TYSON’S POV
Mas lalong pahirap ng pahirap ang pagkontrol ko ng galit. Mismong sarili kong kapatid ay niloko ako. Pinakamalala pa ay sinusubukan niyang kausapin ang babaeng iyon, na s’yang responsable sa lahat ng ito.
At kung magpapatuloy pa ito, maaring hindi ko na makokontrol ang pagbabagong-anyo ko. Kailangan kong umalis bago ko pa mapatay ang sarili kong kapatid.
Itinulak ko si Aslan papalayo at nagmadali akong nagpunta sa may underground chamber. Pinipilit ang sarili na mangapa ng hangin.
Naupo ako sa isang kulay berde, at magarbong trono, gawa ito sa purong Jadite. Dahil ito ang birthstone ko, nagagawa nitong pakalmahin ako.
Mga ilang minuto pa ay dumating si Aslan. Pagkakita niya sa akin na nakaupo sa trono ay huminto siya sa harapan ko at tumayo na nakayuko ang ulo.
Ako ang hari ng Fire Dragons. At ang kanyang ginawa ay ang bigyan ako lamang ako ng respeto. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso at ang pagiging hindi kumportable niya sa paghaharap namin ngunit hindi pa ako handa na pakinggan siya.
Nakita ko ang mga ugat na lumalabas sa kanyang mga braso habang ang kamao niya sa isang kamay ay bumubuo ng isang bolang apoy. Ang kanyang pagbabago ay nangingibabaw, sa bawat minuto. At nang mapansin kong hindi niya na kaya panghawakan pa ay nagsalita na ako, “Ano pa ang gusto mong sabihin sa akin upang ipagtanggol ang sarili mo?”
Agad na tumungo ang kanyang paningin sa akin. Mayroon itong kung anong pagka-desperado sa mga mata niya. Gusto niyang siya’y mapakinggan, maintindihan.
“Gusto kong pagkakatandaan mo na ang iyong tinutugunan ay ang Hari ng Typhon at hindi ang iyong kapatid!” malamig na pagbabanta ko sa kanya. Hindi ko siya hahayaang makawala sa mga ginawa niya.
Naglabas siya ng malalim na buntong hininga at sinabing,“Dinadala ni Aurora ang tagapagmana ng trono ng Typhon. Sinusubaybayan ko siya. Hindi siya nagkaroon ng anumang relasyon kahit kanino pagkatapos ng…’’
“Aslan, hindi ko kailanman pinagdududahan na hindi niya dinadala ang anak ko. Nang masakal ko siya ay naramdaman ko ang dugo ko sa kanya. Ang gusto kong malaman ay kung paano ito nangyari.’’
Namumula ang mukha ni Aslan habang nauutal, niyuko niya ang kanyang ulo, “Pinagpalit ko ang serum…”
Tumaas ang temperatura ng aking dugo at naging mala-ulap ang aking isipan. Wala akong maisip kundi ang ipinagkanulo niya ako at dapat siyang maparusahan… Galit at kapusukan ang siyang namumuo sa akin, Bago ko pa malaman na nagpakawala ako ng isang malaking bola ng apoy patungo kay Aslan.
Sa sandaling ang bola ng apoy ay nakatakas sa aking bibig, ang aking isipan ay tila nakaraos din.
Maya’t maya pa ay nanlaki ang aking mga mata sa sobrang takot nang makita ko ang bola ng apoy na siyang nanakit sa aking kapatid. Hindi ko ginusto ang saktan siya.
Tumalon siya sa may harapan ko nang mabilisan… Sinamantala ang pagka-distracted ko sa kanyang estado at agad akong hinila mula sa trono at inipit sa may pader.
Napahiyaw ako sa kanya, masasaktan ko na sana siya ngunit bigla akong huminto nang marinig ko siyang nagmakaawa, “Teddy, makinig ka sa akin… parang-awa mo na, makinig ka muna sa akin…’’
Lahat ng galit ko ay naglaho na parang bang binuhusan ng malamig na yelo. Napabuntong hininga ako at itinango ang ulo.
“Hindi ako nagsisinungaling, Teddy. Kusa ko iyon na ginawa. Masakit na makita kang ganito, kapatid. Gusto kong magkaroon ka ng pamilya na mapagkukunan mo ng kaligayahan mula sa kapangitan ng mundong ito.
Ang marangal kong kapatid, hindi siya basta-bastang susuko, hindi ba? Matapos nang mga nagawa ko, nagawa niya pa ding isipin na magkaroon ako ng masaya at mapayapang buhay.
