AURORA’S POV
Nagising ako sa isang kakaibang tunog. Medyo natagalan ako bago ko mapagtanto na ito ay walang tigil na pag-uusap. May pinag-uusapan sila. Medyo mainit ang pakiramdam ko at komportable ngunit hindi ko nais na buksan ang aking mga mata. Ang pagkasindak at pagkabalisa na nararamdaman ko nitong nakaraang linggo ay nawala. Bukas sarado ako sa mga mata ko para lang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila.
Maya’t maya pa ay isang mainit at mabibigat na paghinga mula sa may mukha ko ang siyang gumulat sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Napanganga na lamang ako nang may isang pares ng napakagandang mga mata ang sumalubong sa paningin ko, matang kailan ma’y di ko nakita, kulay abo na may halong kulay gintong guhit.
Niyuko niya ang ulo niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang matalim na ngipin mula sa labi niya ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan. Tinulak ko siya at tumayo, pero sa huli napagtanto kong nakaupo ako sa kandungan niya.
Naramdaman kong dumaloy ang dugo sa aking mukha at parang nasusunog ang aking tainga. Sa gulat ay sinubukan kong tumayo ngunit hinila niya ako pabalik sa kanyang kandungan.
Ang mapunta sa isang malawak na lugar na wala man lang silid kasama ang isang hindi ko kilalang lalaki ay dapat nakadama na ako ng pangamba at takot pero hindi, parang pakiramdam ko pa ay kumportable ako. At doon ko napagtanto na naiimpluwensiyahan niya ang pakiramdam ko.
Nagpumilit akong umalis sa kandungan niya at naglakad papalayo sa kanya. Ang mainit at komportableng nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho at nag-umpisang bumilis ang tibok ng aking puso.
Tama nga ang hinala ko, kailangan kong lumayo sa lalaking ito kung gusto kong mapanatiling nasa tama ang pag-iisip ko. Agad ko siyang tinalikuran at tumakbo pero bumangga lamang ako kay Lina.
“Saan ka pupunta, Aurora? Delikado ka kung nag-iisa ka lamang lalo na sa lugar na ito…’’ sabi ni Lina.
“Kung ganon, bakit iniwan mo akong mag-isa, Lina… isa pa, iniwan mo ako sa mga di ko kilalang tao…’’
“Kapatid ko siya, si Caleb. Proprotektahan ka niya…’’
Bigla na lamang may humila sa akin mula sa likod at niyakap ako. Ang pakiramdam kong iyon kanina ang siyang muling dumadaloy sa mga ugat ko at pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga kamay niya. Bigla na lang kinabahan ang puso ko nang marinig ko ang boses niya malapit sa tainga ko, “Pananatilihin kitang ligtas…pangako…’’
Tinulak ko siya nang buong lakas ko at sinigawan, “Huwag kang lumapit sa akin. Ayaw kong isipin na nasa isang pinakamagandang lugar na ako ng mundo habang nasa malubhang panganib.’’
Kumislap nang may kirot ang mga mata niya na siyang nagbigay dahilan sa akin upang mapaisip kung nag-aalala nga ba talaga siya sa akin. Hindi, hindi ko pwedeng hayaan ang ganitong pakiramdam ko para maging iba ang tingin ko sa kanila.
“Pinangako mo sa akin na iuuwi moa ko, Lina… Hindi ko… Hindi ko inisip na lolokohin mo ako ng ganito…’’
“Hindi ka pwedeng umuwi, Aurora. Ang mga tauhan ni Tyson ay hahanapin ka. At ito lang ang lugar kung saan ka nila hindi mahahanap.’’ Pagpapaliwanag niya sa akin.
“Bakit? Kung ang lugar na ito ay tirahan ng mga mafia,’’ sambit ko.
“Tama ang hinala mo, luv.’’
Nakaramdam ang puso ko ng kaba nang marinig ko iyon. Hinihintay ko siya na tumawa ng malakas pero mukhang seryosong-seryoso siya.
Pero tumawa nga siya matapos ang mahabang katahimikan. Narindi ang tainga ko nang sinambit niya ang mga sumunod na salita, ‘Hayaan mo akong magpakilala, aking binibini. Ako si Caleb, ang leader ng mga Crescent pack o kung tawagin ay mafia gang.’
Matapos non ay hinila niya ang kamay ko at nagtanim ng isang halik sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya sa labis na pagkagulat. Hindi siya nagmumukhang mafia. Siya ay napakagwapo at kumpara kay Tyson at Aslan na isa dapat CEO ng kumpanya, siya ay mas mahinahon.
