AUDREY PRISCILLA..."Akin na nga yan, mukhang wala ka namang balak na magtrabaho eh. Inaabala mo ang trabaho ko," sita n'ya rito at inagaw ang palakol mula kay Tres. Ngunit agad na iniwas nito ang hawak na palakol at tumayo. Napakamot ito sa ulo na bumalik sa trabaho ngunit nakikita n'ya na panay ang lingon nito sa paligid.Alam n'ya na ang lamok ang inaalala ni Tres na lihim n'yang ikinangisi. Hindi s'ya umalis doon at binabantayan lamang si Tres. Umalis lang s'ya ng magtanghali na at bumalik sa loob ng bahay-kubo para magluto ng tanghalian.Dumaan s'ya sa gilid ng bahay at namitas ng okra at talong. Ilalaga n'ya lang ito at gagawan ng sawsawan. Masarap ito iulam sa bagong luto na kanin.Dumiretso s'ya sa loob at nagsimula ng magluto. Nagsaing din s'ya at sinadya ng damihan para makakain din si Tres. Kahit ayaw n'ya itong pansinin ngunit naaawa naman s'ya rito na magutom kaya kahit ayaw n'ya ay wala s'yang magagawa.Pero bahala na ito kung ayaw nitong kumain ng gulay. Wala naman s
AUDREY PRISCILLA... Naghikab s'ya pagkatapos n'yang kumain. Ganito pala talaga kapag buntis, palagi ka na lang inaantok kaya naman matapos n'yang ligpitin ang mga pinagkainan ay pumasok s'ya sa maliit na silid ng bahay-kubo at nahiga. Ipinikit n'ya ang kan'yang mga mata ngunit sa kan'yang pagpikit ay ang mukha ni Tres ang kan'yang nakita. Hindi na ito bumalik pagkatapos umalis kanina kaya hindi na din s'ya nag-abala pa na hanapin ito sa paligid. Mas mabuti nga kung bumalik na ito sa Maynila para wala ng manggugulo sa kan'ya. Inalis n'ya si Tres sa kan'yang isip dahil inaantok na talaga s'ya. At wala pang limang minuto ay nawalan na s'ya ng ulirat. ******** Hapon na ng magising s'ya. Medyo napasarap ang kan'yang tulog at hindi man lang napansin ang oras. Naghikab s'ya at nag-unat bago nagpasyang bumangon. Hapon na at maganda magdilig ng mga pananim kapag hapon kaya naisip n'ya na lumabas para makapagdilig. Nagkukusot s'ya ng mga mata habang palabas ng kwarto ngunit nagulat s'ya
AUDREY PRISCILLA... Nakaupo lang s'ya sa upoan na kawayan habang nagmamasid kay Tres na nasa harapan ng kalan. Nagluluto ito at hindi s'ya pinayagan na humawak ng kahit ano. Pinaupo lang s'ya ng lalaki at ayaw nitong may gagawin s'ya. Kahit anong gawin n'ya na pakikipag-away dito ay hindi naman tumatalab kay Tres kay pinili n'ya na lang na manahimik. Baka kung magpaka stress s'ya ng magpaka stress sa lalaki ay maapektohan ang anak n'ya at kung ano pa ang mangyari. "Nagpa check up ka na ba dito?" natigil lamang s'ya sa kan'yang mga iniisip ng marinig na nagsalita si Tres. "Huh?" "Ang sabi ko kung nagpa check up ka na dito?" pag-uulit nito sa tanong. "H-Hindi pa," nahihiya na sagot n'ya sa lalaki. Natigil ito sa ginagawa at lumingon sa kan'ya habang salubong ang mga kilay. "What? Hindi ka pa nakapagpa-check-up? And what are you doing then? Ilang buwan ka na dito Audrey at hindi mo man lang naisip na magpa doctor?" sermon ng lalaki na ikinairap n'ya. "Alam ko! At magpapa check-
AUDREY PRISCILLA... Pagkatapos nilang kumain ay si Tres din ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan nila. Habang nakatingin sa likod ng lalaki ay hindi n'ya mapigilan ang makagat ng lihim ang kan'yang ibabang labi. Naisip n'ya na kapag ipagpatuloy ni Tres ang ganitong trato sa kan'ya ay hindi malabo na mahulog s'ya sa bitag nito. El Frio si Tres at alam n'ya kung ano ang kayang gawin at kung paano maglaro ang mga El Frio. Hindi lingid sa kan'ya kung anong klaseng mga tao ang mga ito sa likod ng prominenteng pamilya. Oo nga at mababait ang mga El Frio ngunit alam n'ya na may mga nakakatakot na ugali ang mga ito at alam n'ya na si Tres ay may ganito din. Kaya sa ginagawa ng lalaki ngayon ay naghahalong saya at takot ang kan'yang nararamdaman. Saya na minsan sa kan'yang buhay ay natrato s'ya ni Tres na parang tao at takot din na baka sa kabila ng ginagawa nitong pag-alaga sa kan'ya ay hindi matatawarang sakit ang ipapalit nito. At isang bagay lang ang pumapasok sa isip n'ya na
