Share

CHAPTER 3

Author: Apratyashita Thakur
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

AURORA’S POV

Nakahiga lamang sa kama, patuloy lamang ako sa pagmumuni-muni sa blankong lugar na ito. Paano ba ako nadawit sa gulong ito?

Napakataas ng ego ni Tyson, isang cold-blooded killer. Ni hindi nga siya kinilabutan nang dumating ang mga pulis. May duda ako na iniutos ni Tyson na patayin ang mga taong dumating kanina.

Minasahe ko ang aking ulo habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang mga nangyayari. At bakit bigla na lamang siyang umalis na parang wala sa matino nitong pag-iisip.

May pakiramdam akong kokontakin ni Micheal ang lahat ng kaibigan ko sa Texas. Walang sinumang hahanap sa akin at hindi ko din magagawang tumawag ng kahit sino. Sa madaling salita, wala na talagang pag-asa.

Bumukas ang pinto na siyang humila sa akin pabalik mula sa malalim na pag-iisip ko. ‘’ Dinalhan kita ng pagkain,’’ sabi ni Aslan nang siya ay pumasok.

“Ayaw kong kumain ng kahit ano…’’ sabi ko at itunoun ang paningin sa sahig. Baliw siya upang isipin na magagawa ko pa ding kumain matapos lahat ng nangyari ngayon.

Binalewala niya ang mga sinabi ko at ibinaba ang plato sa may harapan ko, “Kailangan ng sanggol mo ng nutrisyon,’’ sabi niya.

Dahan-dahang kong sinubukang itulak ito palayo sa akin ngunit patuloy niya itong inilalapit sa akin. At sa bandang huli ay kumawala ako ng malalim na paghinga at tinulak ng malakas ang plato.

Hindi niya inaasahan na magagawa kong lakasan ang pagtulak. Napatalikod ang plato at nadumihan ang kanyang damit.

“Damn, bakit ba napakahirap mong suyuin,’’ sigaw niya habang pinupunasan ang kanyang damit.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sumigaw nang sinlakas ng pagsigaw niya, “Hindi ako sanay na pinapanood ang mga pagpatay sa tao bilang isang libangan. May ideya ka ba kung anong nararamdaman ko ngayon?’’

Ang mukha niya ay naging blanko, “Hindi ka nga kakain…’’ seryosong sabi niya.

‘Hindi.’

“Sige! Pinilit mo akong gawin ito,’’ sabi niya at naglabas siya ng isang hiringgilya sa kanyang bulsa .Takot akong pinapanuod siya habang kinukuhanan niya ng dugo ang sarili niya.

Hinila niya na lamang ang kamay ko nang walang pasabi, at tinurok sa akin ang dugo niya at sinabing, “Ang dugo ko ay sapat na upang panatilihin kang buhay ng mga isang linggo. Tignan natin kung magbabago pa ang isip mo.’’

Matapos no’n ay agad siyang naglaho palabas ng kwarto at kinandado ang pinto mula sa likod nito. Napakabilis ng nangyari at wala man lang akong nagawa rito.

************

Nagising ako na lunod sa malamig na pawis. Nagpakawala ako ng mahabang hininga habang pinapakalma ang takot na puso ko. Ang bangungot na iyon ulit...

Tumingin ako sa may bintana at napagtanto na mayroon na palang araw.  Walang dumating upang suriin ako nitong mga nakaraang tatlong araw. Nakaramdam na ako ng kirot ng pagkagutom pero hindi ako nanghihina. Sadya ngang malakas ang dugo ni Aslan.

Pagsisisi at kalungkutan ang siyang nagpapabigat sa akin, paunti-unti man pero sigurado akong mas lalala pa ito pagdating sa dulo. Wala akong ideya kung hanggang kailan ko kayang tiisin ito. Gusto kong kumausap ng tao, kahit pa si Aslan lang.

Nagbukas ang pinto at isang babae ang pumasok na may dala-dalang pagkain. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko kung sino siya.

“Ikaw yung babaeng pumatay sa pulis…’’

“Pinatay ko siya kasi kinakailangan. Walang sinumang makakaalis ng buhay dito ang sinumang lumaban kay Tyson. Kung mauunawaan mo iyon ng mas maaga, mas makakabuti iyon sa’yo,’’sabi niya at ibinaba ang plato.

