Share

Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)
Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)
Author: Apratyashita Thakur

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2021-06-30 21:12:14

Aurora’s POV

Isang malalim at mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko itulak ang pintuang gawa sa salamin.

“Miss Aurora, maupo po kayo. Mga ilang minuto ay nandito na po si Dr. Dixon upang samahan kayo,’’ sabi ng matangkad, at payat na assistant at saka ako iniwanan na nag-iisa.

Tumibok ang puso ko na halos tila lalabas na sa aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng upuan, habang pinag-aaralan ang mga nasa paligid ko, para libangin ang aking sarili.

Ang lugar ay sadyang mala-gynecologist’s cabin na siya namang dapat talaga; jet white walls na may mga tsart mula sa iba’t ibang stages ng mga sanggol at fetus. Isang partikular na imahe ng isang sanggol ang nakakuha ng aking atensyon.

Noon pa man ay gustong-gusto ko na ang mga sanggol ngunit pagkatapos ng pagtataksil ni Leonard, lumayo ako sa anumang seryosong mga relasyon.

“Ah, Ms. Aurora…. sakto lamang ang pagdating mo, nakita din kita. Andito na po ang inyong mga reports,’’ isang malambing ngunit matigas na boses sa kwarto ang pumukaw ng aking atensyon.

Inikot ko ang aking ulo sa direksyon ng boses upang makita ang nakatayo at nakangiting kaakit-akit at masigla na doktor.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nanginginig ang boses kong itinanong, “At…”

Bumuo ng isang manipis na linya ang labi niya at sinabi sa isang mabait na tono, “You are indeed pregnant.’’

Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng kidlat. Ang boses ko ay nanghina nang sabihin kong, “Paano… paano to naging posible? I’m on my pills!’’

“Ang pills ay hindi fail-proof, Aurora.’’

“Sigurado po ba kayong walang naging pagkakamali?’’

“Nasa akin lahat ng mga reports. Maari mong tignan para sa kapakanan mo,’’ sabi ng doctor at iniabot sa akin ang isang kulay asul na file.

Binuklat ko lahat ng pahina ng file at binasa ito nang mabilisan hangga’t kaya ko. Ang aking puso ay parang mahuhulog na nang makita ko ang salitang, ‘POSITIVE’ na nakalimbag sa resulta. Matagal ko itong tinitigan na para bang magbabago ito na parang isang mahika.

“You are still in the early stage of pregnancy. May panahon ka pa para pumili. Inumumungkahi ko na pag-isipan mo ito nang maigi at bumalik ka dito sa susunod na Biyernes,’’ wika ni Ms. Dixon nang may paninigurado.

Tumango ako at tumakbo palabas ng lugar, nang walang masabi. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko na sana si Micheal nang biglang may kung anong nagwisik sa mukha ko.

“What the hell!’’ ani ko sabay harang ng mukha ko gamit ‘yong file na hawak ko. Isang masangsang na amoy ang sumusugod sa aking ilong at nagsimula akong makaramdam ng pagkahilo.

Pinunasan ang kahalumigmigan sa aking mukha, dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata ngunit naging malabo ang aking paningin. Ang file sa aking kamay ay dumulas sa lupa at umindayog ang aking katawan. Hinawakan ko ang kalapit na upuan para sa suportahan ang sarili ko sa pagkatumba ngunit mas tumindi ang aking pagkahilo, at bago ko pa malaman, ay nahimatay na ako.

Nang magising ako natagpuan ko ang aking sarili sa isang marangyang silid-tulugan; malambot na kutson, napakagandang kuwadro, dressing table. Mukha itong isang suite sa isang five-star hotel kumpara sa isang ordinaryong silid-tulugan.

Lumaktaw ang aking puso nang maalala ko ang nangyari. Paano ako napunta dito? Hindi ba’t nahimatay ako?

Tumalon ako mula sa aking kinaroroonan, at maiging tumingin sa paligid. Bumilis ang pintig ng puso ko habang ibinabaling ko ang aking paningin sa doorknob. Napabuntong-hininga ako nang maluwag nang bumukas ito.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang medyo mahaba-habang koridor. Mayroong maraming mga silid sa kaliwang bahagi ng pasilyo habang ang kanang bahagi ay naharangan ng kahoy. Aking tinatanaw ang mahabang koridor, ay mayroong isang malaking bulwagan. Plush couches, makapal na mga alpombra, mga antigong likhang sining, at kahanga-hangang mga chandelier.

Naglakad ako sa may pasilyo na parang wala sa sarili, bawat bahagi ng mansion ay sumisigaw ng kadakilaan.

Ang aking mga hakbang ay napahinto sa harap ng isang silid nang makarinig ako ng mga boses.

‘’Oras na upang malaman ko kung paano ako umabot dito,’’ bulong ko habang papasok sa silid.

