2 Chapters na lang po. Tapos dugtong ko si Benrick after ng Special chapter ni Ayeisha. Dito niyo rin po mababasa ang story ni Benrick. Title: THE BROKEN VOW Salamat po!
AYEISHA MAGKAHAWAK ang aming kamay nang igiya ako ni King sa loob ng bahay namin. Pero hindi pa kami nakakarating sa sala nang balingan ako ni King “Alam mong bawal tumambay sa labas ang buntis, talagang ginawa mo pa.” Tiningnan ko si King nang masama. “Ikaw talaga, pagkatapos mo akong pakiligin, gagalitin mo na naman ako,” ani ko. “It’s not pagalit, labs. Okay? Paano kung magkasakit ka, huh? Eh ‘di apektado din si baby. Gusto mo ba ‘yon mag-worry kaming lahat dito?” depensa niya sa akin. “May bubong naman, a. Saka, kakakain ko lang kasi kaya tumambay ako doon. Hindi rin naman ako kaagad makatulog kapag pumasok na ako sa silid.” “Yeah, meron nga, pero walang dingding.” “Kayong dalawa, tumigil nga, pinagtitinginan kayo ng dalawa.” Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Mommy sabay tingin sa dalawa. Si Halina na nakapameywang at nakahaba ang nguso. Nang makita ni Kalei ang Ate ay gumaya din. “Love lang po, ‘di ba?” Sumabay pa ang ulo ni Halina habang sinasabi iyon. Parang Nanay
AYEISHA HINDI KO MAIWASANG magtaka kung bakit matagal akong inayusan. Halos tatlong oras? Dinaig ko pa ang ikakasal! At gandang-ganda ako sa resulta. Mula sa make up na bumagay sa messy hair look ko. Nagagandahan din ako sa bun sa likod ko. May ilang pa-curly style sa magkabilaang side ko. Kaya kung ako ang ikakasal, baka sila din ang kukunin kong hair stylist. “I love it,” ani ko sa kanila. “Maraming salamat, Miss Ayeisha.” “Pwede ko bang makuha ang contact number niyo? Gusto kong kayo din ang mag-ayos sa akin sa araw ng aking kasal.” Saglit na natigilan ang dalawa. Napatingin pa sila nang marinig ang pagtikhim ng ina ni Miss Luna na noo’y nakatunghay sa amin. “O-oh. Sure, Miss Ayeisha,” ani ng Sofie. Si Sofie ay isang gay, at masasabi kong swabe kumilos pagdating sa pag-make-up maging sa buhok. Ang gaan din ng kamay niya. Napangiti ako nang iabot ng babae ang calling card sa akin. Hinanap ng paningin ko si King dahil hawak niya ang bag ko kanina pero wala sila. Kahit ang dala
AYEISHA NAKAKAPIT AKO sa braso ni King nang humarap kami sa Pari na kakasal sa amin. Hudyat na magsisimula na nga ang seremonya nang magsalita ang Pari. “In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit…” Masuyo lang akong nakinig sa Pari, pero si King, ang harot. Panay ang bulong niya nang kung anu-ano. I love you lang ang tinutugon ko sa kan’ya. May binubulong pa siyang sorpresa na sinasabi pero kinurot ko na siya dahil homily na. Ang bilis na ng oras nang mga sumunod na sandali. Oras na para sa palitan ng vows at rings. “Hi, labs,” nakangiting bati niya sa akin matapos kunin ang mikropono. “I know, na-surprise ka sa wedding day natin. Obvious dahil sa namamaga mong mga mata.” “Ang pangit ko na tuloy,” sagot ko sa kan’ya. Wala akong mikropono pero dinig nila. Kaya naman narinig ko ang ilan na nagtawanan. “You’re not, labs. Ikaw pa rin ang pinakamagandang bride sa paningin ko.” Napalabi ako sa sinabi niya. Magaling talaga siya mambola. Napaseryoso na siya ma
AYEISHA'S POV 13 YEARS LATER… “HAPPY ANNIVERSARY, LABS,” masuyong bati sa akin ni King nang umagang iyon. Isang masuyong halik din ang sumunod na kaagad ko namang tinugon. ‘Yan kaagad ang bungad sa akin ni King. Ang sarap niya talaga magmahal sa umaga. Kahit naman sa gabi, masarap din. Napaka suwerte ko sa kan’ya kaya. Pero lagi naman niyang ginagawa sa akin ‘yan kapag nauuna siyang magising sa akin. At kapag may okasyon, gan’yan siya, hindi siya nakakalimot bumatis. “Happy anniversary din, asawa ko.” 13 years na kaming kasal at matamis pa rin ang pagsasama namin. May mga hindi rin kami napagkakaintindihan pero hindi ‘yan natutulog si King na may sama nang loob sa akin. Ako o siya ang may kasalanan, siya ang nauunang manuyo sa akin. At dahil marupok naman ako, pinapatawad ko siya kaagad. Muling naghinang ang labi namin. Pero ako pinigil ko din siya dahil magluluto pa ako ng almusal namin. “S-stop it, King. Magluluto pa ako.” Napakunot ng noo si King pagkuwa’y tumingin sa bintan
