Share

Chapter 84

Halos hindi pa rin nawawala sa utak niya ang mga huling sinabi sa kaniya ni Jazz.

Mahal siya nito. Mahal pa siya nito.

Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin siya nito.

Napapikit na lamang siya nang damputin siya ng tauhan ni Vince at pinatayo.

"Nagbago na ang isip ko na barilin ka nalang sa ulo. Gusto ko yung maghihirap ka muna bago ka mamatay." Sabi nito at pagkatapos ay nauna nang naglakad.

Ramdam niya ang paghila sa kaniya ng mga tao nito pababa ng hagdan. Ngunit dahil nga wala siyang lakas ay hinayaan na lamang niya ang mga ito. Ubos na ubos na ang lakas niya.

Hanggang sa maramdaman niyang ibinagsak siya ng mga ito sa damuhan.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang muli ang paglalagay ng tali sa kaniyang mga kamay at pagkatapos ay binuhat siya ng mga ito at dahan- dahang inihulog sa isang butas.

Pinilit niyang buksan ang kaniyang mga mata para makita niya kung asan na ba siya at kung ano ba ang nangyayari.

Malabo ang kaniyang paningin ngunit pilit niya pa ring inaaninag ang mga ito.

N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status