AYEISHA "Gusto mo bang kausapin ko ang boyfriend mo?" "'W-wag na, Ruth. Nasabi na niya. Ano pang kailangan kong malaman? Isa pa, nagtanong na ako, hindi man lang siya umamin. Akala ko talaga kasi, nambababae siya, hindi pala. Iba pala ang gumugulo sa isipan niya. Saka hindi rin siya makikinig pala sa ‘yo, kasi iisa lang ang pinanggalingan natin. Kaya paano ka niya paniniwalaan?” “May point ka. Eh, anong balak mo ngayon?” “Itutuloy ko, malamang, akuin niya man o hindi.” Tumitig siya sa akin pagkuwa’y ngumiti nang pilit. “Nandito lang ako kapag kailangan mo, Asha.” Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti rin ng pilit. “Salamat, Ruth. Ikaw lang kasi ang makakaintindi sa akin ngayon.” Sasagot sana ako nang biglang mahulog ang isang paso malapit sa akin. Nilingon ko pa iyon. Napakunot ako ng noo nang makitang may tumakbo papasok. Hindi lang ‘yon. Pamilyar sa akin ang likod niya maging ang gupit. Tumingin ako kay Ruth na napakagat ng labi. “Pusa?” kunwa’y sabi ko. “S-siguro,” nahi
KING’S POV“WALA pa si Ayeisha, Yaya? Ang mga bata?”"Wala pa po. Pero 'yong dalawa po nasa bahay po ng magulang niyo. Sinundo po nila kanina. Kung p'wedeng doon daw muna sila, e, pumayag naman po si Ma'am Ayeisha nang tawagan ko.""Gano'n ba. Salamat."Napatingin ako sa relong pambisig ko pagkaalis ni Yaya. Pasado alas nuebe na pero hindi pa umuuwi si Ayeisha. Hindi naman siguro siya magpapakapagod dahil sa ipinagbubuntis niya.Kinapa ko ang telepono ko at tinawagan ang nobya pero hindi siya sumasagot. Pagka-ring ay mamatay kaagad.Hinanap ko sa listahan ang numero ni Elina at tinawagan."Ay, may biglaang appointment po out of town, sir. Baka mga apat na araw po yata siya doon pero depende po. Teka, hindi po ba nagpaalam?""N-no. Tinatawagan ko rin pero hindi siya sumasagot.""Mahina po kasi ang signal doon, sir."Damn! Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin? Kahit ba biglaan dapat tumawag pa rin.Natulog ako nang gabing iyon nang late. Ilang beses kong tinawagan si Ayeisha pero hind
KING'S POV"'NAY, hindi mo ba p'wedeng kausapin si Ayeisha na dalawin na lang niya dito ang mga bata? Bakit kailangang ipasundo pa?”“Ayaw niya, malamang.”Marahas akong napabuntonghininga. “Then ako ang maghahatid.”“Ipapasundo niya raw ang dalawa mamaya.”“No. Ako na maghahatid.”“King, lalo lang magagalit sa ‘yo si Ayeisha kapag nagpumilit ka.”“Eh, ‘yon lang ang paraan ko para makapasok doon, ‘Nay!”Hindi umimik si Nanay.“Kapag nasa harapan ng mga bata, hindi niya gagawin ang pagtaboy sa akin.”“Bahala ka nga. Basta sinabihan na kita, huh? Kasalanan mo kasi ‘yan, pinaabot mo pa sa gan’yan, e.”“Thank you, ‘Nay.”Kaagad kong iginiya ang sarili ko sa silid ni Halina at Kalei. Tuwang-tuwa sila nang sabihin kong kasama ako sa pagpunta sa opisina ni Ayeisha. Pero kabado ako sa gagawin ko. Alam kong magagalit si Ayeisha. Ang sabi ni Nanay, alas singko daw susunduin ang dalawa dito sa bahay namin pero pagpatak ng alas kuwatro ay umalis na kami. Traffic kaya baka abutin kami ng alas sin
AYEISHA HINDI ko natagalan ang mga sinabi ni King. Mabilis kong nilisan ang silid niya at nagkulong sa silid ng mga bata. Kumikirot ang aking dibdib nang sabihin niyang gusto niya kaming makasama kahit hanggang sa pagkapanganak ko lang daw. Bakit parang pakiramdam ko sinusukuan na niya ako? Kami ng mga anak niya. Sira ba siya? Papatawarin ko naman siya, e, pero hindi ngayon! Kaya hindi ko kayang tugunin siya. Kaya rin hindi ko siya magawang pansinin. Fresh pa ang ginawa niya sa akin, malamang. Sana naintindihan niya iyon, kaso hindi, kasi nasa isip niya laging pagsuko. Ayon kay Tita Laura nang makausap ko, napangaralan na nila ang anak nila pero walang sinabi sa kanila. Pero sa tingin nila, natauhan naman. Kaso parang iba ang epekto sa kan’ya nang pag-uusap niya pati ng mga magulang. Natauhan na hindi ko daw siya deserve. Mas magaling pa sa akin, talagang pinangunahan ako! "Ahhh!" sigaw ko. ‘Wag naman sanang gano’n ang sasabihin. Para bang sumusuko na siya sa akin. Eh ‘di, parang
