Share

CHAPTER 59

AUDREY PRISCILLA...

Mabilis n'yang natapos ang paglilinis ng katawan dahil nag-aalala s'ya na baka pumasok si Tres sa loob.

Ewan n'ya ba kung bakit s'ya natataranta ng ganon. Eh may nangyari na nga sa kanila ng lalaki at buntis na s'ya.

"Pero lasing s'ya ng gabing iyon eh, kaya hindi n'ya din siguro natatandaan kung ano ang hitsura ng katawan ko," kagat labi na sagot n'ya sa kan'yang sarili.

Napakagat labi na lamang s'ya sa kan'yang naisip habang itinatapis sa katawan ang tuwalya. Atubili s'yang lumabas ngunit hindi naman pwede na manatili s'ya sa banyo ng buong gabi.

Binuksan n'ya ang pinto at bumungad sa kan'ya ang gwapong mukha ni Tres na halatang naghihintay sa labas. Pagkakita nito sa kan'ya ay agad na naglakbay ang mga mata ng lalaki sa kan'yang katawan mula ulo hanggang sa kan'yang mga paa.

Nakaramdam tuloy s'ya ng pagkaasiwa kaya dali-dali s'yang naglakad at nilampasan ang lalaki na nakasunod ang tingin sa kan'ya.

Pumasok agad s'ya sa bahay kubo at dumiretso sa kan'yan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Josephine dela Merced
aguy ang talong ni Tres mukang papasok na
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
aguy mukhang bibigay na yata si Tres...
goodnovel comment avatar
Paullin Tipon
thank you miss a
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status