Lovebele âKumusta naman ang pag-uusap. Nakita ko si hottorney umuwi na. Hindi ba kayo nagpang-abot sa loob ng office ni, Mamasang?â inulan agad ako ng tanong ni Analisa pagdating ko sa p'westo niya. Umiling ako. Umupo sa kaniyang tabi. Wala yatang customer si Analisa kasi mag-isa lang siya sa table niya. âIkaw lang solo mo rito?â tanong ko pa sa kaniya. Kasi may apat na empty bottles ng San Mig light sa harapan ni Analisa. Sa kabila naman may beer mga anim na iyon pero iyong pang-amin ay hindi pa ubos ang laman. âMarami ka ng nainom ah. Ang tibay ng beshy ko, huh?â biro ko tinutukoy mga bote sa table na walang laman. âMay ka-table ako nag-restroom lang. Mabuti nga dahil makulit daming tanong. Pero kerebels lang dinaan ko na lang sa tawa at tango,â wika pa nito sabay bumungisngis. Ganito rin ginagawa ko kapag ka table ko makulit. âNag-usap na kayo ni Mamasang? Si hottorney anong sabi?â Tumango ako at umiling. Kasi dalawa ang tanong niya bahala na siya alin ang akma sa sagot
Lovebele Pagbalik ko sa table ni Analisa. May kasama na ito. Nagulat na lang ako ng hindi gaano'n katandaan ang customer ni Analisa at medyo rin may itsura. Pinasama na nila ako sa table. Mukhang mabait naman kaya pumayag ako. âLisa, kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa naibigay ang pangalan ko. Ako nga pala si Daniel,â pakilala n'ya sa âmin. âDaniel? As in Daniel Padilla?â biro ni Analisa sa kaniya. Natawa ito nakitawa na rin kami. âDaniel ArgilasâĶe,itong kaibigan mo?â âBelle,â ako na ang nagpakilala sa kaniya. Naging dalawa na kami. Okay naman kausap ang ka table ni Analisa. Madaldal nga lang tama si Analisa tango na lang nakikinig sa mga kwento nito. Katulad na lang ngayon. May offer na trabaho. Naalala ko tuloy si Scott pilit ko na lang iyon inalis sa âkin isip. Nagtataka lang ako. Si Sir Daniel ang nag-alok ng trabaho. Pero hindi ako naiinis. Ako na rin ang sumagot customer kasi kaya gano'n. âMabibigyan ko kayo ng trabaho. Kasi tingin ko sa inyo mabait kayong mag
Lovebele After one month.....Alas-sais pa gising na ako't nakabihis na ng pang-alis. Ang dalawa kong kapatid nakanganga pa sa higaan ng tingnan ko parang mamayang tanghali pa gigising ang dalawa. Kasi ganito sila kapag walang pasok sa school nila.Sabado naman kasi ngayon at walang pasok kaya hinayaan ko na makatulog si Bebeng at Jaya ng mahaba-habang oras. Kapag kasi mayroon pasok. Maaga naman ang dalawa kung gumising bumawi lang sila kapag walang pasok.Ako rin walang pasok mamaya at bukas din. Kasi nagpaalam ako sa Mamasang may lalakarin ako kaya hindi ako papasok mamaya gabi gano'n din bukas ng gabi.Hahanap kasi ako ng p'westo sa naisip kong bakeshop. Gusto ko ganito business ang itayo ko kahit maliit lang dahil mag-uumpisa pa lang naman ako.Mabuti na lang pinayagan ako ni Mamasang. Kasi absent din ang bestfriend kong si Analisa, mamaya. Iba naman ang lakad ni Analisa. Pupunta ito mamayang hapon sa Kuya niya kasama ang Nanay. Birthday kasi ng anak ng Kuya ni Analisa. Sa gabi a
Lovebele âAga ng gala natin ah?! Anong atin, besh? Nakalimutan mo bang may lakad kami ni Nanay mamaya?â âHindi ko âyon nakalimutan, besh. Kaya nga inagahan ko na pumunta rito upang masamahan mo pa ako,â âHa, saan naman? Wait! Siya nga pala tumawag ba sa âyo si Scott?â tanong nito kaya nasira ang mood ko nakasimangot ako sa kaniya. âIkaw alam na alam mo talaga paano akong inisin,â saad ko pagkatapos inambahan ko siya ng kamao ko bilang babala na tumahimik siya sa kabubuyo r'yan sa walang paramdam na manok n'yang si Scott Miguel. Hindi ako interesado kung buhay pa ba iyon ngayon. âInis? Nek-nek mo, Lovebele Lozano. Kung hindi ko pa alam hinahanap-hanap mo si hottorney. Utot nimo Inday, âwag ako kabisado ko na ugali mo mga bata pa lang tayo.â âIkaw lang nagsabi n'yang hinanap ko siya kaya tigilan mo ako Analisa,â Almost one month ng hindi nagparamdam uungkatin pa nitong bestfriend kong salawahan ang loyalty, half kay attorney at nasa 'kin ang kalahati. Maganda nga forlife
