"C-Cynthia," tawag n'ya sa pangalan ng kaibigan. Nginisihan lamang s'ya nito at hindi man lang nahiya na naglakad palapit sa kan'ya na hubot-hubad.
Para itong demonyo sa mga mata n'ya ngayon. Itinuring n'ya itong parang isang kapatid pero nagawa s'yang babuyin ng kaibigan kasama ang asawa n'ya."Yes Nalie? Nagulat ka ba?" nang-uuyam na tanong nito sa kan'ya. Dahil sa pagkagulat sa natuklasan ay hindi agad s'ya nakahuma at natulos lamang sa kan'yang kinatatayuan."W-What is the meaning of this?" nauutal na tanong n'ya rito ngunit malakas lamang ito na tumawa. Mas lalo pang nanginig ang kan'yang buong katawan at nangatal ang labi dahil sa pinaghalong galit, sakit at poot para sa dalawa."Tanga ka talaga kahit kailan Nalie. Can't you see what Lincoln and I doing? Kaya ka ipinagpalit ng asawa mo dahil napakatanga mo!" insulto nito sa kan'ya.Doon lang s'ya nataohan at bumalik sa kan'yang tamang pag-iisip. Kuyom ang mga kamao na tinapunan n'ya ng tingin ang asawa na wala man lang ginawa kundi ang umupo sa paanan ng kama at naninigarilyo.Parang wala itong ginawang kasalanan at blangko lamang na nakatingin sa kanilang dalawa ni Cynthia sa pintoan."Anong ibig sabihin nito Lincoln?" sigaw n'ya rito ngunit tinaasan lamang s'ya ng kilay ng lalaki at hindi man lang nakitaan ng kahit maliit na pagsisisi sa ginawang panloloko sa kan'ya."What do you think Nalie? Talaga bang nagtatanga-tangahan ka lang o tanga ka talaga?" puno ng pang-uuyam na sagot ng asawa sa kan'ya na mas lalo n'ya pang ikinagalit."Hayop ka! Mga hayop kayo!" sigaw n'ya rito at agad na pumasok sa loob at nilapitan ang asawa.Hinarang pa s'ya ni Cynthia ngunit malakas n'ya itong hinawi dahilan para matumba ito sa sahig. Malalaki ang kan'yang mga hakbang na sinugod si Lincoln at hindi man lang alintana ang pagsigaw at paghiyaw sa sakit ni Cynthia."Hayop ka Lincoln! Napakababoy mo!" galit na galit na sigaw n'ya rito at sinugod ito ng sampal at suntok."Stop it!" malakas na sigaw ng asawa sa kan'ya ngunit hindi s'ya natinag rito at ipinagpatuloy lang ang pagsuntok sa dibdib nito at pagsampal dito na may kasama pang kalmot.Hinawakan nito ng mahigpit ang kan'yang pulso para patigilin s'ya sa kan'yang pagwawala."Hayop ka! Hayop! Ang bababoy n'yong dalawa! Nakakadiri kayo, mga baboy!" pagsisigaw n'ya na may kasamang pagsuntok sa mukha at dibdib ng lalaki ngunit malakas s'ya nitong itinulak dahilan para mapasalampak s'ya sa sahig."Get lost Nalie dahil kahit kailan ay isa kang talunan!" nangangalaiti sa galit na sigaw ni Lincoln sa kan'ya at dinuro pa s'ya habang namumula ang mukha sa galit.Hindi matatawarang sakit ang nararamdaman n'ya ng mga oras na iyon habang nakatingin sa mukha ng lalaki na minsan n'ya ng minahal ng higit pa sa buhay n'ya."W-Why Lincoln? Why? Saan ako nagkulang sayo bilang asawa? Bakit nagawa mo sa akin ang ganito? Bakit mo ako niloko?" puno ng sakit na sumbat n'ya sa lalaki ngunit tinaasan lamang s'ya nito ng kilay."Seriously Nalie? Tinatanong mo sa akin kung saan ka nagkulang? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Lalaki ako Nalie and I have my needs na hindi mo maibigay sa akin dahil busy ka sa putang'ina mong trabaho!" malakas na sigaw nito sa kan'yang pagmumukha."Hindi rason yan para lokohin mo ako! Bakit ikaw Lincoln? Hindi ba araw-araw ay busy ka din? May narinig ka bang reklamo sa akin? Nanglalaki ba ako dahil busy ang asawa ko? Niloko ba kita? Hindi! Dahil kahit ganito tayo ay malaki ang respeto ko sa kasal natin at sayo!" galit na galit na sigaw n'ya rito."Ginawa kong busy ang sarili ko dahil sayo! Dahil sa kapabayaan mo kaya itinutok ko na lang ang buong atensyon ko sa trabaho para hindi ko maisip ang asawa ko na walang kwenta at walang silbi. But Cynthia gave it to me, she gave me her time, inaalagaan n'ya ako at inaasikaso sa mga oras na sana ang asawa ko ang gumagawa sa akin ng mga ganong bagay dahil asawa ko s'ya pero mas pinili n'ya ang magbabad sa hospital ng mga baliw kaysa asawa n'ya. Kaya minsan ay naisip ko na baka isa ka na din sa mga baliw na katulad ng mga pasyente mo at wala ng pakialam pa sa akin," ganting sigaw ni Lincoln sa kan'ya.Naiiyak s'yang umiling habang nakatingin rito na nagsasalita."Hindi rason yan Lincoln, huwag mong gawing rason sa ka demonyohan mo ang trabaho ko. Ang sabihin mo ay matagal n'yo na akong niloloko,"sigaw n'ya rito sabay tayo at dinuro ang dalawa."Pinagmukha n'yo akong tanga lalo ka na Cynthia! Tinrato kita na parang kapatid ko na pero binaboy mo ang pagka asawa ko kay Lincoln. Kaya pala panay ang paninira mo kay Lincoln sa tuwing nababanggit ko s'ya sayo, iyon pala ay mas lalo mong ginagatungan ang inis at sama ng loob ko sa kan'ya para makuha mo s'ya! Napakagaling mong manloloko Cynthia! Napakababoy mo!" galit na galit na sigaw n'ya sa kaibigan na hindi man lang natinag sa kan'yang mga sinabi."That is not my fault Nalie! Asawa ka nga ni Lincoln pero wala ka namang silbi. Hindi mo inaasikaso ang asawa mo at mas pinili mo pang kasama ang mga baliw mong pasyente kaysa ibigay ang pangangailangan ng asawa mo," ganting sigaw nito sa kan'ya.Lihim s'yang napailing dahil sa kakapalan ng mukha nito at ito pa ang may gana na manumbat sa kawalanghiyaan na ginawa nito sa kanilang pagkakaibigan simula pa pagkabata."Look at yourself Nalie! You can't blame Lincoln kung naghanap s'ya ng mas sexy, mas fresh tingnan at maalaga na katulad ko. Look at you! Para kang manang palagi sa suot mo at hindi ka man lang marunong mag-ayos ng sarili mo. Ilang beses na kitang pinagsasabihan na magpaganda ka dahil baka isang araw at magigising ka na lang na nasa kandungan na ng iba ang asawa mo pero palagi na lang tawa ang sagot mo sa akin kaya pagdusahan mo ang sinapit mo ngayon, tanga!" pang-iinsulto nito sa kan'ya.Nandilim ang kan'yang paningin dahil sa sobrang galit kaya naman ay agad n'ya itong nilapitan at hindi nito napaghandaan ang isang malakas na sampal na ibinigay n'ya rito."How dare you bitch!" galit na galit na sabi ng dating kaibigan at agad na gumanti sa kan'ya kaya naman ay nagsabunotan silang dalawa sa harapan mismo ni Lincoln."Hayop ka Nalie! Kakalbuhin kita!" pagsisigaw ni Cynthia habang pilit na inaabot ang kan'yang buhok para sabunotan."Ikaw ang kakalbuhin kong demonyo ka! Napakasama mo at napakalandi. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ang asawa ko pa talaga ang kinalantari mo," galit din na ganti n'ya rito habang hinihila ang buhok ni Cynthia.Napahiyaw ito dahil sa sobrang sakit ngunit hindi s'ya nakaramdam ng kahit na kaunting pagsisisi o pagkaawa sa babae."Ahhhhhh! Honey help me! Ahhhhh!" pagsisigaw nito habang hawak ang kan'yang kamay na nakasabunot sa buhok nito. Hindi n'ya nakita ang paglapit ni Lincoln sa kan'ya at ang mabilis na pagbaklas nito sa kan'yang kamay na nakahawak sa buhok ni Cynthia.Nagtagumpay naman ang asawa na mabaklas ang kamay n'ya at akmang sisinghalan n'ya ito ngunit nagulat s'ya at umawang ang kan'yang labi ng malakas s'ya nitong sinampal sa pisngi.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinaktan s'ya ni Lincoln pisikal at iyon ay dahil lahat sa kabit nito."You don't have the right to hurt her dahil s'ya— s'ya ang gumanap sa mga obligasyon mo na hindi mo nagawa sa akin bilang asawa dahil wala kang silbi!" namumula ang mukha na sigaw sa kan'ya ni Lincoln at dinuro-suro pa s'ya.Dahil sa gulat ay hindi s'ya nakahuma agad at nakahawak lang sa kan'yang pisngi na nangangatal dahil sa malakas na pagkakasampal ng asawa n'ya.Parang tinarakan ng matalim na bagay ang kan'yang puso ng maisip na sinaktan s'ya ni Lincoln dahil sa kabit nito.S'ya ang original pero bakit s'ya pa ang naging kawawa at pinagtulongan ng dalawang mga baboy may kasalanan sa kan'ya."I want you to pack your things now and leave my house Nalie! Lumayas ka sa pamamahay ko dahil hindi ka na kabilang pa rito. I will file an annulment as soon as possible and I expect you to cooperate kung ayaw mong mapahiya sa lahat kapag nalaman ng lahat ng tao kung anong klaseng babae ka!" sigaw nito sa pagmumukha n'ya sabay kuha ng roba na nasa paanan ng kama at ibinalot ito sa katawan ni Cynthia at inakay ang babae palabas sa kanilang kwarto.Walang imik na naglandasan ang masaganang luha sa kan'yang mga mata habang hawak-hawak pa rin ang kan'yang mukha na namamaga dahil sa malakas na pagsampal ni Lincoln sa kan'ya.Malakas na pagsara ng pinto ang kan'yang sunod na narinig at doon lang s'ya parang nataohan.Mahina at padausdos s'yang napasalampak sa sahig at napahagulhol ng iyak ng mag sink in sa kan'yang isip ang panloloko ng kan'yang asawa sa kan'ya at ng kabit nito na s'yang matalik n'yang kaibigan.Ilang oras s'yang nanatili na nakasalampak sa sahig habang umiiyak. Sobrang sakit ng kan'yang nararamdaman ngayon at parang pinapatay s'ya ng paulit-ulit dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.Hindi n'ya lubos maisip na magagawa ni Lincoln ang bagay na ito sa kan'ya. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa kan'yang isip na lolokohin s'ya ng kan'yang asawa dahil ok naman sila sa loob ng limang taon na pagsasama nila.Hindi man sila madalas na nagkikita sa bahay at madalas ay parehong nasa mga trabaho nila ngunit hindi naman ipinaramdam sa kan'ya ni Lincoln na may problema na pala sila sa kanilang pagsasama.Siguro ay matagal na s'yang pinagloloko ng mga ito at ito din siguro ang dahilan kung bakit parang balewala lang din kay Lincoln na wala s'yang oras dito dahil yon pala ay may kinakalantari na ito at ang mismong best friend n'ya pa.Kahit masakit ang lahat ay pinilit n'ya pa rin ang sarili na tumayo. Muntik pa s'yang matumba dahil sa biglaan n'yang pagtayo. Mabuti na lang at nasa paanan s'ya ng kama at mabilis na nakahawak rito.Wala sa sariling napatingin s'ya sa kama nila ni Lincoln at agad na naglandasan ang kan'yang mga luha ng maalala ang nakitang pagniniig ng asawa at ng kabit nito kanina sa mismong kama nilang mag-asawa."Ahhhhhhhh!" malakas na sigaw n'ya at napahagulhol ng iyak habang sapo ang kan'yang dibdib na naninikip.Walang katumbas na sakit ang pinaranas ni Lincoln sa kan'ya at sa pagsasama nila bilang mag-asawa.NALIE ATHALIA...Para s'yang sinasakal sa mga oras na iyon. Mabigat at masakit ang kan'yang dibdib. She is still in shock sa natuklasan n'ya sa kan'yang asawa at matalik na kaibigan.Nakatungo lang s'ya sa sahig at panay ang agos ng kan'yang mga luha habang kuyom ang kan'yang mga kamao. Nasa ganon s'yang posisyon ng bumukas ang pinto ng kanilang silid.Mabilis s'yang nag-angat ang ulo at nakita n'ya si Lincoln na pumasok. Mabilis s'yang tumayo para sana lapitan ang asawa ngunit senenyasan s'ya nito na huwag lumapit kaya natigil s'ya sa akmang paglapit rito."L-Lincoln," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki na nakasama n'ya sa loob ng limang taon ngunit malamig lamang s'ya nito na tinapunan ng tingin."What are you still doing here, Nalie? Pack your things now and get out of my house," malamig na sabi nito. Parang sinasaksak ng patalim ang kan'yang puso sa mga salita na naririnig mula sa asawa."Lincoln Please, we need to talk before we decide. We are married, Lincoln, and you c
NALIE ATHALIA....Matapos ang nangyari sa bahay nila ni Lincoln at matapos s'yang palayasin nito sa mismong pamamahay nilang mag-asawa ay nagpasya s'yang umuwi sa kan'yang condo na mabigat ang puso. Kung hindi s'ya naging sigurista ay baka sa kalsada s'ya pupulutin pagkatapos mapalayas ng asawa.Kahit papaano ay marami na naman s'yang naipundar na mga property na lingid sa kaalaman ng manlolokong asawa n'ya.Hindi n'ya alam pero parang ramdam n'ya na kailangan n'yang magkaroon ng mga sariling property kaya lingid sa kaalaman ng asawa n'ya ay marami s'yang nabili na mga ari-arian na nakapangalan sa kan'ya at hindi conjugal nilang dalawa ni Lincoln.Nang maalala ang asawa ay mahigpit n'yang naikuyom ang mga kamao at pinipigilan ang sarili na maiyak. Ngunit mas lalo lang bumigat ang kan'yang dibdib kaya naman ay malakas n'yang pinokpok ang manibela at napasigaw dahil sa sobrang sakit.Oo nga at wala sila masyadong mga happy moments na mag-asawa ngunit minahal nya ng totoo si Lincoln at
NALIE ATHALIA...Namalayan n'ya na lang na ipinasok na s'ya ng lalaki sa isang pribadong silid. Sa hinuha n'ya ay isa itong vip room para sa mga gustong mgkaroon ng privacy.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nakita n'ya na kumpleto sa mga gamit sa loob ng kwartong iyon. May tv, may billiard table, may mahabang mesa at may natatakpan na mga pagkain sa ibabaw nito, may mahabang sofa at mga upoan na pwedeng upoan kung pang maramihan ang gagamit sa kwartong pinagdalhan sa kan'ya ng judge."Sit down doctor Nalie," ang baritonong boses ni judge Carson ang nagpabalik sa kan'ya sa sarili. Marahas n'yang nilingon ang lalaki at naabutan n'ya itong mataman na nakatingin sa kan'ya."Bakit mo ako dinala rito?" matigas at may diin na tanong n'ya sa binata. Mahina itong natawa at tumaas ang sulok ng labi nito na nakatingin sa kan'ya."Seriously? As far as I remember, I saved you from those two idiots just now," nakataas ang kilay na sagot ni judge Carson sa kan'ya."You don't need to do that! Ka
NALIE ATHALIA..."Hey! It's an alcohol, hindi yan tubig auntie Nalie na parang uhaw na uhaw ka kung tunggain mo," saway sa kan'ya ni judge Carson at agad na inagaw ang bote na may lamang alcohol na hawak n'ya."Give it back to me judge Carson!" singhal n'ya rito. Inilapit nito ang mukha sa kan'ya at mataman na tinitigan ang kan'yang mga mata. Naduduling s'yang nakatingin sa mukha ng lalaki ngunit ngayon n'ya lang napansin na napaka gwapo pala ng lalaking ito.Matangos ang ilong, manipis ang namumulang mga labi, makapal na kilay at namumulang balat sa pisngi nito dahil sa pagka mestiso ng lalaki."You can't drink that much Nalie and call me Adrian please," mahinahong sabi nito sa kan'ya na ikinataas ng kan'yang kilay. Kanina n'ya pa napapansin na nagpapatianod lang ito sa mga pagtataray n'ya at napaka mahinahon ng pagkausap nito sa kan'ya.Magkaiba sa uri ng pananalita nito sa loob ng korte at sa kan'ya ngayon."Adrian what?" tanong n'ya sa binata. Nakailang bote na s'ya ng alcohol at h
