COURTNEY ANNIKA...Pabagsak s'yang naupo sa kan'yang swivel chair ng makaalis ang kan'yang abogado. Ngayon na alam na ng kan'yang ama ang tungkol sa last will ng ina ay sigurado s'ya na gagawin ng mga ito ang lahat para hindi s'ya maikasal sa kahit na sino.Ganito kasama ang trato ng ama n'ya sa kan'ya na kahit ang tanging naiwan ng kan'yang ina sa kan'ya ay pinagkakainteresan pa ng mga ito.Nagpakawala s'ya ng hangin para pakalmahin ang kan'yang sarili para makapag-isip s'ya ng maayos. Kailangan n'yang makakita ng lalaki na handang magpakasal sa kan'ya at magiging asawa n'ya. Kahit wala ang kompanya ng kan'yang ina ay mabubuhay naman s'ya ngunit ang maisip na mapupunta sa kan'yang ama at sa gahaman na mag-ina nito ang pinaghirapan ng kan'yang namayapang ina ay iyan ang hindi n'ya mapapahintulotan kaya gagawin n'ya ang lahat para hindi mapunta sa kan'yang ama ang naturang kompanya.Ilang minuto s'yang nanatili na nakatunganga at nag-iisip ng pwede n'yang gawin ngunit wala s'yang mais
COURTNEY ANNIKA...Isang malalim na buntong hininga ang kan'yang pinakawalan ng mawala sa kan'yang paningin ang kan'yang ama at ang asawa nito.Hindi pa nagtatanghali ngunit kotang-kota na s'ya sa inis at sakit ng ulo. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya bago nagpasya na ituloy ang pag-alis. Gusto n'ya munang makapag-isip ng maayos ngayon dahil sobrang gulo na ng kan'yang isip.Pumasok s'ya sa kan'yang kotse at pinaharurot ito paalis. Hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta basta nagmaneho lang s'ya ng nagmaneho hanggang sa napadpad s'ya sa harapan ng isang restaurant.Ng makita n'ya na restaurant ang napuntahan n'ya ay nakaramdam s'ya ng gutom at nagpasya na lang na kumain muna. Mahirap ng malipasan ng gutom at mawala sa kan'yang sarili. Mas lalong magbunyi ang kan'yang ama kapag nangyari iyon.Nang maisip ang bagay na iyon ay taas noo s'yang lumabas ng kotse at naglakad patungo sa restaurant sa unahan. Itinulak n'ya ang pinto at sinalubong s'ya ng isang mabangong amoy sa l
COURTNEY ANNIKA..."Hey! Earth to my Pumpkin!" nagising lang s'ya mula sa pagkagulat ng marinig ang boses ni Chuck. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili.Ngunit ng mapalingon s'ya sa paligid ay wala sa sarili na nakagat n'ya ang kan'yang ibabang labi ng makita ang matalim na mga tingin sa kan'ya ng mga kababaihan."Don't mind them, Pumpkin! Inggit lang ang mga yan dahil hindi ko hinalikan," pukaw sa kan'ya ni Chuck ng makita ang kan'yang mukha na hiyang-hiya."Why did you kiss me?" mahina ngunit may diin na tanong n'ya rito. Ngumiti ito at naupo sa kan'yang tabi. Wala sa sarili na napausod s'ya palayo dito ngunit mabilis na pumulupot sa kan'yang bewang ang braso ni Chuck at hinapit s'ya palapit sa katawan nito."Why not? You are my Pumpkin at hahalikan kita kahit saan ko gusto, hmmmm," pilyong sagot nito sa kan'ya sabay halik sa kan'yang noo. Nag-init ang kan'yang mukha at alam n'ya na pulang-pula na ito.Ilang beses s'yang napalunok ng laway ng maalala kung b
MELCU CHUCK...Pagkatapos n'yang ihatid sa kompanya nito si Courtney ay dumiretso s'ya sa main branch ng kan'yang restaurant para sa meeting sa isa sa kan'yang mga kliyente. Ganado s'ya sa pagmamaneho pati na sa trabaho na naghihintay sa kan'ya ng araw na iyon dahil kay Courtney. Hindi n'ya inaasahan na darating ang araw na ito sa kanilang dalawa ng babae.Simula ng makilala n'ya ang dalaga, pakiramdam n'ya ay hindi kumpleto ang kan'yang araw kapag hindi n'ya nasilayan ang magandang mukha nito. Narating n'ya ang kan'yang restaurant at agad na ipinarada ang sasakyan sa kan'yang private space na para lang sa kan'ya. Inayos n'ya ang kan'yang damit bago naglakad papasok sa loob. Agad s'yang binati ng kan'yang mga staffs ng makita s'ya. Deritso s'ya sa private room kung saan gaganapin ang kan'yang meeting.Nasa loob na ang kan'yang ka meeting ng dumating s'ya. Nagsimula din agad sila dahil gusto n'ya na maaga n'yang matapos ang meeting n'ya sa kliyente. May kailangan pa s'yang kausapin
MELCU CHUCK...Lihim s'yang natawa habang nakaupo sa passenger side ng sasakyan ni Courtney. Imbes na ang sasakyan n'ya ang gagamitin nila kanina ay iginiit nito na sasakyan nito ang kanilang dadalhin kaya eto s'ya ngayon.Nakaupo sa passenger side habang ang dalaga ang nagmamaneho ng sasakyan."Bakit ayaw mong ako ang mag drive, Pumpkin? Nag-aalala ka ba na hindi kita dadalhin sa judge?" tukso n'ya rito. Bahagya s'ya nitong nilingon at inirapan na mahina n'yang ikinatawa."Wala ng bawian to, Chuckie ha!""What if babawiin ko?" tanong n'ya sa dalaga. Nakita n'yang natigilan ito at agad na naging balisa."Just kidding! Syempre wala ng bawian, Pumpkin. Hmmmm! Ang sarap mo kaya para tanggihan," dagdag na tukso n'ya na ikinapula ng pisngi nito na s'ya namang lihim n'yang ikinatawa.Natahimik na ito at hindi na nagsalita pa kaya natahimik na rin s'ya ngunit hindi mawala-wala sa kan'yang labi ang isang ngiti. Sino ang mag-aakala na yayayain s'ya ni Courtney na magpakasal.Magkakaroon na s'y
MELCU CHUCK..."What? Are you two— ano kamo? Magpapakasal kayong dalawa? Wait! Ms. Courtney are you sure about this? I mean, ok ka lang ba na magpakasal dito? Ang pangit naman ng napili mong pakasalan, Ms. Courtney," ang kan'yang pinsan. Nagtagis ang kan'yang bagang at pasimpling tinapunan ng mataim na tingin si Adrian ngunit ang loko-loko n'yang pinsan ay tinaasan lang s'ya ng kilay."P-Pangit? Hindi ah! Grabe ka naman sa asawa ko judge," sagot ni Courtney na ikinangisi n'ya. Taas noo pa s'yang tumingin sa pinsan na napaubo ng marinig ang sinabi ni Courtney."Ms. Courtney, I suggest bago ka magpakasal sa lalaking ito ay magpa check-up ka muna ng mga mata mo. At tsaka amoyin mo din lalo na ang hininga dahil uso ngayon ang sakit na mabaho ang hininga. Bad breath ba, bad breath," dagdag pa ni Adrian na ikinasingkit ng kan'yang mga mata. Kung hindi lang s'ya nagpipigil ay baka kanina n'ya pa nasakal itong pinsan n'ya."H-Hindi naman po, mabango naman po s'ya," nahihiyang sagot ni Courtne
COURTNEY ANNIKA... Kanina pa s'ya tahimik at nag-iisip. Pagkatapos ng kasal nila kanina ni Chuck ay hindi na s'ya bumalik sa kan'yang opisina. Dumiretso sila sa bahay ng binata. Nasa balkonahe s'ya na nakaharap sa malapad na tanawin ng syudad sa baba. Iniwan s'ya saglit ni Chuck dahil may kukunin daw ito sa loob. Marahas s'yang nagpakawala ng hangin. Dapat ay masaya na s'ya ngayon dahil wala na s'yang problema. Hindi na mapupunta sa kan'yang ama ang kompanya ng kan'yang ina ngunit nakaramdam s'ya ng pang-uusig ng konsensya. Pakiramdam n'ya ay ginamit n'ya lang si Chuck at unfair para dito kung hindi n'ya sasabihin ang totoong dahilan n'ya kung bakit inaya n'ya itong magpakasal. Ayaw n'yang may tinatago sa lalaki dahil hindi magiging maganda ang kanilang pagsasama kung may kinatatakutan s'ya sa araw-araw na matuklasan nito. Kahit pa ganito ang set-up ng kasal nila ngunit hindi n'ya din gusto na magiging magulo o toxic ang kanilang pagsasama sa araw-araw. She wants peace of mind a
COURTNEY ANNIKA... "Anong ginawa nila sayo?" matigas at malamig na tanong ni Chuck sa kan'ya matapos n'yang sabihin dito ang kan'yang dahilan kung bakit n'ya niyaya ang lalaki na magpakasal. "Six months after my mom died in an accident, dad married my step mom at simula ng araw na iyon ay naging hangin na lang ako sa paningin ni dad. Kapag wala s'ya ay sinasaktan ako ng asawa n'ya at kapag nandyan naman s'ya ay naging mabait ang babae sa akin kaya sa tuwing nagsusumbong ako kay daddy sa mga pananakit n'ya sa akin ay hindi s'ya naniniwala at ako pa ang lumalabas na masama," sagot n'ya rito. Nagpakawala muna s'ya ng hangin ng ilang beses para alisin ang nakabara sa kan'yang didbib. "And?" ang asawa sa kan'ya na naghihintay sa kan'yang susunod na sasabihin. "I grew up in a toxic environment, Chuck kaya ginawa ko ang lahat para makaalis ako sa bahay. Hindi ako pinigilan ng aking ama at ang masakit ay ni hindi n'ya ako hinanap. Mabuti na lang at nakaalalay palagi ang abogado ni mommy a