Tumunog at tila umiikot ang sikmura ko habang ang ilong ko ay nakikiliti sa nakakaakit na aroma mula sa pagkain Natutukso akong kumain pero pinipigilan ko.

“Kunin mo na, Aurora. Kailangan mong kumain,’’ sabi niya.

“Hindi na, tinurukan ako ni Aslan ng ilan sa dugo niya,’’ sagot ko.

“Tanga ka ba, Aurora. Ang dugo niya ay kaya lamang palakasin ang bata, pero ang kakulangan ng pagkain ang siyang magpapahina sa’yo.’’

Hindi na dapat ako magulat pa kung ang bata lamang ang siyang inaalala nila.

“Anong mangyayari matapos kong ipanganak ang batang ito?” napaisip ako ng malalim.

“Papatayin ka. Hindi gusto ni Tyson na nagkakaroon ng magiging kahinaan niya.’’

 Isang matinding takot ang nangibabaw sa akin sa mga sinabi niya. Alam ko man iyon sa sarili ko, pero iba pa rin kapag narinig muna ito na sinasabi sa’yo.

“May paraan ba para makatakas sa lugar na ito?’’

“Meron… pero...’’

“Pero, ano?’’

“Kailangan mo akong pagkatiwalaan…’’

Tumingin ako sa mga mata niya pero wala itong kahit anumang emosyon, ang mukha niya ay isang blankong maskara. Hindi mo masasabi kung siya ba ay isang kaibigan o isang kaaway. Sa bandang huli, ay pumayag ako. Siya ang pinakamalaki kong pusta sa ngayon.

Makalipas ng tatlong araw…

Iniunat ko ang aking mga braso at pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga habang ang sariwang hangin ay sumasampal sa mukha ko. Napakasarap sa pakiramdam nang maging malaya pagkatapos ng napakatagal na panahon.

“Hindi ako makapaniwala na papayagan ako ni Aslan na magpunta dito sa hardin upang maglakad-lakad,’’ bulong ko habang nilalaro ng mga paa ko ang mga damo.

“Kinailangan ko pa din ng kaunti lang naman na pagpupumilit para siya ay mapapayag ko lamang. At isa pa, tiwala naman siya sa seguridad na meron sila na alam niyang hindi matitibag.

Pero tama siya. Dahil ang seguridad ang siyang nangunguna sa lahat; electrical fencing, CCTV cmga kamera, at dose-dosenang mga gwardya na nagpapatrol sa gabi at araw. Isang tanga lamang ang siyang magtatangkang tumakas dito.

Huminto si Lina sa harapan ng oak tree. Ngumiti siya sa akin sabay sabing, “Handa ka na bang tumakas?”

“Ano? Gusto mo bang mamatay, hindi mo ba nakikita ang dami ng bilang ng mga gwardya?’’ sagot ko.

“Huwag ka nang magpaka-nene di’yaan. Basta, halika na lang dito,’’ sabi niya at kinaladkad ako sa likod ng puno.

Pinigilan ko ang tawa ko nang bigla siyang naglabas ng isang malaking tanso na susi at isinuksok iyon sa isang parte ng puno. At nagulat ako nang biglang may pintong bumukas at bumungad ang isang parang mala-elevator mula sa puno.

‘Wow, napakagaling nito. Wala ito sa mga inaasahan ko.’’ 

“Kanina ko pa ito pinag-aaralan, huwag kang sumigaw, mapapansin tayo ng iba,’’ pagbabala niya habang pinipindot ang isang pindutan. Isang biglaang paghinga ang kumalas sa bibig ko nang bigla na lang bumagsak ang elevator. Ilang sandali pa lamang ay huminto ito upang lumipat sa kanan. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Kung hindi niya pa ako binalaan baka sumigaw na ako. At nang guamaan na ang pakiramdam ko ay niyakap ko siya.

‘It’s okay, hun… Makakawala ka na dito sa madaling panahon,’’ sabi niya at umatras palayo.

