yang sagot ng lalaki na bago n'ya pinaharurot paalis ang sasakyan.

Mahigpit ang hawak n'ya sa manibela at igting ang mga panga habang nasa daan. Ang daming nangyari na kamalasan sa kan'ya sa araw na ito ngunit hindi s'ya susuko ng ganon-ganon na lang.

Gagawin n'ya ang lahat para maidiin si Dr.Ocampo at maipakulong ito. Kukunin n'ya ang hustisya na nararapat para kay Glaze. Kailangan na managot ang demonyong iyon sa ginawa nito sa dalagita.

Sobrang lalim ng kan'yang iniisip habang nagmamaneho at hindi n'ya namalayan pa na nakarating na pala s'ya sa kanilang bahay.

Mabilis s'yang bumaba ng sasakyan ng maipark ito at nakita n'ya ang sasakyan ng kan'yang asawa sa kanilang garahe. Nagsalubong ang kan'yang kilay dahil maaga pa ito para nasa bahay.

Isang CEO ng pharmaceutical company ang kan'yang asawa na si Lincoln Handers. Isang Filipino-American na naka base sa Pilipinas at America.

Limang taon na silang kasal ni Lincoln at sa limang taon na pagsasama nila ay bihira lang sila kung magkita dahil pareho silang busy sa kani-kanilang career. Jabar pa rin ang apelyedo na dala-dala n'ya kahit may asawa na s'ya dahil iyan ang gusto n'ya at hindi naman umalma si Lincoln sa kan'yang gusto.

Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at kinalma ang sarili bago nagpasya na pumasok sa kanilang bahay. Ayaw n'yang makita nito ang kan'yang galit na mukha. Hangga't maaari ay gusto n'yang payapa ang pag-uwi n'ya sa bahay lalo na kapag nasa paligid ang kan'yang asawa.

Walang tao sa baba kaya nagpasya s'yang umakyat sa kanilang kwarto. Hindi nito alam na maaga din s'yang umuwi ngayon dahil nagpaalam s'ya rito na baka bente kwatro oras s'yang nasa hospital mamaya.

Balak n'ya talaga na mag straight duty pagkatapos ng hearing ngunit dahil sa naging desisyon ng judge na iyon at dahil sa nangyari sa kaso ay nawalan na s'ya ng gana kaya nagpasya na lamang s'ya na umuwi sa bahay nila.

Naglakad s'ya patungo sa hagdan para umakyat ngunit natigilan s'ya at natulos sa kinatatayuan ng may makitang bra ng babae sa paanan ng hagdan.

Bigla s'yang niragasa ng kaba at nanginig ang kan'yang buong katawan habang nakatingin sa kulay pula na bra na nasa harapan n'ya. Hindi n'ya pag-aari ang naturang bra kaya malakas ang kan'yang pakiramdam na may ibang babae sa bahay nila.

Dahil sa isiping iyon ay bigla na lamang nangatog ang kan'yang tuhod ngunit nilabanan n'ya ang kan'yang nararamdaman at pinilit na umakyat sa mataas na hagdan.

Mas lalo pang lumakas ang kan'yang kaba na nararamdaman ng nasa kalagitnaan na s'ya at may nakita ulit na damit ng babae na sumabit sa railing ng hakdan nila.

Para s'yang kinakapos ng hininga habang nakatingin sa damit ng babae ngunit katulad kanina ay pinilit n'yang labanan ang takot, kaba at panginginig na nararamdaman n'ya at ipinagpatuloy ang kan'yang pag-akyat.

She was shaking ng marating ang itaas. Halos hindi n'ya na maihakbang ang kan'yang mga paa ngunit pinilit n'ya ang sarili at dahan-dahan na lumapit sa pintoan ng kanilang kwarto.

Nanginig ang kan'yang labi at nanubig ang kan'yang mga mata ng marinig n'ya ang malakas na mga ungol at hiyaw ng dalawang tao mula sa kwarto nila ng asawa.

Pilit n'yang kinalma ang sarili. Ilang beses s'yang nagbuga ng hangin bago tuloyan na lumapit sa pintoan ng kanilang kwarto.

Mas lalong lumakas ang mga halinghing at ungol at hindi s'ya tanga para hindi malaman kung ano ang nangyayari sa loob ngunit dahil gusto n'yang maaktuhan mismo ang ginagawa ng dalawang tao kaya walang pag-alinlangan na hinawakan n'ya ang seradura at pinihit iyon sabay tulak ng marahas sa pinto.

Naglikha ito ng malakas na tunog na ikinagulat ng dalawang tao na hubot-hubad at parehong pawis na pawis na nagtatalik sa ibabaw mismo ng kanilang kama na mag-asawa.

"Nalie!" gulat na tawag ni Lincoln sa kan'yang pangalan at mabilis na umalis sa ibabaw ng babae.

Doon n'ya lang namukhaan ang hitsura nito at ganon na lang ang pagtagis ng kan'yang mga bagang at pagtalim ng kan'yang mga mata ng makilala ang babaeng kaulayaw ng kan'yang asawa.

Walang iba kundi ang kan'yang matalik na kaibigan na itinuring n'ya ng parang tunay na kapatid at minahal na parang totoong pamilya.

"C-Cynthia!" nauutal na bigkas n'ya sa pangalan ng babae ngunit imbes na ma guilty ito dahil sa pagtataksil sa kan'ya kasama ang kan'yang asawa ay proud pa itong bumangon na hubot-hubad at nginisihan s'ya ng puno ng pang-uuyam at pang-iinsulto na naglakad palapit sa kan'yang kinaroroonan.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe Naman Yung best friend ni Nalie proud pang naging kabit
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Hala grabe ang sama naman ng best friend mo proud pa siyang kabit ng asawa mo Nalie
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bakit kaya mas matapang pa ang kabit kahit nahuli mo na sa akto pero parang wala lang sa kanila,naku kalbuhin mo yang bestfriend mong higad
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status