NALIE ATHALIA..."T-Tay," nauutal na tawag n'ya sa kan'yang ama. Hinayaan lang s'ya nitong nakayakap sa bewang nito at hindi naman s'ya mayakap pabalik ng kan'yang tatay dahil naka posas ang mga kamay nito."Nalie, anak hindi ka na dapat pumunta pa dito," ang kan'yang ama sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito pinakinggan. Sa mga oras na iyon ay wala na s'yang pakialam pa kung mahuli s'ya ng mga taohan ni senyor Romeo."Gusto kitang makita tay, gusto kitang makausap," umiiyak na sagot n'ya rito. "Delikado Nalie, delikado ang ginagawa mo. Mapapahamak kayo ng nanay mo anak," sagot ng kan'yang ama ngunit umiling lang s'ya bilang sagot dito."Halika anak, maupo muna tayo," aya nito. Inalalayan n'ya ito na makaupo sa upoan at ganon din s'ya na naupo sa harapan ng kan'yang tatay.Nakamata lang sa kan'ya ang kan'yang tatay at ramdam n'ya na nahihirapan ito na kausapin s'ya. Umiiwas din ito ng tingin sa kan'ya at naintindihan n'ya kung bakit."T-Tay, kamusta ka po dito?" panimula n'ya. Kanina pa s'
NALIE ATHALIA...PRESENT.."Taaayyyy!" malakas na sigaw n'ya habang napahagulhol ng iyak nang maalala ang lahat ng sakit ng nangyari sa kan'yang mga magulang."Nayyyy!" dagdag n'ya pa at ang ina naman ang tinawag. Halos hindi na s'ya makahinga ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak."Baby! Fvck! What happened?" ang boses ni Adrian na puno ng pag-alala ang nagpabalik sa kan'ya sa kan'yang sarili. Humahangos ito nang nagbukas ng pinto at kita ang pagkagulat nito ng makita s'ya sa ganong sitwasyon. Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nagbabalik-tanaw sa masakit na nakaraan na naranasan ng kan'yang mga magulang at ng kan'yang buong pamilya.Agad s'yang sinugod ng yakap ni Adrian para pakalmahin. Hilam sa luha ang kan'yang mga mata at halos hindi na s'ya makapagsalita ng maayos dahil wala na s'yang boses."It's ok! It's ok! I'm here baby, I'm here. Sige lang, iiyak mo lang yan, nandito lang ako," alo ni Adrian sa kan'ya habang hinahagod ang kan'yang likod.Muli s'yang napahagulhol
NALIE ATHALIA..."Are you ok?" nagtatakang tanong n'ya sa binata. Namamawis kasi ang noo nito at parang hindi ito mapalagay."Y-Yeah! Of course I am ok baby, tara baba na tayo. Kanina ka pa hinahanap ni Alonso," aya ng kasintahan sa kan'ya ngunit ramdam n'ya pa rin ang pagkabalisa nito.Hindi n'ya na lang pinansin pa ang kakaibang nararamdaman sa inaasta ni Adrian ngayon. Wala naman siguro ito at baka guni-guni n'ya lang."Magbibihis lang ako bubba," nakangiting sagot n'ya sa kasintahan. Lumapit ito sa kan'ya at ang mga mata nito kanina na nakitaan ng pagkabalisa ay napalitan ng pagnanasa nang makita nito na nakatapis lamang s'ya ng puting tuwalya sa katawan."Hmmm, bakit parang gusto kong huwag na lang tayo bumaba," pilyong sabi nito sa kan'ya sabay haklit sa kan'yang bewang at idinikit sa katawan nito. Nagulat pa s'ya sa ginawa ng binataqww dahil sobrang bilis ng mga kamay ni Adrian."Kyle stop it! Nakakahiya sa mga magulang mo," saway n'ya sa kasintahan ngunit tinaasan lamang s'ya
NALIE ATHALIA..."Adrian, Nalie," nagulat sila pareho ng marinig muli ang boses ng ina ni Adrian mula sa labas."Hayy! Naku! Nand'yan na mommy," sagot ni Adrian sa ina. Mahina s'yang natawa nang makita ang mukha nito na parang natalo sa lotto.S'ya na ang kusang umalis sa ibabaw ng kasintahan at inilahad ang kamay dito. Agad naman itong tinanggap ni Adrian at bumangon."Paalisin ko na kaya 'tong si mommy baby? Disturbo kasi," reklamo ng binata habang iginigiya s'ya palabas ng kwarto."Subukan mo kaya," pabirong hamon n'ya rito."Huwag na lang pala! Baka mag gang up pa sila ni daddy at kung ano pa ang gagawin sa akin. Magkakampi pa naman ang mga iyon sa pagmaltrato sa akin. My mom has a monster side at lumalabas ito kapag naiirita s'ya sa akin," agad na bawi ni Adrian sa sinabi nito tungkol sa ina. Mahina s'yang natawa habang pababa sila ng hagdan. Magkahawak ang mga kamay nilang dalawa at walang balak ang lalaki na bitawan ang kan'yang kamay.Dumiretso sila sa dining at naabutan nila