Lovebele Mayroon na akong nakitang p'westo para sa itatayo kong bakeshop. Nakapag down na rin ako ng five months rent. Imbis na two months lang. Ginawa ko ng five months para may tatlong buwan pa akong allowance hindi magbabayad ng upa. Sa sunod na linggo mag-o-open na ang bakery ko. Hindi pa ako makapaniwala noong una malapit na akong makapag umpisa sa pangarap kong bakery. Bumili na rin ako ng oven at iba pang kailangan na gamit. May nakuha na rin akong panadero at dalawang kasama ko na all around tindera. Sinabi ko naman na all around sila pansamantala lang kasi kauumpisa lang ng bakery ko. Maaga rin ang pasok. Alas singko y medya at labas naman ay alas-singko ng hapon. Mabuti lang pumayag. Kasi kasama naman nila ako sa tanghali at hanggang alas singko lang naman ng hapon, sarado na kami. Kasi nga papasok pa ako ng alas-siyete ng gabi sa Elite club. Pansamantala lang ito habang nag-u-umpisa pa ang negosyo ko. Kailangan ko pa rin magtrabaho. Dahil trial and error kung baga.
Lovebele âDamn!â pupunta si Scott Miguel, ngayon dahil kina Bea? Okay! Dedmahan kami ngayon. Letsugas siya. Tagal n'yang hindi sa âkin nagparamdam pagdating sa iba magiliw siya. Argh! Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil slight akong nauurat kay Scott. Lentek lang talaga hottorney âwag kang makalapit lapit sa âkin dinagdagan mo pa ang kasalanan sa âkin. Pagdating ko sa mismong disco house. Tumayo muna ako sa sulok dahil hahanapin ko pa ang bestfriend ko. Nlibot ko ang aking mata. Nakita rin agad ako ni Analisa. Inirapan ko kahit malayo âto sa âkin. Kasama kasi n'ya si sir Daniel. Kinawayan niya ako. Nakita ko si Sir Daniel kumaway rin sa âkin. Aba himala bumalik si Sir Daniel. Nakikita ko masayang nag-uusap ni Analisa. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa ah. Binilisan ko ang lakad. Kaya lang may table akong nadaanan may nakaupo lalaki at bastos. Pinisil ang magkabila kong pag-upo kaya uminit ang ulo ko. Sinampal ko. Pak! Malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha nit
Lovebele âLovebele, are you sure pupuntahan mo talaga âyung lalaki? Bago mo bang suitor?â Tumigil ako upang lalong asarin si Scott. Tamang hinala ang gago hmp! Wala sana akong balak na kausapin si Scott, ngunit hindi ko pa rin natiis lumingon ako nginisihan ko siya. Ayaw pala nito ako pumunta roon kina Daniel, pero siya p'wede kina Bea? Ang unfair naman nito aba. âSelos ka ba, attorney?â wika ko sa kaniya. Tumawa si Scott, subalit dedma ko lang siya. âPuntahan mo na ka date mo. Look, masama ng tingin sa âkin. Ayaw ko yatang masabunutan dito dahil lang ayaw mo pa lapitan.â Humakbang palapit sa âkin kaya umatras ako mabuti nga tumigil ito. âBakit baliktad yata, LoveâĶBelle? Parang nakikita ko ikaw ang nagseselos. Aminin mo kasi na miss mo ako,â wika nito hindi pa nabubura ang inis nakikita ko sa mata nito. Lalo na kung titingin doon sa table nila Analisa at kay sir Daniel, nakatingin ang nagbabagang mata ni Scott kay sir Daniel. âOws? Ikaw nga kaya ang selos na selos. Ayaw mo pa
