NALIE ATHALIA...Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Gabi na at nasa sahig pa rin s'ya nakasalampak habang nakasandig sa kama ang kan'yang likod.Sa kan'yang likuran ay ang kan'yang ina na wala ng buhay simula pa siguro kaninang madaling araw at hindi n'ya man lang napansin iyon.Siguro kung hindi s'ya umalis para pumunta sa law firm ay baka buhay pa ito. Baka nagising n'ya pa ito ng maaga at nailigtas pa. Siguro ay kasama n'ya pa rin ito ngayon.Sinisisi n'ya ang kan'yang sarili na iniwan n'ya itong mag-isa ngunit may bahagi din ng kan'yang isip na nagsasabi na wala s'yang kasalanan sa nangyari sa ina.Na ginawa n'ya lang kung ano ang tama. Hindi n'ya alam kung may sakit na ang nanay n'ya o binangungot lang ito. Wala na din s'yang luha na mailabas. Maga na ang kan'yang mga mata ng mga oras na iyon.Wala din s'yang maisip na gagawin sa ina. Ayaw tanggapin ng kan'yang isip at puso na wala na ito. Parang ayaw n'yang ipaalam sa iba na patay na ang kan'yang nanay da
NALIE ATHALIA...Limang araw na simula ng mailibing ang kan'yang ina. Umuwi na din sina mang Berto at aling Perlita at naiwan s'yang mag-isa sa bahay nito.Wala s'yang ganang kumain at palagi na lang umiiyak sa araw-araw sa tuwing naalala n'ya ang kan'yang nanay. Hindi n'ya pa rin matanggap na wala na ang pinakamamahal n'yang ina.Na mag-isa na lamang s'ya sa buhay ngayon. Limang araw na s'yang nagluluksa at nagkukulong lang sa kwarto. Wala s'yang ganang kumain at kumilos dahil kahit saan s'ya tumingin ay nakikita n'ya ang kan'yang ina sa kahit saang sulok ng bahay ni mang Berto.Nauuwi lang palagi sa paghagulhol ang lahat dahil wala naman s'yang magagawa. Kahit anong gawin n'ya ay tapos na ang lahat. Hindi n'ya na maibabalik pa ang buhay nito.Gusto n'ya mang ayusin ang buhay dahil naisip n'ya na may ama pa s'yang kailangan na tulongan ngunit hindi n'ya magawa sa ngayon.Hindi n'ya pa kaya, siguro ay bibigyan n'ya na lang muna ang kan'yang sarili ng sapat na panahon para matanggap
NALIE ATHALIA...Kinakabahan s'ya habang pabalik-balik ng lakad sa sala ng bahay ni mang Tomas. Ngayong araw ang ikalawang hearing ng kan'yang ama at hindi n'ya maintindihan ang kan'yang sarili kung bakit ganon na lang ang pagkalabog ng kan'yang puso.Mahigpit na nakasalikop ang kan'yang kamay habang nakatingin sa kisame. Lihim s'yang nagdadasal na sana ay magiging maayos lang ang hearing na gaganapin. Sana ay malinis na ang pangalan ng kan'yang ama para makalabas na ito ng kulongan. Miss na miss n'ya na ang kan'yang tatay at gustong-gusto n'ya na itong makasama.Lumipas ang buong araw na hindi s'ya mapakali kaya naman ay naghanap s'ya ng pwede n'yang gawin para malibang. Naglinis s'ya ng buong bahay buong maghapon at medyo madilim na at natapos n'ya ang paglilinis.Naligo s'ya at pagkatapos ay naisipan n'yang magluto. Habang nagluluto ay bumabalik sa kan'yang alaala ang mga araw na kasama n'ya pa ang kan'yang ina habang naghahanda ng kanilang pagkain.Hindi n'ya napigilan ang paglan
NALIE ATHALIA..."T-Tay," nauutal na tawag n'ya sa kan'yang ama. Hinayaan lang s'ya nitong nakayakap sa bewang nito at hindi naman s'ya mayakap pabalik ng kan'yang tatay dahil naka posas ang mga kamay nito."Nalie, anak hindi ka na dapat pumunta pa dito," ang kan'yang ama sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito pinakinggan. Sa mga oras na iyon ay wala na s'yang pakialam pa kung mahuli s'ya ng mga taohan ni senyor Romeo."Gusto kitang makita tay, gusto kitang makausap," umiiyak na sagot n'ya rito. "Delikado Nalie, delikado ang ginagawa mo. Mapapahamak kayo ng nanay mo anak," sagot ng kan'yang ama ngunit umiling lang s'ya bilang sagot dito."Halika anak, maupo muna tayo," aya nito. Inalalayan n'ya ito na makaupo sa upoan at ganon din s'ya na naupo sa harapan ng kan'yang tatay.Nakamata lang sa kan'ya ang kan'yang tatay at ramdam n'ya na nahihirapan ito na kausapin s'ya. Umiiwas din ito ng tingin sa kan'ya at naintindihan n'ya kung bakit."T-Tay, kamusta ka po dito?" panimula n'ya. Kanina pa s'
NALIE ATHALIA...PRESENT.."Taaayyyy!" malakas na sigaw n'ya habang napahagulhol ng iyak nang maalala ang lahat ng sakit ng nangyari sa kan'yang mga magulang."Nayyyy!" dagdag n'ya pa at ang ina naman ang tinawag. Halos hindi na s'ya makahinga ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak."Baby! Fvck! What happened?" ang boses ni Adrian na puno ng pag-alala ang nagpabalik sa kan'ya sa kan'yang sarili. Humahangos ito nang nagbukas ng pinto at kita ang pagkagulat nito ng makita s'ya sa ganong sitwasyon. Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nagbabalik-tanaw sa masakit na nakaraan na naranasan ng kan'yang mga magulang at ng kan'yang buong pamilya.Agad s'yang sinugod ng yakap ni Adrian para pakalmahin. Hilam sa luha ang kan'yang mga mata at halos hindi na s'ya makapagsalita ng maayos dahil wala na s'yang boses."It's ok! It's ok! I'm here baby, I'm here. Sige lang, iiyak mo lang yan, nandito lang ako," alo ni Adrian sa kan'ya habang hinahagod ang kan'yang likod.Muli s'yang napahagulhol
NALIE ATHALIA..."Are you ok?" nagtatakang tanong n'ya sa binata. Namamawis kasi ang noo nito at parang hindi ito mapalagay."Y-Yeah! Of course I am ok baby, tara baba na tayo. Kanina ka pa hinahanap ni Alonso," aya ng kasintahan sa kan'ya ngunit ramdam n'ya pa rin ang pagkabalisa nito.Hindi n'ya na lang pinansin pa ang kakaibang nararamdaman sa inaasta ni Adrian ngayon. Wala naman siguro ito at baka guni-guni n'ya lang."Magbibihis lang ako bubba," nakangiting sagot n'ya sa kasintahan. Lumapit ito sa kan'ya at ang mga mata nito kanina na nakitaan ng pagkabalisa ay napalitan ng pagnanasa nang makita nito na nakatapis lamang s'ya ng puting tuwalya sa katawan."Hmmm, bakit parang gusto kong huwag na lang tayo bumaba," pilyong sabi nito sa kan'ya sabay haklit sa kan'yang bewang at idinikit sa katawan nito. Nagulat pa s'ya sa ginawa ng binataqww dahil sobrang bilis ng mga kamay ni Adrian."Kyle stop it! Nakakahiya sa mga magulang mo," saway n'ya sa kasintahan ngunit tinaasan lamang s'ya
NALIE ATHALIA..."Adrian, Nalie," nagulat sila pareho ng marinig muli ang boses ng ina ni Adrian mula sa labas."Hayy! Naku! Nand'yan na mommy," sagot ni Adrian sa ina. Mahina s'yang natawa nang makita ang mukha nito na parang natalo sa lotto.S'ya na ang kusang umalis sa ibabaw ng kasintahan at inilahad ang kamay dito. Agad naman itong tinanggap ni Adrian at bumangon."Paalisin ko na kaya 'tong si mommy baby? Disturbo kasi," reklamo ng binata habang iginigiya s'ya palabas ng kwarto."Subukan mo kaya," pabirong hamon n'ya rito."Huwag na lang pala! Baka mag gang up pa sila ni daddy at kung ano pa ang gagawin sa akin. Magkakampi pa naman ang mga iyon sa pagmaltrato sa akin. My mom has a monster side at lumalabas ito kapag naiirita s'ya sa akin," agad na bawi ni Adrian sa sinabi nito tungkol sa ina. Mahina s'yang natawa habang pababa sila ng hagdan. Magkahawak ang mga kamay nilang dalawa at walang balak ang lalaki na bitawan ang kan'yang kamay.Dumiretso sila sa dining at naabutan nila
NALIE ATHALIA...Masaya ang pagsasama nila ni Adrian at ng mga magulang nito kasama na ang kanilang anak na nakitaan n'ya na ng malaking progress sa pagpapagaling nito.Hindi na ito gumagamit ng wheelchair at nakakalakad na ng maayos. Mapula-pula na rin ang pisngi ng kan'yang anak at isang magandang senyales iyon para sa kan'ya. Nagkalaman na rin ito at may tumutubo ng mga buhok sa ulo nito.Masusing mino-monitor ng mga magagaling na doctor nito ang kalagayan ng anak at masaya ang lahat dahil tuloy-tuloy na ang paggaling ni Khairo.Hindi din umaalis ang mga magulang ni Adrian sa tabi ng kan'yang anak at nakikita n'ya na parang tunay na apo na ang turing ng mga ito sa kan'yang anak.Bagay na ikinagalak ng kan'yang puso dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap sa buhay ay naranasan n'ya din ang totoong saya kasama ang mga tao na tunay na nagmamahal sa kan'ya at kay Khairo.Nagbabalak na s'yang bumalik sa kan'yang trabaho at ganon din si Adrian. At napag-usapan na din nila ang pananatili