COURTNEY ANNIKA...Lulan sila ng sasakyan ng binata ngunit ang kan'yang mukha ay nag-iinit pa rin dahil sa nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Chuck sa opisina. At kahit magpahanggang ngayon ay ngising-ngisi pa rin ang lalaki habang nagmamaneho ng kotse."Stop smiling! It's creepy," singhal n'ya rito. Bahagya s'ya nitong nilingon at kinindatan na ikinakabog ng malakas ng kan'yang puso. Kailan n'ya ba makakausap ng matino ang lalaking kasama n'yaAt paano ba magalit ng tuloyan sa ganitong klase ng lalaki. Ni hindi nga ito apektado sa mga singhal n'ya rito. Balewala kay Chuck ang galit na nakikita nito sa kan'yang mukha."Bakit naman? May masama ba sa pagngiti? Eh sa naalala ko lang ang amoy ng toothpaste na gamit mo, Pumpkin. Colgate optic white! Hmmmm! What a coincidence, pareho tayo ng gamit na toothpaste," pambubuska nito sa kan'ya. Matalim n'ya itong tinapunan ng tingin ngunit imbes na tumigil ito sa kapilyuhan ay mas lalo pang lumapad ang ngisi na ibinigay nito sa kan'ya."Argg
COURTNEY ANNIKA...Hindi pa rin s'ya maka move on sa ganda ng paligid. Nakatayo lang s'ya sa gitna ng malaking solar habang inilibot ang kan'yang tingin sa buong paligid. Nang bumaba sila ng sasakyan ni Chuckie ay hindi na s'ya nakahuma at nakatayo lamang habang lumuluwa ang mga mata sa ganda ng buong lugar."Do you like my place, Pumpkin?" narinig n'yang tanong ni Chuck mula sa kan'yang likuran. Nilingon n'ya ito at muntik pa s'yang mabuwal ng muntik ng magdikit ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga pisngi."Y-Yeah! I-I'ts beautiful," nauutal na sagot n'ya sa binata at mabilis na umatras para lumayo kay Chuck. Sa tuwing nadidikit ang kanilang mga katawan ay nakaramdam agad s'ya ng kakaibang init na bigla-bigla na lamang lumulukob sa kan'yang buong pagkatao."I'm glad you like my place. Let's go inside para makapagluto na ako. Baka nagugutom ka na," aya nito sa kan'ya. Tipid s'yang tumango sa lalaki at hindi na nag protesta pa ng hawakan nito ang kan'yang kamay
COURTNEY ANNIKA...Ilang beses na ba s'yang napalunok ng laway? Hindi n'ya na mabilang at ramdam na ramdam n'ya na nanunuyo na ang kan'yang lalamunan dahil pakiramdam n'ya ay naubos n'ya na yata lunok ang kan'yang laway sa kakatingin kay Chuck na dinaig pa ang isang professional chef kung gumalaw habang nagluluto."Staring is rude, Pumpkin pero dahil Pumpkin kita ay pagbibigyan kita sa mga patingin-tingin mo sa akin," narinig n'yang sabi ng binata sa kan'ya na ikinagising ng kan'yang diwa. Nang tingnan n'ya ito sa mukha ay makalaglag panty na kindat ang ibinigay nito sa kan'ya.Wala sa sarili na pinagdikit n'ya ang kan'yang mga hita dahil pakiramdam n'ya ay may kuryente na bigla na lamang dumaan sa gitna ng kan'yang mga hita."Shit! Umayos ka Courtney!" lihim na kastigo n'ya sa kan'yang sarili. "What? Nakatingin ako sa pagluluto mo at hindi sayo, huwag kang assuming," singhal n'ya rito at inirapan pa ang lalaki para pagtakpan ang kan'yang pagkapahiya."Really? Sa niluluto ko ba talag
COURTNEY ANNIKA...Mariin n'yang ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang init ng labi ni Chuck sa kan'yang labi. Pakiramdam n'ya ay nasasanay na s'ya sa pagiging touchy ni Chuck at mabilis na lang kung bumigay s'ya sa binata."Gusto ko man na ikaw ang kakainin ko, Pumpkin but I'm worried na baka gutom ka na. You've been working the whole day and I don't have the heart to starve my Pumpkin kaya kakain muna tayo, hmmmm!" nagising lang s'ya ng marinig ang malambing na boses ni Chuck. Hindi na pala magkalapat ang kanilang mga labi at hindi n'ya man lang namalayan ito. Masyado s'yang lunod na lunod sa ginagawa ni Chuck sa kan'ya. Dahil sa isiping iyon ay biglang nag-init ang kan'yang pisngi at alam n'ya na sa mga oras na iyon ay pulang-pula na s'ya."Pretty," pabulong na sabi ni Chuck habang pinapadaanan ng mga daliri nito ang bawat sulok ng kan'yang pisngi."C-Chuck!" nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki. Isang makapigil hininga na ngiti ang ibinigay nito sa kan'ya na s'yang d
COURTNEY ANNIKA...She enjoyed the food so much at ito ang pinaka hindi n'ya makakalimutan na dinner sa tanang buhay n'ya.Masarap ang pagkain at para lang s'ya kumain sa isang fine dining, gwapo at maalaga pa ang chef ngunit napaka touchy lang at panay ang nakaw ng halik sa kan'ya na hindi n'ya naman mahindian.Kahit sa paghuhugas nila ng mga pinagkainan ay hindi nito pinalampas. Panay ang halik nito sa kan'yang ulo, leeg, pisngi at labi kapag may pagkakataon lang.At s'ya naman itong marupok ay walang ginawa para pigilan o patigilin ang lalaki. Buong puso n'ya itong hinahayaan sa mga pinagagawa nito sa kan'ya dahil kahit s'ya ay nag-eenjoy din."It's getting late, uuwi na ako," sabi n'ya kay Chuck ngunit umiling ito."Bukas ka na umuwi, Pumpkin. Hindi safe ang bumiyahe ngayong gabi. I will send you early in the morning tomorrow and I promise na hindi ka mali-late sa work mo," sagot ni Chuck sa kan'ya. Gusto n'ya mang mag protesta ngunit naisip n'ya din na nasa mataas na bahagi sila
COURTNEY ANNIKA...True to his words, Chuck sent her to work early. Nagulat pa s'ya ng may ibinigay itong corporate office attire sa kan'ya.Nag-iisip pa s'ya kagabi na uuwi muna kahit saglit lang sa kan'yang bahay para magbihis but this handsome man na s'yang nagmamaneho ngayon ng sasakyan papunta sa kompanya ng kan'yang ina ay may inihanda na palang damit na susuotin n'ya ngayong araw.Hindi n'ya ito inaasahan at nagpapasalamat s'ya sa binata na iniisip din nito ang kan'yang kapakanan at hindi puro pansarili lamang ang inuuna."Where are you going after you send me? May trabaho ka rin ba?" tanong n'ya kay Chuck at bahagya itong nilingon."Hmmmm! I have some errands to run today pero mamaya pa yon," sagot nito. Hindi na s'ya nagtanong pa kung anong errands ang gagawin nito dahil baka magmukha na s'yang chismosa sa paningin ng binata."Ok! By the way thanks for this," pasasalamat n'ya rito na ang tinutukoy ay ang damit na suot."Maliit na bagay, Pumpkin. Anyway you look great in that
COURTNEY ANNIKA...Pabagsak s'yang naupo sa kan'yang swivel chair ng makaalis ang kan'yang abogado. Ngayon na alam na ng kan'yang ama ang tungkol sa last will ng ina ay sigurado s'ya na gagawin ng mga ito ang lahat para hindi s'ya maikasal sa kahit na sino.Ganito kasama ang trato ng ama n'ya sa kan'ya na kahit ang tanging naiwan ng kan'yang ina sa kan'ya ay pinagkakainteresan pa ng mga ito.Nagpakawala s'ya ng hangin para pakalmahin ang kan'yang sarili para makapag-isip s'ya ng maayos. Kailangan n'yang makakita ng lalaki na handang magpakasal sa kan'ya at magiging asawa n'ya. Kahit wala ang kompanya ng kan'yang ina ay mabubuhay naman s'ya ngunit ang maisip na mapupunta sa kan'yang ama at sa gahaman na mag-ina nito ang pinaghirapan ng kan'yang namayapang ina ay iyan ang hindi n'ya mapapahintulotan kaya gagawin n'ya ang lahat para hindi mapunta sa kan'yang ama ang naturang kompanya.Ilang minuto s'yang nanatili na nakatunganga at nag-iisip ng pwede n'yang gawin ngunit wala s'yang mais
COURTNEY ANNIKA...Isang malalim na buntong hininga ang kan'yang pinakawalan ng mawala sa kan'yang paningin ang kan'yang ama at ang asawa nito.Hindi pa nagtatanghali ngunit kotang-kota na s'ya sa inis at sakit ng ulo. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya bago nagpasya na ituloy ang pag-alis. Gusto n'ya munang makapag-isip ng maayos ngayon dahil sobrang gulo na ng kan'yang isip.Pumasok s'ya sa kan'yang kotse at pinaharurot ito paalis. Hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta basta nagmaneho lang s'ya ng nagmaneho hanggang sa napadpad s'ya sa harapan ng isang restaurant.Ng makita n'ya na restaurant ang napuntahan n'ya ay nakaramdam s'ya ng gutom at nagpasya na lang na kumain muna. Mahirap ng malipasan ng gutom at mawala sa kan'yang sarili. Mas lalong magbunyi ang kan'yang ama kapag nangyari iyon.Nang maisip ang bagay na iyon ay taas noo s'yang lumabas ng kotse at naglakad patungo sa restaurant sa unahan. Itinulak n'ya ang pinto at sinalubong s'ya ng isang mabangong amoy sa l