"May lead na ba kayo?" Tanong ni Baxter sa mga pulis.Napailing ang mga ito. Wala pa rin silang lead kung sino ang kumuha kay Axe Finn at kung saan ito dinala. Dahil nga sa biglaang pagkawala ng kuryente ay nahihirapan ang mga itong mangalap ng impormasyon para sa madaling paghahanap sana kay Axe Finn.Ang location ng cellphone nito ay itinuro lang sila sa ilang metro mula sa event place. Siguro ay tinapon doon ng mga salarin ang cellphone nito para hindi nila ma- track ang lokasyon nito.Mautak din ang mga ito. Naisip kaagad ng mga ito ang mga posibleng mangyari kung hindi nila naidespatsa ang cellphone ni Axe Finn.Magdamag na ang lumipas ngunit bigo pa rin silang magkaroon ng lead kung nasaan ito. Maging si Davin ay hindi din naman tumigil para mahanap na si Axe Finn ngunit wala pa rin talaga silang makalap na impormasyon.Sa magdamag na lumipas na iyon ay alam niyang madami na ang pwedeng mangyari. Alam niyang posible na kapag natagpuan na nila si Axe Finn ay wala ng buhay ito. Na
Halatang- halata sa itsura nito na sobrang nasasaktan na ito. Hinang- hina na rin ito. Kagabi pa siya binubugbog ni Vince ng paulit- ulit.Hawak ni Vince ang buhok nito nang mga oras na iyon. Halos paos na din ang kaniyang boses kakamakaawa rito na itigil na nito ang ginagawang pananakit rito ngunit wala pa ring silbi ang lahat ng pakiusap niya dahil wala itong pinapakinggan.Ilang sandali pa ay hinawakan ni Vince ang mukha nito at piniga.Halos humigpit ang hawak nito sa mga tali nito sa kamay dahil sa sakit. Wala itong magawa ng mga oras na iyon kundi umaray na halos hindi na rin niya marinig.Maging siya ay walang magawa kundi ang maupo lang doon at panuorin ito. Sobrang sakit na mapanuod ang taong mahal mo habang sinasaktan na halos ikamatay na nito. Habang pinapanuod niya ang bawat pagdapo ng kamao ni Vince rito ay parang doble- doble rin ang nararamdaman niyang sakit.Napakagat siya ng labi. Nasaan na ba ang mga kaibigan nito? Wala bang ginagawa ang mga ito para hanapin ang kaib
Papalubog na ang araw ng oras na iyon. Bukod na nga sa pagod na pagod na ang katawan niya at hinang- hina na ay dumagdag pa ang halos buong maghapon siyang nakabilad sa sikat ng araw.Saktong- sakto kase sa tapat niya ang sinag ng araw kung saan walang bubong doon at tumatama direkta sa kaniya ang sikat ng araw.Tuyong- tuyo na rin ang bibig niya. Simula kagabi nang bihagin siya ng mga ito ay hindi na siya pinakain o pinainom man lang. Ang tanging paglunok ng sarili niyang laway ang tanging nagawa niya.Hindi niya inakalang aabutin niya ang ganuong sitwasyon. Wala sa utak niya na isang araw ay mararanasan niya ang ganuong bagay. Napapikit siya.Hinang- hina na ang katawan niya. Halos bumigay na ito dahil sa sakit at pagod. Napatanong tuloy siya sa kaniyang sarili kung kaya pa ba niya sa kabila ng sakit at pagod na nararamdaman niya.Tama pa ba na lumaban pa siya? Tama pa ba na umasa pa siya na may darating pa para iligtas siya?Biglang pumasok sa utak niya sina Baxter, Scott, Gion at
Halos hindi pa rin nawawala sa utak niya ang mga huling sinabi sa kaniya ni Jazz.Mahal siya nito. Mahal pa siya nito.Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin siya nito.Napapikit na lamang siya nang damputin siya ng tauhan ni Vince at pinatayo."Nagbago na ang isip ko na barilin ka nalang sa ulo. Gusto ko yung maghihirap ka muna bago ka mamatay." Sabi nito at pagkatapos ay nauna nang naglakad.Ramdam niya ang paghila sa kaniya ng mga tao nito pababa ng hagdan. Ngunit dahil nga wala siyang lakas ay hinayaan na lamang niya ang mga ito. Ubos na ubos na ang lakas niya.Hanggang sa maramdaman niyang ibinagsak siya ng mga ito sa damuhan.Ilang sandali pa ay naramdaman niyang muli ang paglalagay ng tali sa kaniyang mga kamay at pagkatapos ay binuhat siya ng mga ito at dahan- dahang inihulog sa isang butas.Pinilit niyang buksan ang kaniyang mga mata para makita niya kung asan na ba siya at kung ano ba ang nangyayari.Malabo ang kaniyang paningin ngunit pilit niya pa ring inaaninag ang mga ito.N
Palakad- lakad si Baxter habang nasa tapat ng pinto ng ICU.Madaming dugo daw ang nawala kay Jazz dahil sa pagkakabaril nito. Isa pa ay may ilang internal organs daw itong nadamay sa pagkakabaril nito.Malaki daw ang posibilidad na hindi daw maging success ang operasyon dahil sa dami ng dugo ang nawala sa katawan nito.Si Axe Finn naman ay may namuong dugo daw sa ulo dahil sa matinding pagkakabugbog daw nito na kaagad naman ding inoperahan.Kinakabahan siya dahil hindi naman 100 percent ng inooperahan sa ulo ay nagiging success. Ngunit wala siyang ibang hiling kundi sana ay maging success ang operasyon nilang dalawa."Umupo ka nga Baxter. Nahihilo ako sa kalalakad mo." Reklamo ni Vein na kasama na nila doon ng mga oras na iyon. Ilang oras na ang nakalipas nang makarating sila sa ospital. Ang mga suot nga nila na kanina ay basa ay medyo natutuyo na. Agad naman siyang sumunod sa sinabi nito at pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha."Kaya nila yan. Huwag ka ng mag- alala." Sabi s
Isang araw simula nang mailipat si Axe Finn sa private room ay gumising na ito.Ang unang namulatan nito ay ang nag- aalala niyang anak. Dahil na nga rin nasa okay naman na itong sitwasyon ay sinabi na nila kay Vin ang mga nangyari. Dahil nga 10 years old na ito ay nakakaintindi naman na ito kung saan naintindihan naman nito ang lahat."Daddy!" Masayang sambit ni Vin pagkatapos ay niyakap nito ang ama.Agad naman niyang inilayo ito dahil alam niyang masakit pa rin ang katawan ni Axe Finn dahil sa mga pasa nito."Daddy Thank God you're awake now." Sabi ni Vin na nakatayo na sa tabi nito ng mga oras na iyon.Agad namang ngumiti si Axe Finn rito at pagkatapos ay sinubukang igalaw ang kaniyang kamay.Narinig niyang napaigik ito dahil sa sakit."Huwag ka kase munang gumalaw." Sabi niya rito dahil hindi naman kaagad ay gagaling ang mga natamo nitong pasa dahil sa pambubugbog sa kaniya ni Vince."Si Jaz..." Mahina nitong sambit at pagkatapos ay napailing. "Wala na siya..." Dagdag pa nito na
Pangalawang araw na niyang pumapasok sa kaniyang opisina. Kahit may benda pa ang kaniyang ulo. Siniguro niya namang umiinom siya ng gamot para gumaling na ito kaagad."Good morning Sir." Nakangiting bati sa kaniya ng sekretarya niya."Good morning din sayo." Balik niyang bati rito at pagkatapos ay nginitian ito. Naging normal naman ang pagpasok niya sa kaniyang opisina at lahat ay nag- alala sa kaniya ngunit siniguro naman niya sa mga ito na okay lang siya.Nang araw ngang iyon ay balak na nilang pumunta sa venue kung saan niya ipapatayo ang ipinangako niyang ospital para sa mga tao sa kaniyang bayan.Gusto niyang tuparin ang kaniyang pangako upang magkaroon na tuluyan ng libreng pagpapagamutan ang mga tao. Bagamat malaki ang budget na kailangan nito ay alam niyang matutupad na ito 100 percent.Nasa kalagitnaan siya ng pagche- check ng mga plano nang biglang msy maglapag ng kape sa kaniyang mesa."Coffee Sir. Mukhang hindi pa kayo nagkakape." Nakangiting sabi ng kaniyang sekretarya.
Agad siyang tiningnan ng doktor pagkatapos nilang mag- usap ni Vin. Kaagad kase nitong naisip na tawagin ang mga doktor para malaman daw ng mga itong gising na siya.Kaagad namang nagdatingan doon ang mga doktor ng oras ding iyon. Sinabi ng mga ito na wala naman na daw siyang ibang nakitang sakit kundi ang sugat na lamang niya. Nakahiga naman siya ng maluwag sa sinabi ng doktor ngunit ramdam na ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan siya. Dagdag pa na madami rin siyang pasa dahil sa mga pagkakahila sa kaniya at pagkakahawak ng madiin sa kaniya ng mga tao ni Vince.Maging ang kamay niya may latay pa rin ng tali sa kamay niya na hindi pa rin natatanggal hanggang sa mga oras na iyon.Iyon ang mga naiwang bakas ng karahasan sa kanila ni Vince. Napabuntung- hininga siya.Kanina pagkagising niya ay naramdam siya ng gutom. Halos dalawang araw din siyang hindi nakakakain nang bihagin siya ni Vince at ilang araw din daw siyang walang malay sa ospital.Kaya nang makaalis ang mga doktor a