Home / Romance / Ayeisha : Her Broken Piece / Chapter 69: Drunken King

Share

Chapter 69: Drunken King

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
AYEISHA

HINDI ko natagalan ang mga sinabi ni King. Mabilis kong nilisan ang silid niya at nagkulong sa silid ng mga bata.

Kumikirot ang aking dibdib nang sabihin niyang gusto niya kaming makasama kahit hanggang sa pagkapanganak ko lang daw. Bakit parang pakiramdam ko sinusukuan na niya ako? Kami ng mga anak niya.

Sira ba siya? Papatawarin ko naman siya, e, pero hindi ngayon! Kaya hindi ko kayang tugunin siya. Kaya rin hindi ko siya magawang pansinin. Fresh pa ang ginawa niya sa akin, malamang. Sana naintindihan niya iyon, kaso hindi, kasi nasa isip niya laging pagsuko.

Ayon kay Tita Laura nang makausap ko, napangaralan na nila ang anak nila pero walang sinabi sa kanila. Pero sa tingin nila, natauhan naman. Kaso parang iba ang epekto sa kan’ya nang pag-uusap niya pati ng mga magulang. Natauhan na hindi ko daw siya deserve. Mas magaling pa sa akin, talagang pinangunahan ako!

"Ahhh!" sigaw ko.

‘Wag naman sanang gano’n ang sasabihin. Para bang sumusuko na siya sa akin. Eh ‘di, parang
AVA NAH

Mga 7 or 8 chapters pa bago mag-end si Ayeisha. Sinagad ko ng 150k ang wordcount kasi. Heheheh. Sensya na po.

| 2
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Rea Remonoque
ganda ng story na to pa update nman po ulit ehheh
goodnovel comment avatar
Batangueña03
Galaw-galaw na King ..hihi baka pag hindi ka pa kumilas tuluyan ngmawala sayo si Ayeisha at wag muna magtamang hinala buntis..alamin.muna ang totoo iwas stress...
goodnovel comment avatar
Mary Jane Parlingayan Valles
kalma lng ayeisha,,,di nmn cguro c king Ang ama ng pinagbubuntis ni jena....wag mg ooverthink ayeisha ma e stress ka lng at ma mis interpret o misunderstood mo lng mga sinabi ni king...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 70: Set up

    AYEISHA “OH, NO, Ayeisha. Alam ko na naman ang nasa isipan mo. I’m not the father,” untag sa akin ni King. “H-huh? H-hindi ikaw?” “Yes, I am not. God! Hindi ko kayang gawin iyon sa ‘yo. Umaasa pa rin akong maging maayos tayo. Always. And I never dated anyone para rin sa kaalaman mo.” “K-King…” Sabay kagat ko ng labi. “Okay ka na?” “Y-yes. T-thank you.” Sabay talikod ko sa kan’ya. Dumiretso ako sa kusina niya at gumawa ng soup niya. Nakailang lingon pa ako pero hindi siya sumunod. Makalipas ang halos kinse minuto ay pumasok siya sa banyo. Kaagad na kumalat ang sabong gamit niya. “Ready na ‘to.” Tinapos ko lang hugasan ang mga ginamit ko sa kusina niya bago siya ikinuha ng soup. “Thank you at nag-effort ka pang igawa ako nito.” Hindi ko na naiwas ang kamay ko nang hulihin niya. Pinisil niya din iyon kaya napalunok ako. “Welcome.” Biglang bawi ko ng kamay. “Paano, alis na ako.” Tinanggal ko ang apron at ibinalik iyon sa sabitan. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at telepono ko

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 71: Jealous

    AYEISHA “THANK YOU,” ani ko nang lagyan ni King ang pinggan ko ng kanin at ulam. Ngiti lang ang iginawad niya sa akin pagkuwa’y inasikaso na rin ang sarili. Wala kaming imikan hanggang sa matapos ang kain namin. Naging abala na din siya sa kan’yang telepono mayamaya, na para bang wala lang ako sa kan’yang paligid. Panay din ang ngiti niya habang nakatutok sa may telepono na ikinainis ko. Oh, yes, dinner nga pala ang inalok lang niya sa akin hindi ang atensyon, kaya bakit ako magrereklamo? Pero teka, ‘di ba, kasama ang dinner namin sa binayaran? Ba’t ba nawala sa isipan ko. So, p’wede na akong umalis sa harapan niya ngayon? Tumikhim ako na ikinaangat niya nang tingin sa akin. Sh*t! Bakit parang tumigil naman ang paligid nang gawin niya iyon na nakangiti? I know na hindi ako ang dahilan nang ngiting iyon pero bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang bumalik kami sa nakaraan, ‘yong mga panahong hanggang tanaw lang ako sa kan’ya at ibang tao ang nakakapag pangiti sa kan’ya nang gan