Bumukas ang pinto sa isang garahe. Nagtungo kami sa pinakamalapit na kotse at lumabas. Di nagtagal ay nasa highway na rin kami.

“Hindi ako makapaniwala na makakauwi akong muli. You are my knight and shining armor,’’ sabi ko sabay labas ng ulo ko sa bintana.

Ang sarap ng pakiramdam ko na makalayang muli. Lahat ay tila mas maliwanag. Pati ang tubig na iniinom ko ay tila mas maginhawa.

ng bang lahat ng bahagi ng aking katawan ay sabik na sabik na hawakan siya. At bago ko pa malaman ay hawak-hawak ko na siya. Isang alon ng kasiyaan ang dumaloy sa akin sa oras na magtama ang aming mga katawan.

Binuhat ko siya sa aking trono at ini-upo ko siya sa aking kandungan.

“Walang anuman,’’ ang nanunuyang boses mula sa kapatid kong si Lina ang nagbalik sa akin sa realidad. Gusto kong itapon ang babae mula sa aking mga kamay pero iyon ay imposible. Kaya ibinaling ko na lamang ang paningin ko sa aking kapatid. “Ako ang iyong Alpha at ikaw ay nakatadhanang gawin ang aking nais.’’

“Hindi mo ba magawang maging magalang man lang kahit minsan lang?” 

“Touché, kapatid. Sa palagay ko ang pananatili mo sa mga flamers na iyon ang nagpapahina sa’yo.’’

“Natutunan ko ang isang bagong antas ng kalupitan. Siguradong ipagmamalaki moa ko.’’

Halos lumubog ang puso ko sa sinabi niya, sigurado akong hindi maganda ang kahihinatnan nito, “Bakit, ano ang ginawa mo?”

Huminga siya ng malalim, “Pinapatay nila sa akin si Connor,’’ sagot niya.

Ang mga pangil ko ay tila humahaba habang ang dugo ko ay kumukulo, “M****R F*****S! Pagbabayarin natin sila sa ginawa nila.’’

Tumango lamang si Lina at nagtungo agad sa kanyang kwarto at bakas sa mukha niya ang pagiging dismayado. Kung sabagay, si Connor ay parang tagapagturo niya na din.

“Alpha, ang mga kalalakihan natin ay naghihintay na sa iyo para sa mga diskarteng dapat nating gawin,’’ sabi ng aking beta, si Adrian, nang siya ay pumasok.

Lahat ng werewolves ay nagtapon sa akin ng kakaibang mga tingin nang makita nilang kandong-kandong ko si Aurora pero ni isa sa kanila ay hindi nagsalita. Nang sandaling umupo na ako sa may ibabaw ng lamesa, ay nagsimula nang magpresenta si Adrian.

“Aatakihin natin ang mga flamers sa Biyernes, kung kailan ang mga kapangyarihan nila ay mahina. Si Loren naman ay sasalakayin ang kanilang pabrika ng mga armas at sisirain ito. Si Mori naman ang siyang bahala sa istasyon ng kuryente habang ako naman ang bahala sa mga batalyon at sasalakayin ko ang mansyon. Salamat kay Lina dahil nalaman natin lahat ng kailangan nating malaman mula sa loob.’’

“Hmmm… ginawa niya ng maayos ang kanyang trabaho…’’

“Ang pinaka-importanteng kredito dito ay nasa sa iyo, Alpha. Kung hindi mo ipinadala si Connor, hindi siya magkakaroon ng dahilan para pagkatiwalaan siya.’’

“Para sa isang mataas na layunin ay kailangan ng isang sakripisyo. At ipaghihiganti natin ang pagkamatay niya sa pamamagitan ng pagpatay sa mga flamers na iyon.’’

“Umalis na ang mga tao ko matapos ang pagpupulong, at iniwan akong mag-isa kasama si Aurora.

Napakaganda niyang titigan habang natutulog at hindi ko mapigilan ang aking sarili. Iniyuko ko ang ulo ko at akmang hahalikan ko sana siya ng bigla bumukas ang mga mata niya.