AUDREY PRISCILLA..."Bibigyan kita ng five hundred thousand para sa lupain mo at ako na ang sasagot sa operasyon ng asawa mo," sagot ni Tres na pareho nilang ikinaawang ng bibig ni mang Julio."Ha? Teka, totoo ho ba ang sinabi n'yo ser?" si mang Julio kay Tres ng makabawi ito. Kahit s'ya ay nagulat din sa sinabi ng lalaki. Alam n'ya na mayaman si Tres at kahit milyones pa ay kayang-kaya nitong magbayad ngunit ang nakakagulat ay ang pagtulong nito sa matanda."Iba lang ba talaga ang pagkakakilala ko sa kan'ya?" lihim na tanong n'ya sa kan'yang sarili."Yes! Tama at totoo ang narinig n'yo. Five hundred thousand for the land at ako na ang sasagot sa operasyon ng asawa mo. Ipapadala ko kayo sa magandang hospital at ako din ang kukuha ng magaling na doctor para sa kan'ya," seryoso ang boses na sagot ni Tres sa matanda. At hindi n'ya inaasahan ang kasunod na ginawa ni mang Julio. Bigla na lamang itong napaluhod sa lupa at naiiyak na nagpapasalamat kay Tres."Ser, maraming salamat. Sobra-so
AUDREY PRISCILLA... Nag-init ang kan'yang pisngi at namumula ang kan'yang mukha na pumasok sa loob ng kan'yang bahay-kubo. Si Tres at dumiretso sa likod ng bahay at hindi n'ya alam kung ano ang ginagawa ng lalaki sa likod. Ayaw n'ya ding alamin dahil nahihiya s'ya na humarap dito. Naupo s'ya sa papag na tinutulogan at pilit na pinoproseso ang lahat ng nangyari ngayong araw. Ang pagtulong ni Tres kay mang Julio at ang pagbili nito sa lupain ng matanda dahil nagustohan n'ya ang lugar na ito. Hindi n'ya na mabilang kung ilang beses na s'yang nagpakawala ng hangin. Nang magsawa ay nagpasya s'yang lumabas ng bahay. Maghahanap na lang s'ya ng pwede n'yang gawin para mawala sa isip n'ya ang kan'yang mga iniisip. "Where are you going?" nagulat s'ya ng biglang magsalita si Tres. Napalingon s'ya rito ng wala sa oras para lang mapakagat ng lihim sa kan'yang labi ng makita na wala itong suot na pang-itaas na damit at nangingintab ang balat ng lalaki sa pawis. "Earth to my wife! Enjoying the
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam kung gaano katagal na naglapat ang labi nilang dalawa ni Tres. Nahimasmasan lang s'ya ng maramdaman ang paggalaw ng bibig nito at pilit na ibinubuka ang kan'yang labi kaya naman at natataranta s'ya na itinulak si Tres.Nakita n'ya ang gulat sa mga mata ng lalaki ngunit wala s'yang pakialam. Ang gusto n'yang gawin ay ang makaalis sa harapan ng lalaki dahil hiyang-hiya s'ya rito kaya naman ay hindi n'ya na hinintay pa na makapagsalita si Tres.Dali-dali n'yang nilampasan ang binata at lakad-takbo na pumasok sa bahay-kubo."Slow down Audrey! Don't run! Damn!" narinig n'yang sigaw nito sa kan'ya ngunit hindi s'ya nakinig. Diretso lang s'ya sa kan'yang lakad takbo hanggang sa makapasok sa loob. Mabilis n'yang isinarado ang pinto at isinandig ang likod sa dahon nito.Nakahawak s'ya sa kan'yang didbib dahil pakiramdam n'ya ay hindi s'ya makahinga. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglapat ang mga labi nila ni Tres na nasa katinuan ang lalaki at hindi n
AUDREY PRISCILLA... "You want more?" nahimasmasan s'ya ng marinig ang malamyos na boses ni Tres. Dali-dali s'yang nagmulat ng mga mata para lang makita ang pilyong ngiti at namumungay na mga mata ni Tres. Agad na nag-init ang kan'yang pisngi at umakyat yata ang lahat ng dugo n'ya sa katawan sa kan'yang mukha at alam n'ya na sa mga oras na iyon ay nangangamatis ang kan'yang buong hitsura. Dahil lunod na lunod s'ya sa halikan nila ni Tres ay hindi n'ya man lang napansin na tumigil na pala ito at ngayon ay nakatunghay na sa kan'ya habang may pilyong ngiti sa labi. Inipon n'ya ang lahat ng natira na lakas at malakas na itinulak si Tres sabay takbo pabalik sa kan'yang kubo. Wala na s'yang mukha na ihaharap dito at palagi na lang s'ya ipinagkanulo ng kan'yang sarili sa lalaki. Hapong-hapo s'ya ng makapasok sa loob at nagpapasalamat s'ya na hindi naman s'ya sinundan ni Tres para kulitin. Baka hindi n'ya na naman mapigilan ang kan'yang sarili at magpaubaya na naman s'ya sa kapangahasan