RUTH’S POV “‘NAY, hindi po maaari. Umuwi lang ako dito dahil sa mensahe kong natanggap.” Kita ko ang pagbahid ng lungkot sa mukha ng aking ina. “Sigurado ka na ba talagang magma-madre ka, anak? Paano ang ibang mga kapatid mo? Hindi ko na sila kayang buhayin. Ang ama mo naman, baon sa utang. Makakaya mo bang makitang hindi sila nakapagtapos?” Napatingin ako sa apat na kapatid kong tahimik. Basta ang ina ang nagsasalita talaga, ni isa sa mga ito, tahimik. “Pero, ‘Nay, calling ko po ang maging madre. Alam niyo po ‘yan.” “Naiintindihan kita, anak. Pero ikaw lang ang inaasahan kong nagtatrabaho ngayon sa atin. Hindi ka pa naman ganap na madre, hindi ka pa naman nakapag-vow. Baka ito talaga ang calling mo, ang buhayin at pag-aralin ang mga kapatid mo.” Napapikit ako sa mga sinabi ni Inay. Hindi ko gusto ang sinabi niya. Dati suportado niya ako sa lahat ng mga ginagawa ko, pero ngayon. Hay… “Kausapin ko lang po si Sister Marrie tungkol dito. Hihingi din po ako ng opinyon. Babalik po
RUTH’S POV MAAGA akong bumangon kinabukasan kahit na late kaming natuog ng mga bata. Nakonsensya ako dahil pinagalitan sila ng ama bago matulog. Sumingit na nga ako at humingi nang pumanhin. Nalibang pa kami kasi sa kuwentuhan. Ang dami ko kasing tanong sa kanila hanggang sa humaba. Bago ako bumaba sa kama ay nag-usal muna ako nang panalingin. Kaagad naligo din ako at tinuyo ang mahabang buhok pagkuwa’y tinirintas iyon. Pagbaba ko sa kusina ay nagluluto ang dalawa pang kasambahay kaya tumulong na ako. Mamaya ko pa naman gigisingin ang dalawa kapag handa na ang almusal. Parehas na panghapon naman si Jade at Jamilla. Nasa Grade 3 na si Jade at Grade 1 naman si Jamilla. Nagtimpla muna ako ng kape bago tumulong. Dalawa naman na sila pero nakakahiyang hindi tumulong. Isa ang nakatoka sa kusina, at isa naman ang naglilinis ng bahay, kaya kung tutusin hindi naman gano’n kabigat ang mga gawain nila. No’ng wala pa ako. Salitan sila nang bantay sa dalawa. Pero hindi nila nakaya dahil makuku
RUTH’S POV HINDI naman ako nahirapan sa dalawa dahil masunurin naman sila sa akin. Ang buong akala ko nga mahihirapan ako gaya nang sinabi sa akin noong una ng mga kasamahan ko sa bahay. Araw ng Sabado noon, walang pasok kaya hinayaan ko nang late na nagising ang dalawa. Ako na lang din ang nagluto para sa kanila dahil magkatulong ang dalawang kasamabahay sa paglilinis ng pool. Balak kasing mag-swimming daw ng dalawa. Nasabi ko naman na kay Sir Kyrie kaya ang sabi ipalinis muna. Nagbabasa ako noon ng mga chat ni Sir Kyrie nang makita ko si Sir Benrick na papasok ng kusina. Kakatapos ko lang mag-ayos sa mesa ng pagkain ng dalawa. Tinakpan ko nga muna dahil tulog pa naman sila. “Good morning, Ruth,” masayang bati sa akin ni Sir Ben. “Magandang araw din po. Kape po gusto niyo?” Saglit na natigilan si Sir Benrick. “I-ipagtitimpla mo ako ng kape?” tanong niya. Ngumiti ako pagkuwa’y tumango. “Ayaw niyo po ba ng kape?” “I love coffee, Ruth. Sige, igawa mo ako.” Mabilis na naupo siya
RUTH’S POV MAINGAT na inilapag ko ang cellphone ni Jade sa mesa niya pagkuwa’y naglakad na papuntang pintuan. Pero hindi pa ako nakakarating nang biglang pumasok si Jade. “Tita Ruth, aalis na po si Ninong! Nakakatampo siya! Sabi niya po dito siya mag-stay while Daddy is away!” Awang lang ng labi ang nagawa ko habang sinusundan siya nang tingin na pasampa sa kama. Mayamaya lang ay nagtalukbong siya at doon na umiyak. “Jade.” Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang boses na iyon ni Sir Benrick. “I’m sorry, umiiyak siya dahil sa akin,” ani ni Sir Ben. Naglakad siya kapagkuwan papalapit sa kama. Narinig ni Jade ang boses ni Sir Benrick kaya napaupo siya. “I hate you, Ninong! Sabi mo sasamahan mo kami dito para hindi kami malungkot. Pero bakit aalis ka?” “Hey, dadalaw naman si Ninong lagi. Kailangan lang kasi si Ninong sa bahay. Naalala mo ang kinuwento ko sa ‘yo na mga pamangkin ko? They need me.” Alam kong nagsisinungaling si Sir Benrick para lang makumbinsi si Jade na kaila
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth