Share

Chapter 85

Palakad- lakad si Baxter habang nasa tapat ng pinto ng ICU.

Madaming dugo daw ang nawala kay Jazz dahil sa pagkakabaril nito. Isa pa ay may ilang internal organs daw itong nadamay sa pagkakabaril nito.

Malaki daw ang posibilidad na hindi daw maging success ang operasyon dahil sa dami ng dugo ang nawala sa katawan nito.

Si Axe Finn naman ay may namuong dugo daw sa ulo dahil sa matinding pagkakabugbog daw nito na kaagad naman ding inoperahan.

Kinakabahan siya dahil hindi naman 100 percent ng inooperahan sa ulo ay nagiging success. Ngunit wala siyang ibang hiling kundi sana ay maging success ang operasyon nilang dalawa.

"Umupo ka nga Baxter. Nahihilo ako sa kalalakad mo." Reklamo ni Vein na kasama na nila doon ng mga oras na iyon.

Ilang oras na ang nakalipas nang makarating sila sa ospital. Ang mga suot nga nila na kanina ay basa ay medyo natutuyo na.

Agad naman siyang sumunod sa sinabi nito at pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha.

"Kaya nila yan. Huwag ka ng mag- alala." Sabi s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status