“Ang panlabas na anyo ay mapanlinlang, hun. Huwag kang pasisiguro, ang kapatid ko ay may kakayahang sirain ang lahat sa isa lamang pitik ng kanyang mga daliri.’’
Kilabot ang bumalot sa akin sa mga sinabi ni Lina. Meron akong matinding pakiramdam na napadpad ako sa lugar ng mga Diyablo matapos kong makatakas sa bahay ng mga Demonyo.
“Lina, hindi magandang tinatakot mo ang ating bisita. Huwag kang makinig sa kanya, luv. Hindi kita papatayin ng walang dahilan, Ikaw ay panigurado ng ligtas dito, nasa proteksyon na kita.’’ Sabi ni Caleb sa akin habang hinahaplos ang daliri niya sa pisngi ko.
Nakakaramdam ako ng parating na matinding pangangamba. Kaya hinayaan ko siyang malapit sa akin, at least mahahayaan niya pa akong makapag-isip ng maigi ng hindi ko masyadong iniisip ang mga bagay-bagay.
Pinakita sa akin ni Lina ang CCTV footage na mula sa pintuan ng bahay ko. Puno ito ng mga tauhan ni Tyson tulad ng sinabi ni Lina.
Mas maagi nga sigurong manatili muna ako dito habang nag-iisip ng paraan kung paano ako makakaalis dito.
***
Sinusubukan kong matulog pero lahat ng mga nangyari ay naglalaro sa aking isipan na para bang action replay. Tinapon ko ang aking sarili sa kama, pero kahit anong gawin ko hindi pa rin makuha ang makapag-relax at matulog. At nararamdaman ko na… Nagsimulang sumakit ng kaunti ang tiyan ko ngunit hindi nagtagal ay bigla na lamang sumakit ng lalo ang buong tiyan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, pinipilit na kayahin ang sakit. Umupo ako at yumukong hawak ang tiyan ko, nagbabakasakali na maalis ang sakit. Pero mas lalo pa itong lumala ng ilang minuto lamang.
“Arrrggghhh!’’ sigaw ko nang hindi ko na makayanan pa ang sakit. Para bang nawawasak ang tiyan ko mula sa loob.
Agad namang nasa tabi ko na si Caleb. Hinaplos niya ang likod ko at nag-aalala na tinanong ako, “Anong nangyayari sa’yo, luv?’’
“Hindi ko… Hindi ko alam. Sumakit na lang ang tiyan ko na parang may cactus na namimilipit sa loob.’’ sagot ko.
Hinawakan niya ang mga braso ko at tinignan ako sa mata. Naramdaman kong medyo nabawasan ang sakit pero napakasakit pa rin nito.
“Anong nangyari, Aurora. Nagmumukha ka ng ewan,’’ sabi ni Lina nang siya ay pumasok.
Tumulo ang luha ko sa may pisngi ko habang nangangapa ng hangin at sinabing, “Hindi ko… Hindi ko alam, Lina… Yung sakit… sadyang napakalala… hindi ko na kaya…’’
Hinila ako ni Caleb sa kanyang kandungan at lumapit. Tila hindi rin ito masyadong nakakatulong…
“Hindi ba’t sinabi mong tinurukan ka ni Aslan ng mula sa dugo niya?’’
“Ano naman kinalaman no’n sa sakit ng tiyan ko? Wala ako sa mood para makipagchikahan sa iyo, Lina… parang awa muna.’’
“Ang dugo ni Aslan ay maaring pinakawalan ang natutulog na dragon sa loob ng bata. Kailangan niyang maturukan muli ng dugo ni Aslan ng lingguhan.’’
“Bloody hell! Lingguhan… Hindi ba masyado na iyon? Kung sinasabi mong lingguhan o anu pa man, malamang aatakihin ko na lamang siya at kukunin lahat ng dugo niya. Pero ang tanging paraan lang para mabigyan siya ng dugo ay ang hayaan si Aurora na manatili sa kanila…’’ sabi ni Caleb.
Ang mga sinabi ni Caleb ay parang lason sa tainga ko. Hindi ko gustong mapunta sa kanila, wala akong dapat gawin sa kanila.
“Ayoko, hindi ko gustong makulong ulit ako. Gagawin ko lahat ng sasabihin niyo… wala na bang ibang paraan?’’
“Hindi!’’ sabi ni Lina ng napakabilis.
Tinignan siya ng masama ni Caleb saka sinabi sa akin, “Ang tanging paraan lang ay ang patayin ang sanggol.’’