Kinuyom ko ang mukha niya sa mga kamay ko. Tumingin ako sa mga mata niya, at sinabing, “Hindi ko kailangan ang awa mo, kapatid. ANG sanggol na iyon ay magiging kahinaan ko lamang. Kailangan kong itama at ayusin ang mga pagkakamaling ginawa mo!’’
Namutla ang mukha niya. Nanghihina ang mga boses niya habang itinanong sa akin, “Ano ang plinaplano mong gawin?’’
Ngumisi lamang ako bilang sagot ko. Hindi ko hahayaang mabuhay ang sanggol na iyon at maging laruan lamang ng mga kaaway ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa sandaling naisip niya ang sinabi ko, “No, Teddy; hindi mo maaaring gawin iyan.’’
Nilakihan ko siya ng mata at sinabing, “Hindi mo ito desisyon, kapatid. Desisyon ito ng hari ng Typhon.’’
Tumango si Aslan at lumayo. Namula ang kanyang mga mata at bumulalas, “Kung iyon ang nais mo, kamahalan. Pero bago ang lahat, tungkulin ko bilang bahagi mo na ibigay sayo lahat ng impormasyon tungkol sa bata.’’
Naglabas ako ng tila walang pakialam na halakhak na may galit sa pinakita niyang galit sa akin. Kilalang-kilala niya ako pero umaasa pa rin siya na magkaroon ng himala. Isa nga talaga siyang baliw.
“Ang batang iyon ang susi sa ‘Puso ng Mahika,’ kung papatayin mo siya, mawawala sayo ang puso ng mahika magpakailanman.’’
Patuloy na naglalaro sa tainga ko ang mga sinabi ni Aslan bago siya umalis.
‘The Heart of Magic’ ito ang siyang hinahabol ng lahat sa mundong ito. At ang tanging daan upang makapunta roon ay sa pamamagitan ng isang portal. At dahil ang batang iyon ang susi sa portal, kailangan ko munang maghintay bago ko siya patayin.
Tama nga si Aslan, hindi ko maaring patayin ang batang iyon, hindi pa sa ngayon.
ASLAN’S POV
Sadya ngang gawa sa bato ang puso ni Tyson. Paano niya nagagawang magsalita tungkol sa pagpatay niya ng sarili niyang kadugo. Isa akong baliw sa pag-iisip na ang balita sa pagbubuntis ni Aurora ang siyang makakapagpabago sa kanya.
Isang kirot ng pagsisisi ang siyang namimilipit sa puso ko. Hindi ko na dapat idinawit si Aurora sa lahat ng bagay na ito.
Kumawala ako ng isang mahabang buntong hininga, at umakyat sa hagdan. Tumalon ako ng napakataas. Si Aurora ay palakad-lakad, pataas at pababa ng koridor. Patuloy lamang tumititig ang mga mata niya sa may pinto.
F***! Nakalimutan kong kunin ang cellphone niya. Muli akong tumalon ng mataas at bumaba sa harapan niya. Nagulat siya, pero ang nakapinta sa kan’ya ay malimit lamang na panggamba.
“Sabihin mo sa aking hindi ka humingi ng tulong kahit kanino man, hindi ba?’’ tanong ko, at mahigpit kong hinawakan ang mga braso niya.
Ang kanyang mukha ay namutla ngunit nagawa niyan paring sagutin ako ng may halong lakas-ng loob a ng boses niya, “Ang kaibigan kong si Micheal, ay siguradong pupunta dito sa madaling panahon. Wala akong pakialam sa gusto ng kapatid mo o maski ikaw. Anak ko ito at wala kayong karapatan dito.’’
Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Bakit tila ata wala siyang muwang sa mga posibleng mangyari, Tumawag siya ng outsider papunta sa mansyon na ito kahit pa nakita niya ang kayang gawin ng aking kapatid.
“I-text mo si Micheal, ngayon na! Sabihin mong huwag na siyang magpunta dito kung may takot siya na mamatay.’’
Huminto siya sandali pero nag-umpisa din siyang magtext. Matapos niyang itext ang lalaking iyon, ay agad ko namang kinuha ang cellphone mula sa kanya, at binale ng dalawahan saka ko itinapon.
Sa dulo ng mga mata ko ay nakita ko si Tyson na sinalo iyon habang papalapit sa amin. Ang mga labi niya ay naglabas ng malademonyong ngiti at unti-unting binubuo ang cellphone ni Aurora gamit ang kanyang kapangyarihan.
Nakikita kong ang inis sa mga mukha niya habang binabasa ang mga text. Tumayo siya sa tabi ko na parang statuwa; walang emotion sa mga mukha niya. Alam ko ang ganong hitsura niya, naghihintay siya ng mangyayaring kadramahan.
Hindi sinabi ni Aurora kay Micheal na bumalik na lamang siya sa kanila.
Hinimas ko ang ulo ko at naaawa akong tumingin sa kanya. Walang siyang ideya sa ginawa niya magiging kapalaran ni Micheal dahil lamang sa iisang text na ipinadala niya.
Maya’t maya pa ay may mga tunog ng mga lakad sa lugar at ilan sa mga gwardya namin ay dumating at nagsikalat sa paligid.
F***! Maaaring ang sinabi ni Aurora sa huling text niya ay magsama si Micheal ng mga police. Hindi ito magdudulot ng magandang pagwawakas.
Isang kaginhawaan ang lumabas sa bibig ni Aurora at bumulong, “Micheal.’’
“Huwag kang mag-alala, Aurora, ilalabas kita dito,’’ sabi ng lalaking iyon, at hirap na hirap na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng mga gwardya.
Itinuon ko ang atensyon ko kay Tyson nang marinig ko ang nanunuyong mga tawa niya. Ngumisi siya at sinabing, “Kuya, alam mong pinaka-ayaw kong nagkakaroon ng di kaaya-ayang mga bisita...’’
Naglakad si Aurora papalapit sa kanya at matigas na sinabing, “Hindi siya isang hindi kaaya-ayang bisita, Tyson. Nandito siya para kunin ako. Kaya sabihin mo sa mga bodyguard mo na hayaan na lamang siya.’’
Namangha ako sa katapangan niya. Bibigyan ko sana siya ng papuri sa pagiging matapang niya kung hindi lamang siya gumawa ng isang kabaliwan sa ma ikinilos niya.
Ang mukha ng kapatid ko ay namula, mas mapula pa sa isang ruby. Nilakihan niya si Aurora ng mata bago nagsalita, ‘Lina, kill the cop.’’
Napahawak si Lina sa kanyang ulo ng pulos at iikot na sana nito ngunit napatigill siya nang narinig niya a ng tinig ni Aurora, “Tumigil ka! Hindi…. hindi kayo makakawala dito sa pagpatay ng mga pulis tulad nito.’’
Napatawa na lamang ang kapatid ko bago utusan si Lina, “Lina, hindi mo gugustuhin na ulitin ko pa sa’yo ang ipinapagawa ko.’’
Isang nakakakilabot na tunog ang kanilang narinig nang iikot ni Lina ang ulo nito. At nang sandaling pinakawalan niya ang pulis ay tumumba ito sa sahig na wala ng buhay.
“Hindi!’’malakas na pag-iyak ni Aurora at hinila si Tyson mula sa kanyang mga kamay, “Isa kang halimaw… Ano bang ginawa niya sa’yo upang ipapatay mo siya ng ganun-ganun na lang…’’
Ngumisi si Tyson sa kanya at naiinis na sinabi, “Naglakas-loob siyang pumasok sa tahanan ko ng wala akong permisyo, at isa pa pinaka-ayaw ko ng hinahamon ako.’’
“Pero hindi siya nagpunta dito ng may pagkukusa. Tinawag ko siya upang ilabas ako sa isang magulong lugar na ito,’’ sigaw ni Aurora habang nanginginig na parang dahon.
Hinaplos ni Tyson ang mga daliri niya sa pisngi ni Aurora at sinabing, “Ano sa tingin mo ang pagkakaiba nun? Pareho lang ang kahahantungan ni Micheal…’’
Ang mukha ni Aurora ay namutla at nagmamakaawa, “Hindi, hindi mo maaaring gawin iyon… Parang-awa mo na… tantanan mo siya… pangako, pangako hindi ko na siya tatawaging magparito pang muli.’’
Nakita ko ang mga mata ni Tyson na kumislap at sa sandaling iyon naisip ko na papatawarin niya si Micheal. Pero ilang sandali lamang ay itinulak ni Tyson si Aurora, ““Promises are meant to be broken, Luv. Gusto ko itong itatak sa mga utak ng tao ang awtoridad ko.’’
Bigla na lamang siyang lumundag sa harapan ni Micheal at mala-demonyong ngumiti sa kanya.
Hindi ko hahayaang mangyari ang binabalak niya. Dahil siguradong ikakasira ni Aurora ang makita siyang patayin si Micheal sa mismong harapan niya.
Nagtungo ako sa tabi ni Tyson at agad na hinawakan ang kanyang kamay. Tinignan niya ako nang may pagbabanta pero hindi ko iyon binigyan pansin, “Teddy, parang-awa mo na, huwag mong gawin ito,’’ sabi ko.
Nagulat si Tyson dahil ni minsan hindi ko ginamit ang pet name niya sa publiko. Bago pa siya bumalik sarili niya, tumingin ako sa mga mata ni Micheal, “Makakalimutan mo na tinawagan ka ni Aurora para hingin ang tulong mo. Umuwi ka at ipagsabi sa iba na umalis siya patungong Texas kasama ang kanyang tito.’’
Ang mga itim sa mata niya ay lumayo ng tingin at tinango ang ulo. Umalis siya nang hindi man lang binigyan ng kahit isang huling iglap si Aurora.
Ligtas na ngayon si Micheal pero kailangan ko pang harapin si Tyson. Kita ko ang bagyong bumabalot sa mga mata niya. Iniangat niya ako sa hangin mula sa aking lalamunan.
“Patawarin mo ako gusto ko lang naman na…’’ Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero pinigilan niya ako, “Huwag na huwag mong gagamitin kailanman ang napakababang paraan mong iyan.’’
Napabuntong hininga ako nang pakawalan niya ako ata agad siyang nagtungo sa kanyang silid. Siguradong pagbabayarin niya ako sa ginawa ko ngayon o sa susunod na araw pero kahit papaano nakaiwas ako sa mga bala niya, kahit ngayon man lang…
AURORA’S POVNakahiga lamang sa kama, patuloy lamang ako sa pagmumuni-muni sa blankong lugar na ito. Paano ba ako nadawit sa gulong ito?Napakataas ng ego ni Tyson, isang cold-blooded killer. Ni hindi nga siya kinilabutan nang dumating ang mga pulis. May duda ako na iniutos ni Tyson na patayin ang mga taong dumating kanina.Minasahe ko ang aking ulo habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang mga nangyayari. At bakit bigla na lamang siyang umalis na parang wala sa matino nitong pag-iisip.May pakiramdam akong kokontakin ni Micheal ang lahat ng kaibigan ko sa Texas. Walang sinumang hahanap sa akin at hindi ko din magagawang tumawag ng kahit sino. Sa madaling salita, wala na talagang pag-asa.Bumukas ang pinto na siyang humila sa akin pabalik mula sa malalim na pag-iisip ko. ‘’ Dinalhan kita ng pagkain,’’ sabi ni Aslan nang siya ay pumasok.“Ayaw kong kumain ng kahit ano…&rsqu
ASLAN’S POVNakita ko si Tyson na tinabunan na ng mga papeles nang pumasok ako paloob sa cabin. Ang mukha niya ay nagpinta ng pag-aalala.“May problema ba, kapatid?’’ tanong ko.“Ang bilang ng mga werewolves sa lungsod ay tumaas nan ang husto. At may ilang mga pag-atake na din.”“Hindi ba’t pumirma na tayo ng kasunduan ng kapayapaan sa kanila? Ano pa bang napakahalagang bagay at handa silang ipagsapalaran ang kanilang buhay?’’“Sa palagay ko alam ko kung ano ang hinahabol nila ... Tingnan mo ito ...’’ sabi niya at inabot sa akin ang isang file na kulay berde.Kumunot ang mga kilay ko nang tanungin kong, “Bakit mo sinusuri muli ang profile ni Lina?Huwag mong sabihin na iniisip mong isa siyang traydor? Napaparanoid ka na ba?’’“Sigurado akong isa siyang traydor. Dahil siya ang taong nag-tip sa mga wer
AURORA’S POVNagising ako sa isang kakaibang tunog. Medyo natagalan ako bago ko mapagtanto na ito ay walang tigil na pag-uusap. May pinag-uusapan sila. Medyo mainit ang pakiramdam ko at komportable ngunit hindi ko nais na buksan ang aking mga mata. Ang pagkasindak at pagkabalisa na nararamdaman ko nitong nakaraang linggo ay nawala. Bukas sarado ako sa mga mata ko para lang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila.Maya’t maya pa ay isang mainit at mabibigat na paghinga mula sa may mukha ko ang siyang gumulat sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Napanganga na lamang ako nang may isang pares ng napakagandang mga mata ang sumalubong sa paningin ko, matang kailan ma’y di ko nakita, kulay abo na may halong kulay gintong guhit.Niyuko niya ang ulo niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang matalim na ngipin mula sa labi niya ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan. Tinulak ko siya at tumayo, pero sa huli napagtanto ko
ASLAN’S POVSa mga lumipas na oras ay nababaliw na ako sa kakahanap kay Aurora At naiinis ako nang makita ko si Tyson na kalmado lang na humihigop sakanyang inumin.“Hindi ka man lang ba nag-aalala, kapatid? Kahit hindi ka nag-aalala kay Aurora, mag-alala ka man lang sana sa anak MO!’’Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpalabas ng hangin mula sa kanyang ilong at sinabing, “Relax ka lang kuya, mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon.’’“Hindi pwedeng ganito na lamang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko sana pinagkatiwalaan si Lina. Hindi ako magpapahinga hangga’t di siya nahahanap.’’“Gusto mong pagurin ang sarili mo, sige gawin mo, kuya…’’ sabi niya nang nakangisi at tinuon muli ang pansin sa iniinom.Nagpakawala ako ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Nagagawa niya pang mag-relax habang
AURORA’S POVUmupo ako sa may dulo ng upuan at mahigpit ko itong hinawakan. Pinipilit kong pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero wala ding kabuluhan. Lahat ng mga sinabi ni Tyson ay patuloy kong naririnig sa tainga ko. Punong-puno siya ng labis na galit. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, anumang oras, mas pipiliin ko si Caleb kaysa kay Tyson.Ano naman kung siya ang leader ng mga mafia, napakabait naman niya sa akin.“Iniisip mo ba ang kapatid ko, tama ba?’’ isang malambing na boses ang narinig ko sa paligid ko na siyang naging dahilan ng pagkalundag ko mula sa kinatatayuan ko.Itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang napakagandang babae. Lahat sa kanya ay perpekto, malalim at asul na mga mata, mala-cherry sa pula ang mga labi niya, at may isang perpektong pustura ng katawan.Bahagyang namula ang kanyang mukha at sinabi niya, “Salamat sa iyong mataas na papuri sa aki
Caleb’s POVAbala ako sa pagtingin ng mga papeles nang makaramdam ako ng biglaang pag-iba ng kapaligiran. Napakatahimik ata at nakakabingi sa tainga sa sobrang tahimik.Napaisip ako at sinuri ko ang kuha ng CCTV. Natigilan ako nang makita ko na halos walang laman ang karamihan sa aking lungga. Samantalang halos bahain na iyon sa dami ng tao ko na ngayo’y halos wala na.Sa likas na hilig, inilabas ko ang mga baril ko at nag-patrol ako sa may quarters. Ilan sa mga natirang tao ko ay mula sa mababang ranggo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba. Nagtungo ako sa conference room at maging ito ay blanko maliban kay Lina.“Lina, saan nagpunta ang iba?’’ tawag ko sa kanya nang pumasok ako.“Alpha Caleb. What a pleasant surprise!’’ matamis na sabi ni Lina at saka lumapit sa akin.Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Ano na naman ang pinaggagawa niya?Itinutok ko ang bari
ASLAN’S POV Naglalakad ako malapit sa likod nina Tyson at Aurora nang harangan ako ng di ko makitang harang. Lumingon sa akin si Tyson at saka ngumisi sa akin, maya’t maya pa ay biglang naglaho ang harang.“Ano iyon?’’ tanong ko habang sinusundan siya.“Mayroon akong isang napakalakas na witch na naglagay ng isang spell sa paligid ng palasyo na ito. Lahat ng harang ay nakaugnay sa akin. Kaya naman, walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng wala sa aking kahilingan.’’“Ibig sabihin ba niyan binibihag mo kami?’’ hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Huwag mong sayangin ang iyong oras sa hindi naman kinakailangang mga detalye. May mga pagsubok pa tayong dapat paghandaan,’’ sabi ni Tyson at nauna ng naglakad sa harapan namin.Nagnakaw naman ako ng patagilid na tingin kay Aurora. Namumutla ang kanyang mukha at medyo
CALEB’S POV Nasasaktan akong nakikita si Aurora na umiiyak ng ganito. Natutukso akong lusubin ang mga masamamang flamers na iyon at turuan sila ng leksyon, pero sa ngayon, kailangan ako ni Aurora.‘Sa palagay ko, may ilang ngang mga pangarap din ang siyang nagkakatotoo. Matagal na kitang gustong yakapin, simula noong araw na iniligtas mo ako…’’Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing, “Hindi mo na kailangan pang bumalik doon ulit. Nasa atin na si Aslan, kaya magagawa na nating ibigay sa iyo ang dugo niya kapag kinakailangan mo.’’“Pero Caleb…’’ nagsimula ulit siyang magsalita pero inilagay ko ang daliri ko sa may tapat ng labi niya. Hindi ko siya gustong mag-aalala pa sa mga teknikal na detalye.Ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya nang biglang tumunog ang cellphone niya mul
AURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg
AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy
TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman
AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso
AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa
TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan
CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O
ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib
ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”