AYEISHA “OH, NO, Ayeisha. Alam ko na naman ang nasa isipan mo. I’m not the father,” untag sa akin ni King. “H-huh? H-hindi ikaw?” “Yes, I am not. God! Hindi ko kayang gawin iyon sa ‘yo. Umaasa pa rin akong maging maayos tayo. Always. And I never dated anyone para rin sa kaalaman mo.” “K-King…” Sabay kagat ko ng labi. “Okay ka na?” “Y-yes. T-thank you.” Sabay talikod ko sa kan’ya. Dumiretso ako sa kusina niya at gumawa ng soup niya. Nakailang lingon pa ako pero hindi siya sumunod. Makalipas ang halos kinse minuto ay pumasok siya sa banyo. Kaagad na kumalat ang sabong gamit niya. “Ready na ‘to.” Tinapos ko lang hugasan ang mga ginamit ko sa kusina niya bago siya ikinuha ng soup. “Thank you at nag-effort ka pang igawa ako nito.” Hindi ko na naiwas ang kamay ko nang hulihin niya. Pinisil niya din iyon kaya napalunok ako. “Welcome.” Biglang bawi ko ng kamay. “Paano, alis na ako.” Tinanggal ko ang apron at ibinalik iyon sa sabitan. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at telepono ko
AYEISHA “THANK YOU,” ani ko nang lagyan ni King ang pinggan ko ng kanin at ulam. Ngiti lang ang iginawad niya sa akin pagkuwa’y inasikaso na rin ang sarili. Wala kaming imikan hanggang sa matapos ang kain namin. Naging abala na din siya sa kan’yang telepono mayamaya, na para bang wala lang ako sa kan’yang paligid. Panay din ang ngiti niya habang nakatutok sa may telepono na ikinainis ko. Oh, yes, dinner nga pala ang inalok lang niya sa akin hindi ang atensyon, kaya bakit ako magrereklamo? Pero teka, ‘di ba, kasama ang dinner namin sa binayaran? Ba’t ba nawala sa isipan ko. So, p’wede na akong umalis sa harapan niya ngayon? Tumikhim ako na ikinaangat niya nang tingin sa akin. Sh*t! Bakit parang tumigil naman ang paligid nang gawin niya iyon na nakangiti? I know na hindi ako ang dahilan nang ngiting iyon pero bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang bumalik kami sa nakaraan, ‘yong mga panahong hanggang tanaw lang ako sa kan’ya at ibang tao ang nakakapag pangiti sa kan’ya nang gan
AYEISHA HINDI ko maiwasang malungkot nang makarating sa hotel na tinutuluyan ko namin. Lungkot na nauwi sa iyakan. Nauwi rin sa tanungan sa itaas kung bakit hindi ko man lang makamtan ang saya na walang pagdadaanang kalungkutan muna. Wala bang direktang kasiyahan na ibibigay? Nakakapagod din kasi ang umiyak. Nasa akin na ang lahat kung tutuusin. Maganda ako, may pera at successful na sa buhay. Kaya bakit kay ilap ng kaligayahang inaasam ko? May naging kasalanan ba ako para maranasan ito? Naiinggit ako sa ibang couple na masaya, kasama ang mga anak. Lalo na sa mga kasal na. Hay. Naiinis ako na naiiyak. Hugulhol na lang ang ginawa ko. Sobrang iyakin ko pa naman ngayon dahil pagbubuntis ko. Lahat ng bagay yata na nakakalungkot ay iniiyakan ko, lalo na kapag gabi, at wala ang mga bata, sobrang nakakalungkot. Bago ako matulog, iiyak muna. Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang pagbukas niyon. Iniluwa no’n si King na para bang galing sa giyera. Hinihingal at pawis na pawis. Nag
AYEISHA “TUMAWAG ka na ba sa inyo?” Napalingon ako kay Nenita na noo’y kakapasok lang. “Hindi pa. Mamaya siguro kapag nagka-signal na.” “Naku, baka mag-alala na ‘yon si Sir King sa ‘yo.” “‘Wag mong intindihin ang boss mo na ‘yon. Magpapaliwanag naman ako pagdating kung bakit wala akong paramdam ng tatlong araw.” Yes, tatlong araw na akong hindi nagpaparamdam sa kanila. Pagkagising ko ay kaagad akong nag-open ng social media. Gusto ko lang makita kung totoo nga ang sinabi sa akin ni King ang tungkol sa amin. Pero pagkakita ko ng post ni Owen sa social media tungkol sa bagyong nagdaan sa San Remigio ay kaagad akong nag-alsa balutan. Ginising ko si King para magpaalam pero inungulan lang ako. Nagsalita pa nga na sige daw. Saka sa kakamadali ko ay nahulog ang telepono ko, buti na lang may dala akong cash at ayon nga bumili ako ng panibagong telepono. Pero hindi ko tanda ang numero sa bahay maging kay King kaya hindi ko na muna tinawagan. Umupa pa ako ng chopper mula Vigan hangg