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 72: Missing

    AYEISHA HINDI ko maiwasang malungkot nang makarating sa hotel na tinutuluyan ko namin. Lungkot na nauwi sa iyakan. Nauwi rin sa tanungan sa itaas kung bakit hindi ko man lang makamtan ang saya na walang pagdadaanang kalungkutan muna. Wala bang direktang kasiyahan na ibibigay? Nakakapagod din kasi ang umiyak. Nasa akin na ang lahat kung tutuusin. Maganda ako, may pera at successful na sa buhay. Kaya bakit kay ilap ng kaligayahang inaasam ko? May naging kasalanan ba ako para maranasan ito? Naiinggit ako sa ibang couple na masaya, kasama ang mga anak. Lalo na sa mga kasal na. Hay. Naiinis ako na naiiyak. Hugulhol na lang ang ginawa ko. Sobrang iyakin ko pa naman ngayon dahil pagbubuntis ko. Lahat ng bagay yata na nakakalungkot ay iniiyakan ko, lalo na kapag gabi, at wala ang mga bata, sobrang nakakalungkot. Bago ako matulog, iiyak muna. Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang pagbukas niyon. Iniluwa no’n si King na para bang galing sa giyera. Hinihingal at pawis na pawis. Nag

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 73: Proposal

    AYEISHA “TUMAWAG ka na ba sa inyo?” Napalingon ako kay Nenita na noo’y kakapasok lang. “Hindi pa. Mamaya siguro kapag nagka-signal na.” “Naku, baka mag-alala na ‘yon si Sir King sa ‘yo.” “‘Wag mong intindihin ang boss mo na ‘yon. Magpapaliwanag naman ako pagdating kung bakit wala akong paramdam ng tatlong araw.” Yes, tatlong araw na akong hindi nagpaparamdam sa kanila. Pagkagising ko ay kaagad akong nag-open ng social media. Gusto ko lang makita kung totoo nga ang sinabi sa akin ni King ang tungkol sa amin. Pero pagkakita ko ng post ni Owen sa social media tungkol sa bagyong nagdaan sa San Remigio ay kaagad akong nag-alsa balutan. Ginising ko si King para magpaalam pero inungulan lang ako. Nagsalita pa nga na sige daw. Saka sa kakamadali ko ay nahulog ang telepono ko, buti na lang may dala akong cash at ayon nga bumili ako ng panibagong telepono. Pero hindi ko tanda ang numero sa bahay maging kay King kaya hindi ko na muna tinawagan. Umupa pa ako ng chopper mula Vigan hangg

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 74: Memorable

    AYEISHA "OUCH!" d***g ni King nang tampalin ko ang dibdib niyang may tama. "Proposal na 'yon?" "Yeah. Baka kasi takasan mo na naman ako, e." “Hindi man lang ako kinilig, King! Hindi man lang nabawasan ang inis ko sa ‘yo, lumala pa.” “Labs, naman. Narinig mo ang sinabi ng mga anak mo. Saka…” Tumingin siya sa tiyan ko. “Gusto kong paglabas ni baby, dapat kasal na tayo. Don’t you like it?” Natigilan ako mayamaya. “S-so, talagang tanggap mo na si Baby? For real?” “Of course! Anak ko ang nasa sinapupunan mo. God!” “Hindi ka na naniniwala kay Mr. Hart?” “Oh, fvck that man!” Tumitig sa akin si King. “P’wede bang kalimutan na natin siya?” Tumango ako sa kan’ya. “Are we good now?” tanong niya nang higitin ang kamay ko. Hinalikan niya rin iyon. “Basta ba mangako ka sa akin na makikinig ka sa akin lagi, at higit sa lahat, paniwalaan mo ang lahat ng mga sinasabi ko. Kasi sa ‘yo lang umikot ang mundo ko, King. At hindi ko magagawang magsinungaling sa ‘yo. At kung may mangyari man sa

