COURTNEY ANNIKA...Mariin n'yang ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang init ng labi ni Chuck sa kan'yang labi. Pakiramdam n'ya ay nasasanay na s'ya sa pagiging touchy ni Chuck at mabilis na lang kung bumigay s'ya sa binata."Gusto ko man na ikaw ang kakainin ko, Pumpkin but I'm worried na baka gutom ka na. You've been working the whole day and I don't have the heart to starve my Pumpkin kaya kakain muna tayo, hmmmm!" nagising lang s'ya ng marinig ang malambing na boses ni Chuck. Hindi na pala magkalapat ang kanilang mga labi at hindi n'ya man lang namalayan ito. Masyado s'yang lunod na lunod sa ginagawa ni Chuck sa kan'ya. Dahil sa isiping iyon ay biglang nag-init ang kan'yang pisngi at alam n'ya na sa mga oras na iyon ay pulang-pula na s'ya."Pretty," pabulong na sabi ni Chuck habang pinapadaanan ng mga daliri nito ang bawat sulok ng kan'yang pisngi."C-Chuck!" nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki. Isang makapigil hininga na ngiti ang ibinigay nito sa kan'ya na s'yang d
COURTNEY ANNIKA...She enjoyed the food so much at ito ang pinaka hindi n'ya makakalimutan na dinner sa tanang buhay n'ya.Masarap ang pagkain at para lang s'ya kumain sa isang fine dining, gwapo at maalaga pa ang chef ngunit napaka touchy lang at panay ang nakaw ng halik sa kan'ya na hindi n'ya naman mahindian.Kahit sa paghuhugas nila ng mga pinagkainan ay hindi nito pinalampas. Panay ang halik nito sa kan'yang ulo, leeg, pisngi at labi kapag may pagkakataon lang.At s'ya naman itong marupok ay walang ginawa para pigilan o patigilin ang lalaki. Buong puso n'ya itong hinahayaan sa mga pinagagawa nito sa kan'ya dahil kahit s'ya ay nag-eenjoy din."It's getting late, uuwi na ako," sabi n'ya kay Chuck ngunit umiling ito."Bukas ka na umuwi, Pumpkin. Hindi safe ang bumiyahe ngayong gabi. I will send you early in the morning tomorrow and I promise na hindi ka mali-late sa work mo," sagot ni Chuck sa kan'ya. Gusto n'ya mang mag protesta ngunit naisip n'ya din na nasa mataas na bahagi sila
COURTNEY ANNIKA...True to his words, Chuck sent her to work early. Nagulat pa s'ya ng may ibinigay itong corporate office attire sa kan'ya.Nag-iisip pa s'ya kagabi na uuwi muna kahit saglit lang sa kan'yang bahay para magbihis but this handsome man na s'yang nagmamaneho ngayon ng sasakyan papunta sa kompanya ng kan'yang ina ay may inihanda na palang damit na susuotin n'ya ngayong araw.Hindi n'ya ito inaasahan at nagpapasalamat s'ya sa binata na iniisip din nito ang kan'yang kapakanan at hindi puro pansarili lamang ang inuuna."Where are you going after you send me? May trabaho ka rin ba?" tanong n'ya kay Chuck at bahagya itong nilingon."Hmmmm! I have some errands to run today pero mamaya pa yon," sagot nito. Hindi na s'ya nagtanong pa kung anong errands ang gagawin nito dahil baka magmukha na s'yang chismosa sa paningin ng binata."Ok! By the way thanks for this," pasasalamat n'ya rito na ang tinutukoy ay ang damit na suot."Maliit na bagay, Pumpkin. Anyway you look great in that
COURTNEY ANNIKA...Pabagsak s'yang naupo sa kan'yang swivel chair ng makaalis ang kan'yang abogado. Ngayon na alam na ng kan'yang ama ang tungkol sa last will ng ina ay sigurado s'ya na gagawin ng mga ito ang lahat para hindi s'ya maikasal sa kahit na sino.Ganito kasama ang trato ng ama n'ya sa kan'ya na kahit ang tanging naiwan ng kan'yang ina sa kan'ya ay pinagkakainteresan pa ng mga ito.Nagpakawala s'ya ng hangin para pakalmahin ang kan'yang sarili para makapag-isip s'ya ng maayos. Kailangan n'yang makakita ng lalaki na handang magpakasal sa kan'ya at magiging asawa n'ya. Kahit wala ang kompanya ng kan'yang ina ay mabubuhay naman s'ya ngunit ang maisip na mapupunta sa kan'yang ama at sa gahaman na mag-ina nito ang pinaghirapan ng kan'yang namayapang ina ay iyan ang hindi n'ya mapapahintulotan kaya gagawin n'ya ang lahat para hindi mapunta sa kan'yang ama ang naturang kompanya.Ilang minuto s'yang nanatili na nakatunganga at nag-iisip ng pwede n'yang gawin ngunit wala s'yang mais
COURTNEY ANNIKA...Isang malalim na buntong hininga ang kan'yang pinakawalan ng mawala sa kan'yang paningin ang kan'yang ama at ang asawa nito.Hindi pa nagtatanghali ngunit kotang-kota na s'ya sa inis at sakit ng ulo. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya bago nagpasya na ituloy ang pag-alis. Gusto n'ya munang makapag-isip ng maayos ngayon dahil sobrang gulo na ng kan'yang isip.Pumasok s'ya sa kan'yang kotse at pinaharurot ito paalis. Hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta basta nagmaneho lang s'ya ng nagmaneho hanggang sa napadpad s'ya sa harapan ng isang restaurant.Ng makita n'ya na restaurant ang napuntahan n'ya ay nakaramdam s'ya ng gutom at nagpasya na lang na kumain muna. Mahirap ng malipasan ng gutom at mawala sa kan'yang sarili. Mas lalong magbunyi ang kan'yang ama kapag nangyari iyon.Nang maisip ang bagay na iyon ay taas noo s'yang lumabas ng kotse at naglakad patungo sa restaurant sa unahan. Itinulak n'ya ang pinto at sinalubong s'ya ng isang mabangong amoy sa l
COURTNEY ANNIKA..."Hey! Earth to my Pumpkin!" nagising lang s'ya mula sa pagkagulat ng marinig ang boses ni Chuck. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili.Ngunit ng mapalingon s'ya sa paligid ay wala sa sarili na nakagat n'ya ang kan'yang ibabang labi ng makita ang matalim na mga tingin sa kan'ya ng mga kababaihan."Don't mind them, Pumpkin! Inggit lang ang mga yan dahil hindi ko hinalikan," pukaw sa kan'ya ni Chuck ng makita ang kan'yang mukha na hiyang-hiya."Why did you kiss me?" mahina ngunit may diin na tanong n'ya rito. Ngumiti ito at naupo sa kan'yang tabi. Wala sa sarili na napausod s'ya palayo dito ngunit mabilis na pumulupot sa kan'yang bewang ang braso ni Chuck at hinapit s'ya palapit sa katawan nito."Why not? You are my Pumpkin at hahalikan kita kahit saan ko gusto, hmmmm," pilyong sagot nito sa kan'ya sabay halik sa kan'yang noo. Nag-init ang kan'yang mukha at alam n'ya na pulang-pula na ito.Ilang beses s'yang napalunok ng laway ng maalala kung b
MELCU CHUCK...Pagkatapos n'yang ihatid sa kompanya nito si Courtney ay dumiretso s'ya sa main branch ng kan'yang restaurant para sa meeting sa isa sa kan'yang mga kliyente. Ganado s'ya sa pagmamaneho pati na sa trabaho na naghihintay sa kan'ya ng araw na iyon dahil kay Courtney. Hindi n'ya inaasahan na darating ang araw na ito sa kanilang dalawa ng babae.Simula ng makilala n'ya ang dalaga, pakiramdam n'ya ay hindi kumpleto ang kan'yang araw kapag hindi n'ya nasilayan ang magandang mukha nito. Narating n'ya ang kan'yang restaurant at agad na ipinarada ang sasakyan sa kan'yang private space na para lang sa kan'ya. Inayos n'ya ang kan'yang damit bago naglakad papasok sa loob. Agad s'yang binati ng kan'yang mga staffs ng makita s'ya. Deritso s'ya sa private room kung saan gaganapin ang kan'yang meeting.Nasa loob na ang kan'yang ka meeting ng dumating s'ya. Nagsimula din agad sila dahil gusto n'ya na maaga n'yang matapos ang meeting n'ya sa kliyente. May kailangan pa s'yang kausapin
MELCU CHUCK...Lihim s'yang natawa habang nakaupo sa passenger side ng sasakyan ni Courtney. Imbes na ang sasakyan n'ya ang gagamitin nila kanina ay iginiit nito na sasakyan nito ang kanilang dadalhin kaya eto s'ya ngayon.Nakaupo sa passenger side habang ang dalaga ang nagmamaneho ng sasakyan."Bakit ayaw mong ako ang mag drive, Pumpkin? Nag-aalala ka ba na hindi kita dadalhin sa judge?" tukso n'ya rito. Bahagya s'ya nitong nilingon at inirapan na mahina n'yang ikinatawa."Wala ng bawian to, Chuckie ha!""What if babawiin ko?" tanong n'ya sa dalaga. Nakita n'yang natigilan ito at agad na naging balisa."Just kidding! Syempre wala ng bawian, Pumpkin. Hmmmm! Ang sarap mo kaya para tanggihan," dagdag na tukso n'ya na ikinapula ng pisngi nito na s'ya namang lihim n'yang ikinatawa.Natahimik na ito at hindi na nagsalita pa kaya natahimik na rin s'ya ngunit hindi mawala-wala sa kan'yang labi ang isang ngiti. Sino ang mag-aakala na yayayain s'ya ni Courtney na magpakasal.Magkakaroon na s'y