Share

CHAPTER 4

NALIE ATHALIA...

Para s'yang sinasakal sa mga oras na iyon. Mabigat at masakit ang kan'yang dibdib. She is still in shock sa natuklasan n'ya sa kan'yang asawa at matalik na kaibigan.

Nakatungo lang s'ya sa sahig at panay ang agos ng kan'yang mga luha habang kuyom ang kan'yang mga kamao. Nasa ganon s'yang posisyon ng bumukas ang pinto ng kanilang silid.

Mabilis s'yang nag-angat ang ulo at nakita n'ya si Lincoln na pumasok. Mabilis s'yang tumayo para sana lapitan ang asawa ngunit senenyasan s'ya nito na huwag lumapit kaya natigil s'ya sa akmang paglapit rito.

"L-Lincoln," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki na nakasama n'ya sa loob ng limang taon ngunit malamig lamang s'ya nito na tinapunan ng tingin.

"What are you still doing here, Nalie? Pack your things now and get out of my house," malamig na sabi nito. Parang sinasaksak ng patalim ang kan'yang puso sa mga salita na naririnig mula sa asawa.

"Lincoln Please, we need to talk before we decide. We are married, Lincoln, and you can't do this to me. It hurts me to see you cheating on me with my best friend, but you are my husband, and I swear to God that—,"

"Shut up! Masyado ka na talagang tanga Nalie para masabi mo pa ang mga bagay na yan. You caught me in the act na nakikipagtalik sa kaibigan mo and yet you can still tell me about this? Nakikipag-usap ka pa rin at makikipag-ayos? Kaya ayoko sayo dahil napakatanga mo! Naturingan kang doctor pero tanga ka! Palibhasa puro baliw ang kausap mo araw-araw kaya naging baliw ka na din!" malakas na sigaw nito sa kan'ya at may kasama pang pang-iinsulto sa propesyon n'ya at agad na tumalikod at pumasok sa kanilang walk in closet.

Natulos lang s'ya sa kinatatayuan habang lumuluha ngunit agad ding natigilan ng lumabas si Lincoln na bitbit ang kan'yang mga damit at walang pakundangan na ibinato sa kan'ya.

Napangiwi s'ya sa sakit ng matamaan ng hanger ng isang damit n'ya ang kan'yang noo.

"Lumayas ka na Nalie! Tama na sa pagkatanga mo! Get out and get lost dahil hindi ko matatanggap na nakapag-asawa ako ng isang tanga na katulad mo! You know what? Cynthia is way better than you sa lahat ng bagay lalo na sa kama! She's not boring and she's not like a dead animal sa kama! Kaya wala ka talagang silbi na babae ka kaya mas mabuti pang lumayas ka sa buhay ko!" galit na galit na sigaw nito sa kan'yang pagmumukha.

Ang bawat masasakit na salita na ibinabato nito sa kan'ya ay parang punyal na tumatarak sa kan'yang puso. Hilam sa mga luha ang kan'yang mga mata na pinulot isa-isa ang kan'yang mga damit at isinilid sa maleta na ibinato ng asawa sa kan'ya kasunod ng kan'yang mga damit.

Inilagay n'ya ang lahat ng mga damit sa loob ng maleta at kinuha ang iba n'ya pang mga importanting gamit. Nakamata lang sa kan'ya si Lincoln at parang bored na bored na naghihintay na lumayas s'ya.

Wala s'yang dinala na kahit na anong gamit na galing sa asawa n'ya.

Pagkatapos n'yang makuha lahat ay hinamig n'ya ang sarili at kinalma bago humarap kay Lincoln na nakahalukipkip sa gilid at malamig ang mga tingin na ipinukol sa kan'ya.

Binaklas n'ya ang suot na wedding ring at ang engagement ring na ibinigay nito at ibinato ito kay Lincoln. Hindi naman ito natinag at matalim lamang ang mga mata na nakatingin sa kan'ya.

"Hangad ko ang kaligayahan mo kay Cynthia Lincoln but karma nowadays is digital kaya alam ko na mabilis bumalik sayo ang lahat ng panloloko na ginawa n'yo sa akin!" puno ng galit at madiin ang bawat pagbigkas n'ya ng bawat kataga sa lalaki.

"Shut up and just leave! Ang dami mo pang satsat! Hindi mangyayari sa akin ang mga sinasabi mo Nalie! Hindi! Ikaw lang ang madalas na naloloko dahil sa katangahan mo! Now, leave!" sigaw ng asawa sa kan'ya. Mariin n'yang ipinikit ang mga mata at nagbuga ng hangin bago hinawakan ang kan'yang maleta at hinila ito palabas ng kwarto.

