NALIE ATHALIA...Natigil s'ya sa pag-iwas ng marinig ang pagsigaw ng lalaki. Hindi s'ya humarap dito at nanatili lamang na nakatayo dahil sa sobrang takot."May nakita ka bang mag-ina dito? Isang matanda at isang dalagita na mahaba ang buhok at maputi?" narinig n'yang tanong muli ng lalaki.Hindi s'ya kumilos at nanatili lang na nakatayo sa kan'yang kinatatayuan."Wala po, wala namang nagawi dito na mag-ina na sinasabi mo. Kung mayroon mang mag-ina ay mga bata ang kasama at hindi dalagita," narinig n'yang sagot ng isang babae.Mariin n'yang naipikit ang kan'yang mga mata at dahan-dahan na nagpakawala ng hangin. Akala n'ya ay s'ya na ang tinatawag ng lalaki. Akala n'ya ay mahuhuli na s'ya ng mga ito.Nang maisip ang bagay na iyon ay agad s'yang nahimasmasan. Pa simply s'yang umalis sa lugar na iyon at hindi na lamang tumuloy sa pagbili ng tinapay para sa kan'yang ina.Nang medyo malayo na sa mga taong nag-uusap ay dahan-dahan s'yang lumingon sa mga ito at nakita n'ya na hinaharang ng
NALIE ATHALIA...Lumipas ang dalawang linggo, dumating din ang araw na sinabi sa kan'ya ni Ms. Katherine na babalik sa opisina nito.Kaya katulad ng nakagawian ay maaga s'yang nagising at nag-ayos. Nagluto para sa ina bago umalis ng bahay.Ganon pa rin ang kan'yang suot. Mas mabuti na ang ganito dahil hindi agad s'ya makikilala ng mga taohan ni senyor Romeo.Siguro ay hindi na nakaabang ang mga ito sa mga daanan ngayon. Dalawang linggo na rin noong huli n'yang punta sa sentro at iyon ang araw na nalaman n'ya at nasaksihan mismo na hinahanap sila ng mga taohan ng dating amo.Sumakay s'ya ng tricycle papunta sa sentro. Katulad noong nakaraan ay maaga pa s'ya para wala pang gaanong tao sa opisina ni Ms. Katherine. Agad s'yang dumiretso doon at pumasok.Naabutan n'ya ang babae na kakalapag lang ng bag nito. Siguro ay kakarating lang din at nauna lang ito ng ilang minuto sa kan'ya."Nalie ang aga mo ah," nakangiting bungad nito sa kan'ya. Tipid n'ya itong nginitian at binati pabalik."Mag
NALIE ATHALIA...Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Gabi na at nasa sahig pa rin s'ya nakasalampak habang nakasandig sa kama ang kan'yang likod.Sa kan'yang likuran ay ang kan'yang ina na wala ng buhay simula pa siguro kaninang madaling araw at hindi n'ya man lang napansin iyon.Siguro kung hindi s'ya umalis para pumunta sa law firm ay baka buhay pa ito. Baka nagising n'ya pa ito ng maaga at nailigtas pa. Siguro ay kasama n'ya pa rin ito ngayon.Sinisisi n'ya ang kan'yang sarili na iniwan n'ya itong mag-isa ngunit may bahagi din ng kan'yang isip na nagsasabi na wala s'yang kasalanan sa nangyari sa ina.Na ginawa n'ya lang kung ano ang tama. Hindi n'ya alam kung may sakit na ang nanay n'ya o binangungot lang ito. Wala na din s'yang luha na mailabas. Maga na ang kan'yang mga mata ng mga oras na iyon.Wala din s'yang maisip na gagawin sa ina. Ayaw tanggapin ng kan'yang isip at puso na wala na ito. Parang ayaw n'yang ipaalam sa iba na patay na ang kan'yang nanay da
NALIE ATHALIA...Limang araw na simula ng mailibing ang kan'yang ina. Umuwi na din sina mang Berto at aling Perlita at naiwan s'yang mag-isa sa bahay nito.Wala s'yang ganang kumain at palagi na lang umiiyak sa araw-araw sa tuwing naalala n'ya ang kan'yang nanay. Hindi n'ya pa rin matanggap na wala na ang pinakamamahal n'yang ina.Na mag-isa na lamang s'ya sa buhay ngayon. Limang araw na s'yang nagluluksa at nagkukulong lang sa kwarto. Wala s'yang ganang kumain at kumilos dahil kahit saan s'ya tumingin ay nakikita n'ya ang kan'yang ina sa kahit saang sulok ng bahay ni mang Berto.Nauuwi lang palagi sa paghagulhol ang lahat dahil wala naman s'yang magagawa. Kahit anong gawin n'ya ay tapos na ang lahat. Hindi n'ya na maibabalik pa ang buhay nito.Gusto n'ya mang ayusin ang buhay dahil naisip n'ya na may ama pa s'yang kailangan na tulongan ngunit hindi n'ya magawa sa ngayon.Hindi n'ya pa kaya, siguro ay bibigyan n'ya na lang muna ang kan'yang sarili ng sapat na panahon para matanggap