Ang kamay ko ay agad na lumipad sa tiyan ko at ang mga luha ko ay kumawala pababa sa aking mga pisngi. Hinding-hindi ko iyon magagawa… Ipapanganak ko siya at mamahalin ko ito ng higit pa sa sarili ko.
Isang matinding sakit ang siyang bumalot sa akin. Hindi ko na kaya pang tiisin ng mas matagal pa.
Humawak ako agad sa kamay ni Caleb ng mahigpit at nagmakaawa, “Parang-awa mo na, alisin mo ang sakit…’’
Ang mga mata niya ay nagpakita ng kakaibang emosyon, hindi ko magawang intindihin ang mga ito. Isa pa, ang mukha niya ay walang ekspresyon, blanko. Nasulyapan ko ang madilim at malamig na ekspresyon niya bago siya umalis,
Hindi ko na napigilan ang takot na namuo sa akin. Siya ay parang kasingsama lang ni Tyson. Hindi nga lang niya ipinapakita pa sa akin iyon.
ASLAN’S POVSa mga lumipas na oras ay nababaliw na ako sa kakahanap kay Aurora At naiinis ako nang makita ko si Tyson na kalmado lang na humihigop sakanyang inumin.“Hindi ka man lang ba nag-aalala, kapatid? Kahit hindi ka nag-aalala kay Aurora, mag-alala ka man lang sana sa anak MO!’’Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpalabas ng hangin mula sa kanyang ilong at sinabing, “Relax ka lang kuya, mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon.’’“Hindi pwedeng ganito na lamang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko sana pinagkatiwalaan si Lina. Hindi ako magpapahinga hangga’t di siya nahahanap.’’“Gusto mong pagurin ang sarili mo, sige gawin mo, kuya…’’ sabi niya nang nakangisi at tinuon muli ang pansin sa iniinom.Nagpakawala ako ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Nagagawa niya pang mag-relax habang
AURORA’S POVUmupo ako sa may dulo ng upuan at mahigpit ko itong hinawakan. Pinipilit kong pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero wala ding kabuluhan. Lahat ng mga sinabi ni Tyson ay patuloy kong naririnig sa tainga ko. Punong-puno siya ng labis na galit. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, anumang oras, mas pipiliin ko si Caleb kaysa kay Tyson.Ano naman kung siya ang leader ng mga mafia, napakabait naman niya sa akin.“Iniisip mo ba ang kapatid ko, tama ba?’’ isang malambing na boses ang narinig ko sa paligid ko na siyang naging dahilan ng pagkalundag ko mula sa kinatatayuan ko.Itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang napakagandang babae. Lahat sa kanya ay perpekto, malalim at asul na mga mata, mala-cherry sa pula ang mga labi niya, at may isang perpektong pustura ng katawan.Bahagyang namula ang kanyang mukha at sinabi niya, “Salamat sa iyong mataas na papuri sa aki
Caleb’s POVAbala ako sa pagtingin ng mga papeles nang makaramdam ako ng biglaang pag-iba ng kapaligiran. Napakatahimik ata at nakakabingi sa tainga sa sobrang tahimik.Napaisip ako at sinuri ko ang kuha ng CCTV. Natigilan ako nang makita ko na halos walang laman ang karamihan sa aking lungga. Samantalang halos bahain na iyon sa dami ng tao ko na ngayo’y halos wala na.Sa likas na hilig, inilabas ko ang mga baril ko at nag-patrol ako sa may quarters. Ilan sa mga natirang tao ko ay mula sa mababang ranggo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba. Nagtungo ako sa conference room at maging ito ay blanko maliban kay Lina.“Lina, saan nagpunta ang iba?’’ tawag ko sa kanya nang pumasok ako.“Alpha Caleb. What a pleasant surprise!’’ matamis na sabi ni Lina at saka lumapit sa akin.Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Ano na naman ang pinaggagawa niya?Itinutok ko ang bari
ASLAN’S POV Naglalakad ako malapit sa likod nina Tyson at Aurora nang harangan ako ng di ko makitang harang. Lumingon sa akin si Tyson at saka ngumisi sa akin, maya’t maya pa ay biglang naglaho ang harang.“Ano iyon?’’ tanong ko habang sinusundan siya.“Mayroon akong isang napakalakas na witch na naglagay ng isang spell sa paligid ng palasyo na ito. Lahat ng harang ay nakaugnay sa akin. Kaya naman, walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng wala sa aking kahilingan.’’“Ibig sabihin ba niyan binibihag mo kami?’’ hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Huwag mong sayangin ang iyong oras sa hindi naman kinakailangang mga detalye. May mga pagsubok pa tayong dapat paghandaan,’’ sabi ni Tyson at nauna ng naglakad sa harapan namin.Nagnakaw naman ako ng patagilid na tingin kay Aurora. Namumutla ang kanyang mukha at medyo
CALEB’S POV Nasasaktan akong nakikita si Aurora na umiiyak ng ganito. Natutukso akong lusubin ang mga masamamang flamers na iyon at turuan sila ng leksyon, pero sa ngayon, kailangan ako ni Aurora.‘Sa palagay ko, may ilang ngang mga pangarap din ang siyang nagkakatotoo. Matagal na kitang gustong yakapin, simula noong araw na iniligtas mo ako…’’Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing, “Hindi mo na kailangan pang bumalik doon ulit. Nasa atin na si Aslan, kaya magagawa na nating ibigay sa iyo ang dugo niya kapag kinakailangan mo.’’“Pero Caleb…’’ nagsimula ulit siyang magsalita pero inilagay ko ang daliri ko sa may tapat ng labi niya. Hindi ko siya gustong mag-aalala pa sa mga teknikal na detalye.Ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya nang biglang tumunog ang cellphone niya mul
ASLAN’S POV Naghihintay ako ng napakatagal na oras sa pagdating ni Aurora. Kinumpirma ni Rowan na umalis siya sa lungga ng mga lobo sampung minuto na ang nakakalipas.Nang lumipas ang isa pang sampung minuto, agad ko ng pinatakbo ang kotse papunta sa may lungga ng mga aso. Alam kong mapanganib ito ngunit kailangan ko siyang hanapin. Lumipat ako ng isang milya mula sa lungga nang makita ko ang isang kakaibang asul na ilaw. Napakaliwanag ng ilaw na kinailangan ko pang isara ang aking mga mata. Nang sa wakas ay maari ko nang buksan ang aking mga mata nawala ang ilaw at isang batang babae ang nakatayo roon.Hindi ko lubos akalain na iyon ay si Aurora. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko mawari ang pinagmulan ng ilaw kahit pa gamit ang aking matalas na paningin. Sinumang gumamit ng kapangyarihang iyon ay isang taong hindi ko nanaising kalabanin. Agad ko namang pinahinto ko ang kotse sa tabi ni Aurora at hinila siya papasok, at sinimulang k
ASLAN’S POVKinilabutan ako ng husto sa sandaling mapansin ko ang nawawalang syringe. Ang tanging taong pumasok sa silid na ito maliban kay Tyson ay si Aurora. Saan niya na man kakailanganin ang syringe na mga iyon?Ang paghahanap ko kay Aurora ang siyang nagdala sa akin sa kwarto ni Tyson. Nanlaki ang mga mata ko sa takot nang makita ko si Tyson na nakahiga at walang malay sa may sahig. Si Aurora ay nakatayo sa tabi niya na may ngiting tagumpay na nakapinta mula sa kanyang mukha. Kinabahan ako nang makita ko ang walang laman na syringe sa kanyang mga kamay. Hinila ko siya mula sa kanyang braso at itinanong, “Hindi mo…’’“Siyempre ginawa ko. Kailangang may magturo sa lalaking makitid ang isip na ito ng leksyon.’’ Sinabi niya nang lakas-loob.“Baliw ka na ba Aurora? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Inatake mo ang hari ng mga dragon. Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa’yo sa or
AURORA’S POVPinagsisisihan ko ang aking pasya na iturok ang serum kay Tyson sa sandaling kumalma na ako. Hindi ako tipo ng taong gumaganti. Alam ng Diyos kung anong nangyari sa akin.Umikot si Tyson sa tagiliran niya at umungol sa sakit. Puno ang kanyang mukha ng malamig na pawis.“Huwag! Moma… Parang-awa mo na, huwag mo akong iwan… Magiging mabait na bata na si Teddy. Palagi na siyang makikinig sa’yo… please, iuwi mo na ako…” paulit-ulit na sinasabi ni Tyson na para bang nakarekord ang mga ito.Ang mukha niya ay nagpinta ng matinding paghihirap.Pag-iyak at pagsigaw niya ang siyang umalingawngaw sa buong silid na siyang ikinakaba ko.Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Pinakalma siya nito ng bahagya at tumigil sa pagkumbulsyon ang kanyang katawan. Gusto ko siyang i-comfort pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay, “Tyson…’’
AURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg
AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy
TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman
AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso
AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa
TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan
CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O
ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib
ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”