Pasensya na wala akong update kahapon, nagka crash kasi ang fone ko, ilang ulit akong nag type pero bigla na lamang nawawala. At may mga araw pala na wala akong update o maikli lang ang update, busy kasi ako sa work ngayon at night shift ako kaya sa araw ay tulog 😂😂😂
AUDREY PRISCILLA...Sino ba s'ya para hindi magpatawad? Wala s'yang nakalakihang mga magulang na magtuturo sa kan'ya ng mga magagandang asal ngunit kahit papaano ay may naituro naman na tama sa kan'ya noon ang madre na kumupkop sa kan'ya sa bahay amponan.Kaya walang puwang kung magpakatigas s'ya at pahirapan si Tres. Inaalala n'ya na magiging kumpleto ang pamilya nila at magkakaroon ng ama ang kan'yang anak. Ang pangako n'ya noon sa kan'yang sarili na hindi n'ya hahayaan na matulad sa kan'ya ang kan'yang mga magiging anak sa huli. Na walang mga magulang at walang pamilya na masasandalan.Kaya para sa kan'yang ipinagbubuntis ay bibigyan n'ya ng isa pang pagkakataon si Tres at papatawarin ito sa mga naging kasalanan sa kan'ya at sa anak n'ya para mabuo ang kanilang pamilya.At gusto n'ya din na bigyan ng pagkakataon ang kan'yang sarili na sumaya at mararamdaman na may nagmamahal sa kan'ya."T-Tumayo ka na d'yan, hindi bagay sayo ang nakaluhod," nauutal na utos n'ya rito habang nagpapah
AUDREY PRISCILLA...Nagsimula na ang construction ng kanilang bahay at ngayon pa lang ay alam n'ya na may kalakihan ito. Hindi n'ya din alam kung saan kumuha ng mga tao si Tres na sobrang sa dami at bilis gumawa.Ang asawa n'ya naman ay hands on sa pag supervise sa pinapagawa nilang bahay. Ito mismo ang nagche-check kung tama ba ang ginagawa ng mga tao o may mali.Hindi nito pinagiba ang dati nilang kubo at ayaw n'ya din. Gusto n'ya itong panatilihin dahil marami ang kan'yang mga alaala sa kubo na ito.Nakaupo lang s'ya sa loob dahil ayaw ni Tres na lumabas s'ya. Maalikabok daw kasi kaya kapag nagtatrabaho pa ang mga ito ay nasa loob lang s'ya ng bahay kubo. Lalabas lang s'ya sa hapon kapag wala ng mga tao."Hon can I have some water please," natigil lang s'ya sa mga iniisip n'ya ng pumasok si Tres na pawis na pawis. Wala itong pang-itaas na suot at nangingintab ang katawan sa pawis.Lihim s'yang napalunok ng laway dahil sa kakisigan ng lalaking kaharap. Idagdag mo pa ang malaking ta
AUDREY PRISCILLA... Mabilis na natapos ang kanilang bahay na pinagawa ni Tres. Sa dami ba naman ng kinuha ni Tres na magtatrabaho ay hindi kataka-taka na mabilis na natapos ito. Ang kasunod na dumating ay ang mga gamit katulad ng sofa, malaking kama, may mga baby gamit din at iba pa. Tuwang-tuwa s'ya ng makita ang mga gamit ng kanilang anak. May nga crib na binili si Tres at iba pang mga gamit pati na mga damit. Hindi n'ya alam kung paano ito nagawa ng lalaki dahil hindi naman ito umaalis sa tabi n'ya. Ngunit hindi n'ya na muna pinroblema pa ang bagay na ito dahil natuon ang kan'yang atensyon sa mga gamit na dumating. Hindi man ganon ka ganda ng bahay nila katulad ng bahay ng mga El Frio sa Maynila ngunit para sa kan'ya ay napakaganda na nito at malaki na para sa kanilang tatlo ng kanilang anak. Agad n'yang inisa-isa lagay sa lagayan ang mga gamit sa kusina. Malaki ang kusina nila at halos kumpleto lahat sa gamit. Hindi n'ya na kailangan na mangahoy para makapagluto. Malapad an
AUDREY PRISCILLA...Magaan ang kan'yang pakiramdam habang nagluluto ng kanilang pagkain ni Tres. Masarap sa pakiramdam na gamitin ang mga bagong gamit nila sa kusina.Hindi naman s'ya ganon kagaling magluto pero ng mga oras na iyon ay pakiramdam n'ya ay napakagaling n'yang magluto. Gusto n'yang sarapan para kay Tres.Kanina pa nagtatrabaho ang asawa at alam n'ya na pagod na ito at gutom kaya naman ay sinigurado n'ya na sarapan ang kan'yang pagluluto.Madalas kasi ay si Tres ang nagluluto ng pagkain nila at nakakagulat na masarap magluto ang lalaki. Noong nakatira s'ya sa bahay ng mga ito bilang katulong ay never n'yang nakita si Tres na nagluluto kaya napaisip s'ya kung saan ito natutong magluto."What are you cooking wife? Hmmmm!" napapitlag s'ya ng maramdaman na may mga braso na pumalibot sa kan'yang bewang at biglang ay humalik sa kan'yang leeg.Aamin n'ya na sa simpling pagdikit lamang ng balat nilang dalawa ng asawa ay kakaiba agad ang ataki nito sa kan'yang katinuan.Nawawala s
BLAYRE JOAQUIM... Who would have thought na magugustohan n'ya ang kan'yang pananatili sa lugar kung saan napadpad si Audrey. Akala n'ya noon ay nasa Maynila ang kaligayahan n'ya kung saan ay magagawa n'ya ang lahat ng kan'yang gusto. Ngunit ng sinundan n'ya si Audrey sa lugar na ito at nanatili ng ilang araw dito ay napatunayan n'ya na walang panama ang Maynila sa lugar na ito. Tahimik at malayo sa gulo. Simply ang pamumuhay ngunit kuntento at masaya. May hacienda ang kan'yang mga magulang at masasabi n'ya na di hamak na mas malawak at malaki iyon kaysa dito ngunit kakaiba ang lugar na ito dahil dito s'ya natuto ng lahat. Natuto s'yang magtrabaho sa bukid kahit hindi n'ya naman ginagawa noon kahit may hacienda sila. Natuto s'yang magbanat ng sariling buto, magtinda sa palengke ng mga gulay na galing sa mga tanim nila para makabili ng makakain. Kakaiba ang saya na nararamdaman n'ya pag-uwi nila ni Audrey galing sa pagtitinda ng mga gulay na may bitbit silang bigas at ulam mula sa
AUDREY PRISCILLA...Gabi na ngunit hindi pa rin s'ya makatulog. Ayaw n'ya ding pumasok sa kanilang silid ni Tres. Nasa labas lang s'ya at nakaupo sa sofa habang nag-iisip kung papasok ba s'ya sa loob ng kwarto o hindi.Nasa labas si Tres at hindi n'ya alam kung papasok ito o hindi. At hindi n'ya din maipaliwanag ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon.May bahagi ng kan'yang isip na gusto ng pumasok para matulog ngunit ang kabilang bahagi ng kan'yang isip ay gusto n'yang hintayin si Tres.Ngunit nahihiya din s'ya na sabihin sa asawa na gusto n'yang sa silid nila ito matutulog. Maayos na naman sila ni Tres at napatawad n'ya naman ito kaya pwede na sila siguro na magsama bilang mag-asawa.Gusto n'ya din naman maramdaman ang buhay may asawa. Nagbuga s'ya ng hangin ng ilang beses at kinalma ang sarili.Pagkalipas ng ilang minuto na wala pa rin si Tres ay nagpasya na s'yang tumayo para pumasok sa silid. Nakakahiya na ang ginagawa n'ya na s'ya pa mismo ang mag-aya kay Tres na matulog
BLAYRE JOAQUIM...Tinapos n'ya ang kan'yang trabaho sa labas kahit gabi na para bukas ng umaga ay iba na naman ang kan'yang magagawa.Nilinis n'ya lang naman ang palibot ng bahay at inalis ang mga hindi dapat naroon. Kaya nagmukhang bahay na talaga ang kanilang bagong tayo na bahay.Balak n'ya bukas na taniman ng mga halaman ang paligid at balak n'ya din na gawing vegetable garden ang ilang bahagi ng palayan.Mas mainam kung sa palayan sila magtatanim ng gulay at hindi sa gilid ng kanilang bahay. Since nagkaroon na s'ya ng interest sa pagtatanim ay balak n'yang bumili ng mga magagandang variety ng seeds ng mga gulay para itanim sa lupain na nabili n'ya.Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng mga bagong produkto ang lugar na ito at baka pwede pa s'yang maging supplier ng mga malalaking supermarket sa lungsod katulad ng nanay n'ya noon.Gusto n'ya ding tulongan ang mga magsasaka sa lugar na ito na makapag produce ng mga magagandang variety ng mga pananim. Maganda ang lupa sa lugar na ito
BLAYRE JOAQUIM... Nasa ibabaw s'ya ng asawa ngunit iniiwasan n'ya din na matamaan ang t'yan nito. Kaya kalahati lamang ng kan'yang katawan ang nakasampa sa katawan ni Audrey. Mapusok pa rin silang naghahalikan na dalawa at ramdam n'ya din sa asawa na sabik ito. Bagay na ikinangisi n'ya ng palihim. At napansin n'ya din sa kan'yang sarili na nagugustohan n'ya ang paghalik kay Audrey. She doesn't know how to kiss, malaking pagkakaiba sa mga babae na naikama n'ya na ngunit ang pakiramdam na nararamdaman n'ya ngayon ay malayo sa kan'yang nararamdaman sa ibang babae. No doubt he loves Audrey. In denial lang s'ya sa kan'yang sarili noon dahil sa kan'yang ego ngunit ngayon ay wala ng dahilan pa para itago n'ya ang kan'yang nararamdaman dito. He knows that Audrey feels the same kaya mas lalong lumakas ang kan'yang loob na gawin ang kan'yang naisip. "Hmmmm," ungol ng asawa sa gitna nh kanilang paghahalikan ng paglandasin n'ya ang kan'yang palad sa hita nito. Naitaas n'ya na ang suot nito