Ang mga asul niyang mata ang siyang pinakamagandang nakita ko. Ang puso ko ay tila nagiging kabuti nang maligaw ako sa mga ito…

Related chapters

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 4

    ASLAN’S POVNakita ko si Tyson na tinabunan na ng mga papeles nang pumasok ako paloob sa cabin. Ang mukha niya ay nagpinta ng pag-aalala.“May problema ba, kapatid?’’ tanong ko.“Ang bilang ng mga werewolves sa lungsod ay tumaas nan ang husto. At may ilang mga pag-atake na din.”“Hindi ba’t pumirma na tayo ng kasunduan ng kapayapaan sa kanila? Ano pa bang napakahalagang bagay at handa silang ipagsapalaran ang kanilang buhay?’’“Sa palagay ko alam ko kung ano ang hinahabol nila ... Tingnan mo ito ...’’ sabi niya at inabot sa akin ang isang file na kulay berde.Kumunot ang mga kilay ko nang tanungin kong, “Bakit mo sinusuri muli ang profile ni Lina?Huwag mong sabihin na iniisip mong isa siyang traydor? Napaparanoid ka na ba?’’“Sigurado akong isa siyang traydor. Dahil siya ang taong nag-tip sa mga wer

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 5

    AURORA’S POVNagising ako sa isang kakaibang tunog. Medyo natagalan ako bago ko mapagtanto na ito ay walang tigil na pag-uusap. May pinag-uusapan sila. Medyo mainit ang pakiramdam ko at komportable ngunit hindi ko nais na buksan ang aking mga mata. Ang pagkasindak at pagkabalisa na nararamdaman ko nitong nakaraang linggo ay nawala. Bukas sarado ako sa mga mata ko para lang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila.Maya’t maya pa ay isang mainit at mabibigat na paghinga mula sa may mukha ko ang siyang gumulat sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Napanganga na lamang ako nang may isang pares ng napakagandang mga mata ang sumalubong sa paningin ko, matang kailan ma’y di ko nakita, kulay abo na may halong kulay gintong guhit.Niyuko niya ang ulo niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang matalim na ngipin mula sa labi niya ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan. Tinulak ko siya at tumayo, pero sa huli napagtanto ko

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 6

    ASLAN’S POVSa mga lumipas na oras ay nababaliw na ako sa kakahanap kay Aurora At naiinis ako nang makita ko si Tyson na kalmado lang na humihigop sakanyang inumin.“Hindi ka man lang ba nag-aalala, kapatid? Kahit hindi ka nag-aalala kay Aurora, mag-alala ka man lang sana sa anak MO!’’Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpalabas ng hangin mula sa kanyang ilong at sinabing, “Relax ka lang kuya, mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon.’’“Hindi pwedeng ganito na lamang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko sana pinagkatiwalaan si Lina. Hindi ako magpapahinga hangga’t di siya nahahanap.’’“Gusto mong pagurin ang sarili mo, sige gawin mo, kuya…’’ sabi niya nang nakangisi at tinuon muli ang pansin sa iniinom.Nagpakawala ako ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Nagagawa niya pang mag-relax habang

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 7

    AURORA’S POVUmupo ako sa may dulo ng upuan at mahigpit ko itong hinawakan. Pinipilit kong pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero wala ding kabuluhan. Lahat ng mga sinabi ni Tyson ay patuloy kong naririnig sa tainga ko. Punong-puno siya ng labis na galit. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, anumang oras, mas pipiliin ko si Caleb kaysa kay Tyson.Ano naman kung siya ang leader ng mga mafia, napakabait naman niya sa akin.“Iniisip mo ba ang kapatid ko, tama ba?’’ isang malambing na boses ang narinig ko sa paligid ko na siyang naging dahilan ng pagkalundag ko mula sa kinatatayuan ko.Itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang napakagandang babae. Lahat sa kanya ay perpekto, malalim at asul na mga mata, mala-cherry sa pula ang mga labi niya, at may isang perpektong pustura ng katawan.Bahagyang namula ang kanyang mukha at sinabi niya, “Salamat sa iyong mataas na papuri sa aki