Dalawang lalaki ang nag-uusap, animatedly. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kanilang mga likod dahil nakatalikod sila habang lumalapit sa akin. Pareho sila ng taas at postura. Ang tanging pagkakaiba lang nila ay ang kulay ng kanilang mga buhok, ang isa sa kanila ay may itim na buhok samantala, ‘yong isa naman ay copper-brown ang kulay ng kanyang buhok.

Napasinghap ako nang may biglang malakas na pwersa ang tumulak sa akin sa may pader. Ang lalaking may kulay na copper-brown na buhok ay ikinulong ako sa pagitan ng niya at ng pader. Namumula ang kanyang mga mata at humihinga siya ng napakabigat.

Nanigas ako habang lunod sa kanyang hitsura, high cheekbone, fair complexion, cherry red lips, at sa kanyang dark brown na mga mata.

Ang kanyang mukha ay halos perpekto maliban sa malalim na peklat malapit sa kanyang kaliwang mata, na syang nagdagdag lamang ng takot sa kanyang mukha, mas lalo tuloy siyang nakakatakot kung tignan. Pero hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko nakita ko na dati ang peklat na iyon sa kung saan..

“Gusto mo bang mamatay, babae?’’ nakakatakot niyang sambit, kinilabutan ako sa malamig na boses niya. Ibinuka ko ang mga bibig ko upang magsalita pero tila naubusan ata ako ng boses. Hindi ko magawang magsalita.

“Hindi mo ba alam na ang paninilip ay hahatulan ng kamatayan?’’

“Ako… hindi ako naninilip… Naglalakad lang naman ako sa koridor at nagpunta dito upang magtanong kung paano ako napadpad dito,’’ pagpapaliwanag ko.

Nagsilabasan ang mga ugat nya sa mukha at sinakal ako, ‘’ Akala mo ba tanga ako? Nagsabi ka naman sana nang isang kapanipaniwalang rason.’’

Kumalas ng kaunti ang mga kamay niya at agad ko naman binuksan ang aking bibig, pilit na nangangapa ng hangin.

‘’ Bakit mo ginawa iyon, Aslan? Sa palagay ko mas maigi kung mahinahon mo na lamang na inilibot ang estrangherong iyon dito sa tahanan.’’

“Hindi siya, estranghero, Tyson. Nakakalimutan mo na ba kung sino siya?’’

“Damn, Tyson! Pwede ba maging reasonable ka naman kahit minsan. Diyos ko, dinadala niya ang anak mo!’’

Kinilabutan ako sa takot. Ngayon alam ko na kung saan ko nakita ang peklat na iyon. Ang lalaking ito ang kasama ko noong gabing iyon sa Nyla sa panahong naglasing ako. Hindi ako magaling pagdating sa inuman ngunit pinilit ako ni Erica na uminom.

Napaka-tipsy ko na, wala na din akong ni anumang naalala matapos ang araw na iyon. Kung magagawa ko mang lumabas dito ng buhay, papatayin ko ang babaeng iyon sa paglagay niya sa akin sa ganitong sitwasyon.

Bigla niya na lamang akong bintitawan na naging sanhi ng pagkatumba ko. Pinanuod ko siya ng may takot nang hilain niya si Aslan mula sa kan’yang leeg. Nagliliyab ang mga daliri niya sa palibot ng leeg ni Aslan.

Napasigaw siya sa sakit at ilang sandali lamang ay hinagis niya ito sa may pader. Nangyari ang lahat ng napakabilis na hindi ko man lang namalayan lahat ng nangyayari. Gumagalaw sila sa loob ng kwarto na mas mabilis pa sa kidlat kung mag-away.

‘’Makinig ka sa akin ng mabuti, Tyson. Hindi natin siya maaring iwan na mag-isa. Mapanaganib!” sambit ni Aslan nang nagawa niya itong itulak sa pader.

Tinitigan siya ni Tyson ng matagal habang tinutulak siya papalayo, at tila nagkaroon na ng bagyo sa loob ng kwarto. Maya’t maya pa ay tumakbo si Aslan papalapit sa kan’ya habang sinasambit ang kan’yang pangalan.

Sumasakit na ang aking ulo at umiikot ang paningin ko habang ginugunita kung ano bang nangyayari sa paligid. Nabuntis ako ng isang psycho. At ang kan’yang kuya ay gusto akong manatili dito dahil delikado na hayaan akong mag-isa.

Pero sa tingin ko mas mapanganib pa ata ang nakikita ko sa dalawang ito. Hindi ako pwedeng manatili pa sa magulong lugar na ito.

