AUDREY PRISCILLA...Nakasurvive naman s'ya mula sa mga kalokohan ni Tres ng gabing iyon. Ngayon n'ya lang din nalaman na may ganitong side pala ang lalaki. May kakulitan at kapilyuhan. Totoo pala ang kan'yang mga naririnig noon na sa magkakapatid ay si Tres ang pinakamakulit.Matapos n'ya itong batohin ng patola ay agad itong nagluto ng haponan at katulad sa madalas na nangyayari ay wala na naman s'yang ginawa kundi ang manuod dito. Nang makita n'ya na malapit ng maluto ang niluluto ay tumayo na s'ya para kumuha ng mga plato at kutsara. Nagprito din si Tres ng isda para paris nito sa ginisang gulay. Nakakatakam sa totoo lang at sa amoy pa lang ay mukhang masarap na.Inayos n'ya ang mga plato at tamang-tama lang na natapos s'ya at inihain ni Tres ang mga niluto nito.Nakagat n'ya ang kan'yang labi ng makita ang mga pagkain na niluto ng lalaki. Gusto n'ya mang itago ang pagkatakam ngunit ang kan'yang t'yan ay hindi kayang magtago. Malakas itong tumunog na ikinalingon ni Tres sa kan'y
AUDREY PRISCILLA... Mabilis n'yang natapos ang paglilinis ng katawan dahil nag-aalala s'ya na baka pumasok si Tres sa loob. Ewan n'ya ba kung bakit s'ya natataranta ng ganon. Eh may nangyari na nga sa kanila ng lalaki at buntis na s'ya. "Pero lasing s'ya ng gabing iyon eh, kaya hindi n'ya din siguro natatandaan kung ano ang hitsura ng katawan ko," kagat labi na sagot n'ya sa kan'yang sarili. Napakagat labi na lamang s'ya sa kan'yang naisip habang itinatapis sa katawan ang tuwalya. Atubili s'yang lumabas ngunit hindi naman pwede na manatili s'ya sa banyo ng buong gabi. Binuksan n'ya ang pinto at bumungad sa kan'ya ang gwapong mukha ni Tres na halatang naghihintay sa labas. Pagkakita nito sa kan'ya ay agad na naglakbay ang mga mata ng lalaki sa kan'yang katawan mula ulo hanggang sa kan'yang mga paa. Nakaramdam tuloy s'ya ng pagkaasiwa kaya dali-dali s'yang naglakad at nilampasan ang lalaki na nakasunod ang tingin sa kan'ya. Pumasok agad s'ya sa bahay kubo at dumiretso sa kan'yan
AUDREY PRISCILLA... "Don't move wife!" paos ang boses na utos sa kan'ya ni Tres. Natigilan din s'ya at hindi nakahuma dahil kakaiba ang pagkakasabi ni Tres. Ilang minuto sila na nasa ganong posisyon, walang gustong magsalita at gumalaw. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya ang init mula sa katawan ni Tres ngunit ng maalala ang pangako n'ya sa kan'yang sarili na hindi s'ya pwedeng maging marupok dito ay inipon n'ya ang natirang lakas sa katawan at kinausap si Tres. "Tres malamig na dito, kailangan ko ng bumalik sa loob," mahinahon na pakiusap n'ya sa lalaki. Para naman itong nataohan at agad na inalis ang mga braso nito sa kan'yang katawan. Nakaramdam s'ya ng panghihinayang ng maalis ang braso nito sa kan'yang katawan ngunit hindi naman pwede na mananatili na lang sila sa ganong posisyon sa labas ng bahay dahil malamig at mahamog sa labas. Naunang bumangon si Tres at inilahad nito ang palad sa kan'ya. Tinanggap n'ya naman ito at agad s'yang tinulongan ng asawa na makabangon. "Sala
AUDREY PRISCILLA... Nahulog si Tres at nalublob sa putik. Para itong timang na nagkukumahog na umahon ngunit hindi alam kung paano dahil sa putik na medyo may kalaliman at napakalambot kaya kaunting galaw lang ni Tres ay mas lalo pa itong nababaon sa putik. "Fvck! Help! Wife! Please help!" pagsisigaw nito ngunit tinaasan n'ya lang ito ng kilay. "Deserve mo yan dahil puro ka kalokohan!" pasigaw na sagot n'ya rito at hindi man lang nag-abala na tulongan ang asawa na makaalis sa putik. "Damn it! This is insane! Humanda ka sa akin kapag nakaahon ako mamaya, Audrey!" banta nito sa kan'ya ngunit imbes na matakot ay pinagkrus n'ya ang kan'yang mga braso habang pinapanuod ang paglangoy nito sa putikan. "Mamaya mo na ako yabangan kapag nakaahon ka na d'yan, Tres!" sagot n'ya rito. Ganon na lang ang pagpursigi nito na makaahon ngunit dahil hindi sanay sa putikan ay wala itong nagawa kahit anong gawin nito. Ilang minuto s'yang nanatili na nakatayo doon habang pinapanuod si Tres na ganon pa
BLAYRE JOAQUIM...Lahat-lahat ay ginawa n'ya para ipakita kay Audrey na seryoso s'ya sa sinabi n'ya rito ngunit mukhang wala namang epekto sa babae.Ngayon ay nagtataka tuloy s'ya kung totoo bang mahal s'ya nito o gawa-gawa lamang iyon ng asawa n'ya para mapaniwala ang kan'yang pamilya na mahal s'ya nito kaya nagpaubaya ito ng gabing pinasok n'ya sa silid."Gago! Hindi s'ya nagpaubaya, nanlaban s'ya pero dahil malakas ka ay wala s'yang nagawa kundi ang hayaan ka na lang sa gusto mo," parang naririnig n'ya na kastigo sa kan'ya ng kabilang isip. Nagbuga s'ya ng hangin ngunit agad ding napalitan ng pagngiwi ng maramdaman na sumigid ang sakit sa kan'yang itlog na kinagat ng fresh water alimasag.Lintik naman kasi yon na alimasag dahil sa dinami-dami ng pwedeng kagatin ay ang itlog n'ya pa. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Audrey na pagtawanan s'ya.Ngunit kahit ganon ang nangyari ay nagpapasalamat din s'ya dahil nakita n'ya ang pag-alala ng asawa sa kan'ya kahit pa natatawa ito."Haaayss
BLAYRE JOAQUIM..."Bakit takot ka sa lamok, Tres?" tanong ni Audrey sa kan'ya habang kumakain sila. Nag-iwas s'ya ng tingin dito dahil ayaw n'yang makita nito ang kan'yang mukha ng banggitin ang lamok."Ako? Takot? Hindi ah! Bakit naman ako matatakot? Eh ang liit-liit ng lamok na yan," malamig ang boses na sagot n'ya rito ngunit tinawanan lang s'ya ni Audrey."Ohhh!Talaga?""It's not funny, stop laughing," singhal n'ya rito ngunit mukhang nag-eenjoy talaga ito dahil mas lalo pang lumakas ang pagtawa ng asawa. Wala s'yang nagawa kundi ang mapabusangot na lamang.Kasalanan to ng ninong Tyrone n'ya eh. Kung hindi ba naman s'ya nito tinakot noong maliit pa s'ya na kung hindi s'ya titigil sa kan'yang mga kalokohan ay ipapakain s'ya nito ng lamok at ipapasipsip ang kan'yang dugo hanggang sa maubos ito.Mas lalo pa s'yang natakot ng minsan s'yang na admit sa hospital dahil sa dengue kaya nagkaroon s'ya ng trauma sa hayop na iyon na dala-dala n'ya kahit magpahanggang ngayon.Napapa praning s
AUDREY PRISCILLA... Hindi n'ya man lang napansin na may isang buwan na pala na magkasama silang dalawa ni Tres. Ang dami ng nangyaring away sa pagitan nilang dalawa ngunit nand'yan pa rin ang lalaki at hindi umaalis sa kan'yang tabi. At sa loob ng mga araw na iyon ay mas lalo n'yang nakilala si Tres Ang pagkakilala n'ya dito noon ay sukdolan sa langit ang kasamaan ngunit sa mga nakalipas na araw na magkasama silang dalawa ay wala itong ginawa kundi ang alagaan s'ya. Halos ito na ang lahat ng gumagawa ng mga gawain n'ya lalo na sa pagtatanim at pagtitinda ng gulay sa palengke. Katulad na lang ngayong araw na kasama n'ya ito sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Wala s'yang narinig na reklamo mula kay Tres at kahit anong gawain ay ginagawa nito, bagay na nagpagulat sa kan'ya dahil hindi n'ya alam na sanay pala ito sa gawaing bukid. Tama nga noon ang kan'yang narinig sa mansyon ng mga El Frio na kahit mayayaman ang mga anak ng mga ito ngunit sanay ito sa gawain at hindi hinayaan na m
AUDREY PRISCILLA... Nagulat s'ya ng biglang nagkaroon ng ilaw sa kanilang lugar. Matagal na panahon na nirereklamo ng mga nakatira sa lugar nila ang tungkol sa pagkakaroon ng kuryente at kahit isa ay walang may natupad. Ngunit ngayon ay bigla na lang nagliwanag ang lahat. Pati sa bahay-kubo n'ya ay napakamaliwanag pagdating nila ni Tres galing sa palengke. "Tres bakit may ilaw na tayo?" tanong n'ya sa asawa. Kibit-balikat lamang ang naging sagot nito sa kan'ya na ikinapagtaka n'ya. Wala talaga s'yang kaalam-alam sa bagay na ito at mas lalo pa s'yang nagulat ng sa pagpasok n'ya sa kanilang bahay-kubo ay may nakita s'yang refrigerator at television. Awang ang kan'yang mga labi habang inilibot ang tingin sa buong kubo. Wala naman s'yang binili na gamit ngunit bakit bigla s'yang nagkaroon ng ganito. Ngunit ng maisip kung sino at kung anong uri ng tao si Tres ay hindi na s'ya nagtaka. Barya lang sa lalaki ang presyo ng refrigerator at television kaya hindi na kataka-taka pa na magkak