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 75: Dream House

    AYEISHA MAGKAHAWAK ang aming kamay nang igiya ako ni King sa loob ng bahay namin. Pero hindi pa kami nakakarating sa sala nang balingan ako ni King “Alam mong bawal tumambay sa labas ang buntis, talagang ginawa mo pa.” Tiningnan ko si King nang masama. “Ikaw talaga, pagkatapos mo akong pakiligin, gagalitin mo na naman ako,” ani ko. “It’s not pagalit, labs. Okay? Paano kung magkasakit ka, huh? Eh ‘di apektado din si baby. Gusto mo ba ‘yon mag-worry kaming lahat dito?” depensa niya sa akin. “May bubong naman, a. Saka, kakakain ko lang kasi kaya tumambay ako doon. Hindi rin naman ako kaagad makatulog kapag pumasok na ako sa silid.” “Yeah, meron nga, pero walang dingding.” “Kayong dalawa, tumigil nga, pinagtitinginan kayo ng dalawa.” Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Mommy sabay tingin sa dalawa. Si Halina na nakapameywang at nakahaba ang nguso. Nang makita ni Kalei ang Ate ay gumaya din. “Love lang po, ‘di ba?” Sumabay pa ang ulo ni Halina habang sinasabi iyon. Parang Nanay

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 76: Wedding Day

    AYEISHA HINDI KO MAIWASANG magtaka kung bakit matagal akong inayusan. Halos tatlong oras? Dinaig ko pa ang ikakasal! At gandang-ganda ako sa resulta. Mula sa make up na bumagay sa messy hair look ko. Nagagandahan din ako sa bun sa likod ko. May ilang pa-curly style sa magkabilaang side ko. Kaya kung ako ang ikakasal, baka sila din ang kukunin kong hair stylist. “I love it,” ani ko sa kanila. “Maraming salamat, Miss Ayeisha.” “Pwede ko bang makuha ang contact number niyo? Gusto kong kayo din ang mag-ayos sa akin sa araw ng aking kasal.” Saglit na natigilan ang dalawa. Napatingin pa sila nang marinig ang pagtikhim ng ina ni Miss Luna na noo’y nakatunghay sa amin. “O-oh. Sure, Miss Ayeisha,” ani ng Sofie. Si Sofie ay isang gay, at masasabi kong swabe kumilos pagdating sa pag-make-up maging sa buhok. Ang gaan din ng kamay niya. Napangiti ako nang iabot ng babae ang calling card sa akin. Hinanap ng paningin ko si King dahil hawak niya ang bag ko kanina pero wala sila. Kahit ang dala

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 77: Wakas

    AYEISHA NAKAKAPIT AKO sa braso ni King nang humarap kami sa Pari na kakasal sa amin. Hudyat na magsisimula na nga ang seremonya nang magsalita ang Pari. “In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit…” Masuyo lang akong nakinig sa Pari, pero si King, ang harot. Panay ang bulong niya nang kung anu-ano. I love you lang ang tinutugon ko sa kan’ya. May binubulong pa siyang sorpresa na sinasabi pero kinurot ko na siya dahil homily na. Ang bilis na ng oras nang mga sumunod na sandali. Oras na para sa palitan ng vows at rings. “Hi, labs,” nakangiting bati niya sa akin matapos kunin ang mikropono. “I know, na-surprise ka sa wedding day natin. Obvious dahil sa namamaga mong mga mata.” “Ang pangit ko na tuloy,” sagot ko sa kan’ya. Wala akong mikropono pero dinig nila. Kaya naman narinig ko ang ilan na nagtawanan. “You’re not, labs. Ikaw pa rin ang pinakamagandang bride sa paningin ko.” Napalabi ako sa sinabi niya. Magaling talaga siya mambola. Napaseryoso na siya ma

Pinakabagong kabanata

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow- Special Chapter & Teaser

    BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow: Wakas

    RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 51

    RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 50

    RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 49

    RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 48

    RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 47

    NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 46

    RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 45

    RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth

DMCA.com Protection Status