Halos hindi pa rin nawawala sa utak niya ang mga huling sinabi sa kaniya ni Jazz.Mahal siya nito. Mahal pa siya nito.Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin siya nito.Napapikit na lamang siya nang damputin siya ng tauhan ni Vince at pinatayo."Nagbago na ang isip ko na barilin ka nalang sa ulo. Gusto ko yung maghihirap ka muna bago ka mamatay." Sabi nito at pagkatapos ay nauna nang naglakad.Ramdam niya ang paghila sa kaniya ng mga tao nito pababa ng hagdan. Ngunit dahil nga wala siyang lakas ay hinayaan na lamang niya ang mga ito. Ubos na ubos na ang lakas niya.Hanggang sa maramdaman niyang ibinagsak siya ng mga ito sa damuhan.Ilang sandali pa ay naramdaman niyang muli ang paglalagay ng tali sa kaniyang mga kamay at pagkatapos ay binuhat siya ng mga ito at dahan- dahang inihulog sa isang butas.Pinilit niyang buksan ang kaniyang mga mata para makita niya kung asan na ba siya at kung ano ba ang nangyayari.Malabo ang kaniyang paningin ngunit pilit niya pa ring inaaninag ang mga ito.N
Palakad- lakad si Baxter habang nasa tapat ng pinto ng ICU.Madaming dugo daw ang nawala kay Jazz dahil sa pagkakabaril nito. Isa pa ay may ilang internal organs daw itong nadamay sa pagkakabaril nito.Malaki daw ang posibilidad na hindi daw maging success ang operasyon dahil sa dami ng dugo ang nawala sa katawan nito.Si Axe Finn naman ay may namuong dugo daw sa ulo dahil sa matinding pagkakabugbog daw nito na kaagad naman ding inoperahan.Kinakabahan siya dahil hindi naman 100 percent ng inooperahan sa ulo ay nagiging success. Ngunit wala siyang ibang hiling kundi sana ay maging success ang operasyon nilang dalawa."Umupo ka nga Baxter. Nahihilo ako sa kalalakad mo." Reklamo ni Vein na kasama na nila doon ng mga oras na iyon. Ilang oras na ang nakalipas nang makarating sila sa ospital. Ang mga suot nga nila na kanina ay basa ay medyo natutuyo na. Agad naman siyang sumunod sa sinabi nito at pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha."Kaya nila yan. Huwag ka ng mag- alala." Sabi s
Isang araw simula nang mailipat si Axe Finn sa private room ay gumising na ito.Ang unang namulatan nito ay ang nag- aalala niyang anak. Dahil na nga rin nasa okay naman na itong sitwasyon ay sinabi na nila kay Vin ang mga nangyari. Dahil nga 10 years old na ito ay nakakaintindi naman na ito kung saan naintindihan naman nito ang lahat."Daddy!" Masayang sambit ni Vin pagkatapos ay niyakap nito ang ama.Agad naman niyang inilayo ito dahil alam niyang masakit pa rin ang katawan ni Axe Finn dahil sa mga pasa nito."Daddy Thank God you're awake now." Sabi ni Vin na nakatayo na sa tabi nito ng mga oras na iyon.Agad namang ngumiti si Axe Finn rito at pagkatapos ay sinubukang igalaw ang kaniyang kamay.Narinig niyang napaigik ito dahil sa sakit."Huwag ka kase munang gumalaw." Sabi niya rito dahil hindi naman kaagad ay gagaling ang mga natamo nitong pasa dahil sa pambubugbog sa kaniya ni Vince."Si Jaz..." Mahina nitong sambit at pagkatapos ay napailing. "Wala na siya..." Dagdag pa nito na
Pangalawang araw na niyang pumapasok sa kaniyang opisina. Kahit may benda pa ang kaniyang ulo. Siniguro niya namang umiinom siya ng gamot para gumaling na ito kaagad."Good morning Sir." Nakangiting bati sa kaniya ng sekretarya niya."Good morning din sayo." Balik niyang bati rito at pagkatapos ay nginitian ito. Naging normal naman ang pagpasok niya sa kaniyang opisina at lahat ay nag- alala sa kaniya ngunit siniguro naman niya sa mga ito na okay lang siya.Nang araw ngang iyon ay balak na nilang pumunta sa venue kung saan niya ipapatayo ang ipinangako niyang ospital para sa mga tao sa kaniyang bayan.Gusto niyang tuparin ang kaniyang pangako upang magkaroon na tuluyan ng libreng pagpapagamutan ang mga tao. Bagamat malaki ang budget na kailangan nito ay alam niyang matutupad na ito 100 percent.Nasa kalagitnaan siya ng pagche- check ng mga plano nang biglang msy maglapag ng kape sa kaniyang mesa."Coffee Sir. Mukhang hindi pa kayo nagkakape." Nakangiting sabi ng kaniyang sekretarya.