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 8

    Caleb’s POVAbala ako sa pagtingin ng mga papeles nang makaramdam ako ng biglaang pag-iba ng kapaligiran. Napakatahimik ata at nakakabingi sa tainga sa sobrang tahimik.Napaisip ako at sinuri ko ang kuha ng CCTV. Natigilan ako nang makita ko na halos walang laman ang karamihan sa aking lungga. Samantalang halos bahain na iyon sa dami ng tao ko na ngayo’y halos wala na.Sa likas na hilig, inilabas ko ang mga baril ko at nag-patrol ako sa may quarters. Ilan sa mga natirang tao ko ay mula sa mababang ranggo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba. Nagtungo ako sa conference room at maging ito ay blanko maliban kay Lina.“Lina, saan nagpunta ang iba?’’ tawag ko sa kanya nang pumasok ako.“Alpha Caleb. What a pleasant surprise!’’ matamis na sabi ni Lina at saka lumapit sa akin.Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Ano na naman ang pinaggagawa niya?Itinutok ko ang bari

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 9

    ASLAN’S POV Naglalakad ako malapit sa likod nina Tyson at Aurora nang harangan ako ng di ko makitang harang. Lumingon sa akin si Tyson at saka ngumisi sa akin, maya’t maya pa ay biglang naglaho ang harang.“Ano iyon?’’ tanong ko habang sinusundan siya.“Mayroon akong isang napakalakas na witch na naglagay ng isang spell sa paligid ng palasyo na ito. Lahat ng harang ay nakaugnay sa akin. Kaya naman, walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng wala sa aking kahilingan.’’“Ibig sabihin ba niyan binibihag mo kami?’’ hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Huwag mong sayangin ang iyong oras sa hindi naman kinakailangang mga detalye. May mga pagsubok pa tayong dapat paghandaan,’’ sabi ni Tyson at nauna ng naglakad sa harapan namin.Nagnakaw naman ako ng patagilid na tingin kay Aurora. Namumutla ang kanyang mukha at medyo

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 10

    CALEB’S POV Nasasaktan akong nakikita si Aurora na umiiyak ng ganito. Natutukso akong lusubin ang mga masamamang flamers na iyon at turuan sila ng leksyon, pero sa ngayon, kailangan ako ni Aurora.‘Sa palagay ko, may ilang ngang mga pangarap din ang siyang nagkakatotoo. Matagal na kitang gustong yakapin, simula noong araw na iniligtas mo ako…’’Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing, “Hindi mo na kailangan pang bumalik doon ulit. Nasa atin na si Aslan, kaya magagawa na nating ibigay sa iyo ang dugo niya kapag kinakailangan mo.’’“Pero Caleb…’’ nagsimula ulit siyang magsalita pero inilagay ko ang daliri ko sa may tapat ng labi niya. Hindi ko siya gustong mag-aalala pa sa mga teknikal na detalye.Ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya nang biglang tumunog ang cellphone niya mul

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 11

    ASLAN’S POV Naghihintay ako ng napakatagal na oras sa pagdating ni Aurora. Kinumpirma ni Rowan na umalis siya sa lungga ng mga lobo sampung minuto na ang nakakalipas.Nang lumipas ang isa pang sampung minuto, agad ko ng pinatakbo ang kotse papunta sa may lungga ng mga aso. Alam kong mapanganib ito ngunit kailangan ko siyang hanapin. Lumipat ako ng isang milya mula sa lungga nang makita ko ang isang kakaibang asul na ilaw. Napakaliwanag ng ilaw na kinailangan ko pang isara ang aking mga mata. Nang sa wakas ay maari ko nang buksan ang aking mga mata nawala ang ilaw at isang batang babae ang nakatayo roon.Hindi ko lubos akalain na iyon ay si Aurora. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko mawari ang pinagmulan ng ilaw kahit pa gamit ang aking matalas na paningin. Sinumang gumamit ng kapangyarihang iyon ay isang taong hindi ko nanaising kalabanin. Agad ko namang pinahinto ko ang kotse sa tabi ni Aurora at hinila siya papasok, at sinimulang k

Latest chapter

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 48

    AURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 47

    AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 46

    TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 45

    AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 44

    AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 43

    TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 42

    CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 41

    ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib

  • Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)   CHAPTER 40

    ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”

DMCA.com Protection Status