Lovebele âPare,â nilahad ni Sir Daniel ang kamay niya kay Scott, ngunit napahiya sir Daniel. Hindi lang iyon pinansin ni attorney. Nimals hindi man lamang inabot ang kamay ni sir Daniel. Napaka sama ng ugali nitong attorney ano siya gold kung maka dedma sa kaibigan ko. âAhm diyan na lang ako besh. Dito ka na umupo,â ani ko at tumayo tinutukoy ko ang p'westo ni Analisa, makikipagpalit sana ako ng upuan para tabi kami ni Sir Daniel. âSit down, Belle!â may galit sa boses ni Scott, doon ako napalunok. Umupo na rin ito sa tabi ko kaya naman pakiramdam ko parang masikip na kaming apat sa table na ito. Tumingin pa si Analisa sa âkin binigyan ako ng babala na, manatili na lang daw ako sa pwesto ko at âwag ng komontra. Lihim akong napaigtad ng ipatong ni Scott ang braso nito sa balikat ko at pinisil iyon. Nanayo pa ang balahibo ko kasi bumaba ang mukha nito sa banda tainga ko at mayroon ibinulong. âSinubukan mong lumipat doon sa tabi ng new found friend mo. Makikita mo Love, ang hin
Belle âScott wala akong ginawa,â saad ko rito. Kahit ito lang ang maniwala sa âkin okay na ako. Nag-antay ako ng isasagot ni Scott. Napanguso ako ng pagmasdan niya ako pagkatapos naningkit ang mata niya palitan kaming binigyan ng tingin ni Scott. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Scott nakapa seryoso kasi kaya hindi na lang ako nagsalita. âAnong nangyari bakit kayo nag-aaway?â si tita Mabel ang nagtanong. Napayuko ako kasi nabasa ko sa mata nito ang dismayado. Kung sa akin lang o para sa âmin dalawa ni Abril hindi ko mahulaan. âT-tita M-Mabel, wala po akong ginawa kay Abri. Nagulat po ako paglabas ko ng CR. Nakaabang na siya sa akin. Hinayaan ko po siya na insultuhin ako para umiwas po sa posibleng gusot na mangyayari. Ayaw ko po siyang patulan bilang respeto po sa inyo. Dahil pamamahay n'yo ayaw kong magkaroon ng gulo. Iiwan ko na siya rito para iwasan ngunit bigla na lang niya akong hinila sa buhok ko at sinabunutan niya ako. Iyong nadatnan n'yo po kanina. Bumitiw po si
Belle Nang matapos kaming maghapunan. Hindi nga kami umuwi ni Scott dahil sa kanila kami matutulog. Pumayag naman ako at nag-text na lamang ako kay Jaya at kuya Daniel na hindi ako uuwi kung pupunta siya sa apartment. Si Abril ewan ko sa babaeng ito kung bakit hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon e, alas-siyete na ng gabi naririto pa rin si Abril. Dito rin siguro matutulog ang dalaga kaya hindi lang kumilos para umuwi siya. Nasa office kasi ni tito Edward si Scott naiwan ako kina tita Mabel at asungot na si Abril, dahil ayaw kong sumama. Isinasama naman ako ni Scott hindi lang ako pumayag baka importante ang pag-uusapan nila ni Tito Edward kaya nagpaiwan ako. Ayaw pa nga akong iwanan kanina ni Scott. Matagal ko pang naitaboy kung hindi pa pinagalitan ng mommy niya at sinabihan ni tita Mabel, wala raw ba tiwala si Scott hindi naman daw nila ako gagalawin bakit ayaw akong iwanan sa kaniya. Lumipas ang thirty minutes. Hindi pa bumalik si Scott. Naiihi na ako gusto kong mag-CR
Belle Kahit paano mayroon nakipaglibing sa tiya Lena. Naihatid namin siya ng maayos sa huli niyang hantungan kahit na mabilisan lang at hindi ko na pinag-antay ng one week. Dalawang linggo na rin ang nakalipas. Balik sa dati, bahay at sa bakery lang ang daily routine ko. Sinundo ako ni Scott sa bakery dahil isasama niya ako sa kanila mayroon daw sakit ang daddy nito dadalaw si Scott. âJaya, maaga kayong magsarado ha? At umuwi agad sa apartment âwag ng gumala kung saan-saan.â âAy ang ate Love? Ganiyan naman kami parati hindi kami mahilig maglakwatsa,â laban niya. âNaniniguro lang,â tugon ko. Napangiti ako kasi napanguso ito. Biro ko lang iyon sa kanila ni Bebeng. Para din alam nila na bawal sila gumala lalo silang dalawa lang ni Bebeng sa apartment. Pero ang totoo naman may tiwala ako sa dalawa kong kapatid alam na nila ang gagawin sanay sila dati na silang dalawa lang sa bahay noong ako'y may trabaho pa. âAte alas k'watro ba kami magsasarado?â si Bebeng ang nagtanong.
Belle âSorry? Pinaghinalaan ko pa naman childhood sweetheart mo iyon,â pabiro kong sabi sa kaniya. Itinuloy ko ang pagkain. Mauubos ko pa yaya ang dala ni Scott na burger. Masaya lang akong pinagmamasdan ni Scott habang busy ang bibig ko sa kangunguya. Ubos na rin ang kinakain niya malaki kasi sumubo si Scott. âTss nangalkal ka lang sa wallet ng may wallet. Hindi mo pa tinitigan ng maayos. Kamukha ko naman ah selos ka lang kasi at mas focus ka roon sa pagkuha mo ng pamasahe,â pang-aasar ni Scott, na kina bungisngis ko. Natawa na rin siya sa âkin. âAkala ko nga ipakukulong mo ako pagkakita natin ulit dahil pinakialaman ko ang wallet mo. Natakot kaya ako noon kunwari lang akong nagpakita ng tapang pero kapag sinampahan mo ako ng kaso baka hindi ko alam ang gagawin ko. Dami ko pa naman problema noon sa tiya Lena." âKinulong naman kita," aniya na kinataas ng kilay ko. "Hindi nakuha ang jokes ko. Kinulong kita sa mga bisig ko nga lang,â anang Scott kinilig ako roon sa kaniyang
Belle Dumating si Scott saktong pauwi na rin ang pumuntang kapitbahay. Nakasimangot ako kay Scott pero ito chill lang kaya ako nauurat lalo sa kaniya. âScott anong ginagawa mo bakit naka tunnganga ka râyan maupo ka nga!â sinita ko na siya parang temang pinanonood ako. Wala naman akong ginagawa. Nakaupo habang ang atensyon ko nasa tiya Lena. Distracted sa papansin na bagong dating na si Scott. Ano naman kaya ang pautot nitoât may pamasid-masid siya sa âkin. âScott Miguel!â Mahinang tumawa. Kung hindi lang siguro nasa funeral homes kami. Malakas na halakhak ang maririnig ko galing dito. Seriously? Inaasar ba ako nito aliw na aliw huh? Sa pagkairita ko sa kaniya. âLove, âtong pinabibili mo ayaw mo bang kainin? Mainit pa kainin mo muna,â wika pa at doon lang talaga kumilos si Scott hindi pa nga lang umupo lumapit lang sa tabi ko. âPinabili ko lang âyan para ikaw ang kumain,â âReally? Akala ko gusto mo ito?â gulat pa ni Scott kumunot pa ang noo. âBakit abala ba ako sa'
BelleNang pagdating ko sa funeral homes. Labis ang aking tuwa dahil may naabutan akong kapitbahay namin na nakikiramay. Dalawa lang sila pero malaking bagay na rin para sa tiya Lena. Kahit na marami itong kaalitan sa âming lugar. Kahit paano may nakaalala ngayon sa tiya Lena.Pinagpasalamat ko sa kanila ng lubos sa pag-aabalang pumunta rito. Nagulat pa sila ng ipakilala ko si kuya Daniel, bilang kapatid ko tipid na ngiti na lang din ang isinukli ko sa kanila.âNahihiya lang kami magtanong Belle rito sa guwapo mong kuya. Sabi ni Pacing may hawig sa iyo. Sabi ko nga baka malayo n'yong kamag-anak,â ani nila na hanggang ngayon hindi pa rin talaga makapaniwala sa bagong nalaman.âOpo kamukha ko kasi kapatid ko po talaga siya, aling Pacing. Mahaba pong istorya eh. Iyon na lang po hehe,â anang ko. Mabuti at nauunawaan din nila ako hindi na nila ako inusisa pa hanggang magpaalam silang uuwi na.âKuya ikaw naman ang magpahinga rin,â saad ko rito ng kami na lang dalawa ang naiwan.âWala kang k