Agad siyang tiningnan ng doktor pagkatapos nilang mag- usap ni Vin. Kaagad kase nitong naisip na tawagin ang mga doktor para malaman daw ng mga itong gising na siya.Kaagad namang nagdatingan doon ang mga doktor ng oras ding iyon. Sinabi ng mga ito na wala naman na daw siyang ibang nakitang sakit kundi ang sugat na lamang niya. Nakahiga naman siya ng maluwag sa sinabi ng doktor ngunit ramdam na ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan siya. Dagdag pa na madami rin siyang pasa dahil sa mga pagkakahila sa kaniya at pagkakahawak ng madiin sa kaniya ng mga tao ni Vince.Maging ang kamay niya may latay pa rin ng tali sa kamay niya na hindi pa rin natatanggal hanggang sa mga oras na iyon.Iyon ang mga naiwang bakas ng karahasan sa kanila ni Vince. Napabuntung- hininga siya.Kanina pagkagising niya ay naramdam siya ng gutom. Halos dalawang araw din siyang hindi nakakakain nang bihagin siya ni Vince at ilang araw din daw siyang walang malay sa ospital.Kaya nang makaalis ang mga doktor a
Ilang araw nga ang nakalipas at nakalabas na rin siya ng ospital. Simula ng magising siya ay hindi na niya nakita pang muli ang kahit anino man lang ni Axe Finn dahil hindi na siya nito dinalaw pa.Hanggang sa ma- discharge siya ay tanging si Aya lamang ang kasama niya."Doon ka daw titira sa bahay ni Sir sabi niya." Pag- iimporma sa kaniya ni Aya habang inihahanda ang kaniyang mga gamit na iuuwi nila.Pauwi na kase sila ng oras na iyon at hinihintay na lamang nila ang susundo sa kanila. Nasisiguro niyang hindi ito ang susundo sa kanila ngayon dahil paniguradong may pasok ito sa kaniyang opisina. Napabuntung- hininga na lamang siya. Ano ang magiging buhay niya kung doon siya sa bahay nito uuwi at titira lalo na at may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Paniguradong wala siyang gagawin doon kundi ang magkulong lalo na kung wala itong pasok sa opisina dahil paniguradong nanduon lamang ito sa bahay nito.Muli siyang napabuntung hininga."Bakit ba parang ang laki- laki ng proble
Mabilis na lumipas ang araw at pangatlong araw na niya noon sa bahay ni Axe Finn. Mabuti na lamang at masyado itong busy sa opisina nito kaya madalang na rin naman silang magkita.Nang araw nga na iyon ay iyon ang unang araw ng pagdinig sa kaso na isinampa laban kay Vince.Kailangan nilang dumalo doon dahil hihingan sila ng statement. Mabuti na lamang at hindi niya kasabay si Axe Finn na pupunta doon dahil may aasikasuhin pa nga daw muna ito sa munisipyo.Tanging si Aya nga lang ang kasama niya doong pumunta at si Vin naman ay naiwan na lamang doon sa bahay ni Axe Finn. Si Baxter ang naging driver nila.Nang makarating nga sila sa pagdadausan ng kanilang pagdinig ay pumasok na sila kaagad.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang abogado nila at maging ang nasasakdal na si Vince kasama ang abogado nito.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na nga ang pagdinig.Tinawag siya upang magsalita at magkwento doon kung ano ang tunay na nangyari nang dukutin siya nito.Nakaupo na siya sa harap ng m
Alas diyes na ng umaga ng mga oras na iyon. Pinapanuod ni Jazz mula sa taas kung paano mag- bonding si Axe Finn at si Vin habang naliligo sa swimming pool. Napangiti siya dahil hindi niya inakala na isang araw ay bigla na lamang nitong makakasama ang ama nito. May maganda pa din naman palang naidulot ang pag- uwi nila ng Pilipinas. Hindi puro hindi maganda.Kung may hindi man magandang nangyari ay may magandang nangyari din naman at iyon nga ang pagkikita ni Vin at ni Axe Finn.Napabuntung- hininga siya habang pinapanuod ang mga ito. Kitang- kita niya ang saya sa mukha ng anak niya habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga. Paano nga ba niya naipagkait ang sayang katulad nito sa anak niya?Paano niya nga ba naatim na hindi ito ipakilala sa ama nito? Ibang- iba sa inaakala niya ang naging reaksiyon nito nang malaman nitong may anak sila. Akala niya ay itatanggi niya ito at hindi kikilalanin ngunit ito pa mismo ang nag- insist na anak nito si Vin kahit pa hindi niya ito ipinakilala