Nanginginig ang mga daliri ko habang sinusubukan kong kontakin si Micheal. At nang sagutin niya ang tawag ko, agad naman akong humingi ng tulong, “Micheal, hanapin mo ako, bilisan mo… Ilabas moa ko dito… Ang mga lalaking ito… mga abnormal sila. Hindi ko alam kung ano ba sila… Pero nakitang kong nagliliyab ang kamay ni Tyson… at siya ay…’’

“Makinig ka sa akin, Aurora. Manatili ka lang sa kinaroroonan mo. Pupuntahan at ilalabas kita diyaan, naiintindihan mo?’’ Ang kalmado niyang boses mula sa telepono ang siyang naging dahilan para kumalma muli ako.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at sinabing, “Okay, pero bilisan mo ang pagpunta, Micheal. Natatakot ako.’’

“Papunta na ako diyan, mahal,’’ sabi niya at pinatay ang tawag.

Ang tanging kailangan kong gawin ay hintayin siyang dumating, at sa oras na iyon, makakaalis na ako sa lugar na ito, hindi ba?

Related chapters

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 2

    TYSON’S POVMas lalong pahirap ng pahirap ang pagkontrol ko ng galit. Mismong sarili kong kapatid ay niloko ako. Pinakamalala pa ay sinusubukan niyang kausapin ang babaeng iyon, na s’yang responsable sa lahat ng ito.At kung magpapatuloy pa ito, maaring hindi ko na makokontrol ang pagbabagong-anyo ko. Kailangan kong umalis bago ko pa mapatay ang sarili kong kapatid.Itinulak ko si Aslan papalayo at nagmadali akong nagpunta sa may underground chamber. Pinipilit ang sarili na mangapa ng hangin.Naupo ako sa isang kulay berde, at magarbong trono, gawa ito sa purong Jadite. Dahil ito ang birthstone ko, nagagawa nitong pakalmahin ako.Mga ilang minuto pa ay dumating si Aslan. Pagkakita niya sa akin na nakaupo sa trono ay huminto siya sa harapan ko at tumayo na nakayuko ang ulo.Ako ang hari ng Fire Dragons. At ang kanyang ginawa ay ang bigyan ako lamang ako ng respeto. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso a

    Last Updated : 2021-06-30
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 3

    AURORA’S POVNakahiga lamang sa kama, patuloy lamang ako sa pagmumuni-muni sa blankong lugar na ito. Paano ba ako nadawit sa gulong ito?Napakataas ng ego ni Tyson, isang cold-blooded killer. Ni hindi nga siya kinilabutan nang dumating ang mga pulis. May duda ako na iniutos ni Tyson na patayin ang mga taong dumating kanina.Minasahe ko ang aking ulo habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang mga nangyayari. At bakit bigla na lamang siyang umalis na parang wala sa matino nitong pag-iisip.May pakiramdam akong kokontakin ni Micheal ang lahat ng kaibigan ko sa Texas. Walang sinumang hahanap sa akin at hindi ko din magagawang tumawag ng kahit sino. Sa madaling salita, wala na talagang pag-asa.Bumukas ang pinto na siyang humila sa akin pabalik mula sa malalim na pag-iisip ko. ‘’ Dinalhan kita ng pagkain,’’ sabi ni Aslan nang siya ay pumasok.“Ayaw kong kumain ng kahit ano…&rsqu

    Last Updated : 2021-06-30
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 4

    ASLAN’S POVNakita ko si Tyson na tinabunan na ng mga papeles nang pumasok ako paloob sa cabin. Ang mukha niya ay nagpinta ng pag-aalala.“May problema ba, kapatid?’’ tanong ko.“Ang bilang ng mga werewolves sa lungsod ay tumaas nan ang husto. At may ilang mga pag-atake na din.”“Hindi ba’t pumirma na tayo ng kasunduan ng kapayapaan sa kanila? Ano pa bang napakahalagang bagay at handa silang ipagsapalaran ang kanilang buhay?’’“Sa palagay ko alam ko kung ano ang hinahabol nila ... Tingnan mo ito ...’’ sabi niya at inabot sa akin ang isang file na kulay berde.Kumunot ang mga kilay ko nang tanungin kong, “Bakit mo sinusuri muli ang profile ni Lina?Huwag mong sabihin na iniisip mong isa siyang traydor? Napaparanoid ka na ba?’’“Sigurado akong isa siyang traydor. Dahil siya ang taong nag-tip sa mga wer

    Last Updated : 2021-06-30
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 5