Belle âMasaya pero umiiyak?â tukso ko kay Scott ng mabasag ang boses niya. Ngumiti na lamang siya pagkatapos niyakap ako sa likuran ko pinatong ang baba sa balikat ko. Sumandal ako naman ako sa dibdib niya ng ipatong ni Scott Miguel ang magkabila n'yang palad sa hindi ko pa halatang tiyan. âGusto kong magtampo dahil ako na lang ang hindi nakakaalam pero dahil sobrang saya ko ngayon. Lahat ng tampo ko burado na. Dahil dito sa baby natin.â âSorry na. Sasabihin ko na naman sana sa âyo noong pauwi tayo galing sa inyo. Na busy naman tayo sa sunod-sunod na emergency nangyari,â âWoah! Tiyak matutuwa sina daddy sa ibabalita kong 'to na magkakaapo na sila. Wala ka bang gustong kainin, love? Bibilhin ko kahit ngayon ay hating-gabi na. Magsabi ka lang lalabas ako para bilhin ko? Diba ganoon maglihi ang mga preggy. Wala ka ba noon?â Umiling ako ang saya ko dahil walang kasing saya ni Scott ngayon. Tumingala ako sa kaniya hinalikan niya agad ako sa noo ko. Yumuko pa si Scott ng abutin
Belle Nang buksan ni Scott ang pinto ng apartment namin. Gising pa ang dalawa kong kapatid at bestfriend kong si Analisa. Naawa ako kay Jaya ng mapunta ang atensyon ko rito. Namumugto ang mata maging si Bebeng ngunit malala ang kay Jaya. Dahil hanggang ngayon panay pa rin punas sa mata nito senyales na umiiyak pa rin si Jaya hanggang ngayon. âAte Belle,â sabay nila tawag sa 'kin nasa boses nila pareho marami silang isusumbong sa âkin. Tumayo ang dalawa sinalubong na kami at agad akong niyakap nila ni Jaya at Bebeng. Nakangiti akong ginulo pareho ng buhok nila. Hinaplos ang likuran nila upang patahanin. Apektado nga naman sila dahil bahay namin ang nawala. Doon kasi nabuo ang aming mga munting pangarap ng buhay pa ang Tatay namin. Nakaalalay ang palad ni Scott sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya dahil napako na kami tatlo nila Jaya sa pintuan. Dahil yakap pa ako ng dalawa kong kapatid ayaw pang kumilos. âPasok ka na,â nakangiti ako nginuso si Analisa, upang doon siya pa
Belle âKuya, basta tawagan mo agad ako kapag may problema rito, ha?â bilin ko pa sa kaniya bago kami tuluyang umalis ni Scott. âNoted bunso. Bukas ka na bumalik dito ha? Ako na muna ang bahala rito. Magpahinga ng maayos at kahit tanghali ka na pala bumalik dito, ayos lang. Alam naman ng mga tao sa minimart ang gagawin kahit hindi ako pumunta ng maaga," pagtataboy niya sa âkin. Nagtapikan sila ng balikat ni Scott walang katapusan ibinilin ako ni Kuya sa kaniya. Nang makarating kami sa sasakyan. Doon lang ako nakaramdam ng pagod. Inaantok agad ako kalalapat lang sa upuan. Naulinigan ko pa pinagtatawanan ako ni Scott dahil pipikit-pikit na ang talukap ko hindi ko mapigilan ang antok ko. Naulinigan ko pa ang tawang-tawa si Scott inaasar niya ako. âKanina lang nakipagtalo ka pa sa kuya mo. Hindi raw siya pagod pero bagsak din pala,â pinaringgan ako ni Scott na kinangiti ko na lamang bago akong tuluyang hilahin ng sobra kong antok. âLove, narito na tayo sa tapat ng apartment n'y