Share

CHAPTER 110

NALIE ATHALIA...

Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Gabi na at nasa sahig pa rin s'ya nakasalampak habang nakasandig sa kama ang kan'yang likod.

Sa kan'yang likuran ay ang kan'yang ina na wala ng buhay simula pa siguro kaninang madaling araw at hindi n'ya man lang napansin iyon.

Siguro kung hindi s'ya umalis para pumunta sa law firm ay baka buhay pa ito. Baka nagising n'ya pa ito ng maaga at nailigtas pa. Siguro ay kasama n'ya pa rin ito ngayon.

Sinisisi n'ya ang kan'yang sarili na iniwan n'ya itong mag-isa ngunit may bahagi din ng kan'yang isip na nagsasabi na wala s'yang kasalanan sa nangyari sa ina.

Na ginawa n'ya lang kung ano ang tama. Hindi n'ya alam kung may sakit na ang nanay n'ya o binangungot lang ito. Wala na din s'yang luha na mailabas. Maga na ang kan'yang mga mata ng mga oras na iyon.

Wala din s'yang maisip na gagawin sa ina. Ayaw tanggapin ng kan'yang isip at puso na wala na ito. Parang ayaw n'yang ipaalam sa iba na patay na ang kan'yang nanay da
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang daming luha dito
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe iyak ko dito sana makamit ng ama mo ang hustisya
goodnovel comment avatar
Mrs. D
......... Ang hirap harapin ang ganitong sitwasyon sa buhay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status