AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam kung gaano katagal na naglapat ang labi nilang dalawa ni Tres. Nahimasmasan lang s'ya ng maramdaman ang paggalaw ng bibig nito at pilit na ibinubuka ang kan'yang labi kaya naman at natataranta s'ya na itinulak si Tres.Nakita n'ya ang gulat sa mga mata ng lalaki ngunit wala s'yang pakialam. Ang gusto n'yang gawin ay ang makaalis sa harapan ng lalaki dahil hiyang-hiya s'ya rito kaya naman ay hindi n'ya na hinintay pa na makapagsalita si Tres.Dali-dali n'yang nilampasan ang binata at lakad-takbo na pumasok sa bahay-kubo."Slow down Audrey! Don't run! Damn!" narinig n'yang sigaw nito sa kan'ya ngunit hindi s'ya nakinig. Diretso lang s'ya sa kan'yang lakad takbo hanggang sa makapasok sa loob. Mabilis n'yang isinarado ang pinto at isinandig ang likod sa dahon nito.Nakahawak s'ya sa kan'yang didbib dahil pakiramdam n'ya ay hindi s'ya makahinga. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglapat ang mga labi nila ni Tres na nasa katinuan ang lalaki at hindi n
AUDREY PRISCILLA... "You want more?" nahimasmasan s'ya ng marinig ang malamyos na boses ni Tres. Dali-dali s'yang nagmulat ng mga mata para lang makita ang pilyong ngiti at namumungay na mga mata ni Tres. Agad na nag-init ang kan'yang pisngi at umakyat yata ang lahat ng dugo n'ya sa katawan sa kan'yang mukha at alam n'ya na sa mga oras na iyon ay nangangamatis ang kan'yang buong hitsura. Dahil lunod na lunod s'ya sa halikan nila ni Tres ay hindi n'ya man lang napansin na tumigil na pala ito at ngayon ay nakatunghay na sa kan'ya habang may pilyong ngiti sa labi. Inipon n'ya ang lahat ng natira na lakas at malakas na itinulak si Tres sabay takbo pabalik sa kan'yang kubo. Wala na s'yang mukha na ihaharap dito at palagi na lang s'ya ipinagkanulo ng kan'yang sarili sa lalaki. Hapong-hapo s'ya ng makapasok sa loob at nagpapasalamat s'ya na hindi naman s'ya sinundan ni Tres para kulitin. Baka hindi n'ya na naman mapigilan ang kan'yang sarili at magpaubaya na naman s'ya sa kapangahasan
AUDREY PRISCILLA...Nakasurvive naman s'ya mula sa mga kalokohan ni Tres ng gabing iyon. Ngayon n'ya lang din nalaman na may ganitong side pala ang lalaki. May kakulitan at kapilyuhan. Totoo pala ang kan'yang mga naririnig noon na sa magkakapatid ay si Tres ang pinakamakulit.Matapos n'ya itong batohin ng patola ay agad itong nagluto ng haponan at katulad sa madalas na nangyayari ay wala na naman s'yang ginawa kundi ang manuod dito. Nang makita n'ya na malapit ng maluto ang niluluto ay tumayo na s'ya para kumuha ng mga plato at kutsara. Nagprito din si Tres ng isda para paris nito sa ginisang gulay. Nakakatakam sa totoo lang at sa amoy pa lang ay mukhang masarap na.Inayos n'ya ang mga plato at tamang-tama lang na natapos s'ya at inihain ni Tres ang mga niluto nito.Nakagat n'ya ang kan'yang labi ng makita ang mga pagkain na niluto ng lalaki. Gusto n'ya mang itago ang pagkatakam ngunit ang kan'yang t'yan ay hindi kayang magtago. Malakas itong tumunog na ikinalingon ni Tres sa kan'y
AUDREY PRISCILLA... Mabilis n'yang natapos ang paglilinis ng katawan dahil nag-aalala s'ya na baka pumasok si Tres sa loob. Ewan n'ya ba kung bakit s'ya natataranta ng ganon. Eh may nangyari na nga sa kanila ng lalaki at buntis na s'ya. "Pero lasing s'ya ng gabing iyon eh, kaya hindi n'ya din siguro natatandaan kung ano ang hitsura ng katawan ko," kagat labi na sagot n'ya sa kan'yang sarili. Napakagat labi na lamang s'ya sa kan'yang naisip habang itinatapis sa katawan ang tuwalya. Atubili s'yang lumabas ngunit hindi naman pwede na manatili s'ya sa banyo ng buong gabi. Binuksan n'ya ang pinto at bumungad sa kan'ya ang gwapong mukha ni Tres na halatang naghihintay sa labas. Pagkakita nito sa kan'ya ay agad na naglakbay ang mga mata ng lalaki sa kan'yang katawan mula ulo hanggang sa kan'yang mga paa. Nakaramdam tuloy s'ya ng pagkaasiwa kaya dali-dali s'yang naglakad at nilampasan ang lalaki na nakasunod ang tingin sa kan'ya. Pumasok agad s'ya sa bahay kubo at dumiretso sa kan'yan