ADRIAN KYLE...Napailing s'ya habang nakatingin kay Nalie na lasing na lasing at nakasandig sa sofa ang ulo nito habang mahimbing na natutulog.Ang dami ng nainom nito at hindi n'ya naman makuhang pigilan ang dalaga dahil alam n'ya na gusto nitong makalimot sa sakit na nararamdaman.Masaya na s'ya na tumatawa ito sa mga jokes n'ya. Sa ganong bagay ay alam n'ya na nakakalimutan nito saglit ang sakit at ang problema na kinakaharap ngayon.Gusto n'ya mang alisin ang lungkot at sakit na nasa puso ng babae sa mga oras na ito ngunit wala naman s'yang magawa.Hindi n'ya mapigilan ang pag-igting ng mga panga at maikuyom ang mga kamao kapag naalala n'ya kung paano ito insultohin ng gagong asawa at kabit nito.Her fashion might be conservative but Nalie is beautiful and hot inside and out. Hindi mo lang agad mapapansin kung sa uri ng pananamit nito ang pagbabasehan mo— pero kung mabusisi ka ay makikita mo ang kagandahan na taglay ng babae lalo na ang kabutihan ng puso nito na handang tumulong sa
ADRIAN KYLE...Matapos makausap si Abdul at mabilinan ang taohan sa kailangan nitong gawin ay maingat at walamh ingay s'yang lumapit kay Nalie na mahimbing pa rin na natutulog sa sofa.Wala man lang itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid nito.Pinakatitigan n'ya ang maamo at magandang mukha ng babae at hindi n'ya maiwasan ang makaramdam ng habag sa mga pinagdaanan nito. Hindi biro ang maloko ng asawa at sa dinami-dami ng babae sa mundo ay sa best friend pa nito."I'm sorry," mahinang sabi n'ya sabay haplos sa mukha ni Nalie. Ilang segundo pa s'yang nanatili na nakatingin sa babae bago nagpasyang iuwi ito sa kan'yang condo.Puno ng pag-iingat n'yang kinarga ang natutulog na dalaga at lumabas ng vip room ng bar na pag-aari n'ya. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagkalat ang kan'yang mga negosyo sa buong bansa at pati na sa ibang bansa.Hindi lamang ito ang negosyo n'ya, marami pa at hindi basta-bastang mga negosyo lamang. Ka sosyo n'ya din ang kan'yang mga pinsan at halos silang la
ADRIAN KYLE...Akmang papasok s'ya sa banyo para kumuha ng bimpo na ipampunas kay Nalie para maginhawaan ito nang tumunog ang kan'yang cellphone.Agad n'yang kinuha ito mula sa bulsa ng suot na pantalon at sinipat iyon. Nakita n'ya ang pangalan ni Abdul sa screen kaya agad n'yang tinungo ang banyo para doon kausapin ang taohan.Pagpasok n'ya sa loob ay agad n'ya itong isinarado bago sinagot ang tawag ng inutosan n'ya."Abdul anong nakalap mo?" agad na bungad n'ya sa lalaki."Boss walang Khairo na konektado kay Dr. Jabar. Nahukay ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kan'ya ngunit wala akong nakita na pangalan na Khairo," pagbibigay alam ng taohan sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang dahil mukhang mahihirapan s'yang alamin kung sino si Khairo sa buhay ni Nalie."Dig more Abdul, I don't care kung paano mo gagawin yon basta bukas na bukas din ay kailangan may balita ka na sa akin," matigas na turan n'ya rito at agad na pinatay ang tawag. Napatingala s'ya sa kisame at marahas