    AURORA’S POVNagising ako sa isang kakaibang tunog. Medyo natagalan ako bago ko mapagtanto na ito ay walang tigil na pag-uusap. May pinag-uusapan sila. Medyo mainit ang pakiramdam ko at komportable ngunit hindi ko nais na buksan ang aking mga mata. Ang pagkasindak at pagkabalisa na nararamdaman ko nitong nakaraang linggo ay nawala. Bukas sarado ako sa mga mata ko para lang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila.Maya’t maya pa ay isang mainit at mabibigat na paghinga mula sa may mukha ko ang siyang gumulat sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Napanganga na lamang ako nang may isang pares ng napakagandang mga mata ang sumalubong sa paningin ko, matang kailan ma’y di ko nakita, kulay abo na may halong kulay gintong guhit.Niyuko niya ang ulo niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang matalim na ngipin mula sa labi niya ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan. Tinulak ko siya at tumayo, pero sa huli napagtanto ko

    Last Updated : 2021-06-30
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 6

    ASLAN’S POVSa mga lumipas na oras ay nababaliw na ako sa kakahanap kay Aurora At naiinis ako nang makita ko si Tyson na kalmado lang na humihigop sakanyang inumin.“Hindi ka man lang ba nag-aalala, kapatid? Kahit hindi ka nag-aalala kay Aurora, mag-alala ka man lang sana sa anak MO!’’Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpalabas ng hangin mula sa kanyang ilong at sinabing, “Relax ka lang kuya, mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon.’’“Hindi pwedeng ganito na lamang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko sana pinagkatiwalaan si Lina. Hindi ako magpapahinga hangga’t di siya nahahanap.’’“Gusto mong pagurin ang sarili mo, sige gawin mo, kuya…’’ sabi niya nang nakangisi at tinuon muli ang pansin sa iniinom.Nagpakawala ako ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Nagagawa niya pang mag-relax habang

    Last Updated : 2021-07-27
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 7

    AURORA’S POVUmupo ako sa may dulo ng upuan at mahigpit ko itong hinawakan. Pinipilit kong pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero wala ding kabuluhan. Lahat ng mga sinabi ni Tyson ay patuloy kong naririnig sa tainga ko. Punong-puno siya ng labis na galit. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, anumang oras, mas pipiliin ko si Caleb kaysa kay Tyson.Ano naman kung siya ang leader ng mga mafia, napakabait naman niya sa akin.“Iniisip mo ba ang kapatid ko, tama ba?’’ isang malambing na boses ang narinig ko sa paligid ko na siyang naging dahilan ng pagkalundag ko mula sa kinatatayuan ko.Itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang napakagandang babae. Lahat sa kanya ay perpekto, malalim at asul na mga mata, mala-cherry sa pula ang mga labi niya, at may isang perpektong pustura ng katawan.Bahagyang namula ang kanyang mukha at sinabi niya, “Salamat sa iyong mataas na papuri sa aki

    Last Updated : 2021-07-28
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 8

    Caleb’s POVAbala ako sa pagtingin ng mga papeles nang makaramdam ako ng biglaang pag-iba ng kapaligiran. Napakatahimik ata at nakakabingi sa tainga sa sobrang tahimik.Napaisip ako at sinuri ko ang kuha ng CCTV. Natigilan ako nang makita ko na halos walang laman ang karamihan sa aking lungga. Samantalang halos bahain na iyon sa dami ng tao ko na ngayo’y halos wala na.Sa likas na hilig, inilabas ko ang mga baril ko at nag-patrol ako sa may quarters. Ilan sa mga natirang tao ko ay mula sa mababang ranggo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba. Nagtungo ako sa conference room at maging ito ay blanko maliban kay Lina.“Lina, saan nagpunta ang iba?’’ tawag ko sa kanya nang pumasok ako.“Alpha Caleb. What a pleasant surprise!’’ matamis na sabi ni Lina at saka lumapit sa akin.Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Ano na naman ang pinaggagawa niya?Itinutok ko ang bari

    Last Updated : 2021-07-29
  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 9

    ASLAN’S POV Naglalakad ako malapit sa likod nina Tyson at Aurora nang harangan ako ng di ko makitang harang. Lumingon sa akin si Tyson at saka ngumisi sa akin, maya’t maya pa ay biglang naglaho ang harang.“Ano iyon?’’ tanong ko habang sinusundan siya.“Mayroon akong isang napakalakas na witch na naglagay ng isang spell sa paligid ng palasyo na ito. Lahat ng harang ay nakaugnay sa akin. Kaya naman, walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng wala sa aking kahilingan.’’“Ibig sabihin ba niyan binibihag mo kami?’’ hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Huwag mong sayangin ang iyong oras sa hindi naman kinakailangang mga detalye. May mga pagsubok pa tayong dapat paghandaan,’’ sabi ni Tyson at nauna ng naglakad sa harapan namin.Nagnakaw naman ako ng patagilid na tingin kay Aurora. Namumutla ang kanyang mukha at medyo

    Last Updated : 2021-07-30

Latest chapter

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 48

    AURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 47

    AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 46

    TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 45

    AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 44

    AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 43

    TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 42

    CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 41

    ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 40

    ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”

DMCA.com Protection Status