AUDREY PRISCILLA... "Don't move wife!" paos ang boses na utos sa kan'ya ni Tres. Natigilan din s'ya at hindi nakahuma dahil kakaiba ang pagkakasabi ni Tres. Ilang minuto sila na nasa ganong posisyon, walang gustong magsalita at gumalaw. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya ang init mula sa katawan ni Tres ngunit ng maalala ang pangako n'ya sa kan'yang sarili na hindi s'ya pwedeng maging marupok dito ay inipon n'ya ang natirang lakas sa katawan at kinausap si Tres. "Tres malamig na dito, kailangan ko ng bumalik sa loob," mahinahon na pakiusap n'ya sa lalaki. Para naman itong nataohan at agad na inalis ang mga braso nito sa kan'yang katawan. Nakaramdam s'ya ng panghihinayang ng maalis ang braso nito sa kan'yang katawan ngunit hindi naman pwede na mananatili na lang sila sa ganong posisyon sa labas ng bahay dahil malamig at mahamog sa labas. Naunang bumangon si Tres at inilahad nito ang palad sa kan'ya. Tinanggap n'ya naman ito at agad s'yang tinulongan ng asawa na makabangon. "Sala
AUDREY PRISCILLA... Nahulog si Tres at nalublob sa putik. Para itong timang na nagkukumahog na umahon ngunit hindi alam kung paano dahil sa putik na medyo may kalaliman at napakalambot kaya kaunting galaw lang ni Tres ay mas lalo pa itong nababaon sa putik. "Fvck! Help! Wife! Please help!" pagsisigaw nito ngunit tinaasan n'ya lang ito ng kilay. "Deserve mo yan dahil puro ka kalokohan!" pasigaw na sagot n'ya rito at hindi man lang nag-abala na tulongan ang asawa na makaalis sa putik. "Damn it! This is insane! Humanda ka sa akin kapag nakaahon ako mamaya, Audrey!" banta nito sa kan'ya ngunit imbes na matakot ay pinagkrus n'ya ang kan'yang mga braso habang pinapanuod ang paglangoy nito sa putikan. "Mamaya mo na ako yabangan kapag nakaahon ka na d'yan, Tres!" sagot n'ya rito. Ganon na lang ang pagpursigi nito na makaahon ngunit dahil hindi sanay sa putikan ay wala itong nagawa kahit anong gawin nito. Ilang minuto s'yang nanatili na nakatayo doon habang pinapanuod si Tres na ganon pa
BLAYRE JOAQUIM...Lahat-lahat ay ginawa n'ya para ipakita kay Audrey na seryoso s'ya sa sinabi n'ya rito ngunit mukhang wala namang epekto sa babae.Ngayon ay nagtataka tuloy s'ya kung totoo bang mahal s'ya nito o gawa-gawa lamang iyon ng asawa n'ya para mapaniwala ang kan'yang pamilya na mahal s'ya nito kaya nagpaubaya ito ng gabing pinasok n'ya sa silid."Gago! Hindi s'ya nagpaubaya, nanlaban s'ya pero dahil malakas ka ay wala s'yang nagawa kundi ang hayaan ka na lang sa gusto mo," parang naririnig n'ya na kastigo sa kan'ya ng kabilang isip. Nagbuga s'ya ng hangin ngunit agad ding napalitan ng pagngiwi ng maramdaman na sumigid ang sakit sa kan'yang itlog na kinagat ng fresh water alimasag.Lintik naman kasi yon na alimasag dahil sa dinami-dami ng pwedeng kagatin ay ang itlog n'ya pa. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Audrey na pagtawanan s'ya.Ngunit kahit ganon ang nangyari ay nagpapasalamat din s'ya dahil nakita n'ya ang pag-alala ng asawa sa kan'ya kahit pa natatawa ito."Haaayss
BLAYRE JOAQUIM..."Bakit takot ka sa lamok, Tres?" tanong ni Audrey sa kan'ya habang kumakain sila. Nag-iwas s'ya ng tingin dito dahil ayaw n'yang makita nito ang kan'yang mukha ng banggitin ang lamok."Ako? Takot? Hindi ah! Bakit naman ako matatakot? Eh ang liit-liit ng lamok na yan," malamig ang boses na sagot n'ya rito ngunit tinawanan lang s'ya ni Audrey."Ohhh!Talaga?""It's not funny, stop laughing," singhal n'ya rito ngunit mukhang nag-eenjoy talaga ito dahil mas lalo pang lumakas ang pagtawa ng asawa. Wala s'yang nagawa kundi ang mapabusangot na lamang.Kasalanan to ng ninong Tyrone n'ya eh. Kung hindi ba naman s'ya nito tinakot noong maliit pa s'ya na kung hindi s'ya titigil sa kan'yang mga kalokohan ay ipapakain s'ya nito ng lamok at ipapasipsip ang kan'yang dugo hanggang sa maubos ito.Mas lalo pa s'yang natakot ng minsan s'yang na admit sa hospital dahil sa dengue kaya nagkaroon s'ya ng trauma sa hayop na iyon na dala-dala n'ya kahit magpahanggang ngayon.Napapa praning s
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi