Lovebele “Nakulong kasi si Tatay kaya hindi siya natuloy mag-abroad,” sabi ko kay Scott dahil ayaw niya akong tigilan ng tingin. Binigyan ko pa ng matinding irap dahil hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa 'kin. Para bang in-exam-in niya ako kung totoo ang sinasabi ko base sa nakikita ko sa mata ni Scott. “Anong problema mo kung nakulong? Ngayon na alam mo nakulong ang Tatay ko, siguro naman lalayo ka na. Galit na galit ako noon. Dahil hindi nabigyan ng tamang hustisya si Tatay. Wala eh, ganun talaga dahil free lawyer lang ang nakuha namin para magtanggol sa kaniya. Dahil wala naman akong kakayahan noong magbayad kasi bata pa ako noon.” Natigilan si Scott ng sabihin ko iyon. Ngumiti ako sa kaniya upang hindi ako magmukhang hindi ako bitter. “Scott Miguel. Anong ginagawa mo bakit ganiyan ang reaksyon mo?” Umiling ito hinilot ang ilong niya. “Hindi ako nagbibiro ‘no. Nakulong si Tatay. Alam mo iyon. Ang malas talaga naming mahirap. Dahil nagkaroon pa ng riot sa correct
Lovebele “Besh, sure ka talaga kaya mo na magtrabaho?” tanong ni Analisa sa ‘kin ng nasa dressing room ako nag-aayos ng sarili ko. Tipid na tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Mabuti hindi naman na ulit nagsalita si Analisa. Nakikita ko si Analisa sa harapan ko dahil salamin ito. Nakahalukipkip ang bestfriend ko parang nakatatanda kong kapatid kung bigyan ako ng sermon. Nabingi na nga ako. Sa jeep pa kanina patungo rito. Panay check sa ‘kin kung kaya ko na raw ba? Pagkatapos hihinga ng malalim kapag sinabi ko sa kaniya ayos lang ako Nagpahid ako ng lipstick. Nakatingin ito sa ‘kin. Bumuntonghininga dahil hindi ko siya pinansin ni isang sagot hindi ako sumagot. Kung hindi siguro ako nito bestfriend nilayasan na nito ako o baka sinakal na ako nito dahil para akong naputulan ng dila sa pangde-dedma sa kaniya. “Ikaw na ang babaeng manhid at matigas ang pabungo. At ano ito Lovebele. Bakit tumawag si Scott, sa ‘kin. Ignore mo raw ang mga tawag at text niya sa ‘yo kahapon pa.
Lovebele “Belle!” 'I miss you, Belle! Please pa table ka naman dito. Kanina pa ako atat na mahawakan ka.' 'Belle, akin ka na lang please....ang ganda at sexy mo, nakakabaliw,' Mga iilan lang na medyo bastos na customer. Sanay na ako marinig dito sa mga lalaki mga customer. Na master ko na ang salitang 'dedma' kapag narinig ko ang bastos na salita ng mga ito. Ngumisi ako ng nakakaakit sa table number 4 kahit gusto kong irapan para kasing mga asong nauulol habang nakatingin sa katawan ko kapag gigiling ako. Lingid sa akin kaalaman dumating si Scott. Pumuwesto malapit sa mga manyakis na kanina pa sigaw nang sigaw gusto raw akong matikman. Napalimos sa mukha niya si Scott habang lalo kong nilagyan ng harot ang sayaw ko. ‘Magkano ang isang gabi mo Belle, bibilhin ko mahimas ko lang ang malusog mong sus*’ Pak! Malakas na sapak ang pinadapo ni Scott Miguel sa lalakimg nagsalita. Kumasa ang kasama nitong tatlo. Nag-amok. Hindi naman tinamaan si Scott ng suntok, siguro dahil
Lovebele Bago pa ako makarating sa pinto ng office ni Mamasang. Lumabas na si Scott Miguel galing sa loob. Natigilan ito kaya tumigil sa pinto pagkakita sa ‘kin at walang emosyon sa mata nito pinasadahan ako ng tingin. Alanganin ako kung anong ire-react ko sa kanya. Nagpasya akong ngumiti ngunit hindi niyon tinugon ni Scott kaya napayuko ako sa hiya. Ano ba ang aasahan ko masaya pa ito pagkatapos ko kanina pagsalitan ng hindi kaaya ayang salita. Alangan matuwa pa si Scott sa ‘kin. Sino ba naman ako para pagtiyagaan nito ng oras. Napagtanto nga siguro ni Scott, walang katuturan na pag-aksayahan nito ako ng atensyon ngayon narealize na niya. Nanliliit ako sa aking sarili lalo na roon sa sinabi ng mga customer sa club. Ganito ba talaga ka unfair ng mundo? Bakit? E, gusto ko lang naman kumita para sa dalawa kong kapatid. Kaya kahit hindi ko masikmura ang salitang marinig galing sa mga pumapasok na customer ng Elite club. Pilit kong lulunukin para sa maginhawang buhay para sa dalaw
Lovebele “Kumusta naman ang pag-uusap. Nakita ko si hottorney umuwi na. Hindi ba kayo nagpang-abot sa loob ng office ni, Mamasang?” inulan agad ako ng tanong ni Analisa pagdating ko sa p'westo niya. Umiling ako. Umupo sa kaniyang tabi. Wala yatang customer si Analisa kasi mag-isa lang siya sa table niya. “Ikaw lang solo mo rito?” tanong ko pa sa kaniya. Kasi may apat na empty bottles ng San Mig light sa harapan ni Analisa. Sa kabila naman may beer mga anim na iyon pero iyong pang-amin ay hindi pa ubos ang laman. “Marami ka ng nainom ah. Ang tibay ng beshy ko, huh?” biro ko tinutukoy mga bote sa table na walang laman. “May ka-table ako nag-restroom lang. Mabuti nga dahil makulit daming tanong. Pero kerebels lang dinaan ko na lang sa tawa at tango,” wika pa nito sabay bumungisngis. Ganito rin ginagawa ko kapag ka table ko makulit. “Nag-usap na kayo ni Mamasang? Si hottorney anong sabi?” Tumango ako at umiling. Kasi dalawa ang tanong niya bahala na siya alin ang akma sa sagot
Lovebele Pagbalik ko sa table ni Analisa. May kasama na ito. Nagulat na lang ako ng hindi gaano'n katandaan ang customer ni Analisa at medyo rin may itsura. Pinasama na nila ako sa table. Mukhang mabait naman kaya pumayag ako. “Lisa, kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa naibigay ang pangalan ko. Ako nga pala si Daniel,” pakilala n'ya sa ‘min. “Daniel? As in Daniel Padilla?” biro ni Analisa sa kaniya. Natawa ito nakitawa na rin kami. “Daniel Argilas…e,itong kaibigan mo?” “Belle,” ako na ang nagpakilala sa kaniya. Naging dalawa na kami. Okay naman kausap ang ka table ni Analisa. Madaldal nga lang tama si Analisa tango na lang nakikinig sa mga kwento nito. Katulad na lang ngayon. May offer na trabaho. Naalala ko tuloy si Scott pilit ko na lang iyon inalis sa ‘kin isip. Nagtataka lang ako. Si Sir Daniel ang nag-alok ng trabaho. Pero hindi ako naiinis. Ako na rin ang sumagot customer kasi kaya gano'n. “Mabibigyan ko kayo ng trabaho. Kasi tingin ko sa inyo mabait kayong mag
Lovebele After one month.....Alas-sais pa gising na ako't nakabihis na ng pang-alis. Ang dalawa kong kapatid nakanganga pa sa higaan ng tingnan ko parang mamayang tanghali pa gigising ang dalawa. Kasi ganito sila kapag walang pasok sa school nila.Sabado naman kasi ngayon at walang pasok kaya hinayaan ko na makatulog si Bebeng at Jaya ng mahaba-habang oras. Kapag kasi mayroon pasok. Maaga naman ang dalawa kung gumising bumawi lang sila kapag walang pasok.Ako rin walang pasok mamaya at bukas din. Kasi nagpaalam ako sa Mamasang may lalakarin ako kaya hindi ako papasok mamaya gabi gano'n din bukas ng gabi.Hahanap kasi ako ng p'westo sa naisip kong bakeshop. Gusto ko ganito business ang itayo ko kahit maliit lang dahil mag-uumpisa pa lang naman ako.Mabuti na lang pinayagan ako ni Mamasang. Kasi absent din ang bestfriend kong si Analisa, mamaya. Iba naman ang lakad ni Analisa. Pupunta ito mamayang hapon sa Kuya niya kasama ang Nanay. Birthday kasi ng anak ng Kuya ni Analisa. Sa gabi a
Lovebele “Aga ng gala natin ah?! Anong atin, besh? Nakalimutan mo bang may lakad kami ni Nanay mamaya?” “Hindi ko ‘yon nakalimutan, besh. Kaya nga inagahan ko na pumunta rito upang masamahan mo pa ako,” “Ha, saan naman? Wait! Siya nga pala tumawag ba sa ‘yo si Scott?” tanong nito kaya nasira ang mood ko nakasimangot ako sa kaniya. “Ikaw alam na alam mo talaga paano akong inisin,” saad ko pagkatapos inambahan ko siya ng kamao ko bilang babala na tumahimik siya sa kabubuyo r'yan sa walang paramdam na manok n'yang si Scott Miguel. Hindi ako interesado kung buhay pa ba iyon ngayon. “Inis? Nek-nek mo, Lovebele Lozano. Kung hindi ko pa alam hinahanap-hanap mo si hottorney. Utot nimo Inday, ‘wag ako kabisado ko na ugali mo mga bata pa lang tayo.” “Ikaw lang nagsabi n'yang hinanap ko siya kaya tigilan mo ako Analisa,” Almost one month ng hindi nagparamdam uungkatin pa nitong bestfriend kong salawahan ang loyalty, half kay attorney at nasa 'kin ang kalahati. Maganda nga forlife
Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di
Belle "Dahil diyan besh, siguro naman pwede na tayong kumain. Gutom na ako. Isa pa talaga bang dito na lang tayo sa pinto?" sumabat si Analisa at doon lang din namin naalala hindi nga kami nakaalis sa pinto. Nagkatawanan kaming lahat. Tawa na puno ng saya. "Yes! Makakakain na rin ng unlimited cake," pumalpak si Bebeng ng buksan nila Scott ang tatlong cake. Kasi ang hawak ni Jaya. Galing daw iyon kay kuya Daniel. Iba rin kay Scott at kay Analisa. "Jaya ikaw na ang mag-umpisa kumanta." Utos ni Analisa. "Sure ate Lisa," wika ni Jaya nag-umpisa ng kumanta. Sumabay ang lahat. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday ate, Belle. Dali ate Love. Blow the candle na and make a wish na,” sabi ng kapatid kong si Jaya na may hawak na rectangular chocolate cake. Umuulan ng cake. Natakam ako lahat kasi ay favorite ko. Pumikit ako. Isa lang naman ang hiling ko. Kung nasaan sina mommy ngayon sana nakikisaya rin sila sa okasyon na ito
Belle Nang ilang sandali kaming magkayakap ni Scott Miguel. Kumalas ako sa kaniya upang balita ko sa kuya Daniel na wala na akong amnesia. “Bakit?” tanong pa ni Scott ngunit umiling ako at humarap sa kuya Daniel ko. “Kuya Daniel,” anang ko namula agad ang mata ko dahil sa guilty sa katigasan ng ulo ko. Kumunot ang noo nila pareho ni Scott Miguel. Noon si Kuya Daniel lang ang tagapagtanggol ko ngayon ay dalawa na sila ni Scott Miguel, kaya sobra akong natutuwa. Sa mommy at daddy lang namin ni kuya Daniel ako nalungkot. Kasi ngayon dapat makakasama ko na sila ngunit wala na akong naabutan. “Bakit gan'yan ang reaksyon mo sis? Ayaw mo ba sa sorpresa na ito?” aniya ay tila bang na stress ang kuya ko. Kasi nga naman paiyak na ako ngayon ng sumagi sa isip ko ang mabait naming magulang. Tumulo na pala ang luha ko naulinigan ko pareho sila napamura ni Scott Miguel at kuya Daniel. "Shit!" Sinamaan ng tingin ni kuya Daniel si Scott Miguel. Talagang sa paraan ng titig nito sa boy
Belle Naalala ko na ang nangyari noon. Dahil sa pagpigil ko na makidnap iyong batang nakita ko roon sa parking lot. Pati ako ay nadamay. Na-guilty ako sa pangungulila ni kuya sa ‘kin lalo na sinisi nito ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Isang sindikato ang napuntahan ko. May clinic sa loob ng warehouse na nagbebenta ng organ sa mga nangangailangan pasyente sa ospital. Lahat ng mga batang nakukuha nila inaalisan ng organ pagkatapos pinapatay at doon din sa warehouse na iyon nililibing. Illegal ang operation ng clinic na iyon. Sana malaman ng awtoridad ang illegal na operation ng clinic. Upang managot sa batas ang walang pusong nagpapatakbo noon. Kawawa ang mga magulang ng mga batang nawawala. Hindi na kailanman makababalik sa nanngungulilang pamilya. Nag-unahan tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang linggo akong umiiyak gaya sa mga batang kasama ko. Sa pinagdaanan ko sa nakaraan. Buti na lang nakatakas ako dapat ako na ang nakatakdang isalang kinabukasan para kunin ang orga
Belle Flashback…. “Bunso ‘wag na ‘wag kang bababa rito ha? Mabilis lang ako sa loob ng grocery store.” “Opo kuya,” nakangiti kong sabi nagba-bye pa ako ng kamay ko pagkatapos umayos ng upo. “Good!” tugon nito pagkatapos lumabas na ng kotse. Sampung minuto pa si kuya nakaalis ng may nakita akong batang lalaki kinakaladkad at pilit na isinasakay sa kotse. Maganda ang suot ng batang lalaki. Hala! Nanlaki ang mata ko. Sabi ng mommy ko marami ngayon pakalat-kalat na masasamang tao kaya magi-ingat daw ako. Pero kawawa naman iyong bata kapag hindi ko tutulungan. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may p'wedeng hingian ng tulong habang hindi pa tuluyang naisakay ang bata sa nakaabang na van. Wala akong makita ni isa. Galing naman tumiming nitong kidnaper walang dumadating na sasakyan ngayon dito sa parking lot. Naawa ako sa batang lalaki kasi umiiyak hinahanap ang mommy nito. Paano kaya ito nakuha ng mga kidnaper bakit pinabayaan ng mommy niya. O baka hinahanap na ito nalig
Belle "Ate Belle, pwede rin po ako pumunta kay ate Jaya, sa bakery?" naulinigan ko tanong ni Bebeng. Lumundo ang kama sa gilid ko umupo siguro ang kapatid ko. Ha? Anong oras na kaya? Hindi na ako gaano'n inaantok pero ayaw ko lang dumilat at bumangon. Nitong dalawang araw. Napansin ko mas gusto kong matulog at humilita na lang. Kaya nga hapon na ako nagtutungo ng bakery kalimitan alas-dos na ng hapon. "Sige na ate Belle. Babalik din agad ako," paalam nito kaya tumango ako. Panahon na siguro masanay sila sa bakery para katuwang ko mapalago ang maliit naming negosyo kapag hindi ko kaya pumunta roon. "Basta sa kakilalang tricycle ka sumakay ha? I-text mo sa 'kin kapag naroon ka na," bilin ko sa kaniya. "Yes! The best ka talagang ate. Love po kita mwahhh...." niyakap ako sa leeg hinalikan sa magkabila kong pisngi. "Galing ng convincing power ah," anang ko. Pero masaya ako kasi ang lambing talaga ni Bebeng. Well pareho naman sila ni Jaya. Mas malambing nga lang si Bebeng kaysa
Belle Nang makarating kami ni sir Daniel sa apartment. Nag-effort pa rin akong i-text si Scott Miguel. Ako: nakauwi ako ng ligtas. Nasa apartment na ako. Text mo ako kapag nakauwi ka na rin sa condo unit mo. Ako: Scott, sorry sa nasabi ko kanina. Gulong-gulo lang ang isip ko. Hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo dahil mahal na mahal kita. Nag-antay ako ng reply nito kung sasagot agad si Scott. Nang wala pa. Inilapag ko na muna ang cellphone ko sa sofa. Lumingon ako sa kuya Daniel ko. Napangiti ako ng lihim ko s'yang tawagin ng kuya Daniel ko. Kasi para bang sanay na sanay akong tawagin siyang kuya. Mabait kaya itong kuya? Sa layo kasi ng agwat ng edad namin ni kuya Daniel. Siguro madalas kaming mag-away. Hindi magkasundo lalo pa babae ako magkaiba kami ng hilig. “Gusto mong kape?” tanong ko sa kaniya itinuro ko ang maliit naming sofa. Umiling ito umupo pagkatapos sa akin na nakatitig lang. “Bakit?” nakataas kilay na tanong ko sa kaniya nagpamaywang pa ako ngumiti lang i
Belle Naging tahimik kami ni Scott ng pabalik sa table ng magulang niya. Ngunit ng makarating kami sa table ng magulang niya ngumiti na ako. Pinasadahan ako ng tingin ng mommy ni Scott, ngumiti pa rin ako kahit feeling ko tinaasan nito ako ng kilay. “Daddy, ihahatid ko lang po si Belle. Sumama ang pakiramdam niya,” iyon agad ang sinabi ni Scott sa daddy niya. “Anak party ng dad mo aalis ka na agad?” sumagot si Tita Mabel tila dismayado pagkatapos sa akin tumingin napalunok ako kaya pinilit ko maging kalmado. “Hindi po ako ihahatid ni Scott. Diba? Tumingin ako sa kaniya. Hanggang sa parking lot lang po. May susundo po sa akin kapatid ko po,” tugon ko kaya tumango si Tito Edward ngunit hindi si tita Mabel. “Sure ka ba hija okay ka lang? Maiintindihan ko kung ihahatid ka hanggang sa bahay n'yo ng anak ko—” “Edward! Sinabi na nga ni Belle, susunduin ng kapatid bakit ihahatid pa ng anak mo. Isa pa hindi pa tapos ang party mo. Hindi pa nga nakikita iyan ng ibang bisita kasi naka
Belle Nakangiti ako habang pinanood si Scott, siya kasi ang unang hiningian ng speech noong emcee, ng birthday message para sa daddy niya. Seryoso din akong nagbi-video sa kaniya. Pangalawa ang Tito Edward. Ang galing nitong speaker. Hindi nakakaantok kasi may kasamang biro ang atake nito. Natapos ang Tito Edward si Tita Mabel naman ang huli. Kahit na inaaway ako ni Tita Mabel. Kinukuhaan ko pa rin siya ng video. Sa kalagitnaan ng speech nito. Napasinghap ako. “Isa rin itong pagkakataon para ipaalam ko sa lahat, ang nalalapit na pagpapakasal ng nag-iisa naming anak na si Scott Miguel Stewart. Sa anak nina attorney Carlos at doktora Michelle, walang iba si doktora Abril.” Masigabong palakpakan ang nangingibabaw sa buong venue sa announcement na iyon ni Mrs. Stewart. May humiling pa na mga bisita kung maari daw paakyatin sa stage si Abril. Napatingin ako kay Scott. Nakita ko gustong iwanan ang magulang niya sa taas umiling ako. “I'm sorry. Inihatid muna pauwi ng anak ko, dahil m