NALIE ATHALIA...Kinakabahan s'ya habang pabalik-balik ng lakad sa sala ng bahay ni mang Tomas. Ngayong araw ang ikalawang hearing ng kan'yang ama at hindi n'ya maintindihan ang kan'yang sarili kung bakit ganon na lang ang pagkalabog ng kan'yang puso.Mahigpit na nakasalikop ang kan'yang kamay habang nakatingin sa kisame. Lihim s'yang nagdadasal na sana ay magiging maayos lang ang hearing na gaganapin. Sana ay malinis na ang pangalan ng kan'yang ama para makalabas na ito ng kulongan. Miss na miss n'ya na ang kan'yang tatay at gustong-gusto n'ya na itong makasama.Lumipas ang buong araw na hindi s'ya mapakali kaya naman ay naghanap s'ya ng pwede n'yang gawin para malibang. Naglinis s'ya ng buong bahay buong maghapon at medyo madilim na at natapos n'ya ang paglilinis.Naligo s'ya at pagkatapos ay naisipan n'yang magluto. Habang nagluluto ay bumabalik sa kan'yang alaala ang mga araw na kasama n'ya pa ang kan'yang ina habang naghahanda ng kanilang pagkain.Hindi n'ya napigilan ang paglan
NALIE ATHALIA..."T-Tay," nauutal na tawag n'ya sa kan'yang ama. Hinayaan lang s'ya nitong nakayakap sa bewang nito at hindi naman s'ya mayakap pabalik ng kan'yang tatay dahil naka posas ang mga kamay nito."Nalie, anak hindi ka na dapat pumunta pa dito," ang kan'yang ama sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito pinakinggan. Sa mga oras na iyon ay wala na s'yang pakialam pa kung mahuli s'ya ng mga taohan ni senyor Romeo."Gusto kitang makita tay, gusto kitang makausap," umiiyak na sagot n'ya rito. "Delikado Nalie, delikado ang ginagawa mo. Mapapahamak kayo ng nanay mo anak," sagot ng kan'yang ama ngunit umiling lang s'ya bilang sagot dito."Halika anak, maupo muna tayo," aya nito. Inalalayan n'ya ito na makaupo sa upoan at ganon din s'ya na naupo sa harapan ng kan'yang tatay.Nakamata lang sa kan'ya ang kan'yang tatay at ramdam n'ya na nahihirapan ito na kausapin s'ya. Umiiwas din ito ng tingin sa kan'ya at naintindihan n'ya kung bakit."T-Tay, kamusta ka po dito?" panimula n'ya. Kanina pa s'
NALIE ATHALIA...PRESENT.."Taaayyyy!" malakas na sigaw n'ya habang napahagulhol ng iyak nang maalala ang lahat ng sakit ng nangyari sa kan'yang mga magulang."Nayyyy!" dagdag n'ya pa at ang ina naman ang tinawag. Halos hindi na s'ya makahinga ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak."Baby! Fvck! What happened?" ang boses ni Adrian na puno ng pag-alala ang nagpabalik sa kan'ya sa kan'yang sarili. Humahangos ito nang nagbukas ng pinto at kita ang pagkagulat nito ng makita s'ya sa ganong sitwasyon. Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nagbabalik-tanaw sa masakit na nakaraan na naranasan ng kan'yang mga magulang at ng kan'yang buong pamilya.Agad s'yang sinugod ng yakap ni Adrian para pakalmahin. Hilam sa luha ang kan'yang mga mata at halos hindi na s'ya makapagsalita ng maayos dahil wala na s'yang boses."It's ok! It's ok! I'm here baby, I'm here. Sige lang, iiyak mo lang yan, nandito lang ako," alo ni Adrian sa kan'ya habang hinahagod ang kan'yang likod.Muli s'yang napahagulhol
NALIE ATHALIA..."Are you ok?" nagtatakang tanong n'ya sa binata. Namamawis kasi ang noo nito at parang hindi ito mapalagay."Y-Yeah! Of course I am ok baby, tara baba na tayo. Kanina ka pa hinahanap ni Alonso," aya ng kasintahan sa kan'ya ngunit ramdam n'ya pa rin ang pagkabalisa nito.Hindi n'ya na lang pinansin pa ang kakaibang nararamdaman sa inaasta ni Adrian ngayon. Wala naman siguro ito at baka guni-guni n'ya lang."Magbibihis lang ako bubba," nakangiting sagot n'ya sa kasintahan. Lumapit ito sa kan'ya at ang mga mata nito kanina na nakitaan ng pagkabalisa ay napalitan ng pagnanasa nang makita nito na nakatapis lamang s'ya ng puting tuwalya sa katawan."Hmmm, bakit parang gusto kong huwag na lang tayo bumaba," pilyong sabi nito sa kan'ya sabay haklit sa kan'yang bewang at idinikit sa katawan nito. Nagulat pa s'ya sa ginawa ng binataqww dahil sobrang bilis ng mga kamay ni Adrian."Kyle stop it! Nakakahiya sa mga magulang mo," saway n'ya sa kasintahan ngunit tinaasan lamang s'ya
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick