Nasa ganuon silang sitwasyon nang makarinig sila ng tinig na nagmumula hagdan.Napapapalakpak pa ito habang papalapit sa kanila."Well, well, well. Gising ka na pala?" Nakangising tanong nito kay Axe Finn.Nang makalapit ito sa harap ni Axe Finn ay nakapa- meywang ito. Sa likod nito ay ang apat nitong tauhan at ang isang babaeng pamilyar na sa kaniya. Ito ang babaeng kasama ni Vince nang ikulong siya ng mga ito."So it's true." Sabi ni Axe Finn na nakatingin sa babae."Bakit parang hindi ka nagulat?" Tanong naman ni Vince rito."Bakit pa naman ako magugulat e alam ko na ang lahat?" Ganting tanong naman nito kay Vince.Siya ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng mga ito. Wala siyang balak makisawsaw dahil wala naman siyang alam sa pinag- uusapan ng mga ito.Ngunit dahil na rin sa pag- uusap nila ay nalaman niya na kakilala ni Axe Finn ang babae."Why Lizette?" Nakuha nitong tanungin sa babae na punong- puno ng hinanakit.Nag- iwas lang ng tingin ang babae at hindi nito sinagot ang t
[Flashback]2013Masayang dumating sa bahay nila si Via. Abot- tainga ang ngiti nito nang pumasok sa silid ni Vince."Mukha yatang masaya ang prinsesa ko ahh." Puna sa kaniya ni Vince at tumayo mula sa harap ng kaniyang laptop.Kararating lang nito galing sa eskwelahan at kitang- kita sa mga mata nito ang kakaibang saya.Agad namang lumawak pa ang pagkakangiti nito at pagkatapos ay napahawak sa dalawa nitong pisngi."Halata ba Kuya?" Tanong nito at pagkatapos ay humarap sa salamin.Halos mamula ang buong mukha nito habang nakatitig sa salamin. Halatang- halata na kinikilig ito. Naipilig niya ang kaniyang ulo."Bakit sobrang saya mo? May nanliligaw na siguro sayo ano?" Tukso niya rito.Agad naman itong humarap sa kaniya na hindi pa rin mapawi- pawi ang mga ngiti."Bakit Kuya ayaw mo ba na may nagkakagusto sa akin?" Tanong nito sa kaniya.Napabuntung- hininga naman siya."Hindi naman sa ganun Via. Kaso seventeen ka pa lang." Sabi niya rito pagkatapos ay hinawi ang mga buhok na bumagsak
"May lead na ba kayo?" Tanong ni Baxter sa mga pulis.Napailing ang mga ito. Wala pa rin silang lead kung sino ang kumuha kay Axe Finn at kung saan ito dinala. Dahil nga sa biglaang pagkawala ng kuryente ay nahihirapan ang mga itong mangalap ng impormasyon para sa madaling paghahanap sana kay Axe Finn.Ang location ng cellphone nito ay itinuro lang sila sa ilang metro mula sa event place. Siguro ay tinapon doon ng mga salarin ang cellphone nito para hindi nila ma- track ang lokasyon nito.Mautak din ang mga ito. Naisip kaagad ng mga ito ang mga posibleng mangyari kung hindi nila naidespatsa ang cellphone ni Axe Finn.Magdamag na ang lumipas ngunit bigo pa rin silang magkaroon ng lead kung nasaan ito. Maging si Davin ay hindi din naman tumigil para mahanap na si Axe Finn ngunit wala pa rin talaga silang makalap na impormasyon.Sa magdamag na lumipas na iyon ay alam niyang madami na ang pwedeng mangyari. Alam niyang posible na kapag natagpuan na nila si Axe Finn ay wala ng buhay ito. Na
Halatang- halata sa itsura nito na sobrang nasasaktan na ito. Hinang- hina na rin ito. Kagabi pa siya binubugbog ni Vince ng paulit- ulit.Hawak ni Vince ang buhok nito nang mga oras na iyon. Halos paos na din ang kaniyang boses kakamakaawa rito na itigil na nito ang ginagawang pananakit rito ngunit wala pa ring silbi ang lahat ng pakiusap niya dahil wala itong pinapakinggan.Ilang sandali pa ay hinawakan ni Vince ang mukha nito at piniga.Halos humigpit ang hawak nito sa mga tali nito sa kamay dahil sa sakit. Wala itong magawa ng mga oras na iyon kundi umaray na halos hindi na rin niya marinig.Maging siya ay walang magawa kundi ang maupo lang doon at panuorin ito. Sobrang sakit na mapanuod ang taong mahal mo habang sinasaktan na halos ikamatay na nito. Habang pinapanuod niya ang bawat pagdapo ng kamao ni Vince rito ay parang doble- doble rin ang nararamdaman niyang sakit.Napakagat siya ng labi. Nasaan na ba ang mga kaibigan nito? Wala bang ginagawa ang mga ito para hanapin ang kaib
Papalubog na ang araw ng oras na iyon. Bukod na nga sa pagod na pagod na ang katawan niya at hinang- hina na ay dumagdag pa ang halos buong maghapon siyang nakabilad sa sikat ng araw.Saktong- sakto kase sa tapat niya ang sinag ng araw kung saan walang bubong doon at tumatama direkta sa kaniya ang sikat ng araw.Tuyong- tuyo na rin ang bibig niya. Simula kagabi nang bihagin siya ng mga ito ay hindi na siya pinakain o pinainom man lang. Ang tanging paglunok ng sarili niyang laway ang tanging nagawa niya.Hindi niya inakalang aabutin niya ang ganuong sitwasyon. Wala sa utak niya na isang araw ay mararanasan niya ang ganuong bagay. Napapikit siya.Hinang- hina na ang katawan niya. Halos bumigay na ito dahil sa sakit at pagod. Napatanong tuloy siya sa kaniyang sarili kung kaya pa ba niya sa kabila ng sakit at pagod na nararamdaman niya.Tama pa ba na lumaban pa siya? Tama pa ba na umasa pa siya na may darating pa para iligtas siya?Biglang pumasok sa utak niya sina Baxter, Scott, Gion at
Halos hindi pa rin nawawala sa utak niya ang mga huling sinabi sa kaniya ni Jazz.Mahal siya nito. Mahal pa siya nito.Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin siya nito.Napapikit na lamang siya nang damputin siya ng tauhan ni Vince at pinatayo."Nagbago na ang isip ko na barilin ka nalang sa ulo. Gusto ko yung maghihirap ka muna bago ka mamatay." Sabi nito at pagkatapos ay nauna nang naglakad.Ramdam niya ang paghila sa kaniya ng mga tao nito pababa ng hagdan. Ngunit dahil nga wala siyang lakas ay hinayaan na lamang niya ang mga ito. Ubos na ubos na ang lakas niya.Hanggang sa maramdaman niyang ibinagsak siya ng mga ito sa damuhan.Ilang sandali pa ay naramdaman niyang muli ang paglalagay ng tali sa kaniyang mga kamay at pagkatapos ay binuhat siya ng mga ito at dahan- dahang inihulog sa isang butas.Pinilit niyang buksan ang kaniyang mga mata para makita niya kung asan na ba siya at kung ano ba ang nangyayari.Malabo ang kaniyang paningin ngunit pilit niya pa ring inaaninag ang mga ito.N
Palakad- lakad si Baxter habang nasa tapat ng pinto ng ICU.Madaming dugo daw ang nawala kay Jazz dahil sa pagkakabaril nito. Isa pa ay may ilang internal organs daw itong nadamay sa pagkakabaril nito.Malaki daw ang posibilidad na hindi daw maging success ang operasyon dahil sa dami ng dugo ang nawala sa katawan nito.Si Axe Finn naman ay may namuong dugo daw sa ulo dahil sa matinding pagkakabugbog daw nito na kaagad naman ding inoperahan.Kinakabahan siya dahil hindi naman 100 percent ng inooperahan sa ulo ay nagiging success. Ngunit wala siyang ibang hiling kundi sana ay maging success ang operasyon nilang dalawa."Umupo ka nga Baxter. Nahihilo ako sa kalalakad mo." Reklamo ni Vein na kasama na nila doon ng mga oras na iyon. Ilang oras na ang nakalipas nang makarating sila sa ospital. Ang mga suot nga nila na kanina ay basa ay medyo natutuyo na. Agad naman siyang sumunod sa sinabi nito at pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha."Kaya nila yan. Huwag ka ng mag- alala." Sabi s
Isang araw simula nang mailipat si Axe Finn sa private room ay gumising na ito.Ang unang namulatan nito ay ang nag- aalala niyang anak. Dahil na nga rin nasa okay naman na itong sitwasyon ay sinabi na nila kay Vin ang mga nangyari. Dahil nga 10 years old na ito ay nakakaintindi naman na ito kung saan naintindihan naman nito ang lahat."Daddy!" Masayang sambit ni Vin pagkatapos ay niyakap nito ang ama.Agad naman niyang inilayo ito dahil alam niyang masakit pa rin ang katawan ni Axe Finn dahil sa mga pasa nito."Daddy Thank God you're awake now." Sabi ni Vin na nakatayo na sa tabi nito ng mga oras na iyon.Agad namang ngumiti si Axe Finn rito at pagkatapos ay sinubukang igalaw ang kaniyang kamay.Narinig niyang napaigik ito dahil sa sakit."Huwag ka kase munang gumalaw." Sabi niya rito dahil hindi naman kaagad ay gagaling ang mga natamo nitong pasa dahil sa pambubugbog sa kaniya ni Vince."Si Jaz..." Mahina nitong sambit at pagkatapos ay napailing. "Wala na siya..." Dagdag pa nito na