AUDREY PRISCILLA... Isang linggo matapos magkaroon ng ilaw sa kanilang lugar ay mga materyales naman ng bahay ang dumating na ikinagulat n'ya. "Tres ano to?" tanong n'ya rito ngunit kibit-balikat lamang ang naging sagot nito sa kan'ya. "We'll make this bahay-kubo bigger. Walang space ang anak natin sa ganito kaliit na space Audrey. At mahihirapan ka din sa paggalaw kaya papalakihin natin ng kaunti," dagdag pa ni Tres na ikinaawang ng kan'yang labi. Alam n'ya na matagal n'ya ng pangarap ang magkaroon ng kumpletong pamilya ngunit parang nakakatakot kung si Tres ang kasama. "Teka nga lang Tres, bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito, huh?" tanong n'ya ng makabawi sa pagkagulat. Natigil naman ang asawa sa ginagawa nito at hinarap s'ya. "For us! Hindi pa ba obvious na para sa atin ang lahat ng mga ginagawa ko?" "Hindi mo naman dapat gawin to ah! Pwede ka na ngang bumalik sa Maynila. Maayos na ako dito," s'ya sa asawa. Natigilan ito ng ilang segundo at hindi nakahuma ngunit ng makabaw
AUDREY PRISCILLA... Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi man lang s'ya nakahuma o nakapanlaban nh siilin s'ya ng halik ni Tres. Bigla s'yang nanghina at nakaramdam ng pangangatog ng kan'yang mga tuhod kaya naman ay wala sa sarili na naitaas n'ya ang kan'yang mga braso at ikinawit sa batok ni Tres para kumuha ng lakas para hindi mabuwal sa lupa. At dahil na rin nakaawang ang kan'yang bibig kaya malayang naipasok ni Tres ang dila nito sa kan'yang bibig. At hindi n'ya man lang napigilan ang paglabas ng ungol dahil sa ginawa ng asawa. At sa kan'yang ginawa ay mukhang binigyan n'ya ng rason si Tres na mas pailalimin pa ang paghalik sa kan'ya. At dahil marupok s'ya at mahal n'ya si Tres ay hindi n'ya naiwasan ang gumanti sa mga halik nito. Wala naman s'yang kaalam-alam kung paano ang humalik ngunit dahil sa sobrang husay ni Tres pagdating sa halikan ay madali n'yang nasundan ang bawat galaw ng labi nito. Ramdam n'ya rin ang palad ng lalaki na humawak sa kan'yang tagiliran at pinis
AUDREY PRISCILLA... "T-Tres," wala s'yang alam na sasabihin sa lalaki kundi ang sambitin ang pangalan nito. Nakaluhod pa rin ito sa kan'yang harapan at nakatingala sa kan'yang mukha. "Hindi ko ugali ang humingi ng patawas Audrey ngunit para sayo ay gagawin ko. Please..., patawarin mo ako sa mga katarantaduhan na ginawa ko noon. Inaamin ko na malaki ang naging kasalanan ko sayo at sa anak natin at humihingi ako ng isa pang pagkakataon para maayos ko ang lahat. Para maayos natin at mabuo ang pamilya natin. Patawarin mo ako please," puno ng pagsusumamo na pakiusap ng asawa sa kan'ya. Panay lang ang agos ng kan'yang mga luha mula sa kan'yang mga mata habang nakatunghay dito. Nanunuot sa kaibutoran ng kan'yang puso ang bawat salita na binibitawan ni Tres. Kahit minsan ay hindi n'ya naisip na dumating ang araw na ito na luluhod ito sa kan'yang harapan para humingi ng tawad. Tres is Tres at matigas ang puso nito ngunit ngayon ay hindi ang ganitong lalaki ang nakikita n'ya na nakaluhod sa
AUDREY PRISCILLA...Sino ba s'ya para hindi magpatawad? Wala s'yang nakalakihang mga magulang na magtuturo sa kan'ya ng mga magagandang asal ngunit kahit papaano ay may naituro naman na tama sa kan'ya noon ang madre na kumupkop sa kan'ya sa bahay amponan.Kaya walang puwang kung magpakatigas s'ya at pahirapan si Tres. Inaalala n'ya na magiging kumpleto ang pamilya nila at magkakaroon ng ama ang kan'yang anak. Ang pangako n'ya noon sa kan'yang sarili na hindi n'ya hahayaan na matulad sa kan'ya ang kan'yang mga magiging anak sa huli. Na walang mga magulang at walang pamilya na masasandalan.Kaya para sa kan'yang ipinagbubuntis ay bibigyan n'ya ng isa pang pagkakataon si Tres at papatawarin ito sa mga naging kasalanan sa kan'ya at sa anak n'ya para mabuo ang kanilang pamilya.At gusto n'ya din na bigyan ng pagkakataon ang kan'yang sarili na sumaya at mararamdaman na may nagmamahal sa kan'ya."T-Tumayo ka na d'yan, hindi bagay sayo ang nakaluhod," nauutal na utos n'ya rito habang nagpapah