NALIE ATHALIA...Masaya ang pagsasama nila ni Adrian at ng mga magulang nito kasama na ang kanilang anak na nakitaan n'ya na ng malaking progress sa pagpapagaling nito.Hindi na ito gumagamit ng wheelchair at nakakalakad na ng maayos. Mapula-pula na rin ang pisngi ng kan'yang anak at isang magandang senyales iyon para sa kan'ya. Nagkalaman na rin ito at may tumutubo ng mga buhok sa ulo nito.Masusing mino-monitor ng mga magagaling na doctor nito ang kalagayan ng anak at masaya ang lahat dahil tuloy-tuloy na ang paggaling ni Khairo.Hindi din umaalis ang mga magulang ni Adrian sa tabi ng kan'yang anak at nakikita n'ya na parang tunay na apo na ang turing ng mga ito sa kan'yang anak.Bagay na ikinagalak ng kan'yang puso dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap sa buhay ay naranasan n'ya din ang totoong saya kasama ang mga tao na tunay na nagmamahal sa kan'ya at kay Khairo.Nagbabalak na s'yang bumalik sa kan'yang trabaho at ganon din si Adrian. At napag-usapan na din nila ang pananatili
NALIE ATHALIA...Nagising s'ya na magaan ang pakiramdam. Paano ba naman kasi, literal na diniligan s'ya ni Adrian kagabi. Lihim s'yang napangiti ng maalala ang nangyari sa kanila ng kasintahan kagabi.Simula sa balkonahe ng kanilang kwarto hanggang sa loob ng kwarto nila, at may karugtong pa sa banyo. Halos ayaw na s'yang patulogin ni Adrian at tumigil lamang ito ng hindi na talaga s'ya makagalaw at nakatulog na lang dahil sa sobrang pagod.Ang akala n'ya ay hindi s'ya makakabangon ngayon ngunit kabaliktaran ang nangyari. Magaan pa ang kan'yang gising ngayong araw at parang wala lang nangyari sa kanila kagabi. Parang hindi lang s'ya nito pinagod ng bongga.Dahan-dahan s'yang bumangon at naupo muna sa kama. Pinakiramdaman n'ya muna ang kan'yang sarili bago s'ya tumayo para pumunta sa banyo.Nang wala namang sakit na nararamdaman ay dahan-dahan s'yang tumayo para lang mapaupo ulit dahil parang lantang gulay ang kan'yang mga tuhod.Sobra ang panginginig nito at muntik na s'yang mabuwal s
NALIE ATHALIA..."Baby what's wrong? Anong nangyayari sayo?" balisang tanong ni Adrian sa kan'ya at agad s'yang nilapitan at niyakap.Para naman s'yang nagising at nahimasmasan sa kan'yang ginawa sa kasintahan. Nadala lang siguro s'ya sa sobrang lungkot at pangungulila sa mga magulang na matagal ng namayapa."I'm sorry, I'm sorry Kyle, hindi ko sinasadya," paghingi n'ya ng paumanhin dito. Ipinalibot n'ya ang kan'yang mga braso sa bewang ni Adrian at ang binata naman ay hinahagod ang kan'yang likod para pakalmahin s'ya."It's ok baby! Tinakot mo ako kanina," natatawang sabi nito ngunit ramdam n'ya ang panginginig sa boses ng kasintahan. May kakaiba pa rin s'yang nararamdaman ngunit pinilit n'ya ang sarili na balewalain na lamang ito.Baka masira pa ang araw nila ng binata kapag ganito ang iniisip n'ya. Wala namang katuturan ang hinala n'ya sa binata. Malabo ang nasa isip n'ya ngayon at alam n'ya na walang kinalaman si Adrian tungkol sa nangyari sa kan'yang nakaraan."I'm sorry, hindi n
NALIE ATHALIA...Kumain sila at masaya ang lahat sa kanilang family day ngunit s'ya ay binabagabag ng sinabi kanina sa kan'ya ni Black Lily.Matapos n'yang makausap ang babae at dumating si Adrian para sunduin s'ya sa banyo ay hindi n'ya na nakita pa ulit ang babae. Nakaabang s'ya sa paglabas nito sa banyo ngunit hindi n'yang ito nakita na lumabas.Hindi n'ya ito kilala at nakita n'ya lang ito noong inoperahan si Khairo dahil isa ito sa mga doctor ni Khairo. Ngunit may pakiramdam na s'ya noon pa man na malapit sa kan'yang puso ang babae. Magaan ang kan'yang loob dito at nararamdaman n'ya ang kanilang koneksyon.Ngunit kahit anong gawin n'yang pag-iisip ay hindi n'ya matatandaan ang babae. Hindi n'ya maalala kung saan n'ya ito nakita maliban sa hospital at naisip n'ya rin kung nagkataon na ba na naging magkasama sila noon.Bakit sa uri ng pananalita ng babae ay parang kilalang-kilala na s'ya nito. Hindi n'ya maintindihan ang mga pinagsasabi nito sa kan'ya ngunit may isang bagay na sina