NALIE ATHALIA..."Hmmmm!" ungol n'ya at dahan-dahan na iminulat ang mga mata ngunit agad ding napapikit muli ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo. Napangiwi s'ya ng maramdaman na parang pumipintig-pintig ang kan'yang ulo dahil sa sobrang sakit."Ano ba kasi ang nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili habang nakangiwi. Pakiramdam n'ya ay umiikot ang kan'yang paligid kapag iminulat n'ya ang kan'yang mga mata.Wala s'yang naalala sa nangyari at kung bakit ganito kasakit ang kan'yang ulo ng magising s'ya."May sakit ba ako kahapon?" lutang na tanong n'ya sa kan'yang sarili dahil pakiramdam n'ya ay parang mabibiyak dahil sa sobrang sakit ang kan'yang ulo."Damn!" mahinang mura n'ya sabay hilot sa kan'yang sintido. Umiikot talaga ang kan'yang paningin kapag sinusubukan n'yang imulat ang kan'yang mga mata at napakasakit din ng kan'yang ulo. Unti-unting dumaloy sa kan'yang isip ang mga nangyari kahapon at ang dahilan kung bakit s'ya nagkaganito ngayon. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nak
CHARLES MALCOLM... Matinding selos ang kan'yang nararamdaman sa nalaman at naipangako n'ya sa kan'yang sarili na hindi s'ya papayag na magsama ang dalawa bilang mag-asawa. Gagawin n'ya ang lahat na hindi matuloy ang pagiging kasal ng mga ito. Kaya naman ay nakapag desisyon s'ya na magpakita na kay Dee. Baka magbago pa ang isip nito kapag nakita s'ya. Ngunit ang kan'yang plano ay naging kabaliktaran. Huli n'ya na ng malaman mula sa abogado na ang pagkikita ng dalawa ay hindi para ayusin ang kanilang pagiging mag-asawa kundi ang mag file ng divorce. At dahil nakita na s'ya ni Dee ay nagbago ang isip nito at ngayon ay gusto ng sumama sa bahay ni Javier. Mas lalong nag-apoy sa galit ang kan'yang bumbonan sa nalaman at hindi napigilan na sugurin si Montero. Akala n'ya ay mapakiusapan n'ya ito ngunit ang gago ay hindi pumayag sa gusto n'ya bagkus ay sinabihan pa s'ya nito na nagbago na ang isip nito at nakapag desisyon na itutuloy ang pagiging asawa ni Dee. Parang gusto n'ya itong
CHARLES MALCOLM... Matagumpay s'yang nakapasok sa loob ng mansyon ng mga magulang ni Dee sa tulong ni Peter. Ngayon n'ya lang nalaman na ganito pala ka close ang dalawa dahil kabisado ni Peter ang lahat ng pasikot-sikot sa loob ng lugar at pati ang mga gward'ya ay kilala ito. Nakaramdam s'ya ng kaunting selos sa puso n'ya ,knowing kung gaano kalapit sa isat-isa ang kan'yang babaeng mahal n'ya at pinsan. Ngunit nagpapasalamat din s'ya dahil sa closeness ng dalawa ay natulongan s'ya ni Peter para mahanap ang babae. Ayon sa napagtanungan n'ya na kasambahay na nakakaintindi ng English ay nasa taas pa daw si Dee at hindi pa bumababa kaya naman ay naisip n'ya na ipagluto ito ng pagkain na paborito. Nanghingi s'ya ng tulong sa mga kasama nito sa bahay at mabuti na lang at nand'yan ang pinsan n'ya na kumausap sa mga ito. Tinawagan n'ya agad si Peter para ipaalam ang kan'yang gustong gawin at ito ang kumausap sa mga kasambahay ni Dee na agad namang tumalima para tulongan s'ya. Kaya madal
CHARLES MALCOLM..."Fvck you! Bakit mo tinanggap? Nababaliw ka na ba Charles?" katulad ng reaction ni Henry kanina ay gulat at may kasamang galit ang boses ni Peter ng tanungin s'ya nito. Nagbuga s'ya ng hangin para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago nagsalita para ipaalam sa pinsan ang kan'yang dahilan kung bakit n'ya tinanggap ang trabaho."Fvck! You're in a big mess Charles!" tanging nasabi ng pinsan matapos marinig ang lahat. Alam n'ya naman iyon pero gagawin n'ya pa rin. Ngayon pa na nalaman n'ya na buntis si Dee. Kailangan n'ya ng tapusin lahat sa lalong madaling panahon para makabalik s'ya agad bago pa manganak ang asawa."I know! Kaya nakikiusap ako sayo Peter. Just tell me, where Dee is. Gusto ko lang s'yang makita at makausap bago ako umalis.""Damn! You are insane man! Ang sarap mong pitikin sa itlog. I will tell you kung nasaan si Dee ngayon but you need to promise us na babalik ka ng buhay Charles," matigas at puno ng ka seryosohan na sabi ni Peter sa kan'ya. Nabu
CHARLES MALCOLM... "Eh ano naman sayo kung buntis ang kaibigan ko? Baka nakalimutan mo na niloko mo s'ya kaya hindi mo deserve ang malaman na buntis s'ya sa anak n'yo!" matigas na sagot ng pinsan sa kan'ya na ikinainit ng kan'yang ulo kaya hindi n'ya napigilan ang mabilis na pagtayo at umuklo sa kinauupoan ni Peter sabay hawak sa kwelyo nito at sinakal ang pinsan."Hey! You two, stop that!" awat ni Henry sa kanila at agad na tumayo para lapitan silang dalawa ni Peter. Binaklas ng pinsan ang kan'yang kamay na nakahawak sa kwelyo ng damit ni Pedro. Matalim ang tingin na ipinukol n'ya rito ngunit isang ngisi lamang ang iginanti sa kan'ya ng lalaki na mas lalo n'yang ikinainis."Answer me Peter!" muling singhal n'ya sa pinsan ng hindi nito sinagot ang kan'yang tanong kanina."Masyado kang high blood, Charles. Bayaran mo muna ako ng limang milyon at sasabihin ko sayo ang totoo," pilyong sagot nito sa kan'ya na mas lalong nag-apoy ng kan'yang galit."Hayop ka!" mura n'ya sa pinsan at agad
CHARLES MALCOLM... "Charles!" nagulat s'ya ng marinig ang pasigaw na tawag sa kan'ya ni Henry. Mukhang kanina pa s'ya nito tinatawag ng pinsan dahil aburido na ang hitsura nito ng tapunan n'ya ng tingin. Nahulog pala s'ya sa malalim na pag-iisip at nakalimutan na magkasama silang dalawa ni Henry. "What?" pasita na tanong n'ya rito. Kausap n'ya ito dahil may bagong trabaho na ipinadala sa kanila at mukhang kasama si Henry sa sinasabi na trabaho. Hindi n'ya pa alam kung anong klaseng trabaho iyon dahil ang kan'yang isip ay nasa sarili n'yang problema na kinakaharap. May isang organisasyon kung saan ay kasama n'ya ang tatlong pinsan na si Henry, Briggs at Peter. At nito n'ya lang din nalaman na kasama din pala nila dito si Dee ngunit sekreto ang pagkatao ng babae dito. Kung hindi n'ya pa nakausap si Peter ay wala s'yang alam sa partisipasyon ni Dee sa naturang organisasyon. Kaya n'ya nasabi sa sarili na hindi basta-bastang babae lamang ang taong minahal n'ya. Kakaiba ito sa mga
CHARLES MALCOLM... Nang makaalis ang sasakyan na sumundo kay Bailey ay nagpasya s'yang sundan ito. Ngunit bago n'ya tinungo ang kan'yang sasakyan na nakaparada sa kabilang bahagi ng hospital ay may nakita s'yang sasakyan sa di kalayuan. At hindi n'ya alam pero pakiramdam n'ya ay may nakatingin sa kan'ya. Nakiramdam muna s'ya sa paligid at ng maramdaman na wala namang panganib ay itinuloy n'ya ang balak na pagtawid para tunguhin ang sasakyan. Sinundan n'ya ang sasakyan na sinakyan ni Bailey hanggang sa makarating sila pareho sa bahay ng kan'yang abuela. May sariling bahay ang kan'yang lola sa Pilipinas at hindi lamang iyon simpling bahay kundi isang mansyon. Nakita n'ya na bumaba si Bailey sa sasakyan kaya nagpasya na din s'yang bumaba ng kotse. Hinintay s'ya ng babae na makababa at lumapit dito. "Sabay na tayo na pumasok Charles," si Bailey sa kan'ya ng makalapit s'ya rito. "Let's go!" aya n'ya rito at nagpatiuna sa paglakad ngunit natigil s'ya ng hawakan ni Bailey ang kan'yang
CHARLES MALCOLM... He was in a big messed dahil sa pagdating ng kan'yang lola. Matagal na panahon ng sinabi ito ng abuela sa kan'ya ngunit dahil wala pa namang babae ang nagmamay-ari sa kan'yang puso kaya hindi n'ya pinansin ang bagay na ito at hindi seneryoso. At hindi n'ya inakala na magiging ganito kagulo ang lahat at hindi n'ya rin inaasahan na igigiit ng kan'yang lola ang tungkol sa kan'yang kasal sa babaeng hindi n'ya gusto. Si Dee lang ang gusto n'yang makasama sa buhay at wala ng iba at never n'yang nagustohan ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng abuela. Mabait naman si Bailey ngunit hindi n'ya talaga natutunan na mahalin ang babae. At sa ilang taon nilang kasal ay minsan n'ya lang nakita ang babae. Isa itong doctor at kung saan-saang lugar nagpupunta para manggamot kaya hindi sila nagkikita. At may usapan sila ng kan'yang lola na hahayaan muna s'ya nito ng ilang taon para e-enjoy ang kan'yang pagka binata at ganon din ang gusto ni Bailey kaya nagkaroon sila ng freedom na
ABRIELLE DEE... "Anong alam mo Pedro? May alam ka ba tungkol kay Charles? Nasaan na s'ya ngayon at bakit n'ya tinanggap ang misyon kung pwede lang naman s'yang tumanggi?" sunod-sunod na tanong n'ya sa lalaki. "Simply because..., he loves you!" seryoso ang boses na sagot ni Peter sa kan'ya na ikinaawang ng kan'yang labi. "See? Nganga ka d'yan! Hindi ka makapaniwala, ano? Alam mo Lopez magkaibigan tayo at matagal na panahon na ang pagkakaibigan natin at pinsan ko si Charles pero never akong nagsabi ng magandang bagay sayo tungkol sa pinsan ko dahil ayokong isipin mo na kaming mga Carson ay mga mababait. Pero truth is the ultimate time teller ika nga dahil sa pagkakataong ito ay ang tadhana na mismo ang magsasabi sayo na mabait at mabubuting tao ang mga Carson kasama na si Charles d'yan. He loves you Lopez at halos mabaliw na si Charles ng iwan mo at pagtaguan," mahabang sabi ni Peter sa kan'ya. Tama naman ang kaibigan n'ya. Sa tinagal-tagal nilang magkakaibigan ay ni minsan ay hindi
ABRIELLE DEE..."Ipapaliwanag ko sayo ang dahilan kapag nakabalik na ako, mi amor at ipinapangako ko sayo na babalik ako ng buhay para sa inyong dalawa ni baby. Pagbalik ko ay aayusin na natin ang pamilya natin at magsasama na tayong tatlo."Ramdam n'ya ang sinsiridad sa boses ni Charles habang sinasabi ang mga katagang iyon ngunit wala doon ang kan'yang atensyon kundi sa panganib na haharapin ng lalaki sa pagtanggap nito sa misyon sa Libya.May rules ang kanilang organisasyon na pwedeng mag refuse sa nakatalagang misyon kung may valid reason. At pwedeng gamitin ni Charles ang pagkakaroon nito ng asawa na buntis para tanggihan ang trabaho.Ngunit hindi iyon naisip ni Charles at ang tanging mahalaga dito ay ang trabaho. Kaya s'ya nasasaktan ngayon dahil ang akala n'ya ay ang asawa lang nito ang kahati n'ya pati pa pala sa trabaho. Kung hindi lang s'ya buntis ay balewala sa kan'ya ang misyon ng lalaki dahil pwede n'ya naman itong sundan at palihim na babantayan ngunit hindi n'ya magagaw