Bumaba s'ya ng hagdan at sa paanan nito ay naabutan n'yang naghihintay ang isa pang demonyo. Ang roba pa rin na pinasuot dito ni Lincoln kanina ang suot nito ngayon at naka krus sa dibdib ang mga braso habang nakataas ang kilay at parang tuwang-tuwa sa nakikita.

"So, finally you are moving out!" pasaring nito sa kan'ya. Hindi n'ya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagbaba ngunit hindi s'ya nito tinantanan at sinundan pa s'ya patungo sa pinto.

"Don't worry about your ex-husband Nalie, ako na ang bahala sa kan'ya at masaya s'ya sa piling ko kaya you are free to go at huwag na huwag ka ng bumalik pa," sabi nito mula sa kan'yang likuran. Biglang nagtagis ang kan'yang mga bagang at umakyat sa kan'yang ulo ang lahat ng galit n'ya.

Saan ito kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para sabihin sa kan'ya ang mga bagay na ito. Kuyom ang mga kamao na hinarap n'ya ito at walang pasabing sinuntok ito sa mukha na ikinahiyaw ni Cynthia.

"Ahhhhh! Hayop ka!" malakas na sigaw nito ngunit hindi s'ya natinag. Tinaasan n'ya lang ito ng kilay at pilit na pinatapang ang sarili kahit sa loob n'ya ay durog na durog na s'ya.

"Kulang pa yan sa kababuyan na ginawa n'yo sa akin ni Lincoln. Ito ang tandaan mo Cynthia, mas masahol pa sa ginawa mo sa akin ang karma mo!" matigas at may diin na sabi n'ya rito bago hinatak muli ang kan'yang maleta at nagtuloy-tuloy sa paglabas.

"Honey! Come here! Nalie punched me on my face, I'm gonna sue her!" naririnig n'yang pagsisigaw ni Cynthia at tinawag si Lincoln.

"Ako pa ang kakasuhan mo ha, kayo ang kakasuhan ko na mga demonyo kayo," igting ang mga panga na sabi n'ya habang binubuksan ang sasakyan at ipinasok sa loob ang kan'yang maleta .

"Nalie!" galit na galit na sigaw ni Lincoln sa kan'yang pangalan at nakita n'ya ito na nagkukumahog sa paglabas ng bahay. Dali-dali s'yang pumasok sa kan'yang sasakyan at pinaharurot ito para hindi na sila magpang-abot pang muli ng asawa.

Habang nagmamaneho ay sumagi sa isip n'ya ang mga pinagdaanan n'ya sa kamay ni Lincoln. She is loyal and faithful to him kahit madalas ay magaspang ang pakikitungo nito sa kan'ya at ng pamilya nito. Pinakasalan n'ya ito kahit pa marami s'yang naririnig na hindi maganda tungkol sa lalaki.

Naging bulag at bingi s'ya sa mga masasamang kwento na naririnig n'ya dati tungkol sa asawa. Isinakripisyo n'ya ang isang bagay na napakamahalaga sa kan'ya dahil kay Lincoln pero niloloko lang pala s'ya nito umpisa pa lang.

Lahat ng ipinakita nito sa kan'ya ay puro pagkukunwari lamang. Noon pa man ay hindi na ito totoo sa kan'ya at s'ya lang itong nagpapakatanga sa lalaki at nagbubulag-bulagan sa lahat.

Tama si Cynthia at Lincoln, isa s'yang tanga at walang silbi dahil harap-harapan na s'yang niloloko ng mga ito ngunit hindi n'ya pa rin alam.

Sunod-sunod na naglandasan ang mga luha sa kan'yang mga mata. Ang daming kamalasan na nangyari sa buhay n'ya ngayong araw. Simula pa kanina sa pagkatalo nila sa kaso ni Glaze hanggang sa pagkahuli n'ya sa kan'yang asawa at matalik na kaibigan sa ibabaw ng kanilang kama at hubot-hubad.

Hindi n'ya alam pero pakiramdam n'ya ay ipinanganak na s'yang malas. Walang mga magulang na matatakbuhan kapag may problema s'ya, walang pamilya na masasandalan sa oras ng kagipitan. Ang tanging nag papalakas na lamang sa kan'ya ngayon ay ang isang tao na inabandona n'ya at tiniis na hindi makasama ng limang taon na din simula ng magpakasal s'ya kay Lincoln.

Alam n'yang mali s'ya sa kan'yang desisyon sa buhay at ngayon ay pinagsisihan n'ya ang lahat kung bakit mas inuna n'ya ang walanghiyang si Lincoln kaysa kay Khairo na mas kailangan s'ya.

Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino SI Khairo?
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
babalik din ang karma sa kanila
goodnovel comment avatar
Aquisha Obosa
ms A thanks
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status