Translated by BELLE CASSY Magsisimulang bumaligtad ang mundo ni Aurora nang makulong siya sa gitna ng isang hindi naman niya ninais na pagbubuntis at ang makipagsapalaran para lang sa‘Heart of Magic.’ Mga , werewolves at witches; lahat ay tumataya para lamang sa isang bitag, ang tuksuhin at gamitin si Aurora upang makuha ang kakaisang bato. Paano mapoprotektahan ni Aurora ang kanyang sarili at ang kan’yang dinadala mula sa mga nilalang na nagugutom lamang sa kapangyarihan? Kanino siya papanig: sa mga makapangyarihang , mabangis na werewolves, o sa mga tuso na mangkukulam o pipiliin niya bang maging mapag-isa?
View MoreAURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg
AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy
TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman
AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso
AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa
TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan
CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O
ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib
ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”
Aurora’s POVIsang malalim at mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko itulak ang pintuang gawa sa salamin.“Miss Aurora, maupo po kayo. Mga ilang minuto ay nandito na po si Dr. Dixon upang samahan kayo,’’ sabi ng matangkad, at payat na assistant at saka ako iniwanan na nag-iisa.Tumibok ang puso ko na halos tila lalabas na sa aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng upuan, habang pinag-aaralan ang mga nasa paligid ko, para libangin ang aking sarili.Ang lugar ay sadyang mala-gynecologist’s cabin na siya namang dapat talaga; jet white walls na may mga tsart mula sa iba’t ibang stages ng mga sanggol at fetus. Isang partikular na imahe ng isang sanggol ang nakakuha ng aking atensyon.Noon pa man ay gustong-gusto ko na ang mga sanggol ngunit pagkatapos ng pagtataksil ni Leonard, lumayo ako sa anumang seryosong mga relasyon.“Ah, Ms. Aurora…. sakto lamang ang pagdating mo,
Comments