AUDREY PRISCILLA...Nagsimula na ang construction ng kanilang bahay at ngayon pa lang ay alam n'ya na may kalakihan ito. Hindi n'ya din alam kung saan kumuha ng mga tao si Tres na sobrang sa dami at bilis gumawa.Ang asawa n'ya naman ay hands on sa pag supervise sa pinapagawa nilang bahay. Ito mismo ang nagche-check kung tama ba ang ginagawa ng mga tao o may mali.Hindi nito pinagiba ang dati nilang kubo at ayaw n'ya din. Gusto n'ya itong panatilihin dahil marami ang kan'yang mga alaala sa kubo na ito.Nakaupo lang s'ya sa loob dahil ayaw ni Tres na lumabas s'ya. Maalikabok daw kasi kaya kapag nagtatrabaho pa ang mga ito ay nasa loob lang s'ya ng bahay kubo. Lalabas lang s'ya sa hapon kapag wala ng mga tao."Hon can I have some water please," natigil lang s'ya sa mga iniisip n'ya ng pumasok si Tres na pawis na pawis. Wala itong pang-itaas na suot at nangingintab ang katawan sa pawis.Lihim s'yang napalunok ng laway dahil sa kakisigan ng lalaking kaharap. Idagdag mo pa ang malaking ta
AUDREY PRISCILLA... Mabilis na natapos ang kanilang bahay na pinagawa ni Tres. Sa dami ba naman ng kinuha ni Tres na magtatrabaho ay hindi kataka-taka na mabilis na natapos ito. Ang kasunod na dumating ay ang mga gamit katulad ng sofa, malaking kama, may mga baby gamit din at iba pa. Tuwang-tuwa s'ya ng makita ang mga gamit ng kanilang anak. May nga crib na binili si Tres at iba pang mga gamit pati na mga damit. Hindi n'ya alam kung paano ito nagawa ng lalaki dahil hindi naman ito umaalis sa tabi n'ya. Ngunit hindi n'ya na muna pinroblema pa ang bagay na ito dahil natuon ang kan'yang atensyon sa mga gamit na dumating. Hindi man ganon ka ganda ng bahay nila katulad ng bahay ng mga El Frio sa Maynila ngunit para sa kan'ya ay napakaganda na nito at malaki na para sa kanilang tatlo ng kanilang anak. Agad n'yang inisa-isa lagay sa lagayan ang mga gamit sa kusina. Malaki ang kusina nila at halos kumpleto lahat sa gamit. Hindi n'ya na kailangan na mangahoy para makapagluto. Malapad an
AUDREY PRISCILLA...Magaan ang kan'yang pakiramdam habang nagluluto ng kanilang pagkain ni Tres. Masarap sa pakiramdam na gamitin ang mga bagong gamit nila sa kusina.Hindi naman s'ya ganon kagaling magluto pero ng mga oras na iyon ay pakiramdam n'ya ay napakagaling n'yang magluto. Gusto n'yang sarapan para kay Tres.Kanina pa nagtatrabaho ang asawa at alam n'ya na pagod na ito at gutom kaya naman ay sinigurado n'ya na sarapan ang kan'yang pagluluto.Madalas kasi ay si Tres ang nagluluto ng pagkain nila at nakakagulat na masarap magluto ang lalaki. Noong nakatira s'ya sa bahay ng mga ito bilang katulong ay never n'yang nakita si Tres na nagluluto kaya napaisip s'ya kung saan ito natutong magluto."What are you cooking wife? Hmmmm!" napapitlag s'ya ng maramdaman na may mga braso na pumalibot sa kan'yang bewang at biglang ay humalik sa kan'yang leeg.Aamin n'ya na sa simpling pagdikit lamang ng balat nilang dalawa ng asawa ay kakaiba agad ang ataki nito sa kan'yang katinuan.Nawawala s
BLAYRE JOAQUIM... Who would have thought na magugustohan n'ya ang kan'yang pananatili sa lugar kung saan napadpad si Audrey. Akala n'ya noon ay nasa Maynila ang kaligayahan n'ya kung saan ay magagawa n'ya ang lahat ng kan'yang gusto. Ngunit ng sinundan n'ya si Audrey sa lugar na ito at nanatili ng ilang araw dito ay napatunayan n'ya na walang panama ang Maynila sa lugar na ito. Tahimik at malayo sa gulo. Simply ang pamumuhay ngunit kuntento at masaya. May hacienda ang kan'yang mga magulang at masasabi n'ya na di hamak na mas malawak at malaki iyon kaysa dito ngunit kakaiba ang lugar na ito dahil dito s'ya natuto ng lahat. Natuto s'yang magtrabaho sa bukid kahit hindi n'ya naman ginagawa noon kahit may hacienda sila. Natuto s'yang magbanat ng sariling buto, magtinda sa palengke ng mga gulay na galing sa mga tanim nila para makabili ng makakain. Kakaiba ang saya na nararamdaman n'ya pag-uwi nila ni Audrey galing sa pagtitinda ng mga gulay na may bitbit silang bigas at ulam mula sa